Share

One Night Stand with a Stranger
One Night Stand with a Stranger
Penulis: SunJay Stories

PROLOGUE

Penulis: SunJay Stories
last update Terakhir Diperbarui: 2023-08-09 17:08:40

PROLOGUE

----

GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV

Maulan na gabi, alas sais na ng gabi, at sobrang saya ko dahil sa wakas, nakapagtapos na ako ng high school! Matutupad ko na rin ang pangarap kong makapasok sa Med School at maging doctor, katulad nina Daddy at Kuya.

Simula bata pa lang ako, ‘yun na talaga ang pangarap ko. Pero laging may kontra—sina Mommy at Lolo. Gusto nila akong gawing pulitiko. Pinipilit nilang kunin ko ang kursong Political Science o Law. Pero duh! Sayang naman ang ganda ko. Sobrang stressful kaya maging pulitiko! At least, kapag doctor ka, mukha kang kagalang-galang kahit pagod ka na buong araw. Dagdag pa, ang lakas maka-fresh ng coat at stethoscope!

“Tadada-dada…” Humuhuni ako habang iniinspeksyon ang sarili ko sa salamin, suot ang unipormeng pang-doctor.

“Yay! Ang ganda ko!” Bilib na bilib ako sa sarili ko. “Magandang gabi po, Dra. Gabriella Monica Jimenez! Oh, magandang gabi rin sa inyo!”

Para mas buo ang look, sinabitan ko ng bulaklak na dahlia ang tenga ko. Pak na pak! Aba, baka pati mga sinisinok magpa-check-up na rin sa akin!

“Huy, Monica! Nababaliw ka na ba?” biglang singit ng kaibigan kong si Elena, habang umiling-iling pa.

Si Elena ang best friend ko at roommate. Anak siya ng kumare ni Mommy, at dahil pareho kaming nag-aaral sa parehong unibersidad, nagpasya kaming mag-share ng condo. Noong una, ang awkward namin sa isa’t isa, pero kalaunan, naging close din kami.

Magkaiba kami ng personality—si Elena ay certified NBSB, mahinhin, at introvert, samantalang ako ay outgoing at adventurous. Pero kahit ganoon, nagkakasundo pa rin kami.

Minsan nga, napipilit ko siyang sumama sa gimikan kahit allergic siya sa lalaki. Siya lang ang kilala kong nasa loob na ng bar pero nagbabasa pa rin ng W*****d!

“Elena, beer tayo! Tag-isa!” sabi ko habang iniabot sa kanya ang bote, kahit abala pa siya sa panonood ng N*****x.

Nagulat siya nang makita ang beer. Gusto ko kasing magwalwal kaming dalawa ngayong gabi. Huling gabi na kasi namin ito na magkasama. Next school year, sa ibang bansa na siya mag-aaral ng Engineering kasama ang Daddy niya.

“Gulp—eww! Ano ba ‘yan, ang pangit ng lasa!” reklamo ni Elena, nakangiwi habang iniinom ang beer.

Tawang-tawa ako sa reaksyon niya. “Pa-virgin ka pa rin talaga, be! Sulitin na natin ‘to. Baka sa susunod na magkita tayo, isa ka nang engineer—o baka may asawa ka na!” biro ko habang nakangisi.

“Gaga!” sagot niya habang nakasimangot. “Asawa agad? Baka itakwil ako ng magulang ko!”

Bigla namang nag-ring ang phone ko.

Babe is calling…

Si Caleb, ang boyfriend ko, ang tumatawag. Kami ni Caleb, nasa secret relationship na for two and a half years. Hindi ko na rin mabilang kung pang-ilang jowa ko na siya, pero siya ang first serious relationship ko.

Kay Caleb, natutunan kong mangarap—kasal, bahay, at future plans. Sacred sa akin ang kasal, dahil simula bata pa lang, paulit-ulit na sinasabi ni Lolo na magpakasal lang ako sa lalaking totoo sa akin at hindi ako sasaktan. At pakiramdam ko, si Caleb na iyon.

“Hello, babe?” sagot ko, hindi maitago ang ngiti sa aking mga labi.

“Hey, babe. Nabalitaan kong nag-iinom kayo?” tanong niya, may halong biro sa boses.

“Huh? Nabalitaan? Eh wala naman akong pinost!” Panic mode ako. “Wait, baka na-MyDay ko? Teka, baka ma-yari ako kina Mommy!”

Dali-dali kong chin-check ang phone habang kausap pa rin siya.

“Ahh, no. I mean, oh my god, paano nga ba nabalitaan? Hahaha! Kasi naman, nanonood ako ng balita dito sa TV, tapos siguro nadala ako, kaya ‘yun ang nasabi ko. Sorry, babe, hindi ko namalayan!” natatawang paliwanag niya.

Napailing na lang ako. Lutang din minsan ang boyfriend ko.

“Anyway, kaya ako napatawag… Namimiss na kita. Pwede ba akong pumunta diyan? Kasi pag-uwi mo bukas, tiyak grounded ka na naman, at ilang buwan na naman tayong hindi magkikita.”

Alam niyang tuwing umuuwi ako sa bahay namin, parang preso. Mahigpit ang mga magulang ko, at lagi kaming binabantayan ng mga security. Kaya kahit bawal, pumayag na rin ako.

“Sure, babe. Punta ka na dito,” sagot ko, hindi na nagdalawang-isip.

---

Halos isang oras din ang lumipas nang dumating si Caleb. Nakaayos na ang lahat—ang lamesa, ang mga beer, at ang mga yelo na unti-unting natutunaw sa mga baso. Medyo napadami na din ang inuman namin ni Elena, kaya nang dumating si Caleb, medyo tipsy na kami.

Tamang cuddle lang kami ng boyfriend ko habang nanunuod ng N*****x. Samantala, parang lumalabas na ang tunay na anyo ng bestfriend ko. Kumukulit siya, sobrang daldal na parang ang boses na lang niya ang naririnig namin sa dami ng kwento.

Tawanan, kulitan, at asaran—sobrang saya ng gabi namin. Lalo na’t close kami tatlo. Minsan, si Caleb pa ang naghahatid-sundo sa amin ni Elena sa school. Kahit magkaibang school kami, todo effort siya para sa amin. Kaya naman masasabi kong perfect boyfriend si Caleb.

Lumalalim na ang gabi, at kami na lang ni Caleb ang natirang gising. Si Elena kasi, tulog na sa sofa.

Habang nakasandal ako kay Caleb, hindi siya tumigil sa paghahalikan sa pisngi ko, hanggang sa dumapo ito sa labi ko at pababa sa leeg ko.

Shocks! Parang may kuryenteng dumaan sa katawan ko sa bawat halik niya. Lalo na nang hawakan niya ang hita ko.

Omg, ang init. Nagsisitayuan na ang mga balahibo ko sa pakiramdam ng ilong niya sa tenga ko. Hanggang sa bumulong siya sa akin.

"Babe, can we make lo..." Pero hindi ko siya pinatapos. Bigla akong nagsalita at medyo dumistansya.

"Ahh, babe, can we sleep na? Inaantok na ako eh," sabay alisin ko ang kamay niya sa hita ko.

Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagka-disappoint.

"Sigh... Oh well, ano pa nga ba?" sagot niya sabay buntong hininga.

Tumayo siya at inayos ang mga kalat namin.

Habang pinagmamasdan ko siya, halos maluha na ako. Pakiramdam ko, may kasalanan ako. Sa dalawang taon at kalahati namin magkasama, wala pa ring nangyayari sa amin.

Sobrang conservative ko pagdating sa bagay na ‘yon. Isa sa mga itinuro sa akin ng Lolo ko, na huwag na huwag kong ibibigay ang sarili ko kung hindi ko pa siya asawa. Laging ito ang iniiwasan ko kay Caleb kapag nagkakaroon kami ng mga moments na ganito.

Nauunawaan naman niya, pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-guilty. Alam ko kasi ang pangangailangan ng mga lalaki, pero naniniwala akong kung mahal ako ni Caleb, matututo siyang maghintay para sa tamang panahon.

Kaya laking gulat ko nang matapos niyang magligpit ng mga kalat ay ngumiti siya at lumapit sa akin. Ibang-iba sa itsura niyang may halong sama ng loob kanina.

"Oh babe, bakit nakatayo ka lang d’yan? Akala ko ba sleepy ka na?" tanong niya sabay hawak sa pisngi ko, nakangiti.

Nag-sigh ako. Omg, first time ko siyang makita na ganito pagkatapos kong i-reject ang gusto niyang mangyari. Ramdam ko na sa wakas, naintindihan na niya ako. Kaya ngumiti ako at niyakap siya.

"Okay lang, babe. Tara na sa bed? Let's sleep?" nakangiti ko pang sagot.

Buhat niya ako papunta sa kama namin.

Nakahiga kaming pareho, nakaharap siya sa akin na nakapikit, at ako, nakangiti lang habang pinagmamasdan siya. Sobrang proud ako sa kanya. Buo na talaga ang tiwala ko kay Caleb.

Hanggang sa dahan-dahan akong inantok at nakatulog.

zzzZZZZ...

---

Ilang oras ang makalipas...

Sa kalagitnaan ng mahimbing kong tulog, may narinig akong tunog ng nabasag. Sa sobrang antok, halos hindi ko maidilat ang mata ko. Inabot ko ang tabi ng kama, umaasang mahagilap ang boyfriend ko.

"Babe, paki-check naman kung ano ‘yung nabasag," antok na antok kong sabi. "Baka may masugatan."

Wala akong makapa sa kama. Bahagya kong iminulat ang mata, sabay tawag ulit. "Babe?"

Tahimik.

Agad akong napabangon at tumingin sa paligid. Bukas ang pinto ng kwarto. Kabado akong tumayo at sumilip sa sala, ang mga paa ko’y halos hindi maramdaman sa lamig ng sahig.

"Babe?" mahinahon kong tawag habang binabaybay ang madilim na pasilyo.

Pagdating ko sa sala, para akong sinampal ng katotohanan. Doon ko nakita si Caleb—ang boyfriend ko—at si Elena, ang kaibigan ko. Magkapatong sila sa sofa, huling-huli sa akto kitang-kita ng dalawa kong mata.

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Para akong nanigas, pero kasabay noon ay bumagsak na lang ang mga luha ko. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas.

"Caleb..." mahinang sambit ko, halos hindi marinig sa pagitan ng mga hikbi. Napatitig sila pareho sa akin, at nagmadaling nag-ayos ng kanilang sarili.

“Babe, sorry! Patawarin mo ako. Please, hindi ko sinasadya. Babe, sorry talaga,” pagmamakaawa ni Caleb habang mabilis na tumayo at lumapit sa akin. Ang mga luha niya’y tumulo rin habang yakap-yakap niya ako.

“Hindi ko na uulitin, Monica. Mahal na mahal kita,” halos pabulong niyang sabi, nanginginig ang boses.

Pero parang bingi ako sa lahat ng kanyang sinasabi. Isang dagok sa puso ang makita silang dalawa, at ang mga salita niya ay parang hangin lang na dumadaan.

Nagsimula nang sumabog ang galit ko.

“Mahal mo ako?! Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? Pagkatapos mo akong lokohin, at sa mismong kaibigan ko pa talaga?! Mga walang hiya kayo! Tapos sasabihin mo na mahal mo ako? Nagpapatawa ka ba, Caleb?! I am so disappointed! Akala ko iba ka, pero parehas ka rin pala sa ibang lalaki—manloloko!” sigaw ko habang nanginginig ang katawan sa galit at sakit.

Papunta na sana ako sa kwarto para kunin ang mga gamit ko nang bigla akong pigilan ni Elena. Nakaluhod siya, umiiyak nang todo.

“Monica, patawarin mo ako, please. Hindi ko sinasadya! Maniwala ka man o hindi, pero pinipigilan ko siya… Tinakot niya ako,” pagsusumamo niya.

“Lumayo ka, Elena! Nandidiri ako sa inyo! Magsama kayo, mga traydor!” Itinulak ko siya palayo nang yakapin niya ako, ngunit nang magtagumpay akong alisin siya, si Caleb naman ang humarang.

“Babe, patawad na. Dala lang ‘to ng alak! Natukso lang kami. Hindi namin ginusto ito, promise!” pilit niyang paliwanag habang pilit akong hinahawakan.

Hindi na ako nakinig. Tumalikod ako at pumasok sa kwarto, nag-umpisa nang mag-impake ng mga gamit ko. Sinarado ko ang pinto at ini-lock ito para maiwasan ko silang dalawa.

Ilang minuto pa, nagawa ni Caleb na sirain ang kandado at pumasok. Ngunit huli na ang lahat. Tapos na akong mag-impake.

“Babe, please! Patawarin mo na ako. Natukso lang talaga ako. Sana maunawaan mo rin. Mahal na mahal kita. Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon, Monica,” umiiyak niyang sabi habang hinahabol ang hininga.

Humarap ako sa kanya, puno ng luha ang mga mata ngunit matatag ang boses ko.

"Unawain ka?!" bulyaw ko, humarap sa kanya nang may bagsik sa mga mata. "Hindi ka ba masaya? Malaya ka na. Bagay kayo—mga higad!"

Pagkasabi ko nun, binuhat ko ang bag ko at lumabas ng condo. Sinabihan ko ang security na pigilan si Caleb sa paghabol sa akin.

“Monicaaaaaa!” sigaw niya habang naglalakad ako papuntang elevator, ngunit ni hindi na ako lumingon.

Dahil tapos na. Wala na akong babalikan.

---

Nang makaalis si Monica sa condo ay nag drive ito at nagpakalayo layo hanggang sa mapadpad ito sa isang bar na tinatawag na La Maison Bar and Grill para uminom. Kahit na meron pa itong hangover ay nag inom pa din ito dahil sa sobrang pagkabroken. Pakiramdam niya ay parang gusto nitong lunurin ang sarili sa pag aakalang alak ang magiging solusyon para mabilis na makalimot.

Pumwesto ito sa table ng bartender at dito nagpakalango...

Samantala, isang magbabarkadang binubuo ng makikisig, matitipuno, mayayaman, at pinag aagawan ng mga kababaihan ang nagtungo sa bar para magrelax at syempre makapangbabae. Ito ang hilig na gawin ng mga barakada ni Lorenzo Miguel na isang Med Student para magliwaliw. Saktong wala ding pasok si Miguel kaya nakasama ito sa kanila...

----

LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV

Alright! Finally, nandito na ako sa bar kung saan nagkukumpulan ang mga kaibigan ko. Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng tugtog ng live band, nagkikislapang ilaw, at napakaraming tao. Some were dancing, others were just vibing. Lahat mukhang handang mag-enjoy.

Agad ko namang hinanap si Vonn Austin dahil sabi nila nasa baba raw sila, nag-iinuman. Mukhang totoo nga ang sabi ni Vonn—punung-puno ng magaganda at sexy na babae ang lugar. Lingon ako nang lingon habang naglalakad, pero wala akong makitang pamilyar na mukha.

Ang hirap din kasi, walang signal dito sa loob para matawagan sila.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap nang may makabanggaan akong babae.

"Ouch!" daing niya, kasabay ng pagkunot ng noo. Pero napalitan ito agad ng ngiti nang magtama ang mga mata namin.

"Ahh, sorry, Miss. May hinahanap kasi ako," paumanhin ko, sabay ngiti rin. Napansin ko agad ang kasexyhan ng babaeng nakabangga ko, pero hindi ko pa natapos ang pag-analyze sa sitwasyon nang bigla siyang hatakin ng isang lalaki.

"Damn it, stay away from Miggy, babe. Dito ka sa'kin!" sabi ng lalaki.

Maiinis sana ako, pero nang makita ko kung sino, hindi ko napigilang matawa.

"Siraulo ka, Steven! Ikaw pala yan?!"

Tumawa siya. "Ikaw din! Late ka na naman, gago!"

Si Steven Lee, isa sa mga kabarkada ko. Kaklase ko rin siya noong high school. Ngayon, nagtuturo siya sa isang prestihiyosong unibersidad, Education ang kinuha niyang course noong collage kami.

Good luck sa mga students na yang, si Prof. Steven—isang kindat  lang niya, pasado na agad.

"Why so late, bro? Sayang, naunahan ka na tuloy! Kanina pa ang daming chikababes dito. Ang kikinis, bro. Mukhang mga palaban!" sabi ni Vonn, na kasalukuyang yakap-yakap ang ka-table niya.

Ah, si Vonn Austin Miller. Siya ang pinaka-close ko sa barkada. Literal na one call away ‘tong taong ‘to, sobrang maaasahan.

Pero may isang weakness si Vonn—mga babae. Nakakatawa nga kasi kada magkakagusto siya sa isang babae, nagshi-shift siya ng course para lang mapalapit.

Tatlong buwan pa lang kami sa kolehiyo, tatlong course na ang sinubukan niya. Kung magpapatuloy siya sa ganitong galawan, baka palitan niya si Albert Einstein sa pagiging henyo!

"Sus, sa tingin mo ba mauubusan si Miggy? Eh kahit nga taken na, kaya niyang agawin. Hahaha! Lakas niyan, pare!" banat naman ni Dale, natawa pa.

And there’s Dale. Siya ang bunso namin, para na rin siyang little brother ko. Parehas kami ng mahilig sa —libro. Hindi babae.

Pero hindi naman kasalanan na sila ang lumalapit sa amin, di ba? Sadyang mabait lang kami. Siya rin ang pinaka-big time sa grupo—anak ng isang bilyonaryong may-ari ng airlines. Kaya hindi na nakakagulat na piloto ang pangarap nito.

Habang nag-uusap kami, binigyan nila ako ng maiinom. Halos lasing na silang lahat, mukhang enjoy na enjoy.

Pare-parehas din silang may kayakap na babae. Naiinggit tuloy ako, kahit papaano. Kaya nagpasya akong tumingin-tingin.

Sobrang dilim ng lugar kaya halos wala akong makita. Dagdag pa, napapalibutan ako ng mga naghahalikan at naglalampungan. Yikes! Pati mga kaibigan ko, mukhang nasa sariling mundo na. Ang ingay ng tunog ng halik at ungol sa paligid, parang nasa ibang planeta ako.

Hindi ko na kaya. Tumayo ako at nagsimulang maglakad.

Kailangan ko rin ng makakabonding.

At doon ko siya nakita.

Sa gitna ng dance floor, isang babae ang nakatayo. May bulaklak siyang nakaipit sa tenga, mukhang Dhalia. Kaya Dhalia na ang itatawag ko sa kanya.

Straight black hair na abot-bewang. Red dress na sobrang hapit, nagpapakita ng kanyang malulusog na dibdib at balingkinitang katawan. Ang laylayan ng damit niya, abot lamang hanggang kalahati ng kanyang hita. Makinis, maputi, at mukhang ang bango.

Naka-high heels siya na red din. Napakaganda ng tindig niya, parang isang diyosa.

Halos lahat ng mata sa bar, nakatutok sa kanya. At kahit wala siyang ginagawa sa akin, iba ang epekto niya. She’s turning me on just by existing.

Walang paliguy-ligoy pa, naglakad ako papunta sa kanya. Wala akong pakialam sa mga taong nakaharang, basta makalapit ako.

Narinig ko pang tinatawag ako ni Vonn, pero binalewala ko siya. Mas binilisan ko nang mapansin ko ang isang lasing na lalaki na papalapit din kay Dhalia.

Hindi puwedeng maagawan ako!

"Wait for me, Dhalia," bulong ko sa isip ko.

I’M COMING!

-----

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • One Night Stand with a Stranger   - WARNING: 18+ MATURED CONTENT

    - WARNING: 18+ MATURED CONTENT ( RATED SPG Warning: Not suitable for young readers or sensitive minds. Contains graphic sex scenes, adult language, and situations intended for mature readers only!)---Nang dahil sa pagiging broken hearted ni Monica ay hindi na nito napigilan pa ang sarili na magpakalango sa alak to the point na halos hindi na nito alam ang kanyang ginagawa. Kasalukuyang nasa gitna ng stage si Monica at sumasayaw na umani naman ng atensyon ng iilan, lalo na ng mga kalalakihang akit na akit sa angking kagandahan at kasexyhan nito...---GABRIELLA MONICA JIMENEZ POVGrabe, sobrang lakas na ng tama ko sa alak. Hindi ko na rin alam kung ano ang mga pinag-gagawa ko—basta I feel so free. Sumabay na lang ako sa tugtog, umaalon ang katawan ko sa ritmo ng musika. Ilang tao ang lumapit at nakisabay sa akin sa pagsayaw. May iba naman na pilit akong hinahawakan, pero wala akong pakialam. Nag-eenjoy lang ako, hanggang sa biglang..."Hi, Miss Beautiful," bulong ng isang lalaking may

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-09
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 1- AN EXPENSIVE TREAT

    CHAPTER 1- AN EXPENSIVE TREAT----5 Years Later---GABRIELLA MONICA JIMENEZ POVAlas sais na ng umaga, at tapos na akong makapagkape. Nakabihis na rin ako at handa nang pumasok sa trabaho.Grabe, sobrang sarap ng hangin. Paglabas ko, agad akong binalot ng malamig na simoy ng hangin at ang saya ng tanawin sa maliit naming hardin. Napapaligiran kami ng mga bulaklak at puno, kaya bago ako umalis, nakita ko si Mama na nagwawalis sa harap ng bahay. Agad akong nilapitan at hinalikan siya sa pisngi."Mama!" masaya kong bati sa kanya. "Aalis na po ako, oo nga pala, nag-iwan ako ng panggastos sa mesa. Pati na rin yung baon ni Faith, andoon po.""Maraming salamat, anak," sagot ni Mama habang ngumiti. Pagkatapos nun, nagmadali na akong umalis dahil baka malate pa ako sa trabaho.@ ST. ROSE HOSPITALSa wakas, narating ko rin ang Nurse Station. Buti na lang at umabot pa ako sa oras. Nakapag-time in na ako at agad sinimulan ang duty ko. Ngayon, naka-assign kami sa pagtuturok ng bakuna para sa mga

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-09
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 2 – ESCAPE FROM HELL

    CHAPTER 2 – ESCAPE FROM HELL----At heto naman ang isa pa nating bida, si Lorenzo Miguel Samaniego, o Miggy, ang tawag sa kanya ng mga kaibigan. Isang 28-anyos na Neurosurgeon at Businessman, si Miggy ay isa sa mga batang bilyonaryo ng bansa. Sa kabila ng kanyang murang edad, nakapagpatayo na siya ng iba't ibang negosyo, kaya naman siya'y hindi lang kilala sa kanyang mga natamo kundi pati na rin sa mga nagawa niyang negosyo.Sa kabila ng lahat ng yaman at tagumpay, hindi pa rin tumigil si Miggy sa pagtatrabaho. Hands-on pa rin siya sa kanilang sariling hospital, at katuwang ang kanyang ama sa pamamahala nito. Sikat na sikat ang hospital nila, na tinatawag na People's Hope at kilala sa buong bansa dahil sa mga malalaking diskwento at paminsang libreng gamot at hospital bills para sa mga pasyente. Kaya naman, hindi kataka-taka na ilang ulit nang nakilala at na-awardan ang ospital nila dahil sa malasakit nila sa mga tao.Samantala, nagkayayaan muli ang barkadahan na magliwaliw sa isang b

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-11
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 3 - ELYU

    CHAPTER 3 - ELYU---GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV"Tulong! Tulong! Tulongan niyo kami!" nag-aalalang sigaw ng ale.Nang bigla akong namulat...Gulat na gulat ako sa nangyari. Pagmulat ko, napapalibutan na pala kami ng mga tao, pero agad ding nag-alisan ang mga ito.OMG, nahimatay pala ako. Nakaramdam ako ng nerbyos kaya agad akong humingi ng tubig."Pasensya na po sa abala, Nay," sabi ng ale, na siya ding nag-abot ng tubig sa akin.Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Grabe, ganito pala ang pakiramdam ng may taong nag-aalala sa'yo. Naamoy ko rin ang amoy ng isang menthol na ipinahid niya sa ilong ko nang mahimatay ako."Maraming salamat po, Nay," pasasalamat ko habang hawak ang kamay niya."Teka, saan ba ang bahay mo, Ineng? Gusto mo bang ikuha kita ng taxi? Lumalalim na ang gabi, oh. Kami kasi ng anak ko, nag-iintindi pa kami ng bus dito sa terminal."At tila bumalik ako sa aking ulirat nang marinig ko iyon. Oo nga pala, saan nga ba ako pupunta?Hindi ako nakaimik, hanggang sa biglang

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-11
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 4 – UNEXPECTEDLY

    CHAPTER 4 – UNEXPECTEDLY---A Day After the Storm...Lumipas ang isang araw, at nagtungo na ang mga volunteer doctors at nurses ng Samaniego Medical Hospital sa probinsya. Pinangunahan ito ng kanilang head doctor na si Dr. Lorenzo Miguel, lulan ng isang private plane na mula pa mismo kay Governor Clifford ng Maynila. Naatasan sila na magsagawa ng medical mission para matulungan ang mga lubos na naapektuhan ng super typhoon.Pagkarating nila sa lugar, ramdam agad ang epekto ng bagyo. Kahit lumipas na ang kalamidad, naiwan nito ang matinding pinsala—mga bahay na nasira, mga punong nagkalat sa daan, at mga tao sa evacuation center na halatang pagod na sa pinagdaanan.Agad na kumilos ang team ng Samaniego Medical Hospital. Ang iba ay nag-ayos ng kanilang mobile clinic, habang ang iba naman ay sinimulan na ang pamimigay ng relief goods na naglalaman ng pagkain, tubig, gamot, at bitamina.Habang abala ang lahat, iniikot ni Lorenzo ang paningin niya sa lugar. Hindi niya maiwasang makaramdam

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-11
  • One Night Stand with a Stranger    CHAPTER 5 – MONICA'S IN TROUBLE

    CHAPTER 5 – MONICA'S IN TROUBLE----Halos maluha at hindi makapaniwala, yan ang mga naramdaman ni Miguel nang makita niya sa wakas ang babaeng sobrang tagal na niyang hinahanap. Wala itong kaalam alam na si Misyon palang ito ay dito niya matatagpuan ang dalaga. Ngunit kahit na ganunpaman ay tila hindi pa rin naging masaya si Miguel.Lalo na nang mabalitaan nito na may asawa na pala ang kanyang babaeng minamahal. Hindi ito makapaniwala sa mga ibinalita sa kanya ni Dr. Charles. Tulala at maraming iniisip, mukhang hindi papayag si Miguel na basta basta nalang siyang magpapatalo dahil naniniwala ito hindi nagsasabi ng totoo ang babaeng bumaliw sa kanya...---GABRIELLA MONICA JIMENEZ POVSa wakas, natapos na rin ang duty namin! Dumating na ang karelyebo namin, at pinayagan kaming magpahinga nang maaga ni Dr. Blaire dahil pang-umaga muli kami bukas. Exciting pa lalo dahil balitang darating na ang mas marami pang relief goods at volunteers. Nakakatuwang makita ang dami ng tumutulong, at sob

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-11
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 6 – THE UNCONDITIONAL LOVE

    CHAPTER 6 – THE UNCONDITIONAL LOVE---Monica left speechless after that kiss from Miguel. Tumutulo ang luha nito nang maabutan ito ni Riley. Hindi naman ito umiimik sa kanyang kaibigan at nag aya na itong umuwi. At habang sila ay naglalakad ay tila wala sa sarili si Monica at patuloy pa din sa pag iyak.Wala namang kaalam alam ang mga ito na nasa may gilid lang sina Miguel dahil nag aabang ito ng kanilang service pauwi ng hotel. Nasaksihan ng mga ito ang naging resulta sa ginawa niya kay Monica. Tila nakaramdam ng konsensiya si Miguel at tila pinagsisisihan ang kanyang ginawa.---LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVTahimik kaming naghihintay ni Jeric ng shuttle bus pabalik sa hotel nang mapansin niyang naghahanap ng masasakyan sina Monica at ang lalaking kasama niya. Ako? Nakatulala lang, masyadong abala sa iniisip. Pero nang makita ko ang kalagayan ni Monica, para akong sinampal ng guilt. She looked so lost, patuloy na umiiyak habang yakap-yakap ang sarili.Fck.* Mukhang mali ang ginawa ko

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-12
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 7 – THE NEW CEO

    CHAPTER 7 - THE NEW CEO ---- At ngayon na nga ang ikalawa at huling araw ng Medical Mission kaya lalong dumagsa ang mga tao. At sa pagdami nito ay dumami din naman ang mga Hospital ang nag volunteer para tumulong galing sa kabi-kabilang panig ng bansa. Kaya dahil dito ay may mga naatasan na mag bahay bahay at may iba naman na naatasan na suungin ang kasulok sulukan ng lugar at nang sa gayon ay lahat ay siguradong mabibigyan. Maagang nagsagawa ang mga Nurses at Doctor sa kanilang pamimigay ng libreng konsulta at relief sa mga tao roon. Magkatulong pa rin ang malalaking Hospital na St. Rose Hospital at Samaniego Medical Hospital at nag anunsyo naman ang Chief Executive ng St. Rose Hospital na si Dr. Benjamin De Guzman, ang ama ni Dr. Blaire De Guzman na magkakaroon sila ng isang kaunting pagsasalo salo para sa matagumpay nilang operasyon. Samantala, kapansin pansin naman ang pagkaaligaga ng dalawang doctor na sina Dr. Blaire at Dr. Miguel dahil tila wala roon ang babaeng parehas nila

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-13

Bab terbaru

  • One Night Stand with a Stranger   SPECIAL EPISODE

    SPECIAL EPISODE --- 20 YEARS LATER Isang malaking araw para sa pamilya ng Samaniego—Lorenzo Miguel has just been elected as the new Governor. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niyang talunin ang matagal nang nakaupong gobernador. Kaya ngayon, hawak na niya ang panibagong responsibilidad para sa kanilang lungsod. Walang kapantay ang tuwang nararamdaman ni Miguel. Kaya mula sa kanilang mansion ay magkasamang nagbunyi ang mag asawa. __ GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POV "Love, I am so proud of you," halos maluha-luha kong sabi habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ni Miguel. "Sabi ko naman sa'yo, kakayanin mo 'to, diba? Lahat kami, naniniwala sa'yo." We were both teary-eyed at that moment. Miguel never imagined himself as a politician. Sa totoo lang, pakiramdam niya noon, wala siyang laban sa mundo ng pulitika—lalo na't batikang politiko ang nakalaban niya. Pero hindi ko hinayaang panghinaan siya ng loob. Every single day, I reminded him of his purpose—of the people he

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 51 – THE UNENDING LOVE

    CHAPTER 51 - THE UNENDING LOVE ---- Ang reception ng kasal nina Lorenzo Miguel at Gabriella Monica ay naging isang engrandeng pagdiriwang na puno ng kasayahan, tawanan, at walang katapusang pagmamahalan. Matapos ang isang napakagandang seremonya, lahat ng bisita ay nagtungo sa venue, kung saan isang mala-fairytale na setting ang bumungad sa kanila-mga eleganteng chandelier na nagbibigay-liwanag sa buong lugar, mga puting bulaklak at luntiang dekorasyon na nagpaparomantiko sa paligid, at banayad na musika na nagdadala ng aliwalas at kasiyahan. The atmosphere was truly magical. It was an intimate yet grand evening wedding, perfectly timed as the golden hues of the sunset melted into the deep blues of the night. Eksaktong alas-sais ng gabi, at tamang-tama ang oras para sa isang masarap at eleganteng hapunan kasama ang lahat ng mahal nila sa buhay. --- GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POV Habang nakaupo kami sa presidential table, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan si Miguel

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 50 – WEDDING IN PARADISE

    CHAPTER 50 – WEDDING IN PARADISE ---- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Sa wakas, dumating na rin ang araw na ito—Oktubre 8. Isang petsang hindi ko kailanman malilimutan. Hindi lang ito ang araw ng kasal namin ni Miguel, kundi kaarawan din ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko—si Mama. Kaya naman, bago pa man magsimula ang napakaespesyal na araw na ito para sa akin, sinigurado kong ako ang mauunang gumising para bigyan siya ng sorpresa. Habang tahimik siyang natutulog, dahan-dahan naming inilapit ang birthday cake na may sinding kandila. Kasabay nito, nagtipon ang ilan sa aming mga kapamilya at kaibigan, at sabay-sabay kaming nagsimulang umawit: "Happy birthday to you, happy birthday to you..." Bahagyang gumalaw si Mama sa kanyang pagkakahiga, at ilang segundo lang ang lumipas bago niya iminulat ang kanyang mga mata. Nang makita niya kaming nakapaligid sa kanya, agad siyang napangiti. Ang saya sa mukha niya ay parang musika sa puso ko. Mahigpit niya akong niyakap at h******n

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 49 – THE PREPARATION

    CHAPTER 49 - THE PREPARATION ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Matapos ang isang napakasabog na gabi—na puno ng mga malaswang sayaw, kagimbal-gimbal na costume, at hindi ko malilimutan na eksenang muntik akong mawalan ng ulirat sa ginagawa ng mga siraulong kaibigan ko—sa wakas, nagbihis na rin sila. Akala ko tapos na ang lahat, pero mali ako. Dahil bigla nilang inabot sa akin ang isang cake, at sa ibabaw nito, nakasulat ang mga salitang: "Last Shot Before the Knot." Tangina. Ang kulit talaga ng mga ‘to. Pero kahit anong pikon ko sa kanila, hindi ko rin napigilang matawa at mapangiti. Sa kabila ng lahat, ramdam kong mahalaga ako sa kanila. “Aww, thanks, guys. Salamat sa pag-aabala.” Malakas kong sabi habang umiiling. “Kahit halos sumakit ang sikmura ko sa kakatawa at ilang beses akong muntikang masuka sa inyo, you guys did a great job.” Sabay-sabay kaming nagpalakpakan—as if hindi nila ako pinahirapan kanina. At matapos naming magligpit, sumakay na kami sa sasakyan na magh

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 48 – PARTY GONE WILD

    CHAPTER 48 – PARTY GONE WILD --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Sa wakas! Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Ngayon, tuluyan nang nawala ang mga alinlangan at bigat ng nakaraan. Sa wakas, nagkaayos na rin sina Lolo Clifford at Monica. Habang pinagmamasdan ko silang masayang nag-uusap, kitang-kita ko kung gaano sila nasabik sa isa’t isa. Ang saya ng kwentuhan nila—punong-puno ng halakhakan, hagikhikan, at alaala ng kanilang pinagdaanan. "Pero ito, kamukhang-kamukha mo apo! Si Alison!" Natutuwang sabi ni Lolo Clifford habang hinahaplos ang buhok ng anak namin. "Pero grabe, ang lakas ng dugo nitong si Miguel. Mabuti na lang at magandang lalaki ang napili mong mapangasawa, apo." Nagkatawanan kaming lahat, pero si Monica? Bigla akong tinapunan ng malagkit na tingin. "Aba’y dapat lang, Lo! Kasi kung hindi, naku, baka pinakulong ko na agad ‘yan!" sagot niya, sabay tawanan nilang mag-lolo. Napailing na lang ako. Ako pa talaga ang naging tampulan ng asaran! Hay, salamat na lang at

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 47 – PEACE AND LOVE

    CHAPTER 47 - PEACE AND LOVE ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Now, I fully understand kung bakit ganun na lang kalaki ang galit ni Monica sa lolo niya. Sino nga ba naman ang hindi magagalit kung may magsasabi sa'yo na ipalaglag ang sarili mong anak? Kahit sino, siguradong masasaktan at magagalit rin. Actually, ilang beses nang ikinuwento sa akin ni Monica ang nangyari alitan , pero never niyang sinabi na nais din palang ipalaglag ni Lolo Clifford ang mga bata. Ang akala ko, ang issue lang ay ang pagtakwil sa kanya bilang apo nito. Kaya ngayon, mas lumalim ang pang-unawa ko sa sakit na dinadala niya. Dahan-dahan kong niyakap si Monica, hinayaan siyang ilabas ang emosyon niyang matagal nang kinikimkim. "Love, thank you ha," mahina niyang sabi habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. "Thank you saan, love?" tanong ko, hinahagod ang kanyang likuran upang pakalmahin siya. "Thank you for listening. Alam mo, parang gumaan ang pakiramdam ko. Dahil ngayon ko lang nasabi nang

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 46 – LEVEL 4 OF ANGER

    CHAPTER 46 - LEVEL 4 OF ANGER ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV "Sige na! Huwag mo nang patagalin, Miguel! Kung ayaw mong si Monica ang mabaril!" sigaw ni Caleb habang pilit niyang inaagaw ang baril ni Blaire. Pumikit ako ng saglit, ramdam ang bigat ng baril sa kamay ko, kasabay ng bigat ng desisyon na kailangang gawin. Ang hudyat na iyon ni Caleb, alam kong wala na akong oras mag-isip. Dahil kailangan kong kumilos agad, mahigpit kong hinawakan ang baril. Ang bigat ng sitwasyon ay parang nagpapalakas sa bawat pintig ng puso ko. Sa isip ko, isa lang ang kailangan kong gawin: protektahan ang mga mahal ko sa buhay. Tumutok ako kay Blaire, ang taong naging dahilan ng lahat ng kaguluhan. Sa kabila ng paggalaw nila, sinubukan kong manatiling kalmado. Nakalock ang tingin ko sa kanya. Bang! @Samaniego Medical Hospital Dead on arrival. Iyon ang huling deklarasyon na narinig ko tungkol kay Blaire De Guzman—isang bala mula sa baril ko ang tumapos sa kanya, tumama nang diretso sa kanyan

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 45 – THE LAST ENCOUNTER

    CHAPTER 45 - THE LAST ENCOUNTER --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Nang ibalita sa akin ni Riley na umalis nanaman si Monica nang hindi nagpapaalam, hindi na kami nagsayang ng oras. Agad kaming umalis upang sundan siya. Inaantabayanan ko na ang ganitong pangyayari. Simula pa lang sa bahay, ramdam ko na ang malamig na pakikitungo niya. Hindi pa rin niya ako pinapansin, at alam kong malaki pa rin ang tampo niya sa akin. Kaya naisip ko na baka muli na naman siyang umalis nang hindi ako kasama. Dahil dito, bago pa kami makarating sa ospital kaninang umaga, lihim kong nilagyan ng microchip ang bag niya. Alam kong magiging susi ito para matrack ko kung saan man siya pumunta. Bagamat bahagyang nabawasan ang kaba ko dahil dito, hindi pa rin ako kampante. Malay ko ba kung may mangyaring masama sa kanya? Lalo pa't alam kong hindi niya ako sasabihan kahit may problema siya. Gamit ang tracking device, nasundan namin ang biyahe ni Monica. Positibo kaming nakasakay siya sa isang tricycle, at

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 44 – LQ

    CHAPTER 44 - LQ --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Hindi ito ang inaasahan kong mangyari. Ngayon, naguguluhan ako kung sino ang uunahin ko-si Monica na nawawala o si Gov na papunta na sa dinner namin. Dapat sana ay sorpresa ito para sa kanila pareho, isang pagkakataon para magkausap sila. Pero ngayon, ang tadhana ay nagbiro at halos ilubog ako sa lupa. At ang pinaka-masakit dito, kailangan kong harapin si Gov at sabihin sa kanya na ang apo niya ay nawawala-isang bagay na magpapakita kung gaano ako kapabaya at katanga. Pero wala na akong magagawa kailangan kong panindigan ito, ako rin naman ang may kagagawan nito. Nasa biyahe na ako papunta sa hotel nang makatanggap ako ng mensahe-nasa loob na sila at nag-aantay sa VIP area. Habang binabaybay ko ang daan, inutusan ko si Jeric na maghanap kay Monica at tanungin ang mga tao sa mga lugar na maaaring pinuntahan niya. Pakiramdam ko, hindi pa siya gaanong nakakalayo. Habang nagmamaneho, nagdadasal ako para sa kaligtasan ni Monica. "K

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status