Share

CHAPTER 3 - ELYU

last update Last Updated: 2023-08-11 16:32:18

CHAPTER 3 - ELYU

---

GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV

"Tulong! Tulong! Tulongan niyo kami!" nag-aalalang sigaw ng ale.

Nang bigla akong namulat...

Gulat na gulat ako sa nangyari. Pagmulat ko, napapalibutan na pala kami ng mga tao, pero agad ding nag-alisan ang mga ito.

OMG, nahimatay pala ako. Nakaramdam ako ng nerbyos kaya agad akong humingi ng tubig.

"Pasensya na po sa abala, Nay," sabi ng ale, na siya ding nag-abot ng tubig sa akin.

Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Grabe, ganito pala ang pakiramdam ng may taong nag-aalala sa'yo. Naamoy ko rin ang amoy ng isang menthol na ipinahid niya sa ilong ko nang mahimatay ako.

"Maraming salamat po, Nay," pasasalamat ko habang hawak ang kamay niya.

"Teka, saan ba ang bahay mo, Ineng? Gusto mo bang ikuha kita ng taxi? Lumalalim na ang gabi, oh. Kami kasi ng anak ko, nag-iintindi pa kami ng bus dito sa terminal."

At tila bumalik ako sa aking ulirat nang marinig ko iyon. Oo nga pala, saan nga ba ako pupunta?

Hindi ako nakaimik, hanggang sa biglang dumating ang bus at sumakay na silang mag-ina.

Naiwan ako mag-isa sa may upuan at nag-iisip-isip...

"Ohh? Wala na ba d'yan? Aalis na tong bus!" sigaw ng kundoktor.

"Wala na ata, pare, tara na!" tugon ng driver.

At nang paalis na ang bus...

"Manong! Manong!" sigaw ko habang hinahabol ang bus.

Mabuti na lang at mabagal pa ang takbo nito, kaya nakaabot pa ako sa may pinto.

"Ano ka ba naman, sasakay ka pala. Kanina ka pa nakatulala sa may upuan. Jusko po, mga kabataan talaga ngayon!" naiinis na sabi ng kundoktor.

Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya, basta umakyat na ako at naghanap ng mauupuan. Sakto, may nakita akong bakante sa may harapan kaya umupo na ako.

At dahil sa pagod, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Hanggang sa naramdaman kong may nangangalabit na sa akin.

"Hoy, Miss. Gising!" wika ng kundoktor. Pero hindi pa agad ako nakamulat dahil sa sarap ng tulog ko.

Matapos ang ilang segundo, nagulat ako sa lakas ng pagsigaw ng kundoktor. "HOY, MISS!! WAG KANG MAGTULOG-TULOGAN D'YAN!! LUMANG TUGTUGIN NA 'YAN!! ALAM KO NA YANG MGA MODUS NIYO NA GANYAN!! ASAN NA ANG BAYAD MO!!" galit na sabi ng kundoktor. Sobra ding nanlilisik ang mata nito kaya nakaramdam ako ng takot.

"Ahh, sorry po, Kuya," mahinahon kong tugon, halos hindi ko matanggap ang galit ng kundoktor.

"Yung bayad mo? Saan ka ba bababa? Tumatagal tayo, eh. Madami pa akong gagawin, Ineng," na tila nanggigigil na sa akin.

Hindi ako makasagot dahil wala akong ideya kung saan nga ba ako pupunta at kung anong ruta itong pupuntahan namin. Basta nalang kasi ako sumakay dahil natatakot akong maiwan mag-isa sa terminal.

"Ano?! Tsk!! Alam mo, napupuno na ako sayo, babae ka ha. Kanina ka pa, sa terminal pa lang. May pambayad ka ba talaga?! Kung wala, papababain na kita dito. Bahala ka, nasa gubat-gubat pa naman tayo!" pananakot ng kundoktor.

OMG, ano ba 'tong pinaggagawa ko sa buhay ko? Hindi ko na napigilang mapaiyak sa sitwasyong ito. "Sorry po, Kuya. Hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta, eh. Sige, bababa na lang ako."

Tumayo ako at naglakad na papunta sa pinto nang biglang may nagsalita...

"Teka, Ineng! Wag kang bababa!" sigaw ng isang ale mula sa may bandang likod.

"Eto, Kuya, ang bayad. Kasama namin siya. Kasama namin yang babae, heto, kunin mo ang bayad." At lumapit pa ito sa kundoktor.

Laking gulat ko nang makita ko ang ale na nakasama ko kanina sa terminal. Hindi ko napigilang mapahagulgol nang muli akong salbahin ng Aleng iyon. Niyakap ko siya ng mahigpit habang humahagulgol sa pag-iyak.

Pinaupo naman ako nito sa kinauupuan nila, kaya doon ko na din napagpasyahan na tuluyan nang sumama sa kanila.

Tunay talagang napakabuti ng puso ng Aleng iyon. Kahit na hindi niya naman ako lubusang kilala, tinutulungan niya pa rin ako. Kaya pagbaba namin, tinanong ko ang pangalan niya at napag-alaman ko na ang pangalan niya pala ay Emma Dizon, at si Faith naman ang kasama niyang anak, ang nag-iisa niyang anak.

Wala akong masabi sa kabaitan nila. Hindi din sila nagdalawang isip na tanggapin ako at manirahan sa bahay nila. Kaya napakalaki ng utang na loob ko kina Mama Emma at Faith... Habang buhay ko itong tatanawin na utang na loob sa kanila, kaya ginagawa ko ang lahat para mabigyan sila ng isang kumportableng buhay bilang ganti sa kanilang kabaitan...

Flashback End...

---

LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV

"Operation success, guys. Good job!" Masayang sabi ni Miguel sa mga kasama nito sa loob ng operating room.

"Sige na po, Doc. Kami na po bahala maglipat sa room ng pasyente. Alam naman po namin na wala pa po kayong pahinga sa dami ng pasyente ninyo." May pag-aalala sabi ni Nurse Summer.

"Oo nga po, Doc. Kami na po bahala dito," pagsang-ayon pa ng mga kasama kong nurses dito sa OR.

"Okay, thanks, guys. Just call me when you have any problem or need anything. Pupunta lang muna ako sa office to rest." Nakangiti kong tugon sa kanila at lumabas na ako ng OR pagkatapos.

Paglabas ko sa operating room, sinalubong agad ako ng umiiyak na pamilya ng pasyente. Tinatanong nila kung ano ang kalagayan ng pasyente at sinabi ko na successful ang naging operation, na lubos nilang ikinagalak.

Pagkatapos ng ilang minuto, naglakad na ako papunta sa office ko.

Agad akong umupo sa swivel chair ko. Hay, sa wakas! Ngayon lang nakapagpahinga.

Sinilip ko ang bintana ko at pansin kong mag-gabi na pala, at mukhang malakas ang ulan kaya medyo nakaramdam ako ng pagkaantok. Medyo napapapikit na ako sa upuan ko nang makarinig ako ng pagbukas ng pintuan sa office ko. Pero hindi ko ito pinansin dahil sa sobrang pagkaantok ko.

"Miggy boy???!!" isang boses na agad na nagpagising sa akin.

Sigh! I know it's Mom. At paglingon ko, hindi nga ako nagkamali. Kasama din nito si Daddy. B****o ako sa kanila at pinaupo sa upuan sa tapat ng table ko.

"Oh, Dad, Mom, bakit po kayo nandito? May problema po ba?"

"Problema agad? Ito talagang Miggy boy ko. Hindi ba pwedeng namiss ka lang ng Mommy at Daddy mo?" Matawa-tawang sabi ni Mommy. At napangiti na lang ako.

Hay, nako, paano ba naman kasi, pupunta lang naman sila dito para mang-alaska at kulitin akong magka-girlfriend o kung hindi man, apo na lang daw. Katwiran kasi nila, hindi na daw sila bumabata at kailangan ng mga tagapagmana ng mga angkan namin.

Nag-iisang anak lang kasi ako nina Mom and Dad, at hindi na nila ako sinubukang dagdagan dahil maselan si Mommy magbuntis at maaaring ikalagay ito sa peligro kung sakaling magbuntis pa siya.

"Ganito kasi, anak. Kaya kami nandito ng Mommy mo, para sabihin na ipapadala daw kayo sa Elyu, sa probinsya nitong Mommy mo, para magsagawa ng medical mission doon. Halos lumubog na daw kasi sa baha ang mga hospital doon, kaya kailangan magpadala ng mga karagdagang doktor para sa mga tao dun. Mamigay daw kayo ng mga relief goods at magbibigay ng mga vitamins para sa mga tao roon."

Oo nga pala, ilang araw na ring nababalita yang super typhoon. Kaya pala medyo maulan ngayon.

"Okay po, Dad. So kailan po ito?"

"Bukas na bukas din dahil madami na ang nasasalanta sa lugar na yun. Maski kuryente sa ilang mga lugar ay wala na din, kaya naaawa na itong Mommy mo."

Napailing naman ako sa malungkot na balitang iyon ni Daddy. Sa Elyu daw kasi ang province nina Mommy, at doon din daw sila unang nagkita kaya sobrang espesyal sa kanila ang lugar na yun.

Kaya agad kong pinatawag ang Assistant ko para sabihan ang mga nurses at doktor namin para sa paglipad namin bukas.

Nakaready na din daw ang mga relief goods na dadalhin, at galing lahat kay Gov pati na yung sasakyan namin na private plane na galing rin dito.

"Ohh siya, mag-iingat ka dun, anak, ah? Balitaan mo nalang kami ng Mommy mo."

"Opo, Dad. Kasama ko naman ang assistant ko kaya I'll make sure na mauupdate niya kayo."

Akala ko nga paalis na sina Dad at Mom nang bigla pa itong humirit.

"Ahh, Miggy boy? Madaming magaganda dun sa Elyu." Nakangiting sabi ni Mommy, na parang nang-aasar, sabay taas-baba ng kilay nito.

Tanging pag-iling at pag-ngiti na lang ang naging tugon ko sa kanya.

Hindi pa siya natapos dun, at nilapitan pa ako sabay yakap sa akin. "Malay mo diba? Like your Dad, mahanap mo na din ang forever mo dun." Nakangising sabi ni Mom.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti sa kulit ng magulang ko. "Mom, really? Medical mission, right? So hindi ako makakapambabae dun?"

"Hay nako anak, don't you remember? Pasyente ko din tong Mommy mo noon? Kahit nga wala nang sakit, eh sige pa rin ang pacheck-up niya sa akin. Ayan tuloy, tinurukan ko na para wala nang kawala." Malokong sabi ni Daddy sabay tawa ng malakas with Mommy.

Hay nako, puro talaga kalokohan itong magulang ko. At sabi ko na nga ba, sa pangungulit pa rin talaga mauuwi ang lahat.

"Oh siya, sige na, Mommy at Daddy. Opo, hayaan ninyo, pag may nakita ako dun, tuturukan ko din agad." Biro kong tugon kina Mom and Dad.

Tuwang-tuwa naman sila sa narinig nila mula sa akin. "Alright! That's my boy! Miggy boy!" at tuwang-tuwa silang umalis sa aking opisina.

Ahh, grabe. Mukhang mas sumakit pa ulo ko sa kanila kesa sa ilang oras kong trabaho ngayon. Hay nako, kung ganun nga lang sana kadali na mambabae na lang kahit sino, patulan ko na para lang manahimik sina Mommy at Daddy. But I am a changed man now, at nananatiling loyal kay Nica. Hayy..

At hindi ko na naman maiwasang mapatulala at mapatingin sa window ko at mapatitig sa langit.

"Hayy, Dhalia... Wherever you are... Mahahanap din kita..."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Janet Toledo
sana nga magkita na kayo ni dhalia para may daddy na ang mga babies nyo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 4 – UNEXPECTEDLY

    CHAPTER 4 – UNEXPECTEDLY---A Day After the Storm...Lumipas ang isang araw, at nagtungo na ang mga volunteer doctors at nurses ng Samaniego Medical Hospital sa probinsya. Pinangunahan ito ng kanilang head doctor na si Dr. Lorenzo Miguel, lulan ng isang private plane na mula pa mismo kay Governor Clifford ng Maynila. Naatasan sila na magsagawa ng medical mission para matulungan ang mga lubos na naapektuhan ng super typhoon.Pagkarating nila sa lugar, ramdam agad ang epekto ng bagyo. Kahit lumipas na ang kalamidad, naiwan nito ang matinding pinsala—mga bahay na nasira, mga punong nagkalat sa daan, at mga tao sa evacuation center na halatang pagod na sa pinagdaanan.Agad na kumilos ang team ng Samaniego Medical Hospital. Ang iba ay nag-ayos ng kanilang mobile clinic, habang ang iba naman ay sinimulan na ang pamimigay ng relief goods na naglalaman ng pagkain, tubig, gamot, at bitamina.Habang abala ang lahat, iniikot ni Lorenzo ang paningin niya sa lugar. Hindi niya maiwasang makaramdam

    Last Updated : 2023-08-11
  • One Night Stand with a Stranger    CHAPTER 5 – MONICA'S IN TROUBLE

    CHAPTER 5 – MONICA'S IN TROUBLE----Halos maluha at hindi makapaniwala, yan ang mga naramdaman ni Miguel nang makita niya sa wakas ang babaeng sobrang tagal na niyang hinahanap. Wala itong kaalam alam na si Misyon palang ito ay dito niya matatagpuan ang dalaga. Ngunit kahit na ganunpaman ay tila hindi pa rin naging masaya si Miguel.Lalo na nang mabalitaan nito na may asawa na pala ang kanyang babaeng minamahal. Hindi ito makapaniwala sa mga ibinalita sa kanya ni Dr. Charles. Tulala at maraming iniisip, mukhang hindi papayag si Miguel na basta basta nalang siyang magpapatalo dahil naniniwala ito hindi nagsasabi ng totoo ang babaeng bumaliw sa kanya...---GABRIELLA MONICA JIMENEZ POVSa wakas, natapos na rin ang duty namin! Dumating na ang karelyebo namin, at pinayagan kaming magpahinga nang maaga ni Dr. Blaire dahil pang-umaga muli kami bukas. Exciting pa lalo dahil balitang darating na ang mas marami pang relief goods at volunteers. Nakakatuwang makita ang dami ng tumutulong, at sob

    Last Updated : 2023-08-11
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 6 – THE UNCONDITIONAL LOVE

    CHAPTER 6 – THE UNCONDITIONAL LOVE---Monica left speechless after that kiss from Miguel. Tumutulo ang luha nito nang maabutan ito ni Riley. Hindi naman ito umiimik sa kanyang kaibigan at nag aya na itong umuwi. At habang sila ay naglalakad ay tila wala sa sarili si Monica at patuloy pa din sa pag iyak.Wala namang kaalam alam ang mga ito na nasa may gilid lang sina Miguel dahil nag aabang ito ng kanilang service pauwi ng hotel. Nasaksihan ng mga ito ang naging resulta sa ginawa niya kay Monica. Tila nakaramdam ng konsensiya si Miguel at tila pinagsisisihan ang kanyang ginawa.---LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVTahimik kaming naghihintay ni Jeric ng shuttle bus pabalik sa hotel nang mapansin niyang naghahanap ng masasakyan sina Monica at ang lalaking kasama niya. Ako? Nakatulala lang, masyadong abala sa iniisip. Pero nang makita ko ang kalagayan ni Monica, para akong sinampal ng guilt. She looked so lost, patuloy na umiiyak habang yakap-yakap ang sarili.Fck.* Mukhang mali ang ginawa ko

    Last Updated : 2023-08-12
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 7 – THE NEW CEO

    CHAPTER 7 - THE NEW CEO ---- At ngayon na nga ang ikalawa at huling araw ng Medical Mission kaya lalong dumagsa ang mga tao. At sa pagdami nito ay dumami din naman ang mga Hospital ang nag volunteer para tumulong galing sa kabi-kabilang panig ng bansa. Kaya dahil dito ay may mga naatasan na mag bahay bahay at may iba naman na naatasan na suungin ang kasulok sulukan ng lugar at nang sa gayon ay lahat ay siguradong mabibigyan. Maagang nagsagawa ang mga Nurses at Doctor sa kanilang pamimigay ng libreng konsulta at relief sa mga tao roon. Magkatulong pa rin ang malalaking Hospital na St. Rose Hospital at Samaniego Medical Hospital at nag anunsyo naman ang Chief Executive ng St. Rose Hospital na si Dr. Benjamin De Guzman, ang ama ni Dr. Blaire De Guzman na magkakaroon sila ng isang kaunting pagsasalo salo para sa matagumpay nilang operasyon. Samantala, kapansin pansin naman ang pagkaaligaga ng dalawang doctor na sina Dr. Blaire at Dr. Miguel dahil tila wala roon ang babaeng parehas nila

    Last Updated : 2023-08-13
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 8 – CATFIGHT

    CHAPTER 8 – CATFIGHT ---- Nang dahil sa pagpupumilit ni Dr. Blaire kina Monica at sa pamilya nito ay napapayag niya ang mga ito na sumama sa kanya papunta sa kanilang Hotel para sa isang victory party. Giit nito na isa lang kaunting salo salo ang magaganap ngunit lingid sa kaalaman nito ay may inihanda pala ang mga magulang ni Dr. Blaire na surpresa para sa kanilang nag iisang anak. Pagpasok pa lang nina Monica sa loob ng events room ay bumungad na agad ang napakaraming tao at ang lahat ng ito ay nakatingin sa kanila. Kita naman ang pagkagulat ng mag asawang De Guzman sa kanilang nakita, dahil sa gabing din iyon ay may kasunduan sanang magaganap sa pagitan ng kanilang pamilya at sa pamilya ng isa sa pinakamayamang tao sa buong bansa kung saan ipagkakasundo nila ang kanilang mga anak sa isa't isa. --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV For real?? Tanong ko sa sarili ko, hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko. Do they really have something? Pero bakit parang napipilitan lang si Moni

    Last Updated : 2023-08-14
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 9 – PLAN B

    CHAPTER 9 – PLAN B ---- Sakay ng ambulansya ay magkasamang tumungo sina Monica, Faith, Rylie at Miguel papunta sa St. Rose Hospital. Kasalukuyan pa ring walang malay si Mama Emma at sinabi na-comatose nga ito matapos itong mabagok. Kaya ganun na lang ang pag aalala nina Monica sa kanilang Ina. At habang sila ay papunta ng Hospital ay tinatanong ni Miguel sina Monica ukol sa mga napapansin nilang kakaiba sa kanilang Mama Emma dahil tila nagdududa ito sa kinekwento nila na high blood lamang ang sakit nito. Samantala, masama pa rin ang loob ni Olivia at ang asawa nitong si Benjamin sa mga nangyari dahil bukod sa nasira ang event ay hindi rin natuloy ang pagkakasundo sana nina Blaire at ng nag iisang anak na babae ng Pamilya Gomez. At dahil dito ay umuwi rin ang pamilya nila na dismayado. At habang nasa hotel sila ay bigla namang sumakit ang ulo ni Blaire at tila ay sumusumpong ang kanyang sakit kaya agad itong pinainom ng kanyang ama ng gamot. Galit na galit pa rin ito hanggang ngay

    Last Updated : 2023-08-15
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 10 – QUEEN BEE

    CHAPTER 10 – QUEEN BEE ---- Matapos ang naging kaguluhan sa D.G Hotel ay nagdulot ito ng matinding kaguluhan na nagresulta sa sakitan kung saan ang pinaka matinding natamaan ay walang iba kundi si Mama Emma. Natamaan ito nang lusubin siya ng galit na galit na si Olivia De Guzman, ang asawa ni Benjamin De Guzman na may ari ng St. Rose Hospital kung saan nagtatrabaho si Monica. Nagdulot ang pagsugod ni Olivia ng matinding pagkakabagok ng ulo ni Emma kung saan nagresulta ito ng pagkakacomatose nito. Hinihikayat naman ni Miguel si Monica na sampahan ng kaso si Olivia ngunit nagdadalawang isip ito dahil kilalang kilala niya ito na may kakayahang bumaliktad ng kaso. Natatakot din ito na baka sila ay paginitan ng pamilya nito kaya mas pinili niyang tutukan nalang ng pansin ang lagay ng kanyang mahal na Ina. Kasalukuyan namang nasa ambulansya na si Emma dahil ito nga ay ililipat sa Hospital nina Miguel kung saan ito ay mas matututukan hindi gaya sa St. Rose Hospital na tila ay may manopo

    Last Updated : 2023-08-16
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 11 – SECRET FRIEND

    CHAPTER 11 – SECRET FRIEND --- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Nang makalapag kami sa hospital, agad na umalis si Miguel at dinala na si Mama sa ICU. Kami na lang ang naiwan—ako, ang mga anak ko, si Riley, Ate Lucy, at Faith. Si Jeric naman ang nag-assist sa amin papunta sa room namin. Pagkapasok pa lang namin sa hospital, agad kaming namangha sa laki nito. Hindi namin inasahan na ganito pala ang hospital nina Miguel. Parang isang hotel sa laki at luwag nito! "Grabe, ka-bongga naman ng hospital na 'to, girl! Ganito pala sa Manila? Sobrang lawak!" sambit ni Riley habang naglalakad kami. Maging ako, namangha rin. Ilang taon na rin mula nung huli akong pumasok dito, at nung time na 'yun, hospital lang talaga siya. Wala pang ganitong laki. Kaya sobrang nakakabilib na ang pamilya ni Miguel pala ang nagpapatakbo ng hospital na 'to. Habang naglalakad kami, tumawag si Miguel kay Jeric at sinabi na nasa ICU na daw si Mama at tinitignan na ng mga doctor. Gagawin nila ang lahat, at pag nagisi

    Last Updated : 2023-08-17

Latest chapter

  • One Night Stand with a Stranger   SPECIAL EPISODE

    SPECIAL EPISODE--------GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POVHampas ng alon, halimuyak ng preskong hangin, at yung huni ng mga ibon. Hinding hindi ako magsasawa sa ganitong pakiramdam. Pakiramdam na aking uulit ulitin hanggang sa ako’y tumanda.At ngayon, pinagmamasdan ko ang payapang dagat habang nakaupo at gayun din ang mga batang masayang naglalaro.“ Mommy! Mommy! Tawag ka na ni Daddy, kakaen na daw po tayo.” pagtawag sa akin ng anak kong si Addison.“ Okay, anak. Tatawagin ko lang din ang mga kapatid mo...Athena at Alison! Halika na at kakaen na tayo.”At nag uunahan pa silang lumapit sa akin.“ Haha! Mommy!” natatawang pagyakap sa akin ni Alison, at dahil sa nauna ang ate niya kaya bigla nalang umiyak ang bunso kong si Athena.Kaya niyakap ko ito.“ Mommy, I hate ate! Because she always makes me cry! And she doesn’t want me to win! I hate her mommy.” pagsusumbong ni Athena sa akin.Pero agad ko rin siyang pinakalma at sinabihan.“ Athena anak, ano ang paulit ulit na sinasabi ni Mommy

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 51 – THE UNENDING LOVE

    CHAPTER 51 – THE UNENDING LOVE----Pagkatapos ng wedding ceremony ay diretso silang lahat sa venue ng reception para sa Kasal nina Lorenzo Miguel at Gabriella Monica. It was an evening wedding. Ngayon ay mag aalas sais na at sakto lang iyon para pakainin ang mga bisita ng Dinner.----GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POV“What food do you want Love?” Tanong sa akin ni Miguel na nakaupo sa tabi ko.Sobrang gwapo niya lalo ngayon sa suot niya.“Anything Love, Mukhang masarap naman lahat ng nasa mesa natin e. Pati bumalik na naman yung pagkagusto ko sa ibang pagkaen kaya pwede ko na ulit silang kainin.” Pagkasabi ko kay Miguel pinag lagay na niya ako sa plato ko ng pagkaen.“Thanks love.” dagdag ko pangsabi sa kanya habang nakangiti.Agad naman kaming kumaen dahil kanina pa talaga kami nagugutom ni Baby Dragon habang nag pipictorial pa lang kami kanina sa beach.“Attention everyone.” sabi ng host na ikinalingon ng lahat sa gitna ng stage sa harapan.” Habang kumakain ang lahat, panoorin nati

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 50 – WEDDING IN PARADISE

    CHAPTER 50 – WEDDING IN PARADISE----GABRIELLA MONICA JIMENEZ POVSa wakas, dumating na din ang araw na ito, October. 07. Ang petsang napakaimportante para sa buhay ko, dahil hindi lang ito basta para sa kasal namin ni Miguel kundi araw din ng isa sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko...Kaya pag gising ko ay sinigurado kong ako ang mauuna sa kanya para isurpresa.“ Happy birthday to you, happy birthday to you...” pag awit namin kay Mama na kasalukuyang natutulog sa mga oras na yun.At nagising ito ilang segundo lang nang marinig kami nitong kumakanta.At pagmulat niya ay agad siyang napangiti at ako’y niyakap at hinalikan. Inabot ko sa kanya ang kanyang cake para nang sa gayon ay makapag wish ito at maiblow ang cake.“ Make a wish! Make a wish!” paulit ulit naming sabi.Halos maluha luha pa nga si Mama.“ Syempre ang wish ko na maging maayos ang buhay ninyong lahat. Good health at nawa’y gabayan pa tayo para mas humaba pa ang ating pagsasamahan. Tapos syempre, maging successful

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 49 – THE PREPARATION

    CHAPTER 49 – THE PREPARATION----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVMatapos ang malasawang palabas mula sa mga kaibigan ko ay nagbihis na sila at matapos nun ay may iniabot naman silang cake sa akin na may nakasulat na “ Last shot before knot”.“ Aww, thanks guys. Salamat sa pag aabala. Although halos sumakit ang sikmura ko sa mga pinagagagawa ninyo sa makailang beses kong pagpigil ng suka pero you guys did a great job.” at sabay sabay kaming nag palakpakan.Hanggang sa makarating na kami sa bababaan namin.At napangiti ako nang makita ko pa lang ang mga puno puno at yung kulay berde na mga bundok. At hindi ako maaaring magkamali.“ Hi, welcome to Royal Sea Resort po.” isa isang bati sa amin ng mga crew na sinalubong kami sa aming pagbaba.“ Uyy sir, welcome po and congratulations.” bati naman nila nang makababa ako.At may dala dala din silang cake at kaya agad akong nagpasalamat sa effort ng mga ito.“ Salamat, salamat.” nakangiti kong sabi.At nang makalakad kami ng kaunti ay may sumalu

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 48 – PARTY GONE WILD

    CHAPTER 48 – PARTY GONE WILD----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVSa wakas!My mind is now at peace dahil finally ay nagkaayos na rin sina Lolo Clifford at Monica. Kaya sobrang sarap ng kwentuhan namin. Hagikhikan at tawanan at makikita mo kung gaano rin nila kamiss ang isa’t isa.“ Pero ito ang kamukhang kamukha mo apo, si Alison. Pero grabe, ang lakas ng dugo nito ni Miguel kaya mabuti nalang at magandang lalaki ang napili mo apo.” nakangiting sabi ni Lolo Clifford.“ Aba’y dapat lang Lo, kasi kung hindi ay nako baka pinakulong ko na agad yan.” sabay tawanan nilang mag lolo.At ako pa talaga ang ginawang taya sa asaran nila.“ Alam mo apo, meron pa akong ipagtatapat sayo. Si Lucille Trinidad, kilala mo yun diba?”“ Lucille Trinidad? Uhm...Opo? Siya po yung nanny nitong mga anak ko po, si Ate Lucy. Bakit po Lo? Tsaka paano niyo po pala siya nakilala?”At bigla namang napangiti si Lolo Clifford.“ Dahil isa siya sa mga tao ko. At inutusan ko siya na mag apply sayo bilang maging isang Nan

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 47 – PEACE AND LOVE

    CHAPTER 47 – PEACE AND LOVE----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVAnd I now fully understand kung bakit ganun na lang kalaki ang galit niya sa lolo niya. At maging kahit sino naman siguro na magsuggest na ipalaglag ang anak mo ay sasama rin siguro ang loob.Actually, ilang beses nang nakwento ni Monica sa akin pero never niyang sinabi na nais rin palang ipalaglag ni Lolo ang mga bata dahil ang sinasabi lang sa akin ni Monica noon ay nais lamang siyang palayasin nito.Kaya ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat.Kaya agad kong niyakap si Monica.“ Love thank you ha.” sabi ni Monica habang pinupunasan niya ang luha niya.“ Thank you saan love?”“ Thank you for listening. Alam mo parang gumaan ang pakiramdam ko..” nakangiti niyang sabi.“ Dahil ngayon ko lang nasabi ang totoong dahilan kung bakit ako galit na galit kay Lolo. It’s like finally, nailabas ko na rin yung sama ko ng loob sa kanya. Dahil parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon eh.” dagdag pa ni Monica.“ Kung ganun love, nai

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 46 – LEVEL 4 OF ANGER

    CHAPTER 46 – LEVEL 4 OF ANGER----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV“ Sige na!! Wag mo nang patagalin Miguel! Kung ayaw mong si Monica ang mabaril!!”At sa hudyat na yun ni Caleb...Ay hindi na ako nagdalawang isip na agad na magpaputok dahil kung hindi ko ito ginawa ay mataas ang tsansa na madamay ang mga mahal namin sa buhay.Kaya napabilib ako nito sa tapang na ginawa niya para isakripisyo ang kanyang sarili.Kaya nang itutok ko ang baril ay agad akong nag focus sa target. At kahit na magalaw silang dalawa ay nanatiling naka lock ang tingin ko kay Blaire.Hanggang sa...Bang!@Samaniego Medical HospitalDead on arrival...Yan ang malagim na sinapit ni Blaire De Guzman nang matamaan siya sa pagkakabaril ko.Pero sa kasamaang palad nga lang, ay tila may sa-pusa ata itong si Blaire at nagawa pa nitong makapagpaputok pa ng isa bago pa man siya malagutan ng hininga.At nagresulta ito ng matinding tama sa balikat ni Caleb, kaya isa ako sa mga napasigaw nang makita ito.“ Caleb! Sh*t!”At agad

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 45 – THE LAST ENCOUNTER

    CHAPTER 45 – THE LAST ENCOUNTER----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVNang ibalita sa akin ni Riley ang tungkol sa pag alis nanaman ni Monica ng mag isa, ay hindi na kami nagsayang pa ng oras at agad kaming umalis para masundan ito kaagad.And I already anticipated na maaari ngang gawin itong muli ni Monica dahil kahit nung nasa bahay pa lang kami ay malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin at hindi pa rin ako pinapansin kaya nasa isip ko na baka may chance na umuwi nanaman ito nang hindi nagpapaalam o hindi sumabay sa amin.Kaya nung bago pa lang kaming makapunta sa Hospital ay nilaglag ko na ang microchip kung saan ito ang magiging susi ko para ma-track kung saan man maaaring pumunta si Monica.Kaya medyo nabawasan ng bahagya ang pagkakaba ko. Pero yun nga lang, kahit na ganun pa man ay hindi pa rin ako dapat na pakasisiguro. Dahil malay ko ba kung baka may bigla nalang mangyaring masama sa kanya which yun ang sobra kong iniiwasan na mangyare.Kaya sinundan namin ito at positibong na

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 44 – LQ

    CHAPTER 44 – LQ----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVProbably not the result that I want.And obviously, ipit na ipit ako ngayon dahil hindi ko malaman kung sino ba ang uunahin ko? Si Monica ba na nawawala o si Gov na papunta na ngayon sa dinner namin.It was supposed to be a surprise para sa kanilang dalawa but this goddamn twist of fate ay halos ibaon ako sa lupa. Sobra pa sa kamalasan itong nangyari sa akin dahil kailangan kong harapin ngayon si Gov para sabihing nawawala ang apo niya which will made me look so f*cking stupid.Pero kailangan kong harapin itong lahat dahil ako rin naman ang may kagagawan nito.Kaya on the way na ngayon ako sa Hotel na sanang pagkakainan namin dahil nakatanggap ako ng message na nakarating na pala sila at nasa loob na ng vip area.Samantala, inutusan ko naman si Jeric na maghanap hanap kay Monica sa maaari nitong puntahan nito at magtanong tanong na rin sa mga nakakasalubong niya dahil wari ko ay hindi pa rin naman siguro ito nakakalayo.Nagdadasal nama

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status