"Hindi pa ba nakauwi ang asawa ko?" tanong ni Stella sa katulong habang iginagala ang tingin sa paligid ng sala. Kagigising niya lang at wala sa tabi niya ang asawa.
"Huh, bakit sa akin mo hinahanap ang asawa mo?" mataray na sagot ng katulong.
Naglapat ang mga labi niya at pinigilan ang sariling sagutin ang katulong. Hindi magkalayo ang edad nila ng babae at kung ituring siya ay parang ka level lang nito. Well, sino ba ang gagalang sa kaniya kung mismo ang asawa at kapatid nito ay parang katulong ang turing sa kaniya?
Sa halip na patulan ang pagtataray ng katulong ay minabuti na lang ni Stella na pumuntang kusina. Hindi rin siya ipinaghahanda ng pagkain ng katulong kapag wala ang asawa niya. Mabait lang ito sa kaniya kapag nasa paligid si Charles, ang kaniyang asawa.
Sinundan ni Marimar si Stella sa kusina at pinagsabihan ito." Bilisan mo riyan at linisin agad ang pinagkainan dahil darating si Senyorita Sophie at Donya Magda."
Parang walang narinig na nagpatuloy sa pagluluto ng itlog si Stella. Ang tinutukoy ng katulong ay ang kapatid at madrasta ni Charles. Sa loob ng tatlong taon na pagsasama nila ni Charles ay nasanay na siya sa pangmamaltrato ng mga ito sa kaniya. Tinitiis niya iyon dahil mahal niya ang asawa.
Umingos si Marimar nang ayaw siyang kausapin ng asawa ng amo. Hanga na talaga siya sa pagiging martir ng babae. Wala siyang nakikitang kaibigan nito o kamag anak na dumalaw mula nang naging asawa ito ng amo niya. Ang alam niya lang ay malapit ang babae sa abuelo ng amo kaya ito ang napiling ipakasal sa apo nito.
Hindi pa tapos si Stella sa pagkain nang dumating ang hipag at biyanan. Siya agad ang hinanap at hindi manlang pinatapos pagkain bago nagsalita ng hindi maganda.
"Alam mo ba kung bakit hindi nakauwi kagabi si Kuya?" nang-uuyam na tanong ni Sophie kay Stella.
"Paano niya malaman eh tanga iyan." Nakakainsulto ang tawa ni Magda sabay agaw sa plato ni Stella at itinapon ang tirang pagkain sa basurahan.
Naikuyom ni Stella ang isang kamao na nakapatong sa hita pero blangko ang mukha bago tumayo. "Bakit kayo narito?"
Inis na pinakatitigan ni Sophie ang mukha ni Stella. Parang wala itong pakiramdam sa tuwing makipag usap sa kanila. Kasing lamig ito ng kapatid niya at nakikita lang nila itong ngumiti kapag nasa paligid si Charles. Tulad ngayon, wala manlang reaction na mababasa sa mga mata nito.
"Tunta, bahay ito ng anak ko kaya hindi mo na dapat tinatanong kung bakit kami narito!" singhal ni Magda sa dalaga.
Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi ni Stella at tumitig sa ginang. "Madrasta ka lamang niya."
"How dare you! Ang bastos mo talaga at ang yabang kahit wala kang maipagmalaki sa pamilya namin! Sino ka para pagsalitaan ng ganiyan si Mommy, ha?" Galit na hinila ni Sophie ang mahabang buhok ni Stella.
Pilit na binawi ni Stella ang buhok na hawak ni Sophie ngunit mahigpit ang pagkahawak niyon. Napaigik na siya sa sakit ngunit hindi siya nagmakaawang bitawan nito ang buhok niya. Nang ayaw pa rin siyang bitiwan ay hinablot na rin niya ang buhok nito. Hindi para gumanti kundi para matakot ito at pakawalan na siya. Mas malaki siya kay Sophie kaya kawawa ito kapag pinatulan niya. Pinagtulungan na siya ng dalawa kaya hindi sinasadyang nahila niya ang buhok ni Sophie.
"What the hell are you doing?"
Napatda si Stella nang marinig ang galit na tinig ng asawa. Mabilis siyang nabitawan ni Magda pero siya ay hindi agad nakahuma at hawak pa rin niya ang buhok ni Sophie.
"Charles, help your sister. Oh my, God, kawawa ang kapatid mo sa bruha mong asawa!"
Saka lang parang natauhan si Stella nang marinig ang iyak ni Sophie. Bago pa niya mabitiwan ang buhok nito ay mabilis na siyang natabig ni Charles sa balikat. Sa lakas niyon ay pasalampak siyang natumba sa sahig.
Sandaling natigilan si Charles nang makitang natumba ang asawa. Ngunit nang makitang maayos naman ito ay hinarap niya ang kapatid.
"Kuya, bakit siya ganiyan sa akin? Ipinagluto ko siya ng pagkain pero tinapon niya lang at hindi daw maganda ang lasa. Hindi pa siya nakuntinto at sinabunutan niya ako." Umiiyak na sumbong ni Sophie sa kapatid.
Kahit masakit ang balakang, pilit na tumayo si Stella at lumayo sa asawa. Galit na naman ito sa kaniya at alam niyang hindi siya nito pakinggan kapag nagpaliwanag. Lalo lalang itong magagalit at sabihing sinungaling siya.
Lalong dumilim ang aura ng mukha ni Charles nang makita ang pagkain sa basurahan. Matalim ang tinging ibinaling sa asawa.
"Hijo, huwag kang magalit sa asawa mo. Ako ang may kasalanan dahil mali ang naituro ko kay Sophie." Iniharang ni Magda ang katawan kay Stella.
"Mommy, bakit ba lagi mong kinakampihan ang babaing iyan? I tried my best upang maging ok kami pero sadyang masama ang ugali niya!" maktol ni Sophie sa madrasta.
Malungkot na napayuko na lamang ng ulo si Stella. Ang galing talaga magpa victim ng dalawa para lang masira ang pagsasama nila ni Charles. Ang akala niya ay maging ok na sila ng asawa dahil pumayag na itong lumipat sila ng bahay. Ngunit sinusundan pa rin siya ng mga kontrabida. Ayaw na ayaw ng mga ito sa kaniya dahil mahirap lang umano siya at gold digger. Ang gusto ng mga ito ay ang unang nobya ni Charles na nasa ibang bansa ngayon.
"Ewan mo po muna kami." Matigas na utos ni Charles sa madrasta.
"Hijo, palamigin mo muna ang ulo mo bago kayo mag-usap at baka magkasakitan lang kayo." Concern na pangungumbinsi ni Magda sa binata.
"I'm sorry."
Natigilan sina Sophie at Magda nang marinig ang sinabi ni Stella.
"Sophie, sorry, masama lang ang pakiramdam ko kaya naging maiksi ang pasensya ko." Pagpatuloy ni Stella habang nakayuko ang ulo.
Nainis si Sophie at umaaktong mahina si Stella at nagpapakabait. Kapag hindi siya gumawa ng paraan ay tiyak na mawawala na naman ang galit ng kapatid dito. "Kuya, hindi ako naniniwalang sincere siya sa paghingi ng tawad. Ilang ulit na niyang ginawa ito dahil takot siyang iwan mo."
Marahas na napabuntonghininga si Charles at napahawak sa sintido. Lalo lamang sumakit ang ulo niya at kulang pa siya sa tulog. Umuwi siya upang magpahinga sana ngunit ito pa ang naabutan.
"Honey, please forgive me. Hindi na mauulit, promise!" Itinaas ni Stella ang kanang kamay at umaktong nangangako. Naluluha na rin siya hindi dahil sa lungkot kundi dahil sumisidhi ang sakit sa kaniyang puson. Ngayon lang nangyari ito at hindi niya alam kung bakit.
Nang mapansin ni Sophie na sumasakit ang ulo ng kapatid ay mabilis niya itong nilapitan. "Kuya, sorry, magpahinga ka muna."
Nagpatianod na lamang si Charles nang akayin siya ng kapatid papuntanta sa silid. Nakabubuti na rin ang huwag munang kausapin ang asawa at baka mapagbuhatan pa niya ng kamay ito.
Nanghihinang napaupo si Stella sa upuan nang wala na ang magkapatid sa kaniyang harapan. Pero si Magda ay naroon pa rin at mukhang masaya sa nakikitang paghihirap ng kaniyang kalooban.
"Masakit ba? Kung noon ka pa bumibitaw ay hindi mo sana danasin ang lahat ng ito." Ngumiti si Magda kay Stella.
"Please, leave me alone!" kulang sa lakas na pagtataboy niya sa ginang. Talagang nanghihina siya at ayaw niyang makipag argumento pa sa ginang.
Inirapan muna ni Magda ang babae bago tumalikod at sinundan sina Sophie. Tama na madrasta lamang siya ng magkapatid. Pero mahal siya ng mga ito lalo na ni Sophie. Siya na ang kinilala ng mga ito na ina mula nang magkahiwalay ang mga magulang ng mga ito. Maliit pa noon si Sophie at malaki ang agwat ng edad nito kay Charles. Patay na ang asawa niya na ama ng magkapatid. Ang naiwan ay ang dominating abuelo ng mga ito pero alam niyang malapit na ring mamatay.
Mabagal na humakbang si Stella palabas ng kusina nang wala ng tao. Sapo ang tiyan at kinakabahan siya sa kakaibang nadarama ngayon. Wala siyang ibang maasahan ngayon kundi ang sarili lang. Ayaw niyang magkaroon ng malalang sakit. Tama na ang puso lang ang sumasakit dahil sa pagmamahal. Dinukot niya ang cellphone at may tinawagan.
Napangiti si Magda nang makitang umalis si Stella. Inutusan niya ang katulong na sundan ito at tingnan kung saan sasakay.
"Kuya ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Sophie sa kapatid nang makahiga na ito.
"Ayos lang ako, iwan mo muna ako."
Nakukunsensya napatitig si Sophie sa kapatid. Puro sakit sa ulo lang ang ibinibigay niya sa kapatid. Pero hindi niya mapilit ang sarili na tanggapin si Stella bilang asawa nito. Lahat ng gusto niya ay ibinibigay sa kaniya ng kapatid. Mahal na mahal siya nito pero nabawasan iyon mula nang maging asawa si Stella. Mas m*****a sa kaniya ang babae kaya ayaw niya rito. Kanina nga lang iyon nagpakumbaba at nagpatalo sa kaniya.
Nagmamadaling pumasok si Magda sa silid ni Charles. "Hijo, umalis si Stella at mukhang dinamdam ang nangyari kanina."
Mabilis na dinampot ni Charles ang cellphone na nasa maliit na lamesa. Tangkang tatawagan na niya ang asawa ngunit may biglang tumawag.
"Babe, I miss you!" matinis ang tinig ng babae mula sa kabilang linya.
"Si Elizabeth ba iyan, kuya?" nagagalak na tanong ni Sophie sa kapatid.
Tumango si Charles sa kapatid at walang salitang ipinasa rito ang tawagan. Bumangon siya at dumiritso sa bathroom.
"Hello, besh!" Halos tumalon na sa tuwa si Sophie at excited na makausap ang kaibigan.
"Nasaan ang kuya mo?"
Napalabi si Sophie at hindi siya binati ng kaibigan. "Nakasama mo lang si Kuya kagabi eh mukhang hindi mo na ako kilala." nagtatampo niyang sumbat sa kaibigan.
Napangiti si Elizabeth at pinagtawanan ang kaibigan."Baka nakalimutan mong ikaw ang una kong katagpo nang makauwi ako?"
Napangiti na rin si Sophie sa kaibigan. Ito ang gusto niya sa kaibigan, mahal siya nito at laging inaalala kahit noong nasa ibang bansa pa ito.
"Nasaan na ang bruha mong hipag?" tanong muli ni Elizabeth sa kaibigan.
Malapad ang ngiti habang kinukuwento ni Sophie ang nangyari kanina. Lumayo rin siya sa pintuan ng bathroom upang hindi marinig ng kapatid.
"Sa iyo pa lang ay kawawa na siya, paano na kapag ako ang kaharap?"
"Good idea, bakit hindi ka pumunta dito ngayon? Wala ang bruha at masama ang pakiramdam ni Kuya kaya pagkakataon mo na."
Napangiti si Elizabeth at nagustohan ang suhestyon ng kaibigan. Nagmamadali siyang nagpalit ng damit at pupuntahan si Charles.
Hindi na rin nabura ang ngiti sa labi ni Sophie kahit wala na sa kabilang linya ang kaibigan. Ilalapag na sana niya ang cellphone ng kapatid sa kama nang may biglang nag-message. Napamulagat siya nang makitang galing iyon kay Stella. Hindi na niya binasa ang buong message at nagmamadaling binura nang makitang bumukas ang pintuan ng bathroom.