"Hija, pagpasensyahan mo na ang apo ko. Huwag mo na akong alalahanin dahil may nurse na nag-aalaga na sa akin. Masaya na akong nakita kita ngayon at panatag ang loob dahil mukhang masaya ka na sa buhay mo ngayon."Nakangiting tumango si Stella sa matanda bago nilingon si Charles. "Mayaman ang naasaw
"Ang milyones na sinasabi mo, sigurado ka ba na kinuha niya kapalit ng kaniyang kalayaan?"Lalong nagulohan si Charles sa tanong ng abuelo. Ang alam niya lang ay tinanggap ni Stella noon ang pera at umalis. "At naniniwala kang may iba siyang lalaki?" tanong muli ni Ramon sa apo."Lolo, narinig mo n
"Ano ang ginagawa mo dito sa silid ng lolo ko? Ano ang kailangan mo at bumalik ka pa?" Magkasunod na tanong ni Sophie kay Stella at agad na nilapitan ang abuelo.Pumalatak si Stella sa isipan, kung umakto si Sophie ay para bang ginagawan niya ng hindi maganda ang abuelo nito."Sophie, anong klasing
Nanghihinang napasandal si Ramon sa kinaupuan at hindi malaman kung ano ang dapat sabihin sa apo. Sobra siyang nalulungkot dahil nabulag na ito sa sobrang selos na hindi naman dapat maramdaman. Ayaw nang palakihin pa ni Stella ang isyo para sa matanda kaya pinili na lang na manahimik. "Lolo, magpah
Tulog na ang matanda nang dumating ang doctor. Nanatili lang si Stella sa isang tabi at walang balak umalis kahit masama ang tingin sa kaniya ni Sophie."Mabuti na lang at naagapan ang pagtaas pa ng kaniyang dugo. Iwasan ninyong magalit siya ng husto." Payo ng doctor sa pamilya ng pasyente."Paalisi
Dapat nga ay magpasalamat ka sa akin at maging mabait. Baka nakalimutan mong may pinagpiliian ka pa noon sa pag-alis?"Mabilis na luminga sa paligid si Elizabeth at baka may ibang makarinig sa sinasabi ni Stella. "You, shut up! Walang maniniwala sa iyo kahit magsalita ka sa kanila!"Nang-uuyam ang t
Nagkatinginan sina Sophie at Magda. Kapag manatili si Stella sa bahay na ito kasama ang abuelo nila, tiyak na samantalahin ng babae na mapalapit muli sa kaniyang kapatid. Ngayon pa lang ay naaawa na si Sophie kay Elizabeth. Tiyak na masasaktan muli ang kaibigan niya.Nauna nang lumabas si Charles sa
"Huwag kang mag-alala, ibabalik ko kay Lolo ang singsing. Nakalimutan kong siya ang nagbigay niyon sa akin."Bumuka ang bibig ni Charles ngunit muli ring naitikom. Hindi niya mabigkas ang laman ng isipan at pinangungunahan na naman siya ng kaniyang ego."Marahil ay ang singsing ang hinihintay mo par