Share

Kabanata 3

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2023-11-07 18:37:36

Napalunok si Stella ng sariling laway at parang biglang nanuyo iyon bago tuwid na tumingin muli kay Charles. "Gusto ko lang malaman kung nagkaroon ba ako ng puwang diyan sa puso mo kahit kaunti lang?"

Blangko ang tinging ipinukol ng binata kay Stella. "Alam mong pinakasalan lamang kita dahil sa abuelo ko. Kunin mo ang perang habol mo sa akin kaya mo ako pinakasalan kapalit ng kalayaan ko.

Pilit na sinupil ni Stella ang paghulma ng mapait na ngiti sa kaniyang labi. Hindi niya masisi ang asawa kung iyon ang nasa isip hanggang ngayon. Wala siyang maidahilan noong tinanong siya kung bakit gusto niyang magpakasal dito. Naidahilan niya ay noon pa niya pangarap makapag-asawa ng mayaman. Isa pa ay kahit hindi iyon ang isagot niya noon ay talagang mukhang pera ang tingin nito sa kaniya. Pero sobra siyang nasasaktan ngayon dahil hindi manlang siya nagawang mahalin ni Charles sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama. Mahinang buntonghininga ang pinakawalan niya at marahang tumango sa asawa.

"Kung naging mayaman ba ako ay mahalin mo rin ako?" wala sa sariling naitanong niyang muli.

"Ang tunay na pagmamahal ay hindi makasarili at mapagsamantala sa kahinaan ng taong mahal niya," malamig at mahahulugang tugon ni Charles sa babae.

Napayuko ng ulo si Stella at tinamaan ang ego niya sa mga sinabi ng asawa. Sandaling natahimik siya bago nagpasya.

Nagulat ang abogado nang walang salitang kinuha ng dalaga ang pen na hawak niya at pinirmahan ang divorce paper. Nilingon niya si Charles pero tumalikod na ito at iniwan sila.

Parehong hindi makapaniwalang napatitig sina Magda at Sophie kay Stella. Hindi nila inaasahang mapapirma nila ito na wala ng gulong naganap o pilitan.

"Huh, lumabas na talaga ang tunay mong kulay. Pinatunayan mo ngayon na mukhang pera ka talaga at hindi totoong mahal mo si Kuya!" inis na sumbat ni Sophie sa babae. Siya ang nasasaktan para sa kapatid.

"Sophie, huwag ka nang mag-aksaya ng laway sa babaing iyan. Ang isang gold digger ay walang puso at puro panlilinlang ang nasa katauhan." Hinawakan ni Elizabeth sa braso ang kaibigan.

"Hangad ko ang kaligayahan ng kapatid mo kaya ko siya pinapakawalan ngayon."

Sandaling natigilan si Sophie nang mabanaag ang lungkot sa mga mata ni Stella kahit nakangiti ito.

Binalingan ni Stella si Elizabeth. "Pinauubaya ko na sa iyo ang pag-aari ko. Alagaan mo siya. Hirap siyang makatulog sa gabi kapag walang katabi."

Inis na nag-iwas ng tingin si Elizabeth. Nainsulto rin siya sa sinabi nito na para bang ipinamumukha sa kaniya na tira na lang nito ang ibinibigay sa kaniya.

"Ms. Stella, ito pa ang kailangan niyong pirmahan." Inilahad ni Daniel ang isa pang papel sa harapan ng dalaga.

Napabuntonghinga si Stella at tinitigan lang ang papel. Iyon ang kasunduan kalakip ng pera.

"Huwag kang magmamadaling maangkin ang bahay na ito. Hintayin mong mahakot ang gamit ni Charles at—" hindi natapos ni Magda ang sasabihin nang biglang tumalikod si Stella.

"Hindi ko iyan kailangan. Pakisabi na salamat sa tatlong taon na pagkupkop sa akin."

Tulalang napasunod ang tingin ni Daniel sa tumalikod na dalaga. Hindi siya makapaniwalang hindi interesado sa pera at bahay ang huli.

"Ms. Stella, paano ang mga gamit mo?" Habol ni Marimar sa dalaga bago pa ito makalabas ng bahay.

"Sa iyo na ang lahat ng iyon," ani Stella habang patuloy sa marahang paghakbang palabas ng pintuan. Kailangan na niyang umalis habang may lakas pa ang mga tuhod sa paghakbang.

"Huh, ang yabang! Gusto niya lang kayong kunsensyahin at kaawaan siya kaya tinanggihan ang pera!" Inis na naibulalas ni Elizabeth.

Parang natauhan na napakurap si Sophie. Hahabulin niya sana si Stella at mukhang may dinadamdam ngunit pinigilan siya ni Magda.

"Huwag kang maawa sa kaniya. Alalahanin mong diyan siya magaling. Hindi dapat malaman ng kapatid mo na hindi niya tinanggap ang pera."

Wala sa sariling napatango si Sophie sa ginang. Nakita niyang sumakay sa isang taxi si Stella at tanging handbag nito ang dala sa pag-alis. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero nakaramdam siya ng awa kay Stella. Naitanong niya sa sarili kung tama ba ang ginawa niya rito.

"C'mon, girl, hindi ka dapat maawa sa babaing iyon. Dapat tayong magpakasaya dahil malaya na ang kapatid mo at matupad na rin ang pangarap ko na maikasal kay Charles."

Ngumiti si Sophie sa kaibigan at tumango. Kinuha niya ang papel na hawak ng abogado at kailangan niya itago iyon. "Sabihin mo kay Kuya na dinala ni Stella ang kopyang ito."

Napilitang tumango si Daniel sa dalaga. Agad niyang sinundan sa library si Charles.

"Tapos na ba niyang pirmahan lahat ng papelis?" Nanatiling nakaharap si Charles sa binata.

"Yes," tanging sagot ni Daniel at ipinatong ang pinirmahan ni Stella sa lamesa.

Napatingin si Charles sa divorce paper. Hindi nga siya namalikmata lamang kanina. Talagang pinirmahan ni Stella ng bukal sa loob ang papel. Samantalang dati ay nagmamatigas ito kahit inalok niya ng malaking halaga. Naisip niyang marahil ay wala itong matirhan kaya isinama na niya ang bahay na ito.

"Sigurado ka bang wala kang pagsisihan sa biglaang disisyon mong ito?" naitanong ni Daniel habang mataman na pinagmamasdan ang kaibigan.

Sa halip na sagutin ang kaibigang abogado ay nagsalin si Charles ng wine sa baso. Tinagayan niya rin ang kaibigan at nakipag toast dito.

Hindi na muling nagtanong pa si Daniel sa kaibigan. Sinamahan niya ito sa pag-inum at alam niyang kailangan iyon ng kaibigan.

Masayang pinasok ni Marimar ang silid ni Stella at namili ng nagustohang gamit. May mga alahas din pero nag-alinlangan siyang kunin iyon. Ang sabi naman ni Sophie ay kaniya na nga lahat iyon pero kinakabahan siya. Well, saka na niya angkinin iyon kapag paalis na sila sa bahay na ito. Isasara na muna niya iyon upang walang ibang makakapasok.

Nag-inum na rin sina Sophie, Magda at Elizabeth bilang pagsilibra sa pagkawala sa buhay nila ng taong tinik sa kanilang lalamunan.

Mariing naipikit ni Stella ang mga mata at pilit pinipigilan ang pagtulo ng mga luha. Kailangan niyang kumalma at kumirot muli ang kaniyang tiyan. Naipagpasalamat niya at may natira pa siyang pera na pamasahe sa taxi. Nagpahatid siya sa hospital at natatakot siyang mawala ang ipinagbubuntis dahil hindi tumitigil ang pagkirot ng tiyan.

Kahit nanghihina ay naisip niyang tawagan ang sumundo sa kaniya kahapon. Ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makitang patay ang cellphone. Hindi pa rin pala niya nai-charge iyon. Nang makita ang medical result niya ay nakuyumos niya iyon. Walang ibang dapat na makaalam tungkol sa kaniyang pagbubuntis. Mabuti na lang at mabait ang taxi driver. Inalalayan pa siya nito at hinatid hanggang sa loob ng hospital.

Nang mabalitaan ng doctor na bumalik ang pasyente niya ay dali-dali niya itong inasikaso. Sobra siyang nag-alala nang makitang nagkaroon ito ng blood spot. Hindi na niya ito tinanong nang makitang nagsusumamo ang tingin sa kaniya.

"Huwag mo hayaang mawala ang anak ko!" Pagmakaawa ni Stella sa manggamot.

Malungkot na tumango ang doctor sa dalaga. Agad niyang tinurukan ito ng pampaampat sa pagdurugo at pinagpahinga. Hanga rin siya sa tapang at lakas ng loob nito. Nagawa nitong makabalik na mag-isa lang upang mailigtas ang anak na nasa sinapupunan nito.

Kahit papaano ay napanatag ang kalooban ni Stella at may tiwala siya sa doctor. Hinayaan niya ang sariling kamalayang magpatangay sa karimlan. Gusto niya ring makalimot pansamantala at napapagod na ang puso niyang nasasaktan.

"Doc, hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong ng nurse nang maabutan muli sa silid ng pasyente ang manggaamot.

"Hintayin ko lang siyang magising." Sagot ni Jenny sa nurse. Ilang oras na ring nakatulog ang pasyente niya at sinisilip niya ito sa tuwing wala siyang ginagawa.

Nagising si Stella dahil sa ingay na naririnig. Pagmulat niya ng mga mata ay agad siyang napahawak sa kaniyang tiyan.

"Don't worry, malakas ang kapit ni Baby."

Matipid na ngiti ang pumaskil sa labi ni Stella nang makilala ang doctor. "Maraming salamat! Tatanawin kong utang na loob itong pag-asikaso mo sa akin."

"Trabaho ko ang magligtas ng buhay. Baka may kailangan ka na maari akong makatulong?"

Napatingin si Stella sa orasan na nasa dingding. Gabi na pala at nakaramdam na rin siya ng gutom.

"May pinahanda akong pagkain na nakabubuti sa inyo ng baby mo."

"Maraming salamat, maari ba akong makahiram ng cellphone?"

Walang pag-alinlangan pinahiram niya ang cellphone sa dalaga. May cellphone ito pero nakita niyang naka off iyon.

Naipagpasalamat ni Stella at saulado niya ang number ng taong lagi niyang hinihingan ng tulong tulad ngayon. "I need your help."

Mataman na pinagmasdan ni Jenny ang pasyente. Nakikita niyang dalawa ang personality ng babae ayun sa taong kausap nito.

Hindi na pinatagal ni Stella ang pakipag-usap sa lalaki. Pagkabigay ng lugar kung nasaan siya ay ibinalik na niya ang gadget sa doctor.

"Kailangan mo ba ng charger para sa cellphone mo?"

"Hindi na po, salamat!"

"Well, kung wala ka nang kailangan ay aalis na ako. Huwag kang mag-alala at ibinilin kita sa pang night shift na doctor at nurse."

Muli siyang nagpasalamat sa mangaggamot. Nang wala na ito ay pinilit niyang makabangon at kailangan niyang kumain. Kahit walang gana ay hindi siya maaring magutom para sa kaniyang anak.

Malungkot ang gabi niya kahit dumating na ang tinawagan kanina.

"Babalik na po ba kayo sa bahay niyo?" magalang na tanong ni Alex sa dalaga. Nang tumango ito ay napangiti siya. "Tiyak na matutuwa ang iyong ama."

Mapait na ngumiti si Stella sa ginoo. Ang pagbalik sa poder ng ama ay nangangahulugan lamang ng pagsuko sa kalayaan niya sa lahat ng bagay.

"Huwag kang mag-alala, hija. Tiyak na mapabuti ka na at hindi na danasin ang buhay na naranasan mo sa piling ng iyong asawa."

Inis na nag-iwas siya ng tingin sa ginoo. Nitong huli na lang niya nalaman na lihim siyang pinasusubaybayan ng ama at inaalam ang kaniyang sitwasyon.

"Naayos ko na po ang lahat at maari ka nang lumabas."

Mabilis na inayos ni Stella ang sarili at bumaba ng kama. Walang imposible kapag ang ama niya ang kumilos.

"Your phone."

Mabilis niyang inagaw mula sa ginoo ang phone at sinira iyon. Pinutol niya rin ang sim card bago itinapon sa basurahan. Ang cellphone ay ibinato niya sa dingding kaya nagkapira-piraso iyon. "Linisin niyo ang silid bago lumabas."

Nagmamadaling dinampot ni Alex ang kalat sa sahig at itinapon iyon sa basurahan. Masaya siya at bumalik na ang dating Stella.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (30)
goodnovel comment avatar
Rosalinda Briones
bkit ganun Nada part na ako ni mark at avery blik ulit sa part 4
goodnovel comment avatar
Lorna Magtaas De Guzman
bakit ganun book 4 na ako bumalik aq s book 1
goodnovel comment avatar
Carla Dela Cruz
ganda ng story,
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Played By Fate   Kabanata 4

    "Babe, good morning!" Masiglang bati ni Elizabeth sa binata nang maabutan ito sa kusina at nagkakape.Nangunot ang noo ni Charles nang makita ang dating nobya. Inilibot niya ang tingin sa paligid at mukhang namali ng bahay na tinulugan."Dito na ako natulog kagabi kasama si Sophie. Ayaw mong magpa i

    Last Updated : 2023-11-14
  • Played By Fate   Kabanata 5

    "Wala pa rin bang balita?" naiinip na tanong ni Charles kay Roy."Sorry, sir, lahat ng hotel maging small apartments ay pinatingnan ko na pero wala siya roon."Galit na binitawan ni Charles ang hawak na pen at masama ang tinging ipinukol sa tauhan. "Wala na ba kayong ibang paraan upang mahanap siya

    Last Updated : 2023-11-14
  • Played By Fate   Kabanata 6

    "Ngayong malakas ka na, ano ang balak mong gawin?" tanong ni Lauro sa anak.Nakangiting hinaplos muna ni Stella ang maliit na pisngi ng anak bago nilingon ang ama. "Sa ibang bansa po muna kami. Saka na ako babalik pagdating ng takdang napagkasunduan."Napatitig si Lauro sa mukha ng apo. Ang guwapo n

    Last Updated : 2023-11-14
  • Played By Fate   Kabanata 7

    Napaiyak si Stella nang makatanggap ng balita mula sa Pilipinas. Nanghihinang napaupo siya sa sofa at dahan-dahang binalingan ng tingin ang abuelo."Ano ang nangyari at sino ang kausap mo?" tanong ni Fausto sa apo.Lalong napaiyak si Stella at halos hindi maibuka ang bibig. Ilang ulit na bumuka ang

    Last Updated : 2023-11-15
  • Played By Fate   Kabanata 8

    Excited na nagkita sa isang shop ng mga branded na damit sina Elizabeth at Sophie. Kinalimutan muna nila ang tungkol sa paghahanap kay Stella. Inuuna nila ngayon ay ang pagbili ng magandang damit para sa event na dadalohan sa sunod na lingo."Sa tingin mo, maging kaibigan natin siya?" tanong ni Soph

    Last Updated : 2023-11-16
  • Played By Fate   Kabanata 9

    Ang salesladay ay nanunuya ang tingin kay Stella at nasa isip na hindi ito nagkamali sa pag-judge sa dalaga.Nakangising nagkibit balikat si Stella kay Sophie. "Hindi niyo ba nabalitaan na pinaka ayaw ng apo ng don ay mga ugaling plastik at ipokrita?"Naikuyom ni Sophie ang palad at inis na pinukol

    Last Updated : 2023-11-16
  • Played By Fate   Kabanata 10

    Unang tingin pa lang ay alam agad ng manager na maling tao ang nahusgahan ng kaniyang staff. Galit na tingin ang ipinukol niya sa tauhan bago lumapit sa babaing simple lang manamit. "Ma'am, pasensya na po sa ginawa ng staff ko."Lalong nagulat sina Sophie at Elizabeth dahil sa ginagawa ng manager."

    Last Updated : 2023-11-16
  • Played By Fate   Kabanata 11

    "Inutil! Paanong hindi niyo ma trace kung nasaan na siya? Malinaw na nasa paligid lang siya at hindi lumabas ng bansa!" Galit na naihampas ni Charles ang hawak na forlder sa lamesa.Si Sophie na tahimik lang sa loob ng opisina ng kapatid ay napapiksi dahil sa galit ng kapatid. "Sorry, sir, pero kah

    Last Updated : 2023-11-17

Latest chapter

  • Played By Fate   Kabanata 1155

    "Pare, long time no see!" Nakangising nakipag bump ng balikat si Zandro sa matalik na kaibigang si Carl. Kakauwi niya lang galing sa ibang bansa at niyaya agad ito sa dati nilang tambayan. "Kumusta ang buhay mo dito nang wala ako?" Nakangising umupo si Carl bago sumagot. "Tahimik, pare, tumino na

  • Played By Fate   Kabanata 1154

    "And a baby boy!" Dugtong ni Ethan saka niyakap ang ina at binuhat ito dahil sa tuwa. Parehong natigilan sina Mark at Jenny at nagkatinginan. Hindi agad naintindihan ang ibig sabihin ni Ethan. Saka lang sila mukhang natauhan mula sa iniisip na pustahan nang tumawa si Rafael. Sinamaan ni Jenny ng t

  • Played By Fate   Kabanata 1153

    "Tulungan mo akong maitayo si Sofia." Utos ni Avery sa asawa. Mabilis na tumayo si Ethan nang hindi na nakadagan sa kaniya ang asawa. Agad niyang binuhat ito at nakaalalay sa kaniya ang ama at Tito Rafael. "Sweetie, mabigat ako." Napakapit si Sofia nang mahigpit sa balikat ng asawa. Hindi alintan

  • Played By Fate   Kabanata 1152

    "Ok lang ako dito at sobrang maalaga ang mommy mo." Hinaplos niya ang buhok ni Ethan at nakalapat ang tainga nito sa tiyan niya na parang pinapakinggan ang tibok ng puso ng anak nila. Nagkatinginan sina Alexa at Avery matapos panoorin ang ginagawa nila Alexa at Ethan. "Mabuti ka pa at secured na

  • Played By Fate   Kabanata 1151

    "Kahit hindi niya kinukuha ang mana na para sa kaniya ay hindi niyo pa rin maaring angkinin o galawin, maliwanag?" Tumango na lang si Ruby sa asawa pero sa isipan ay iba ang iniisip at alam niyang ganoon din ang anak. "This is your last chance, Joyce, kaya magbagong buhay ka na. Kalimutan mo na an

  • Played By Fate   Kabanata 1150

    "At wala rin siyang gustong makuha sa ari arian o mana?" Natawa si Ruby at natuwa sa nabasa sa ikalawang page. Sinamaan ni Rudy ng tingin ang asawa at masaya pa ito sa natuklasan. "Yes, wala siyang kunin kahit isang kusing sa yaman ng inyong pamilya dahil ayaw niya ng gulo. Hindi mukhang pera ang

  • Played By Fate   Kabanata 1149

    "Sigurado ka na hindi na ituloy ang kaso sa babaing iyon?" tanong ni Ethan sa asawa. Nakangiting tumango si Sofia sa binata. Ayaw niyang sumugod muli ang ama sa pamilya ni Ethan upang makaiusap. "Ayaw ko rin silang makaharap. Alam mo namang hindi titigil ang mga iyan hangga't hindi nakuha ang gusto

  • Played By Fate   Kabanata 1148

    "Sorry pero bawal ang special treatment sa loob." Pagkasabi niyon ay tinalikuran na ng police ang mag asawa. Nanghihinang napakapit sa braso ng asawa si Ruby at umiyak muli. Walang magawa ang pera nila sa lagkakataon na ito. Galit at walang salitang bumalik na si Rudy sa loob ng sasakyan. Binosin

  • Played By Fate   Kabanata 1147

    "Humihingi kami ng tawad sa nagawa ng anak namin noon. Bata pa siya noon kaya naging impulsive." Mukhang nauubusan ng dahilan na ani Rudy at pilit na inililigtas ang anak. "Ngayon ba bata pa rin siya at naging impulsive?" Sarkastikong tanong ni Avery sa lalaki. "Bakit ba nagmamatigas kayo? Ok lang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status