Home / Romance / Played By Fate / Kabanata 0004

Share

Kabanata 0004

"Babe, good morning!" Masiglang bati ni Elizabeth sa binata nang maabutan ito sa kusina at nagkakape.

Nangunot ang noo ni Charles nang makita ang dating nobya. Inilibot niya ang tingin sa paligid at mukhang namali ng bahay na tinulugan.

"Dito na ako natulog kagabi kasama si Sophie. Ayaw mong magpa isturbo kaya hindi ko na naipaalam." Ngumiti siya sa binata habang nagpapaliwanag.

"Have a sit."

Mabilis na tumalima si Elizabeth at umupo sa tabi ng binata. Ngayong wala na si Stella, siya na ang makasalo ng binata sa hapagkainan simula sa araw na ito. Walang mapagsidlan ng tuwa ang puso niya dahil ramdam niyang muli na kaniya na si Charles.

"Marimar, gisingin mo na rin si Stella upang makapag almusal."

Hindi naituloy ni Elizabeth ang pagdampot sa tinidor at hindi makapaniwalang napatitig kay Charles.

"Sir, mula nang umalis kahapon si Ma'am Stella ay hindi na siya bumalik." Nag-aalinlangang sagot ng katulong. Kahit hindi maayos ang pagsasama ng dalawa ay hindi maaring hindi sabayan ito sa pagkain kapag naroon ang among lalaki.

Pabagsak na binitiwan ni Charles ang hawak na tinidor at masama ang tingin sa katulong.

"Babe, huwag ka kay Marimar magalit. Nagmamadaling umalis kahapon ang babaing iyon at mukhang excited na makasama muli ang bago niyang lalaki." Pagtatangol ni Elizabeth sa katulong.

Naikuyom ni Charles kamao at walang paalam na iniwan ang kinakain. Dumiritso siya sa silid ni Stella nang maalala ang sinabi ni Daniel na umalis ang babae na walang ibang bitbit kundi ang bag lang nitong maliit.

"Kuya, ano ang ginagawa mo rito?" sita ni Sophie sa kapatid nang maabutan ito sa silid ni Stella.

Hindi pinansin ni Charles ang tanong ng kapatid. Binuksan niya ang lahat ng drawer ni Stella at mukha siyang nabunutan ng tinik nang makitang kumpleto pa ang gamit nito.

"Kuya, ipapaligpit ko na kay Marimar ang gamit mo upang sabay na tayong umalis dito."

"Huwag mong galawin ang gamit ko. Pagkatapos niyong kumain ay maari na kayong umalis at isama mo si Elizabeth."

Awang ang bibig na napatitig si Sophie sa kaniyang kapatid. "Kuya, ibinigay mo na ang bahay na ito sa babaing iyon kaya kailangan mo na ring umalis."

"May kailangan pa kaming pag-uusapan kaya hihintayin ko ang pagbalik niya. Huwag na rin maraming tanong at marami pa akong kailangang gawin."

Inis na tumalikod si Sophie at naging malamig na naman sa kaniya ang kapatid. Kapag ganoon ang mood ng kapatid ay hindi niya ito pwedeng salungatin o kulitin pa. Nagtataka siya kung bakit parang hinahanap ng kapatid ang asawa nito na ngayon ay ex-wife na.

"Hayaan niyo na muna siya. Ang mahalaga ay wala na ang babaing iyon." Pang-aalo ni Magda sa dalawang babae nang magsumbong si Sophie.

"Tama si Mommy Magda, ang mabuti pa ay mag celebrate tayong muli sa labas." Masiglang turan ni Elizabeth.

Si Marimar ay biglang nalito at hindi alam kung ano ang dapat gawin dahil mukhang hindi aalis ang amo hangga't hindi bumabalik si Stella. Kapag nagkaganoon ay hindi niya magalaw ang gamit ng babae na ibinigay na sa kaniya.

Lumipas ang isang araw na hindi pa rin bumabalik si Stella. Galit na tinawagan na ni Charles ang tauhan at pinahanap ito.

"Sa tingin ko ay hindi siya interesadong tumira pa sa bahay na ito."

Galit na nilingon ni Charles si Daniel. Naroon ito dahil may kailangan pa siyang pirmahan. "Lahat ng gamit niya ay nasa silid."

"Nag-aalala ka ba na wala siyang magamit at matirhan?" nanunubok na tanong ni Daniel sa kaibigan.

"Ayaw ko lamang na may masabi si Lolo."

Matipid na ngumiti si Daniel sa kaibigan. Gusto niya pa sanang itanong na dahil nga lang ba sa abuelo nito. Ngunit alam niyang maiksi ang pasensya ngayon ng kaibigan at baka sa kaniya pa ibunton ang galit nito ngayon sa sarili.

"Well, tapos na ang trabaho ko kaya aalis na ako. Kapag may kailangan ka ay tawagan mo lang ako."

Tinanguan niya lang ang abogado at inutusan ang katulong na ihatid ito sa pintuan. Nang wala na ang kaibigan ay muli niyang dinampot ang cellphone at tinawagan ang numero ng dating asawa. Ngunit katulad kagabi ay hindi pa rin ito makuntak.

"Sir, dumating na po si Roy." Pagbabalita ni Marimar.

Nag-unat siya ng likod sa kinaupuan at hinintay na makalapit ang inutusan upang alamin kung saan tumuloy si Stella.

"Sir, nahanap ko po ang taxi driver at itinuro niya kung saan dinala si Ms. Stella. Ngunit walang ganoong pangalan na naging pasyente sa hospital at—"

"What? Dinala sa hospital si Stella? Bakit at ano ang nangyari?"

Napakamot so Roy sa ulo dahil hindi siya naintindihan ng amo. Nabulyawan pa siya nito at hindi pinatapos sa pagsasalita.

"Nasaan na siya ngayon?" Tumayo si Charles at naghanda sa pag-alis.

"Hindi na po namin siya naabutan sa hospital, sir. Isa pa ay hindi rin alam kung ano ang ginawa niya sa gusaling iyon dahil wala naman ang pangalan niya sa list ng pasyente roon."

Madilim ang aura ng mukha na bumalik si Charles sa kinaupuan. "Alamin mo kung nasaan na siya ngayon at ibalik dito bago pa malaman ng abuelo ko ang tungkol sa divorce."

Nakakaunawang tumango si Roy sa amo. Mukha lang walang puso ang amo niya pero hindi nito gustong ma dissapoint ang matanda dito.

...

"Nasa labas ang ama mo," ani Alex sa dalagang nakahiga sa kama. Bawal dito ang magkikilos kaya puro higa lang ang gawa nito.

Napabuntonghinga si Stella at wala na siyang kakayahang kumilos upang makaiwas sa sariling pamilya. Pagkabukas ng pintuan ay ang madilim na aura ng mukha ng ama ang sumalubong sa kaniyang paningin.

"Bakit hinayaan mong ganitohin ka nila? Hindi kita pinabayaan sa gusto mo para lang apihin ng pamilya niya!"

Naipikit ni Stella ang mga mata at halos mabingi siya sa lakas ng boses ng ama. Tagos sa buto ang galit nito at kung nasa harapan lang nila ang taong may dahilan niyon, tiyak na nasakal na ng ama niya.

"Dad, ayos lang po ako. Hayaan mong ako na ang maningil kapag malakas na ako." Nanatili siyang nakapikit habang nakikiusap sa ama.

"That's bullshit! Mahal mo pa rin ang lalaking iyon sa kabila ng ginawa niya sa iyo?" Galit na bulyaw ni Lauro sa anak. "Sa tingin mo ay mananahimik lang ang abuelo mo?"

Napamulat ng mga mata si Stella at hindi maiwasang kabahan. "Dad, huwag mo pong sabihin sa kaniya a—"

"Too late," putol ni Lauro sa pagsasalita ng anak. "Nalaman niyang bumalik ka na at nagtatago rito."

Bumagsak ang mga balikat ni Stella at nag-aalala para sa anak na nasa sinapupunan pa.

"Hindi ko na sakop ang nangyayari ngayon. Ginawa ko ang lahat noon upang hindi ka niya mahanap at makilala ang lalaking kinahumalingan mo."

Naglapat ang mga labi ni Stella at pilit na pinakalma ang sarili. Sa tuwing nababahala siya ay kumikirot ang kaniyang puson. Naapiktohan ang anak niya sa bawat emosyong pinapakawalan niya.

"Papunta na rin siya rito at hindi na kita maitago pa."

Kusang pumatak ang luha sa mga mata niya at ipinatong ang mga palad sa sariling tiyan. Masama magalit ang abuelo niya at tiyak na hindi nito gustohing matuloy ang ipinagbubuntis niya. Ilang sandali pa ay bumukas muli ang pintuan.

Natahimik sa silid nang pumasok si Don Fausto. Ang lamig ng tingin nito sa dalagang nakahiga sa kama.

"Lo-lolo..." nautal siya at hindi masalubong ang malamig na tingin ng abuelo.

"May kasama akong doctor. Ayaw kong magkaroon ng bastardong apo sa tuhod."

Pakiramdam ni Stella ay lalo siyang nanghina sa narinig. Nagpapasaklolo ang tingin niya sa ama ngunit matigas ang tinging ipinukol sa kaniya. "Lolo, pakiusap hayaan mong buhayin ang batang ito. Pangako, kapag malakas na ako ay gagawin ko ang lahat ng ipagawa mo sa akin."

Madilim pa rin ang aura ng matanda habang mataman na pinakatitigan ang dalaga. Lumipat ang tingin nito sa tiyan ng apo at sandaling napaisip. "After five years, susundin mo lahat ng gusto ko at ako ang pipili ng mapangasawa mo."

Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Stella sa narinig. Tinanggap niya ang kundisyon ng matanda. "Pero kapag nawala ang anak ko ay mabaliwala ang kasunduan natin ngayon."

Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi ng don. Ito ang nagustohan niya sa apo, namana nito ang katusuhan niya. Naniniguro talaga ito bago makipag close deal. May isang salita siya at ganoon din ang apo. Alam niyang wala rin itong balak ipakilala sa kanila ang lalaking nakabuntis dito. Sa ngayon ay hahayaan niya ito upang matupad ang napagkasunduan.

"Magpadala ako ng magaling na doctor na siyang mag-aalaga sa inyo ng anak mo. Hindi rin kita gogolohin hanggang sa makaanak ka."

Sapat na iyon kay Stella at napanatag ang kalooban para sa anak. Nakipaghiwalay siya kay Charles dahil gusto niyang mabuhay ang anak. Kaya ngayon ay hindi siya makakapayag na gawan din ng hindi maganda ng abuelo niya.

Siya si Stella Mcwell, nag-iisang apo at tanging tagapagmana ng isang business tycoon sa loob at labas ng bansa. Ngunit walang nakakaalam niyon sa publiko dahil itinago siya ng abuelo sa publiko noong bata pa siya hanggang sa magdalaga.

Ang akala niya noon ay ikinahihiya siyang ipakilala sa lahat dahil isa siyang babae. Nagrebelde pa siya nang malaman ang tunay na pagkatao. Ang akala niya noon ay simpleng buhay lamang ang mayroon siya. Ang kinikilalang pinsan ng ama na siyang nag-aalaga sa kaniya ay katulong pala nila. Ang akala niya rin noon ay nagtatrabaho sa malayo ang abuelo at ama dahil madalas na wala ay mali rin pala.

"Five years..." tumatango si Don Fausto at mukhang nagbilang pa ng taon sa daliri nito. "Magkakaroon ng malaking event upang pumili ng lalaking mapapangasawa mo."

Napailing si Lauro habang pinagmamasdan ang ama. Ngayon pa lang ay halatang natutuwa na ito sa mangyari. Hindi siya nito napasunod noon kaya bumabawi sa anak niya.
Mga Comments (31)
goodnovel comment avatar
Jhen Borlagdan Arco
Ang ganda ng kwento..Next episode please.
goodnovel comment avatar
BIHILDIS QUEZON
nice story
goodnovel comment avatar
Fredelyn Almacen Catubig
wow ganda nman thanks po writer...️...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status