Share

Pahiya

KINABUKASAN,

Maagang nag-aalmusal ang pamilya ni Stefano. Linggo ngayon at araw ng pamilya. Naging tahimik ang mga anak nila at hindi maingay sa pagkakataong ito dahil sa nangyari kagabi. Masama pa rin ang loob ng nag-asawa sa nagawa ni Alfa pero hindi na nila inulit ang pagsesermon ngayong nasa harap na sila ng hapag-kainan.

Bilang ang talagang anak nina Stefano at Derie ay si Andrei, kinamusta nila ito. Si Alfa ang nagsabi sa kanila sa kung ano ang nangyari kagabi at kung ano ang nagawa nito. Alalang-alala si Derie sa anak niya dahil napaaway nga ito. Si Andrei ay magaling sa pagpinta at may potensyal sa larangan ng paguhit. Kaya naman alalang-alala si Derie nang malaman niyang napaaway ito.

"Kumusta ang kamay mo, anak?" tanong ni Derie sabay tingin sa kamay ng anak. Dito ay nasagot na ang kaniyang tanong. May nakita siyang paso at kaunting galos gawa nga ng pinagsusuntok nito ang isang lalaki sa party.

"Ayos lang po ako, Mom." tipid na sagot ni Andrei sabay tingin sa kani
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status