"Sir, malapit na po magsisimula ang meeting."Nilingon ni Charles ang kaniyang secretary na hindi namalayang sumunod sa kaniya. Napabuntonghinga siya bago lumakad pabalik sa conference room.Nawalan na ng ganang tumuloy sa conference room si Stella. Sumakit din bigla ang ulo niya kaya nagpasya na la
"Siya ba ang sinasabi mong kaibigan mo noon, Diana?" tanong ni Vanz sa kapatid."Kuya!" Nakangiting kumapit siya sa braso ng kapatid. "Siya nga po, kuya at huwag mo sana siyang pahirapan dito." Napakamot si Mauro sa batok at lalong hindi na siya makatanggi ngayon sa paanyaya ng dalaga. Kilala niya
Ma'am, ipaghanda ko po kayo ng paborito niyong almusal." Nagkukumahog na lumayo na si Marimar sa dating asawa ng amo.Pipigilan sana ni Stella ang katulong ngunit nakalayo na ito. Ibinalik niya ang tingin kay Charles, para siyang namalikmata nang mabanaag sa mga mata nito ang kakaibang emosyon. Tila
"Hija, pagpasensyahan mo na ang apo ko. Huwag mo na akong alalahanin dahil may nurse na nag-aalaga na sa akin. Masaya na akong nakita kita ngayon at panatag ang loob dahil mukhang masaya ka na sa buhay mo ngayon."Nakangiting tumango si Stella sa matanda bago nilingon si Charles. "Mayaman ang naasaw
"Ang milyones na sinasabi mo, sigurado ka ba na kinuha niya kapalit ng kaniyang kalayaan?"Lalong nagulohan si Charles sa tanong ng abuelo. Ang alam niya lang ay tinanggap ni Stella noon ang pera at umalis. "At naniniwala kang may iba siyang lalaki?" tanong muli ni Ramon sa apo."Lolo, narinig mo n
"Ano ang ginagawa mo dito sa silid ng lolo ko? Ano ang kailangan mo at bumalik ka pa?" Magkasunod na tanong ni Sophie kay Stella at agad na nilapitan ang abuelo.Pumalatak si Stella sa isipan, kung umakto si Sophie ay para bang ginagawan niya ng hindi maganda ang abuelo nito."Sophie, anong klasing
Nanghihinang napasandal si Ramon sa kinaupuan at hindi malaman kung ano ang dapat sabihin sa apo. Sobra siyang nalulungkot dahil nabulag na ito sa sobrang selos na hindi naman dapat maramdaman. Ayaw nang palakihin pa ni Stella ang isyo para sa matanda kaya pinili na lang na manahimik. "Lolo, magpah
Tulog na ang matanda nang dumating ang doctor. Nanatili lang si Stella sa isang tabi at walang balak umalis kahit masama ang tingin sa kaniya ni Sophie."Mabuti na lang at naagapan ang pagtaas pa ng kaniyang dugo. Iwasan ninyong magalit siya ng husto." Payo ng doctor sa pamilya ng pasyente."Paalisi