Home / Romance / Played By Fate / Kabanata 0005

Share

Kabanata 0005

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2023-11-14 13:56:19

"Wala pa rin bang balita?" naiinip na tanong ni Charles kay Roy.

"Sorry, sir, lahat ng hotel maging small apartments ay pinatingnan ko na pero wala siya roon."

Galit na binitawan ni Charles ang hawak na pen at masama ang tinging ipinukol sa tauhan. "Wala na ba kayong ibang paraan upang mahanap siya at maibalik sa bahay?"

Napayuko ng ulo si Roy, kapag ganoong tumaas na ang timbri ng boses ng binata ay nawalan na ito ng pasensya. Gusto nitong ibalik sa bahay na ibinigay nito ang dating asawa bago pa dumating ang abuelo nito.

"Get out!" muli niyang bulyaw sa tauhan nang wala na itong maisagot na tama sa kaniya.

Ilang araw na rin ang lumipas at hindi niya makuntak si Stella. Ang ikinagagalit niya ay kinuha lang nito ang pera pero hindi sinunod ang isa sa kasunduan na nasa kasulatan. Nakalakip doon na kailangan pa rin nitong magpakita sa abuelo niya at tulungan siyang makumbimsi ang matanda na naghiwalay sila ng maayos. Na walang third wheel namagitan kaya nakipag divorce siya.

Nahulog sa malalim na pag-iisip si Charles at iniisip kung saan maaring tumuloy si Stella. Gusto niyang sisihin ang sarili ngayon at hindi niya inalam ang ibang family background ng babae. Ni-hindi niya alam kung may kamag anak pa ba ito at taga saan.

"Bakit ko ba siya inaalala? Mukhang mapera ang lalaking ipinalit niya sa akin kaya hindi ito titira sa kalye lamang." Pampalubag niya sa sariling kalooban.

"Pero wala kang sapat na ebedensya na lalaki nga niya ang nasa larawan." Kontra ng isang bahagi ng kaniyang isipan.

Marahas na napabuga ng hangin sa bibig si Charles at kinastigo ang sarili dahil nahahati ang paniniwala. Naihilamos pa niya ang palad sa mukha nang muling bumalik sa balintataw ang nakarehistro sa mukha ni Stella. Nakabalatay sa mukha nito ang lungkot, saya at pagsuko.

"I love you, please give me a chance na patunayan ko sa iyo na dahil sa pagmamahal kaya kita pinakasalan."

Naikuyom niya ang kamaong nakapatong sa lamesa at muling naalala ang pakiusap sa kaniya ng dating asawa. Hindi siya naniniwala na pagmamahal ang dahilan ng pagpakasal nito sa kaniya. Naging nurse ito ng abuelo niya noon at ginamit ang kabaitan ng matanda upang piliin ito na ipakasal sa kaniya.

Noong una niyang kita sa babae ay gusto niya rin ang ugali nito. Maalaga sa abuelo niya at maalalahanin. Alam din nitong may nobya siya at madalas na nakakasama niya noon sa pagdalaw sa abuelo na nasa hospital. Ngunit hiniling pa rin nito sa abuelo niya na ito ang piliing ipakasal sa kaniya. Napukaw ang diwa niya mula sa pagbabalik tanaw nang may kumatok sa pintuan.

"Sir, nasa labas po si Ms. Elizabeth." Anunsyo ng kaniyang secretary.

Tinanguan niya ang secretary. Kailangan niya ng ibang mapagbalingan ng isip ngayon at ang nobya ang naisip niya.

"Babe, I miss you!" Agad na umupo si Elizabeth sa kandungan ng nobyo at walang pag-alinlangang hinalikan ito sa labi.

Sa una ay hinayaan lang ni Charles na humalik sa labi niya ang dalaga. Ngunit nang palalimin na nito ang halik sa kaniya ay biglang lumitaw sa balintataw niya ang malungkot na mukha ng dating asawa.

"Why?" nagtatakang tanong niya sa binata nang bigla nitong ilayo ang mukha nito sa kaniya.

"I'm busy, may kailangan ka ba?"

Napasimangot si Elizabeth sa biglang panlalamig ng nobyo. Ang akala niya ay magkaroon na ito ng mas maraming oras sa kaniya ngayon dahil wala na si Stella. Ngunit kabaliktaran ang nangyari.

"Parating na si Lolo sa sunod na araw. Huwag ka munang pumunta ng bahay at hindi niya maaring malaman na nakabalik ka na."

Napasimangot si Elizabeth at padabog na umalis mula sa pagkaupo sa kandungan ng nobyo. Noon pa man ay talagang hadlang na sa pagmamahalan nila ang matanda. Ang tuwa na sana niya noong magkasakit ito. Ang akala niya ay mamatay na ito ngunit humaba pa pala ang buhay.

"Hindi ko pa rin nahahanap si Stella at ayaw kong isipin ni Lolo na ikaw ang dahilan kaya kami nagkahiwalay."

Napangiti si Elizabeth at concern pa rin sa kaniya ang binata. Ayaw lang nitong sumama lalo ang tingin sa kaniya ng matanda. Umikot siya sa likuran nito at yumakap mula roon. Ipinatong ang chin sa pagitan ng balikat at leeg nito bago bumulong. "Wala pa naman si Lolo kaya may oras pa tayo."

Mariing naipikit ni Charles ang mga mata at hinayaan sa pang-aakit sa kaniya ang dalaga. Ngunit laking dismaya niya sa sarili at wala iyong dating nararamdaman niya sa tuwing akitin siya nito.

....

Where's Stella?" Ang babae agad ang hinanap ni Ramon pagkakita sa mga apong sumundo sa kaniya sa airport.

Napatingin si Sophie sa kapatid at hindi siya puwede magsalita o pangunahan ito.

"Sa bahay na po tayo mag-uusap, Lolo." Tinulak na ni Charles ang wheelchair na kinaupuan ng abuelo.

Hindi maganda ang kutob ni Ramon lalo na at tahimik lang ang apo na babae. Ang dalawa lang ang sumundo sa kaniya at himala na wala si Magda. "Gusto kong makasalo sa pagkain si Stella kaya doon na tayo dumiritso sa bahay niyo."

Tinanguan ni Charles ang driver at pinagbigyan ang gusto ng abuelo. Ang doctor nila ay tinawagan niya at doon na rin pinapunta. Gusto niyang may titingin na manggagamot dito at baka tumaas ang dugo kapag nalaman ang tungkol sa hiwalayan nila ni Stella.

Nakaramdam ng tampo si Sophie sa abuelo at mukhang si Stella lang ang na miss nito. Kaya naiinis siya sa babaing iyon dahil parang ito na ang apo ng matanda at hindi siya.

Pagdating sa bahay ay nakangiting pumasok si Ramon sa bahay. Ngayon lang siya nakabisita rito dahil nasa ibang bansa siya nang lumipat ng bahay ang mag-asawa. Ngunit laking dismaya niya nang ang katulong ang sumalubong sa kaniya sa halip na si Stella. Kinutuban na siya ng hindi maganda pero nagpakahinahon siya.

"Lolo, magpahinga po muna kayo," ani Charles at tinulak muli ang kinaupuan nito.

"No, sabihin mo na sa akin ang totoo!" matalim ang tinging ipinukol niya kay Charles.

Napabuntonghinga si Charles at inayos sa sala ang kinaupuan ng abuelo. Tinantya niya muna ang kundisyon nito.

"Lolo, hindi po kasalanan ni Kuya kung bakit nagkahiwalay sila. May ebedensya rin po na may iba siyang lalaki!"

Pinukol ni Charles ng matalim na tingin ang kapatid dahil inunahan siya sa pagsasalita. Agad naman nitong itinikom ang bibig at nagyuko ng ulo.

Nangangalit ang bagang na napatingin si Ramon sa binatang apo. Hindi siya naniniwala sa narinig at hinintay itong magpaliwanag.

"Lolo, tatlong taon na rin ang nakalipas. Alam niyo po ang isa sa kasunduan natin."

Nanatiling lapat ang labi ng matanda at pilit na kinakalma ang sarili. Ayaw niyang manghina na naman dahil mas kailangan siya ngayon ng mga apo. Tama ito, tatlong taon lamang ang napagkasunduan na magsasama ang mga ito. Pero hindi niya akalaing hindi mabubuntis si Stella lalo na at nagbukod na ang mga ito ng bahay. Ang akala niya ay nahulog na rin ang loob ng apo sa dalaga at wala nang hiwalayang mangyari.

"I'm sorry kung hindi ka na nahintay. Hindi ko naman po siya pinabayaan at sinigurong hindi na siya maghihirap kahit nagkahiwalay na kami."

"Isa ba ang bahay na ito sa ibinigay mo?"

Nagulat si Charles at naging kalmado sa pagtanong ang abuelo. Tumango siya bilang tugon sa tanong nito.

"At wala siya rito mula nang mag-divorce kayo, tama ba?"

"Pinahahanap ko na po siya upang makapag usap na rin kayo."

Napangisi si Ramon at umiling. "Huwag ka nang umasang makita mo pa siya at tirhan niya ang bahay na ito.

Natigilan si Charles dahil sa sinabi ng abuelo. Hindi niya alam pero parang may sumipa sa kaniyang dibdib sa kaalaman na hindi na makikita pa si Stella kahit kailan.

"Gusto ko nang magpahinga." Sininyasan niya ang kaniyang nurse na itulak na ang wheelchair niya.

Awang ang labi na napasunod ang tingin ni Sophie sa abuelo. Ang inaasahan niya ay bulyawan nito ang kapatid niya o paluin ng kahit anong bagay na hawak nito. Pagtingin niya sa kapatid ay mukhang nanibago rin ito sa abuelo nila.

Makalipas ang ilang minuto ay nilingon ni Charles ang kanilang doctor. "Tingnan mo po ang kalusugan ni Lolo."

Tahimik na tumalikod na ang doctor at sinundan sa silid ang matanda.
Comments (26)
goodnovel comment avatar
Lorena Cruz
what should i do, nsa book 4 n ako bigla umulit aq book 1?
goodnovel comment avatar
Alejo Fernandez Allenshir
paunlock po ng chapter 7and 8 thanks
goodnovel comment avatar
Mayoneta Fajelago Maquinto
Chapter 7 please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Played By Fate   Kabanata 0006

    "Ngayong malakas ka na, ano ang balak mong gawin?" tanong ni Lauro sa anak.Nakangiting hinaplos muna ni Stella ang maliit na pisngi ng anak bago nilingon ang ama. "Sa ibang bansa po muna kami. Saka na ako babalik pagdating ng takdang napagkasunduan."Napatitig si Lauro sa mukha ng apo. Ang guwapo n

    Last Updated : 2023-11-14
  • Played By Fate   Kabanata 0007

    Napaiyak si Stella nang makatanggap ng balita mula sa Pilipinas. Nanghihinang napaupo siya sa sofa at dahan-dahang binalingan ng tingin ang abuelo."Ano ang nangyari at sino ang kausap mo?" tanong ni Fausto sa apo.Lalong napaiyak si Stella at halos hindi maibuka ang bibig. Ilang ulit na bumuka ang

    Last Updated : 2023-11-15
  • Played By Fate   Kabanata 0008

    Excited na nagkita sa isang shop ng mga branded na damit sina Elizabeth at Sophie. Kinalimutan muna nila ang tungkol sa paghahanap kay Stella. Inuuna nila ngayon ay ang pagbili ng magandang damit para sa event na dadalohan sa sunod na lingo."Sa tingin mo, maging kaibigan natin siya?" tanong ni Soph

    Last Updated : 2023-11-16
  • Played By Fate   Kabanata 0009

    Ang salesladay ay nanunuya ang tingin kay Stella at nasa isip na hindi ito nagkamali sa pag-judge sa dalaga.Nakangising nagkibit balikat si Stella kay Sophie. "Hindi niyo ba nabalitaan na pinaka ayaw ng apo ng don ay mga ugaling plastik at ipokrita?"Naikuyom ni Sophie ang palad at inis na pinukol

    Last Updated : 2023-11-16
  • Played By Fate   Kabanata 0010

    Unang tingin pa lang ay alam agad ng manager na maling tao ang nahusgahan ng kaniyang staff. Galit na tingin ang ipinukol niya sa tauhan bago lumapit sa babaing simple lang manamit. "Ma'am, pasensya na po sa ginawa ng staff ko."Lalong nagulat sina Sophie at Elizabeth dahil sa ginagawa ng manager."

    Last Updated : 2023-11-16
  • Played By Fate   Kabanata 0011

    "Inutil! Paanong hindi niyo ma trace kung nasaan na siya? Malinaw na nasa paligid lang siya at hindi lumabas ng bansa!" Galit na naihampas ni Charles ang hawak na forlder sa lamesa.Si Sophie na tahimik lang sa loob ng opisina ng kapatid ay napapiksi dahil sa galit ng kapatid. "Sorry, sir, pero kah

    Last Updated : 2023-11-17
  • Played By Fate   Kabanata 0012

    "Nakapili ka na ng isusuot mo?" tanong ni Fausto sa apo."Yes, kumusta po ang pakiramdam niyo?" Sinalat niya ang noo ng abuelo. Alam niyang tumaas ang bp nito dahil sa mga pinsan. Hinihintay niya lang talaga na ipakilala siya ng abuelo sa publiko saka niya harapin ang pinaghihinalaan nilang sangkot

    Last Updated : 2023-11-17
  • Played By Fate   Kabanata 0013

    Napatingin si Diana sa babaing nakatitig sa kanila. Nang magsalubong ang kanilang tingin ay bumakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat. "Stella?"Hindi na nagtaka si Stella kung nagulat ang babae pagkakita sa kaniya. Well, hindi nito alam ang tunay niyang pagkatao kaya nakapagtaka nga kung bakit siya

    Last Updated : 2023-11-18

Latest chapter

  • Played By Fate   Kabanata 0842

    "Kailangan natin siyang mapa laboratory at sigurado akong may itinatago sila kaya ayaw na ibang doctor ang humawak sa case ng asawa mo. Tumawag din si ang kaibihan ko kanina at bukas niya gustong makipagkita sa iyo." Napahawak si Ken sa ulo at biglang sumakit iyon. Wala pa nga pala siyang tulog at

  • Played By Fate   Kabanata 0841

    "Mula ngayon ay hindi ka na maaring lumapit sa anak ko!" Angil ni John sa dalaga. "Alam ko pong wala akong magawa dahil kaibigan lamang ako ng anak ninyo. Pero ang pinsan ko—" hindi naituloy ni Ashley ang iba pang naisi na sasabihin at pinigilan siya ng kaibigan. "Please, I'm tired. Gusto ko nang

  • Played By Fate   Kabanata 0840

    "Daddy?" nanghihinang tawag ni Freya sa ama nang mamulatan ito. Kakaiba na naman ang nararamdaman niya sa sarili. Masayang ginagap ni John ang palad ng anak na walamg dextrose. "Kumusta ang pakiramdam mo, anak?" Naluluhang pinakatitigan ni Freya ang ama. Bihira niya lang itong makitang nag aalala

  • Played By Fate   Kabanata 0839

    "Siguro ay naintindihan mo na ngayon kung bakit siya nagkakaganito?" Sarkastikong tanong ni Joe sa kaharap. Ibinalik ni Dave ang folder sa manggagamot. Mung prepared na ito bago sila hinarap kanina. "Hintayin ko na lang ang parents ng pasyente." Tanging naisagot ni Dave sa ginoo. Naihiling niya na

  • Played By Fate   Kabanata 0838

    "Natawagan niyo na po ba ang pamilya niya?" tanong ng manggagamot na si Joe sa mga nagdala kay Freya sa hospital. "Wala po kaming kontak sa parents niya pero kami ang responsible sa kaniya. Kung ano man ang kailangang gawin ay gawin na po ninyo at hindi problema ang pera." Sagot ni Ashley sa doctor

  • Played By Fate   Kabanata 0837

    Nangunot ang noo ni Ken nang makita ang labis na takot sa mga mata ng dalaga. Halos hindi na ito kumukurap habang nakatitig sa camera. Ang mga titig nito sa kaniya ay nagmamakaawa. Humihingi ng tulong na para bang alam nitong mapapahamak ito. Gusto man niyang kaawaan ito pero tama ang kaibigan. Kail

  • Played By Fate   Kabanata 0836

    "Ahhh ang sakit, help me!" Hiyaw ni Freya at naitulak niya ang kaibigan upang mahawakan ang ulo na parang mabibiak dahil sa sobrang sakit. Nanginig na si Ashley dahil sa takot at pag aalala sa kaibigan. Kahit masakit ang balakan dahil tumama iyon sa kantohan ng kama. Muli niya itong hinawakan sa mg

  • Played By Fate   Kabanata 0835

    "Dad." Napatayo si Ken nang makita ang ama. "Kanina ka pa ba dumating?" "Hindi naman." Umupo si Rafael sa bakanting upuan. "Tapos ka na sa trabaho mo?" "Sorry, dad, nagkaroon lang kanina ng problema at—" "It's ok, iwan mo na sa akin iyan at ako ang tatapos." "Po?" Parang nabingi bigla si Ken.

  • Played By Fate   Kabanata 0834

    "Yes... ahm, no!" nalilito niyang sagot. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Pag iiba niya sa paksa at naging masuyo pa rin ang tanong niya sa dalaga. Pakiramdam niya ay bigla siyang napagod dahil sa labis na pag aalala kanina kaya napaupo na siya. "I'm little bit scared." Hindi na siya nagsinungaling pa

DMCA.com Protection Status