Home / Romance / Played By Fate / Kabanata 0002

Share

Kabanata 0002

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2023-11-07 18:26:36

Nanghihinang nakahiga si Stella sa hospital bed. Hindi pumayag ang doctor na hindi siya ma-confine dahil delikado ang kalagayan niya.

"Hija, hindi mo ba tatawagan ang asawa mo upang may magbabantay sa iyo?" untag ng doctor na babae kay Stella.

Pilit na ngumiti si Stella sa doctor, "na text ko na po."

Nakangiting tumango ang doctor sa dalaga. Nakaramdam ito ng awa sa bagong pasyente at halatang hindi naalagaan ang katawan.

Napabuntonghininga si Stella nang wala na ang doctor. Muli niyang hinaplos ang impis na tiyan at kahit papaano napangiti siya. Sa wakas, magkakaroon na sila ng anak ng asawa. Magkaroon na ng dahilan upang mahalin siya ng asawa at mabuo na ang pamilya nila.

Mabuti at naagapan ang ipinagbubuntis niya. Hindi niya alam na five weeks pregnant na pala siya. Ang kailangan niya ngayon ay ibayong pag-iingat upang hindi mahulog ang anak na nasa sinapupunan na niya.

"Ipapaalam ko na po ba—"

Mabilis na nilingon ni Stella ang lalaking kanina pa niya kasama at umiling. "Maari ka nang umalis, tatawagan kita kapag kailangan ko ang tulong mo."

Nagyuko ng ulo ang lalaking kahit may edad na ay matikas pa rin. Agad na sumunod sa utos ng dalaga at tahimik na nilisan ang silid.

Muling napangiti si Stella nang mapag-isa na lang sa silid. Kinuha ang cellphone na nakapatong sa maliit na lamesa at tiningnan kung may reply ang asawa. Ngunit sa halip na message mula sa asawa, ang nag message sa kaniya ay si Sophie. Mabilis na nabura ang ngiti sa labi niya nang mabasa ang message.

"Huwag mo nang abalahin ang kapatid ko dahil dumating ang pinakamamahal niyang babae. Mas mahalaga si Elizabeth kaysa buhay mo."

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone matapos mabasa ang message ni Sophie. Talagang masukista siya sa sariling damdamin at binuksan pa niya ang video clip na kalakip ng message ng hipag.

Kusang tumulo ang luha sa mga mata habang pinapanood ang video. Mapait siyang napangiti nang makitang ngumiti si Charles sa babae nito. Kung kaharap niya lang ang babae ay tiyak na nahila niya ang buhok nito. Napahagulhol na siya ng iyak nang hinalikan nito sa labi si Charles at hindi manlang umiwas ang asawa niya. Ang sakit, hindi lang ang puso niya kundi pati ang tiyan niya. Mukhang ramdam ng anak niya ang sakit na nadarama ng kaniyang puso.

Putol ang video sa tagpong hinalikan ni Elizabeth ang asawa niya. Kilala niya ang babae, ito ang ingawan niya noong pakasalan siya ni Charles. Nagmakaawa pa ito sa kaniya noon na huwag nang sundin ang utos ng abuelo ni Charles. Ngunit mahal niya ang binata kaya natuloy ang kasal.

Ang akala niya ay nakuha na niya ang loob ni Charles sa loob ng tatlong taon na pagsasama nila nito. Nagtiis siya at nagpakumbaba para lang mahalin siya nito. Nang magawa siyang angkinin ay sobrang saya niya noon kahit lasing ito. Naulit pa ng ilang beses pero pinaiinum siya ng gamot upang hindi mabuntis.

"Kaya ba madalas ay hindi na siya umuuwi ng bahay?" umiiyak na tanong niya sa sarili.

May isang buwan nang nabalitaan niyang nakabalik na ng bansa si Elizabeth. Ang akala niya ay nagawan ng paraan ng Don na hindi na muli makabalik ng bansa ang babae. Ngunit nakabalik ito at sa tulong tiyak ni Charles. Sa takot niyang manlamig na sa kaniya ang asawa nitong mga nakaraang buwan ay palihim niyang tinatapon ang pills.

"Anak, patawarin mo ang mommy. Nabuo ka dahil sa panlilinlang ko. Patawad at mukhang hindi na kita mabigyan ng buo na pamilya." Hinaplos niya ang sariling tiyan at hinayaan ang masaganang luhang dumaloy sa makinis niyang pisngi.

Isa pang buntonghininga ang ginawa niya at pilit na pinakalma ang sarili. Ayaw niyang pati ang anak ay mawala sa kaniya. Ngumiti siya para sa anak. Bawal siya ma stress kaya kailangan niyang magpakahinahon. Ipinangako sa sarili na huling luha na niya ito para sa asawa. Ngayong may buhay na kailangan niyang pangalagaan, kailangan niyang pairalin ang utak ngayon at hindi ang puso.

....

Babe, obvious na pinagtataksilan ka ni Stella. Marahil ay nabalitaan na niyang bumalik ako kaya naghanap agad siya ng lalaking sasalo sa kaniya mula sa kahirapan!"

Madilim ang anyo habang pinakatitigan ni Charles ang larawang kuha ng katulong mula sa labas ng kanilang bahay. Naka side view ang asawa niya sa larawan at inaalalayan ito ng lalaki papasok sa magarang sasakyan.

"I told you, kuya, mukhang pera ang babaing iyan. Nakahanap agad siya ng matandang lalaki at mapera." Inis na humalukipkip si Sophie sa harapan ng kapatid.

Blanko ang mukha na tumayo si Charles at tinalikuran ang tatlo. "Gabi na, magpahinga na kayo."

Mabilis na hinawakan ni Magda sa braso si Sophie upang pigilan na sa pagsunod sa kapatid nito. "Tama na, hija. Hayaan muna nating makapag-isip ang kapatid mo."

Nakasimangot na naipadyak ni Sophie ang isang paa dahil sa inis. Hindi siya kuntinto sa nakikitang reaction ng kapatid sa larawan.

Tumayo na rin si Elizabeth at hinarap ang kaibigan. "Kilala niyo ba kung sino ang lalaking nasa larawan?"

Sandaling natigilan si Magda at ngayon lang din naisip ang tanong ni Elizabeth. Pinakatitigan niya ang larawan. Hindi biro ang presyo ng sasakyang sumundo kay Stella. Pinagmasdan niya ang mukha ng lalaki. Nakasuot ito ng tuxedo at mukhang kagalang-galang pero hindi pamilyar sa kaniya ang mukha nito.

"Mom, isa ba siya sa inutusan mo upang sirain sa mga mata ni Kuya ang babaing iyon?" tanong ni Sophie sa madrasta.

"Hindi ko siya kilala. Wala akong alam na may kamag anak din siyang mayaman kaya hindi ko alam kung sino ang lalaking iyan."

"Never mind, huwag na po natin pag-aksayahang isipin kung sino ang tumulong sa kaniya. Ang importante ay napaniwala natin si Charles na may lalaki ng iba si Stella." Ngumiti si Elizabeth sa dalawa.

"Tama! Ang kailangan nating gawin ngayon ay siguraduhing wala nang awang maramdaman si Kuya para sa babaing iyon!" Inakbayan ni Sophie ang kaibigan at inakay na ito patungong silid na para dito.

Sa hospital, tulalang nakatitig lang si Stella sa kisame. Nagninilay sa kung ano na ang gagawin sa buhay. Iniisip pa lang na mamuhay na malayo sa asawa ay naiiyak na siya. Pakiramdam niya ay umiiyak na rin pati ang puso.

"Kapag nalaman niyang buntis ako, tiyak na pipiliin niya ako," kausap niyang muli sa sarili. Naalala niyang mahalaga sa pamilya nito ang anak.

"Tama, hindi niya hahayaang magkaroon ng bastardong anak kaya mapilitan siyang manatili sa tabi ko!" siya na rin ang sumagot sa sarili at napangiti.

Unti-unting pumikit ang mga mata na may ngiti sa mga labi. Kinalimutan na muna ni Stella ang unang pangako sa sarili kanina. Gusto niyang maging masaya ang anak paglaki nito at buo ang kanilang pamilya.

Hindi alam ni Stella kung ilang oras siyang nakatulog. Nagising na lang siya na maliwanag na ang paligid. Pagtingin niya sa cellphone ay naka off iyon. Pa empty na ang battery niyon kagabi at wala siyang dalang charger.

"Good morning, kumusta ang pakiramdam mo?" bati ng doctor pagkapasok ng silid.

Ngumiti si Stella sa bata pang doctor. Mabait ito sa kaniya pero hindi nagbibigay ng buong information niya rito. "Maayos na po, doc, puwede na po ba akong lumabas?"

Sinuri muna ng doctor ang pulso ng dalaga pati ang dextrose nito. Paubos na iyon at maayos na rin ang heartbeat ng pasyente at bata na nasa sinapupunan nito.

"Resitahan kita ng gamot na pampakapit sa bata at vitamins. Sundin mo ang mga bilin ko at kailangan mong bumalik dito next week."

"Opo, maraming salamat po!"

"Wala pa rin ang asawa mo?" Inilibot ng doctor ang tingin sa paligid.

Pilit na ngumiti si Stella sa doctor, "parating na po siya at susunduin niya ako. Maraming salamat po muli."

Sandaling napatitig ang doctor sa dalaga bago ngumiti. "Alalahanin mong bawal kang ma stress. If you need someone to talk, maari mo akong lapitan."

Pinigilan ni Stella ang mapaluha at nakangiting tumango sa manggagamot. Alam niyang totoo ang concern nito sa kaniya kahit hindi naman sila close at kahapon lang nagkakilala.

"Iwasan mo ang maging emotional lalo na ang malungkot dahil nararamdaman iyan ng anak mo."

Marami pang sinabi ang manggagamot at payo sa kaniya na kaniya namang tinandaan. Pati ang maging mabuting ina ay itinuro rin sa kaniya. Mukhang ramdam nitong hindi maganda ang relasyon niya sa asawa.

Mabagal ang bawat hakbang na lumabas siya ng gusali ng hospital. Nilanghap ang hangin at isang buntonghininga ang pinakawalan sa bibig bago pumara ng taxi. Nagpahatid siya sa bahay nilang mag-asawa at umaasang maayos na ang relasyon nila ni Charles. Pagkapasok niya ng bahay ay si Magda ang sumalubong sa kaniya. Mukhang doon natulog ang mga ito at hindi niya nagustohan ang tingin nito sa kaniya.

"Saan ka galing? Ang kapal ng mukha mo at nagawa mo pang magpakita rito matapos mong matulog sa labas kasama ang bago mong lalaki!"

"Magdahan-dahan po kayo sa pananalita at wala akong ibang lalaki." Pilit siyang nagpakahinahon at iniisip ang anak.

"Deny mo pa rin kahit may ebedensya na?" nang-uuyam na segunda ni Sophie.

Lumingon si Stella sa sala kung saan nakatayo ang hipag. Saka niya lang napansin ang asawa na nakaupo sa sofa. Agad na bumalatay ang sakit sa kaniyang mukha nang makita ang babaing katabi nito. Kung ganoon ay doon din natulog ang babae. Malinaw na sa kaniya ngayon na wala talaga siyang halaha sa asawa kahit nalaman nitong nasa hospital siya. Parang bigla siyang nanghina at hindi magawang ihakbang ang mga paa. Maging ang pagbuka ng bibig ay hindi niya rin magawa.

Napatikhim ang abogado na naroon nang mapansin ang aura sa mukha ni Stella. Bigla siyang naawa rito pero wala siyang magawa. Wala ang abuelo ni Charles at nasa ibang bansa dahil doon nagpapagamot. Alam ng lahat na naikasal ang dalawa dahil sa hiling ng abuelo ni Charles na may sakit. Ang akala nga nila ay mamatay na ang matanda noon. Pero nadugtungan pa kahit papaano ang buhay nito at pumayag na magpagamot sa ibang bansa nang maikasal ang dalawa.

Madilim ang aura ng mukha ni Charles habang nakatitig sa mukha ni Stella. "Kung kailangan mo talaga ng pera ay dapat nagsabi ka. Hindi mo manlang hinintay na makapirma ng divorce paper bago humanap ng ibang maperang lalaki."

Daig pa ni Stella ang sinasak sa puso dahil sa mga paratang ni Charles. Alam niyang mukhang pera ang tingin nito sa kaniya pero nasaktan pa rin siya ngayon dahil iyon ang tingin sa kaniya.

"Total ay nagmamadali ka rin lang sa paghahanap ng ibang lalaking mas mapera kaya tapusin na natin ang ugnayan sa pagitan nagting dalawa ngayon araw ding ito."

Sabay na napangiti sina Sophie at Magda habang hinihintay matapos sa pagsasalita ni Charles. Si Elizabeth ay pinigilan ang pagngiti at nagbubunyi ang kalooban.

Pakiramdam ni Stella ay dinudurog na ang puso niya. Kahit anong pagmamatigas ng puso niya ay alam niyang bumalatay pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Bumalik na rin si Elizabeth kaya kailangan na nating mag-divorce." Iniwas ni Charles ang tingin sa mga mata ni Stella at parang dinadaya na naman siya ng sariling paningin. Tumayo siya at sininyasan ang abogado.

Tumayo si Daniel at lumapit kay Stella na mukhang natuod na sa kinatayuan. "Ms. Stella, ito po ang kailangan niyong pirmahan. Huwag kayong mag-alala at kapalit ng divorce paper na ito ay ang halagang limang milyon at ang bahay na ito upang hindi kayo maghihirap sa buhay."

Tulalang napatitig si Stella sa papel na inaabot sa kaniya ng abogado. Dalawa iyon at ang isa ay para sa makukuha niyang pera at bahay. Sa halip na mapaiyak ay napangiti siya. Natawa siya dahil sa sinapit ng kaniyang buhay ngayon. Marahil ay isipin ng nakatingin sa kaniya ngayon na natuwa siya sa maaring makuha. Pero lintik lang, talagang nasasaktan siya at dinadaan na lang niya sa tawa. Pag-angat niya ng mukha ay nagsalubong ang tingin nila ni Charles. Muli siyang napangiti, ang guwapo pa rin nito kahit malamig ang tingin sa kaniya. Gusto niyang ipakita rito sa huling paghaharap nila na masaya siya para dito. Masaya siya dahil maging masaya na ito sa piling ng babaing totoong mahal nito.
Comments (36)
goodnovel comment avatar
Cris Clementes
hello po Wald paba karugtonh
goodnovel comment avatar
Mae Placido
Nice story
goodnovel comment avatar
Bernadette Isabelo
nice story...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Played By Fate   Kabanata 0003

    Napalunok si Stella ng sariling laway at parang biglang nanuyo iyon bago tuwid na tumingin muli kay Charles. "Gusto ko lang malaman kung nagkaroon ba ako ng puwang diyan sa puso mo kahit kaunti lang?"Blangko ang tinging ipinukol ng binata kay Stella. "Alam mong pinakasalan lamang kita dahil sa abue

    Last Updated : 2023-11-07
  • Played By Fate   Kabanata 0004

    "Babe, good morning!" Masiglang bati ni Elizabeth sa binata nang maabutan ito sa kusina at nagkakape.Nangunot ang noo ni Charles nang makita ang dating nobya. Inilibot niya ang tingin sa paligid at mukhang namali ng bahay na tinulugan."Dito na ako natulog kagabi kasama si Sophie. Ayaw mong magpa i

    Last Updated : 2023-11-14
  • Played By Fate   Kabanata 0005

    "Wala pa rin bang balita?" naiinip na tanong ni Charles kay Roy."Sorry, sir, lahat ng hotel maging small apartments ay pinatingnan ko na pero wala siya roon."Galit na binitawan ni Charles ang hawak na pen at masama ang tinging ipinukol sa tauhan. "Wala na ba kayong ibang paraan upang mahanap siya

    Last Updated : 2023-11-14
  • Played By Fate   Kabanata 0006

    "Ngayong malakas ka na, ano ang balak mong gawin?" tanong ni Lauro sa anak.Nakangiting hinaplos muna ni Stella ang maliit na pisngi ng anak bago nilingon ang ama. "Sa ibang bansa po muna kami. Saka na ako babalik pagdating ng takdang napagkasunduan."Napatitig si Lauro sa mukha ng apo. Ang guwapo n

    Last Updated : 2023-11-14
  • Played By Fate   Kabanata 0007

    Napaiyak si Stella nang makatanggap ng balita mula sa Pilipinas. Nanghihinang napaupo siya sa sofa at dahan-dahang binalingan ng tingin ang abuelo."Ano ang nangyari at sino ang kausap mo?" tanong ni Fausto sa apo.Lalong napaiyak si Stella at halos hindi maibuka ang bibig. Ilang ulit na bumuka ang

    Last Updated : 2023-11-15
  • Played By Fate   Kabanata 0008

    Excited na nagkita sa isang shop ng mga branded na damit sina Elizabeth at Sophie. Kinalimutan muna nila ang tungkol sa paghahanap kay Stella. Inuuna nila ngayon ay ang pagbili ng magandang damit para sa event na dadalohan sa sunod na lingo."Sa tingin mo, maging kaibigan natin siya?" tanong ni Soph

    Last Updated : 2023-11-16
  • Played By Fate   Kabanata 0009

    Ang salesladay ay nanunuya ang tingin kay Stella at nasa isip na hindi ito nagkamali sa pag-judge sa dalaga.Nakangising nagkibit balikat si Stella kay Sophie. "Hindi niyo ba nabalitaan na pinaka ayaw ng apo ng don ay mga ugaling plastik at ipokrita?"Naikuyom ni Sophie ang palad at inis na pinukol

    Last Updated : 2023-11-16
  • Played By Fate   Kabanata 0010

    Unang tingin pa lang ay alam agad ng manager na maling tao ang nahusgahan ng kaniyang staff. Galit na tingin ang ipinukol niya sa tauhan bago lumapit sa babaing simple lang manamit. "Ma'am, pasensya na po sa ginawa ng staff ko."Lalong nagulat sina Sophie at Elizabeth dahil sa ginagawa ng manager."

    Last Updated : 2023-11-16

Latest chapter

  • Played By Fate   Kabanata 0936

    Binuksan ni Freya ang cellphone at hinanap ang account ni Liam. "Look oh!" Ipinakita niya sa kaibigan ang nasa screen ng cellphone. Halos maduling si Ashley sa pagtingin sa cellphone ng kaibigan dahil sobrang lapit niyon sa mukha niya. "Wala ka namang balak na ingudngod sa mukha ko iyang maganda m

  • Played By Fate   Kabanata 0935

    "Anong mukha na naman iyan?" sita ni Freya sa nakapangalumbabang kaibigan. Naroon lang sila sa bahay at hindi natuloy sa paglabas dahil wala itong gana kahit anong cheer up ang gawin niya. "He's jerk! Mula noon hanggang ngayon ay baliwala ang feelings ko sa kaniya!" Naiiyak na sinapo ni Ashley ang

  • Played By Fate   Kabanata 0934

    Isa pang buntong hininga ang pinakawalan ni Liam bago nagpasyang bumanngon na. Alas dos na rin kasi ng madaling araw. Maingat niyang inangat ang ulo ng dalaga at inilipat samalambot na unan. Binihisan niya rin ito at ang ipinasuot ay sariling t-shirt. Maguti na lang ay dala niya ang kaniyang ilang d

  • Played By Fate   Kabanata 0933

    Napasinghap si Ashley nang marahas siyang isinandal ng binata sa pinto. Hindi pa siya nakabawi ay kinabig naman ang batok niya at mapagparusang halik ang iginawad sa labi niya. Napaungol siya nang dumama ang palad ng binata sa isa niyang dibdib. Totoong wala siyang saplot sa ilalim ng suot na roba k

  • Played By Fate   Kabanata 0932

    "Ayaw mong uninum?" tanong ni Ken kay Liam pagka upo nila sa sala. "Maaga ang alis ko bukas." "Alam ba niya?" Mataman na pinagmasdan ni Ken ang kaibigan. Umiling si Liam. "Nandiyan naman ang asawa mo." Pumalatak si Ken, "bumalik ka agad at baka may ibang makasungkit na puso niyan kapag abagal ba

  • Played By Fate   Kabanata 0931

    "Tsk, puwede bang mamaya na kayo maglandian kapag kayo na lang?" Lalong natawa si Freya dahil sa pagsusungit ng kaibigan. "Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa ni Liam? Kamakailan lang ay ako ang nilalanggam sa inyong dalawa." "Babaero pa rin siya." "Paano mo nasabi eh ikaw lang ang tinatrabaho n

  • Played By Fate   Kabanata 0930

    "Graduate na si Ashley ngayon, ano na ang balak mo?" tanong ni Mark kay Liam habang nagkakape sila sa terrace. "May importanteng mission po akong gawin at bukas ng umaga ang alis ko." Napabuntong hininga si Mark. Kahit walang sinasabi ang anak ay alam niyang iba na ang tingin nito kay Liam. At gan

  • Played By Fate   Kabanata 0929

    Napabuntong hininga si Liam habang sinusundan ng tingin ang dalaga. Hayaan na muna niya ito at ayaw din naman niyang magsalita ng tapos lalo na at may iba pang gumugulo sa isipan niya. Kinuha niya ang cellphone na naiwan ng dalaga at tiningan ang secret message. Sadyang naka lock ang message ng maha

  • Played By Fate   Kabanata 0928

    "Kung wala ka nang ibang kailangan ay umalis ka na." Malamig na pagtataboy ni Liam kay Cathy. "Sorry, ang akala ko ay driver ka lamang pero hindi ko minamaliit ang pagkatao mo." Bawi ni Cathy sa binata. Nainis siya nang mapatingin kay Ashley at halatang natuwa dahil na offend niya si Liam. "My sta

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status