Home / Romance / Played By Fate / Kabanata 0006

Share

Kabanata 0006

"Ngayong malakas ka na, ano ang balak mong gawin?" tanong ni Lauro sa anak.

Nakangiting hinaplos muna ni Stella ang maliit na pisngi ng anak bago nilingon ang ama. "Sa ibang bansa po muna kami. Saka na ako babalik pagdating ng takdang napagkasunduan."

Napatitig si Lauro sa mukha ng apo. Ang guwapo ng bata at matangos ang ilong. Mukhang wala manlang nakuha mula sa dugo nila. Ayaw pa rin ng anak na ipaalam sa abuelo nito kung sino ang una nitong naging asawa. At siya ay nanatiling tikom ang bibig at hindi pinapangunahan ang anak. Mahal niya ang kaisa-isa niyang anak kaya lahat ng gusto ay ibinigay niya. Ang isa lang pagkakamali ay hinayan itong mamuhay mag-isa noon. Huli na nang malaman niyang nagpakasal ito sa isang lalaki at hindi naman ito mahal.

"Ipaayos ko na ang papelis niyong mag-ina."

"Salamat, dad! Puwede mo po kaming dalawin doon madalas."

Nakangiting tumango si Lauro bago hinalikan sa noo ang natutulog na apo. Masaya na siya para sa anak dahil may makasama na ito hanggang sa pagtanda.

Parang nanibago si Stella sa paligid nang makalabas sila ng anak ng bahay. Sa loob ng isang taon ay nakakulong lang siya sa mansyon nila hanggang sa makaanak. Pero hindi agad siya nakabawi ng lakas pagkapanganak kaya tumagal pa siya roon.

Mabilis na naayos ng ama ang pagpunta nila sa ibang bansa. Ang abuelo ay hindi nangingialam sa disisyon niya sa buhay sa ngayon. Gusto niyang ilayo muna sa bansang ito ang anak niya. Wala rin siyang balak ipakilala sa publiko ang anak niya at natatakot na maaring mawala sa kaniya. Naintindihan na niya ngayon ang dalawa kung bakit itinago siya noon.

Kung mayaman sina Charles, doble ang kanilang yaman sa mga ito. Marami ang gustong makihati sa kanilang kayamanan. Ilang beses na ring napagtangkaan ang buhay ng ama noon nang malamang babae ang tagapagmana ng pamilya. Mahina ang tingin ng mga ito sa kaniya at naisip na kapag wala na ang ama ay wala siyang kakayahang pamahalaan ang maiwan na ari-arian.

Hindi na nakilala ni Stella ang ina noon dahil namatay ito pagkaanak sa kaniya. Marami ang gustong palitan ang ina niya sa puso nito ngunit walang balak mag-asawa pa ng iba ang ama. Ang abuelo ay ilang beses naghanap ng babae para sa ama dahil gustong magkaroon ng apo na lalaki. Ngunit walang nangyari kaya siya ngayon ang napagbalingan ng matanda.

"Samahan ko na kayo sa ibang bansa upang may katuwang ka sa pag-aalaga sa apo ko."

Napataas ang kilay ni Stella sa abuelo. Bigla itong naging interesado sa anak niya dahil lalaki ito.

"Pagbigyan mo na ang lolo mo, gusto lamang niya makabawi sa iyo." Inakbayan ni Lauro ang anak. Hindi siya maaring umalis dahil walang ibang mapagkatiwalaan sa negosyo nila. Ang mga pinsan ay mga traidor at naghihintay lamang ng opportunity na maagaw sa kaniya ang posisyon bilang CEO sa kompanya.

Wala na ngang nagawa si Stella at nakahanda na rin ang matanda sa pag-alis.

....

Mahigit dalawang taon ka nang divorce pero bakit hindi pa rin tayo puwedeng magpakasal? Frustrated na si Elizabeth. Isa pa sa ikinagagalit niya ay hindi rin siya inihaharap ng nobyo sa abuelo nito upang ipaalam na nagkabalikan na silang dalawa.

"Kung hindi mo na gusto ang ganitong set up, maari ka nang maghanap ng iba."

Daig pa ni Elizabeth ang binuhusan ng nagyeyelong tubig at bigla siyang natuod na sa kinupuan. Hindi makapaniwalang nakatitig kay Charles. "Ganoon na lang? Matapos kong iwan ang trabaho ko sa ibang bansa at pinili kong bumalik dito para sa iyo?"

Napabuga ng hangin sa bibig si Charles at mukhang nauubusan ng pasensya na tumingin kay Elizabeth. "Hindi ko kasalanan kung hindi na tulad ng dati ang nararamdaman ko para sa iyo."

Napaiyak si Elizabeth at naitakip ang mga kamay sa mukha. Puwede naman kasi siyang huwag umalis noon dahil ang balak ng nobyo ay sila ang magsasama kahit kasal na ito dahil sa kasulatan lamang iyon. Pero umalis pa rin siya at lingid sa kaalaman ng binata ang dahilan niyon. Naging kampanti siya na hindi magbabago ang pagmamahal nito sa kaniya.

"Babe, hindi naman iyan ang ibig kong sabihin. Ginagawa ko ang lahat upang bumalik ang dati mong pagmamahal sa akin. Please huwag mo akong sukuan ng ganoon na lang dahil ganoon din ako sa iyo."

Napabuntonghinga si Charles at mataman na pinagmasdan ang dalaga. Bigla niyang nakikita rito si Stella kaya nakunsensya siya. Tulad nito ay nakiusap din noon si Stella na bigyan ito ng chance. Ilang taon na rin ang lumipas at hindi na nga niya mahanap ang babae. Tama nga ang abuelo na hindi na niya ito makita pa.

Nagtataka siya kung bakit walang mapagkilanlan sa babae. Pina check niya sa airport at sa probinsya ngunit walang Stella Miranda ang lumabas ng bansa. Ang abuelo ay hindi na umalis sa bahay na para kay Stella at hindi siya kinakausap kung hindi importante.

"Aminin mo sa akin ang totoo, bakit hinahanap mo pa rin ang babaing iyon?" nanunumbat na tanong ni Elizabeth.

"Don't start, Elizabeth. Marami pa akong trabaho kaya sa ibang araw na lang tayo mag-usap."

Mariing naitikom ni Elizabeth ang labi at pinigilan ang sariling magtanong pa. Ayaw niyang mawala sa kaniya ang binata kaya kailangan niyang makuntinto sa ngayon.

Pagkaalis ni Elizabeth ay napahilot si Charles sa kaniyang sintido at nahulog muli sa malalim na pag-iisip.

"Nag-away ba kayo ng fiancee mo?"

Gulat na nag-angat ng tingin si Charles nang may magsalita.

"Bukas ang pintuan kaya pumasok na ako. Nakasalubong ko rin ang nobya mo sa hallway."

Tumayo si Charles at pinaupo ang ginoo. Bagong kliyente nila ito at hindi niya inaasahang sadyain siya nito sa kaniyang opisina. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang unang tanong nito. "May problema po ba at biglaan ang inyong pagbisita?"

"Wala naman, tapos ko nang e review kagabi ang proposal mo at gusto nang pirmahan dahil paalis ako mamayang gabi."

Natuwa si Charles at ang bilis na close deal ang malaking proyekto sa bagong kasosyo. Sandaling nakalimutan niya ang mga gumugulo sa isipan at naging ukupado na sa bagong proyektong hawak ng kanilang kompanya.

"Mag-ingat po kayo sa iyong beyahe!" Nakipagkamay siya sa ginoo nang magpaalam na itong aalis.

Mula sa opisina ng nobyo ay dumiritso si Elizabeth sa opisina ng kaibigan dito niya inilabas ang sama ng loob dahil sa kapatid nito.

"Sorry, Eliz, kung may magagawa lang sana ako upang makasal na kayo ng kapatid ko." Malungkot na inalo ni Sophie ang kaibigan.

"Kapag nahanap na siguro ang babaing iyon ay hindi na siya isipin pa ng kapatid mo."

Napatango si Sophie sa kaibigan. Tama ito, nahahati ang damdamin ng kapatid dahil sa abuelo nila. At ang kailangan ng lolo nila ay makita si Stella.

"Ano kaya kung gumamit tayo ng social media upang mahanap siya? suggest ni Elizabeth.

Napaisip si Sophie, mukhang maganda ang naisip ni Elizabeth.
Mga Comments (1289)
goodnovel comment avatar
Janet Moreno Candido
mark at Avery n po
goodnovel comment avatar
Janet Moreno Candido
bakit Po ganun chapter 4 n Po ako sa kuwento nila jenny at rafael
goodnovel comment avatar
Marissa Bautista
ban nu n lng yo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status