CHAPTER 5 – MONICA'S IN TROUBLE
----
Halos maluha at hindi makapaniwala, yan ang mga naramdaman ni Miguel nang makita niya sa wakas ang babaeng sobrang tagal na niyang hinahanap. Wala itong kaalam alam na si Misyon palang ito ay dito niya matatagpuan ang dalaga. Ngunit kahit na ganunpaman ay tila hindi pa rin naging masaya si Miguel.
Lalo na nang mabalitaan nito na may asawa na pala ang kanyang babaeng minamahal. Hindi ito makapaniwala sa mga ibinalita sa kanya ni Dr. Charles. Tulala at maraming iniisip, mukhang hindi papayag si Miguel na basta basta nalang siyang magpapatalo dahil naniniwala ito hindi nagsasabi ng totoo ang babaeng bumaliw sa kanya...
---
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
Sa wakas, natapos na rin ang duty namin! Dumating na ang karelyebo namin, at pinayagan kaming magpahinga nang maaga ni Dr. Blaire dahil pang-umaga muli kami bukas. Exciting pa lalo dahil balitang darating na ang mas marami pang relief goods at volunteers. Nakakatuwang makita ang dami ng tumutulong, at sobra ang pasasalamat namin sa kanilang lahat.
May isa pang magandang balita—ayon kay Mama na katawagan ko ngayon, humupa na raw ang baha sa lugar namin! Kasalukuyan daw nilang nililinis ang bahay, at buti na lang ay may mga kapitbahay na tumutulong.
"Oo, anak. Huwag kang mag-alala. Hindi mapapagod si Mama mo dahil marami ang tumutulong dito. Babayaran ko na lang sila pagkatapos, at mag-eemeryenda din kami mamaya," masayang sabi ni Mama, halatang excited sa pag-aayos.
Napangiti na lang ako. Salamat naman at unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat. Si Riley naman, parang bata sa tuwa at halatang excited nang umuwi. Pero naisip ko, bago kami umalis, kailangan kong magpaalam kay Kuya.
Magkahawak kami ng kamay ni Riley habang papunta sa booth ni Kuya—panindigan na namin ang pagiging "mag-asawa kuno." Kung noong una ay nandidiri kami sa setup na ito, ngayon ay parang nasanay na rin. At least, wala nang eww factor.
Pagdating namin sa booth, wala si Kuya. Nag-banyo raw sabi ng isang staff na natanong namin, kaya naisip naming hintayin na lang siya doon.
Habang naghihintay, napansin namin ni Riley ang mga gamit sa loob ng booth. Nakakamangha ang makabago nilang mga medical equipment. Grabe, parang pang-high-tech na ospital! Nasa kalagitnaan kami ng paghanga nang aksidente niyang masagi ang ilang gamit.
Laglagan mode.
"Hala, girl! Ano ba yan, mamaya mahuli tayo!" bulong ko, nag-aalala habang tinutulungan siyang pulutin ang mga nahulog. Buti na lang talaga at wala pang tao sa booth, kundi lagot kami.
Mga papeles at ID ang mga nahulog, kaya ingat na ingat kami sa pagbalik nito sa lamesa. Bigla akong kinabig ni Riley.
"Huy, te! Tingnan mo 'to!" excited niyang sabi, hawak ang isang ID.
"Bakit ba?" inis kong tanong habang binibigay ang mga nadampot ko sa lamesa. Pero nang makita ko ang hawak niyang ID, Natigil ako nang makita ko ang pamilyar na mukha sa ID. Tila nanigas ako sa kinatatayuan. Binasa ko ang pangalan parang bumagal ang oras.
"Dr. Lorenzo Miguel Samaniego, Neurosurgeon?" bulong ko, habang tinitignan ang pamilyar na mukha sa ID. Napatingin ako kay Riley, at sabay kaming napa-"OMG!"
Siya nga. Maputi, mapula ang labi, at asul ang mga mata. Walang duda—si Miguel ito.
Nasa kalagitnaan ng freak-out mode namin nang biglang may lumitaw na lalaki Matangkad, moreno, at may seryosong mukha. Nahuli kami nitong hawak ang ID ni Miguel.
"Excuse me? Sino ho kayo, at bakit niyo hawak ang ID ng boss ko?" tanong niya, halatang iritado, sabay kuha ng ID mula sa kamay ko.
"Kung may hinihintay po kayo, baka puwedeng sa labas na lang ho. Mahirap na po at baka may mawalang gamit. Ayaw naman natin 'yun, di ba?" dagdag niya, may kasamang judging look.
Napataas ang kilay ko. Ang rude naman nito! Lumabas na lang kami ni Riley, pero naglalagablab ang ilong ko sa inis. Talaga bang pagbibintangan kaming magnanakaw? Grabe ha!
Si Riley naman, mukhang hindi natapos ang inis niya. Habang nasa pinto na kami, talagang nakipagtitigan pa siya sa lalaki.
"Yes, sir? May problema ho ba tayo? Kung makatingin kayo, parang nangungursunada?" madiin na sabi ni Riley, angas na angas.
"Ano? Maangas ka?" sagot ng lalaki, sabay lapit pa.
Naku, parang away na ito! Halos mag-apoy na ang hangin sa pagitan nila. Nakakainis. At the same time... parang may spark? Namumula si Riley! Ang landi pa ng tingin niya. Jusko, beshy! Focus!
Buti dumating si Kuya at agad silang inawat. Nakahinga ako nang maluwag. Jusko, grabe ang nerbyos ko kanina. Yung lalaki kasi, malaki ang pangangatawan, matangkad, at halatang palaban.
"Anong nangyari dito? Jeric, ano ba? Asawa ng kapatid ko 'yan!" sermon ni Kuya sa lalaki. Napayuko na lang si Jeric at umalis pagkatapos.
Humingi naman ng pasensya si Kuya sa amin. "Pasensya na ha. Assistant kasi 'yun ng Head Surgeon namin. Bantay-sarado siya dito kaya siguro nag-overreact. Nasaktan ka ba, bro?" tanong niya kay Riley, sabay akbay.
Si Riley naman, parang kinikilig pa at yumakap pa kay Kuya! Jusko, nakakahiya!
"Babe!" gigil kong sabi, hinila ko siya papalayo. Pinandilatan ko na rin siya para matauhan. Buti na lang, naalala niyang "mag-asawa" nga kami.
"Haha, sorry! Magkamukha kasi kayo ng Kuya mo, ano ba 'yan. Nakakahiya, sorry bro!" sabi ni Riley, nangingiti pa rin habang papalayo kami.
---
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
Eto na naman. Yung parehas na pakiramdam na naramdaman ko nung unang beses kong makita si Monica sa bar gabing iyon—ang pananabik, ang pagkasabik ko sa kanya—bumabalik. Nang malaman kong kasal na siya, parang mas lalo lang akong naggigil. Pilit ko itong pinipigilan dahil ayokong gumawa ng eksena, lalo na't marami kami rito. Kaya heto ako, pinipiling pagmasdan siya mula sa malayo, kahit tuwing nakikita ko siyang magkahawak ng kamay kasama ang tinatawag niyang asawa.
Pero hindi. Hindi pwede ang ganito.
Ako si Lorenzo Miguel Samaniego. At hinding-hindi ako magpapatalo.
That girl was mine. Ako ang unang nagmahal sa kanya, at ako rin ang unang lalaking umangkin sa kanya. Kaya nararapat lang na sa akin siya mapunta. Wala akong pakialam kung kasal na sila. Ang importante, magkakabalikan kami.
At isa pa, may hawak akong alas. Ang mga bata. Sigurado akong akin ang triplets na iyon. Kita sa mga mata nila—ang parehong asul na mata ko. Ang edad nila, tugmang-tugma kung pagbabasehan ang gabing magkasama kami ni Monica. Hindi niya kayang itanggi ito sa akin. Sigurado akong nagsisinungaling lang si Monica sa Kuya niya, pero ako—hindi niya ako kayang bilugin.
"So, ano, Jeric? May update ka na?" tanong ko sa assistant ko habang nakatayo sa sulok ng booth, nagmamasid.
"Negative pa, boss. Pero... mukhang nagpapaalam na sila kay Dr. Charles," sagot niya habang mabilis na nagtatype sa tablet niya.
Napakunot ang noo ko. "Ano'ng ibig sabihin? Lalabas na sila?"
Tumango si Jeric. "Oo, boss. Mukhang nagplano na silang umuwi. Pero huwag kang mag-alala, pinakikiramdaman ko ang bawat kilos nila."
Humigpit ang hawak ko sa penlight na nasa bulsa ko. Nag-init ang pakiramdam ko. Hindi pwede ito. Hindi pwede siyang basta na lang umalis nang hindi ko siya nakakausap.
"Jeric, bantayan mo sila. Pero huwag kang masyadong halata."
Tumango siya at agad na umalis para gawin ang utos ko. Ako naman, nanatiling nakatayo, pinipigilan ang tensyong nararamdaman ko.
Ang hirap nito. Ang hirap pigilan ang sarili kong lapitan siya, kausapin siya, tanungin siya ng harapan. Pero alam kong may tamang panahon para doon. At sa oras na iyon, hindi siya makakaiwas.
Habang nag-iisip, napansin kong lumapit si Dr. Charles sa booth. May dalang papel, at mukhang abala siya sa pakikipag-usap kay Monica. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila, pero ang tingin niya sa kanya, parang may alam siya na hindi ko pa nalalaman.
Hindi ko gustong maging ganito. Hindi ko gustong maging stalker ng sariling babaeng mahal ko. Pero anong magagawa ko? Ang tagal kong hinanap si Monica. Ilang taon akong nagtitiis na hindi siya makita, na hindi malaman ang sagot sa mga tanong ko.
At ngayong nandito siya, hindi ko hahayaang mawala siyang muli.
"Lorenzo..." bulong ko sa sarili ko, pinipilit kalmahin ang pag-init ng ulo ko. "Stay focused. May tamang panahon para sa lahat."
Pinilit kong huminga nang malalim at ipagpatuloy ang pagmamasid. Ngayon, ang kailangan ko lang gawin ay tiyakin na hindi sila makakaalis nang hindi ko nalalaman.
---
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
Halos isang oras din kaming nagkwentuhan ni Kuya, at parang hindi pa sapat ang panahong iyon para makapag-bonding nang husto. Ang dami naming napag-usapan, ngunit kailangan na niyang umalis dahil pang-umaga pa sila bukas. Dumating na rin kasi ang shuttle bus nila, kaya wala na akong nagawa kundi magpaalam. Napag-alaman ko pang sa hotel lang sila nag-iistay, at kinabukasan ay uuwi na sila agad pagkatapos ng Medical Mission.
Nang makaalis si Kuya, naisip namin ni Riley na umuwi na rin. Pero hindi ko na kayang tiisin—kailangan ko munang magbanyo.
Medyo madilim na sa nilalakaran namin dahil maraming bumbilyang patay na, at yung ilan pang gumagana, kumukurap-kurap pa. Nakakakilabot. Habang papalapit kami sa banyo, kinabahan na ako, pero pinilit kong magpakatatag. Siyempre, bawal akong samahan ni Riley sa loob, kaya mag-isa akong pumasok.
Pagpasok ko, napansin kong maluwag naman ang banyo. May malaking salamin at tatlong cubicle. Dahil halos hindi ko na matiis, agad akong pumasok sa isa. Pagkalabas ko, lumapit ako sa lababo para maghugas ng kamay.
"Lalala lala..." mahinang pag-awit ko habang sinasabon ang kamay ko.
Bigla na lang—BLAG!—namatay ang ilaw.
"Put**in!" Napasigaw ako sa gulat. Omg! Wala akong makita. Wala rin akong magamit na ilaw dahil nasa labas si Riley nasa kanya ang bag ko at nanduon din ang cellphone ko. Nagkapakapa nalang ako sa dilim hanggang mahawakan ko ang pinto.
Hanggang sa...
"Ahhhh! OMG! Sino ka?!" Napasigaw ako ulit nang may biglang lumitaw na aninoo sa harapan ko. At parang eksena sa pelikula, biglang bumukas ang ilaw. Nang makita ko kung sino ang nasa harap ko, halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko parang nanigas ako sa akin kinatatayuan.
"Ikaw?!"
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
Ang tanging naisip kong paraan para hindi siya makatakas? Ikulong siya. At, syempre, kasama ako.
Sa tulong ng assistant kong si Jeric, matagumpay naming naisakatuparan ang planong ito. Halos isang oras siyang nag-abang sa labas ng banyo para mabigyan ako ng signal na papunta na si Monica. Masusi kong pinag-aralan ang lahat—mula sa oras ng pagdating niya hanggang sa tiyempo ng pagpatay sa ilaw. Sinigurado ko rin na maaga nang pinick-up ng shuttle ang mga volunteers namin para walang istorbo.
Habang naghihintay ako sa loob ng banyo, hindi ko mapigilang ma-excite. Alam kong ito na ang pagkakataon ko. Nag-rehearse pa nga ako para siguradong flawless ang execution. Nang marinig ko ang pagbukas ng cubicle at makita siyang naglalakad palabas, sinara ko na agad ang ilaw at ini-lock ang pinto.
Wala ka nang takas, Monica Jimenez.
"Pakawalan mo ako, Miguel! Pwede kitang kasuhan dahil dito sa ginagawa mo!" pananakot niya, pero hindi ako natitinag. May pakay ako ngayong gabi, at hindi ako aalis dito nang hindi ko ito natatapos.
"Teka, kakakita lang natin, gusto mo na agad umalis? Hindi mo ba ako na-miss?" Hinawakan ko ang kamay niya, pero mabilis niya itong inalis.
"Ano bang pinagsasabi mo? Pakawalan mo na ako, please! Maawa ka, may trabaho pa ako bukas," pagmamakaawa niya. Pero kahit pilit niyang magmakaawa, hindi ako natitinag. Alam kong ito lang ang tsansa ko para makausap siya nang harapan.
Sinubukan niyang buksan ang pinto, pinipihit ang doorknob nang paulit-ulit, pero alam kong wala siyang magagawa. Hawak ni Jeric ang susi sa labas.
"Walang magagawa ang pagdabog mo diyan, Monica. Tanggapin mo na—nakulong tayo dito," sabi ko, nakaupo malapit sa lababo, sinusubukang magpakalmo.
"Halika na, maupo ka. Mag-usap tayo nang maayos."
Hindi siya tumigil sa pagsira ng doorknob, pero nang mapagod na siya, humarap siya sa akin, ang mga mata niya nag-aalab sa galit.
"Relax ka lang, Monica. Ako lang to. Bakit parang takot na takot ka? Wala naman akong gagawing masama—maliban na lang kung may tinatago ka sa akin," sabi ko, binigyan siya ng makahulugang ngiti.
Bigla akong tumayo, nilapitan siya, at hinawakan ang balikat niya. Pinilit kong tingnan siya sa mata, pero nang magkalapit ang mga mukha namin, hindi ko naiwasang mapatitig.
"M-Monica..." bulong ko, nang maramdaman ko ang kabog ng puso ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinila ko siya papalapit at niyakap nang mahigpit.
"Monica... Mahal na mahal kita," bulong ko habang nararamdaman kong unti-unting natutunaw ang pader ng emosyon ko. "Ang tagal kitang hinanap. Halos mabaliw ako, pero hindi ako sumuko. Kaya patawarin mo ako kung nagiging ganito ako. Ginagawa ko lang ito dahil mahal kita."
Ramdam ko ang pagpiglas niya hanggang sa naitulak niya ako.
"Pero, Miguel, hindi na pwede! May pamilya na ako. Masaya ako sa kanila. Kaya please lang, tama na ito," sagot niya, nanginginig ang boses, pero mariin ang paninindigan.
"Masaya ka nga ba talaga, Monica?" tanong ko, sinubukang basahin ang ekspresyon niya. "Akala mo ba maniniwala akong yang lalakeng kasama mo ang ama ng mga anak mo? Hindi ako tanga, Monica. Kita ko sa mga mukha ng mga bata—akin sila."
"Hindi mo sila pag-aari, Miguel. At kahit kailan, hindi mo sila magiging anak!" galit niyang sagot, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
"Kung gusto mo, Monica, kayang-kaya kong magpa-DNA test. Pero kung ako sa'yo, sabihin mo na ang totoo ngayon. Dahil kapag napatunayan ko na akin sila, magpapakasal ka sa akin, whether you like it or not," sagot ko, seryoso, habang binigyan siya ng isang mapaglarong ngiti.
Sinampal niya ako nang malakas, pero bago ako lumabas, dinampian ko ng mabilis na halik ang kanyang labi.
"I miss this sweet lips of yours... and I love your scent, sweetheart," bulong ko, nakangisi. bago ko binuksan ang pinto at umalis. Sa huling sulyap ko, nakita ko siyang nakatulala, hindi makapaniwala sa ginawa ko.
CHAPTER 6 – THE UNCONDITIONAL LOVE---Monica left speechless after that kiss from Miguel. Tumutulo ang luha nito nang maabutan ito ni Riley. Hindi naman ito umiimik sa kanyang kaibigan at nag aya na itong umuwi. At habang sila ay naglalakad ay tila wala sa sarili si Monica at patuloy pa din sa pag iyak.Wala namang kaalam alam ang mga ito na nasa may gilid lang sina Miguel dahil nag aabang ito ng kanilang service pauwi ng hotel. Nasaksihan ng mga ito ang naging resulta sa ginawa niya kay Monica. Tila nakaramdam ng konsensiya si Miguel at tila pinagsisisihan ang kanyang ginawa.---LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVTahimik kaming naghihintay ni Jeric ng shuttle bus pabalik sa hotel nang mapansin niyang naghahanap ng masasakyan sina Monica at ang lalaking kasama niya. Ako? Nakatulala lang, masyadong abala sa iniisip. Pero nang makita ko ang kalagayan ni Monica, para akong sinampal ng guilt. She looked so lost, patuloy na umiiyak habang yakap-yakap ang sarili.Fck.* Mukhang mali ang ginawa ko
CHAPTER 7 - THE NEW CEO ---- At ngayon na nga ang ikalawa at huling araw ng Medical Mission kaya lalong dumagsa ang mga tao. At sa pagdami nito ay dumami din naman ang mga Hospital ang nag volunteer para tumulong galing sa kabi-kabilang panig ng bansa. Kaya dahil dito ay may mga naatasan na mag bahay bahay at may iba naman na naatasan na suungin ang kasulok sulukan ng lugar at nang sa gayon ay lahat ay siguradong mabibigyan. Maagang nagsagawa ang mga Nurses at Doctor sa kanilang pamimigay ng libreng konsulta at relief sa mga tao roon. Magkatulong pa rin ang malalaking Hospital na St. Rose Hospital at Samaniego Medical Hospital at nag anunsyo naman ang Chief Executive ng St. Rose Hospital na si Dr. Benjamin De Guzman, ang ama ni Dr. Blaire De Guzman na magkakaroon sila ng isang kaunting pagsasalo salo para sa matagumpay nilang operasyon. Samantala, kapansin pansin naman ang pagkaaligaga ng dalawang doctor na sina Dr. Blaire at Dr. Miguel dahil tila wala roon ang babaeng parehas nila
CHAPTER 8 – CATFIGHT ---- Nang dahil sa pagpupumilit ni Dr. Blaire kina Monica at sa pamilya nito ay napapayag niya ang mga ito na sumama sa kanya papunta sa kanilang Hotel para sa isang victory party. Giit nito na isa lang kaunting salo salo ang magaganap ngunit lingid sa kaalaman nito ay may inihanda pala ang mga magulang ni Dr. Blaire na surpresa para sa kanilang nag iisang anak. Pagpasok pa lang nina Monica sa loob ng events room ay bumungad na agad ang napakaraming tao at ang lahat ng ito ay nakatingin sa kanila. Kita naman ang pagkagulat ng mag asawang De Guzman sa kanilang nakita, dahil sa gabing din iyon ay may kasunduan sanang magaganap sa pagitan ng kanilang pamilya at sa pamilya ng isa sa pinakamayamang tao sa buong bansa kung saan ipagkakasundo nila ang kanilang mga anak sa isa't isa. --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV For real?? Tanong ko sa sarili ko, hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko. Do they really have something? Pero bakit parang napipilitan lang si Moni
CHAPTER 9 – PLAN B ---- Sakay ng ambulansya ay magkasamang tumungo sina Monica, Faith, Rylie at Miguel papunta sa St. Rose Hospital. Kasalukuyan pa ring walang malay si Mama Emma at sinabi na-comatose nga ito matapos itong mabagok. Kaya ganun na lang ang pag aalala nina Monica sa kanilang Ina. At habang sila ay papunta ng Hospital ay tinatanong ni Miguel sina Monica ukol sa mga napapansin nilang kakaiba sa kanilang Mama Emma dahil tila nagdududa ito sa kinekwento nila na high blood lamang ang sakit nito. Samantala, masama pa rin ang loob ni Olivia at ang asawa nitong si Benjamin sa mga nangyari dahil bukod sa nasira ang event ay hindi rin natuloy ang pagkakasundo sana nina Blaire at ng nag iisang anak na babae ng Pamilya Gomez. At dahil dito ay umuwi rin ang pamilya nila na dismayado. At habang nasa hotel sila ay bigla namang sumakit ang ulo ni Blaire at tila ay sumusumpong ang kanyang sakit kaya agad itong pinainom ng kanyang ama ng gamot. Galit na galit pa rin ito hanggang ngay
CHAPTER 10 – QUEEN BEE ---- Matapos ang naging kaguluhan sa D.G Hotel ay nagdulot ito ng matinding kaguluhan na nagresulta sa sakitan kung saan ang pinaka matinding natamaan ay walang iba kundi si Mama Emma. Natamaan ito nang lusubin siya ng galit na galit na si Olivia De Guzman, ang asawa ni Benjamin De Guzman na may ari ng St. Rose Hospital kung saan nagtatrabaho si Monica. Nagdulot ang pagsugod ni Olivia ng matinding pagkakabagok ng ulo ni Emma kung saan nagresulta ito ng pagkakacomatose nito. Hinihikayat naman ni Miguel si Monica na sampahan ng kaso si Olivia ngunit nagdadalawang isip ito dahil kilalang kilala niya ito na may kakayahang bumaliktad ng kaso. Natatakot din ito na baka sila ay paginitan ng pamilya nito kaya mas pinili niyang tutukan nalang ng pansin ang lagay ng kanyang mahal na Ina. Kasalukuyan namang nasa ambulansya na si Emma dahil ito nga ay ililipat sa Hospital nina Miguel kung saan ito ay mas matututukan hindi gaya sa St. Rose Hospital na tila ay may manopo
CHAPTER 11 – SECRET FRIEND --- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Nang makalapag kami sa hospital, agad na umalis si Miguel at dinala na si Mama sa ICU. Kami na lang ang naiwan—ako, ang mga anak ko, si Riley, Ate Lucy, at Faith. Si Jeric naman ang nag-assist sa amin papunta sa room namin. Pagkapasok pa lang namin sa hospital, agad kaming namangha sa laki nito. Hindi namin inasahan na ganito pala ang hospital nina Miguel. Parang isang hotel sa laki at luwag nito! "Grabe, ka-bongga naman ng hospital na 'to, girl! Ganito pala sa Manila? Sobrang lawak!" sambit ni Riley habang naglalakad kami. Maging ako, namangha rin. Ilang taon na rin mula nung huli akong pumasok dito, at nung time na 'yun, hospital lang talaga siya. Wala pang ganitong laki. Kaya sobrang nakakabilib na ang pamilya ni Miguel pala ang nagpapatakbo ng hospital na 'to. Habang naglalakad kami, tumawag si Miguel kay Jeric at sinabi na nasa ICU na daw si Mama at tinitignan na ng mga doctor. Gagawin nila ang lahat, at pag nagisi
CHAPTER 12 - HIDDEN TALENT ---- Ilang araw na ang lumipas at nanatili pa ring comatose si Emma. Kaya hindi humihinto sina Miguel sa pag gamot rito. Naitransfer na din ito sa kwarto nina Monica kung kaya't araw araw na nilang nakakasama ang kanilang mahal na ina. Hanggang sa isang araw, nang sa wakas ay namulat na rin si Emma. Hindi mapaglagyan ang tuwang nadarama nila ngunit kahit na ganunpaman ay kapansin pansin rito na tila unresponsive ang kanilang mahal na ina kaya binigyan sila ng task ng mga Doctor na araw araw magsagawa ng mga exercises para mapadaling maibalik ang mga senses nito. Araw araw din nila itong kinekwentuhan nang sa gayon ay manumbalik ang alaala nito. Hindi naman nawawalan ng pag asa sina Monica na muling manunumbalik sa normal ang lahat para kanila Mama Emma at mamuhay muli ng maayos gaya ng dati... --- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Finally! Dumating na din ang araw at nagising na si Mama. Yun nga lang, hindi naman kami nito naaalala. Pero sabi ng mga do
CHAPTER 13 – THE RESULT ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Pagkatapos ng performance namin ni Jeric, dumiretso kami sa office para makapagpahinga. Ilang araw din namin itong pinagpuyatan, kaya halos lantang gulay na kami sa antok. Pero kahit pagod, sobrang saya ko. It felt worth it, lalo na nang mag-request sina Alonzo at Addison ng kanta para sa Mommy nila. Grabe, ang cute nila. At higit sa lahat, sobra akong na-touch. Kitang-kita ko kung gaano nila kamahal si Monica. Sa simpleng gesture na iyon, napatunayan ko kung gaano kagaling magpalaki si Monica sa mga anak niya. Pero habang pinagmamasdan ko sila, hindi ko maiwasang mainggit. Ang saya siguro kung kasama nila ako. Hayy, naisip ko. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang tungkol sa DNA test. Nagdadasal ako na sana maging maayos ang lahat. Kasi kung anak ko nga talaga sina Alonzo, Addison, at Alison… sigurado ako, magiging pinakamasayang tao ako sa araw na iyon. Pero kasabay nito, hindi ko maiwasang magtanong. Tanggapin kaya ako n
SPECIAL EPISODE --- 20 YEARS LATER Isang malaking araw para sa pamilya ng Samaniego—Lorenzo Miguel has just been elected as the new Governor. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niyang talunin ang matagal nang nakaupong gobernador. Kaya ngayon, hawak na niya ang panibagong responsibilidad para sa kanilang lungsod. Walang kapantay ang tuwang nararamdaman ni Miguel. Kaya mula sa kanilang mansion ay magkasamang nagbunyi ang mag asawa. __ GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POV "Love, I am so proud of you," halos maluha-luha kong sabi habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ni Miguel. "Sabi ko naman sa'yo, kakayanin mo 'to, diba? Lahat kami, naniniwala sa'yo." We were both teary-eyed at that moment. Miguel never imagined himself as a politician. Sa totoo lang, pakiramdam niya noon, wala siyang laban sa mundo ng pulitika—lalo na't batikang politiko ang nakalaban niya. Pero hindi ko hinayaang panghinaan siya ng loob. Every single day, I reminded him of his purpose—of the people he
CHAPTER 51 - THE UNENDING LOVE ---- Ang reception ng kasal nina Lorenzo Miguel at Gabriella Monica ay naging isang engrandeng pagdiriwang na puno ng kasayahan, tawanan, at walang katapusang pagmamahalan. Matapos ang isang napakagandang seremonya, lahat ng bisita ay nagtungo sa venue, kung saan isang mala-fairytale na setting ang bumungad sa kanila-mga eleganteng chandelier na nagbibigay-liwanag sa buong lugar, mga puting bulaklak at luntiang dekorasyon na nagpaparomantiko sa paligid, at banayad na musika na nagdadala ng aliwalas at kasiyahan. The atmosphere was truly magical. It was an intimate yet grand evening wedding, perfectly timed as the golden hues of the sunset melted into the deep blues of the night. Eksaktong alas-sais ng gabi, at tamang-tama ang oras para sa isang masarap at eleganteng hapunan kasama ang lahat ng mahal nila sa buhay. --- GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POV Habang nakaupo kami sa presidential table, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan si Miguel
CHAPTER 50 – WEDDING IN PARADISE ---- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Sa wakas, dumating na rin ang araw na ito—Oktubre 8. Isang petsang hindi ko kailanman malilimutan. Hindi lang ito ang araw ng kasal namin ni Miguel, kundi kaarawan din ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko—si Mama. Kaya naman, bago pa man magsimula ang napakaespesyal na araw na ito para sa akin, sinigurado kong ako ang mauunang gumising para bigyan siya ng sorpresa. Habang tahimik siyang natutulog, dahan-dahan naming inilapit ang birthday cake na may sinding kandila. Kasabay nito, nagtipon ang ilan sa aming mga kapamilya at kaibigan, at sabay-sabay kaming nagsimulang umawit: "Happy birthday to you, happy birthday to you..." Bahagyang gumalaw si Mama sa kanyang pagkakahiga, at ilang segundo lang ang lumipas bago niya iminulat ang kanyang mga mata. Nang makita niya kaming nakapaligid sa kanya, agad siyang napangiti. Ang saya sa mukha niya ay parang musika sa puso ko. Mahigpit niya akong niyakap at h******n
CHAPTER 49 - THE PREPARATION ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Matapos ang isang napakasabog na gabi—na puno ng mga malaswang sayaw, kagimbal-gimbal na costume, at hindi ko malilimutan na eksenang muntik akong mawalan ng ulirat sa ginagawa ng mga siraulong kaibigan ko—sa wakas, nagbihis na rin sila. Akala ko tapos na ang lahat, pero mali ako. Dahil bigla nilang inabot sa akin ang isang cake, at sa ibabaw nito, nakasulat ang mga salitang: "Last Shot Before the Knot." Tangina. Ang kulit talaga ng mga ‘to. Pero kahit anong pikon ko sa kanila, hindi ko rin napigilang matawa at mapangiti. Sa kabila ng lahat, ramdam kong mahalaga ako sa kanila. “Aww, thanks, guys. Salamat sa pag-aabala.” Malakas kong sabi habang umiiling. “Kahit halos sumakit ang sikmura ko sa kakatawa at ilang beses akong muntikang masuka sa inyo, you guys did a great job.” Sabay-sabay kaming nagpalakpakan—as if hindi nila ako pinahirapan kanina. At matapos naming magligpit, sumakay na kami sa sasakyan na magh
CHAPTER 48 – PARTY GONE WILD --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Sa wakas! Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Ngayon, tuluyan nang nawala ang mga alinlangan at bigat ng nakaraan. Sa wakas, nagkaayos na rin sina Lolo Clifford at Monica. Habang pinagmamasdan ko silang masayang nag-uusap, kitang-kita ko kung gaano sila nasabik sa isa’t isa. Ang saya ng kwentuhan nila—punong-puno ng halakhakan, hagikhikan, at alaala ng kanilang pinagdaanan. "Pero ito, kamukhang-kamukha mo apo! Si Alison!" Natutuwang sabi ni Lolo Clifford habang hinahaplos ang buhok ng anak namin. "Pero grabe, ang lakas ng dugo nitong si Miguel. Mabuti na lang at magandang lalaki ang napili mong mapangasawa, apo." Nagkatawanan kaming lahat, pero si Monica? Bigla akong tinapunan ng malagkit na tingin. "Aba’y dapat lang, Lo! Kasi kung hindi, naku, baka pinakulong ko na agad ‘yan!" sagot niya, sabay tawanan nilang mag-lolo. Napailing na lang ako. Ako pa talaga ang naging tampulan ng asaran! Hay, salamat na lang at
CHAPTER 47 - PEACE AND LOVE ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Now, I fully understand kung bakit ganun na lang kalaki ang galit ni Monica sa lolo niya. Sino nga ba naman ang hindi magagalit kung may magsasabi sa'yo na ipalaglag ang sarili mong anak? Kahit sino, siguradong masasaktan at magagalit rin. Actually, ilang beses nang ikinuwento sa akin ni Monica ang nangyari alitan , pero never niyang sinabi na nais din palang ipalaglag ni Lolo Clifford ang mga bata. Ang akala ko, ang issue lang ay ang pagtakwil sa kanya bilang apo nito. Kaya ngayon, mas lumalim ang pang-unawa ko sa sakit na dinadala niya. Dahan-dahan kong niyakap si Monica, hinayaan siyang ilabas ang emosyon niyang matagal nang kinikimkim. "Love, thank you ha," mahina niyang sabi habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. "Thank you saan, love?" tanong ko, hinahagod ang kanyang likuran upang pakalmahin siya. "Thank you for listening. Alam mo, parang gumaan ang pakiramdam ko. Dahil ngayon ko lang nasabi nang
CHAPTER 46 - LEVEL 4 OF ANGER ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV "Sige na! Huwag mo nang patagalin, Miguel! Kung ayaw mong si Monica ang mabaril!" sigaw ni Caleb habang pilit niyang inaagaw ang baril ni Blaire. Pumikit ako ng saglit, ramdam ang bigat ng baril sa kamay ko, kasabay ng bigat ng desisyon na kailangang gawin. Ang hudyat na iyon ni Caleb, alam kong wala na akong oras mag-isip. Dahil kailangan kong kumilos agad, mahigpit kong hinawakan ang baril. Ang bigat ng sitwasyon ay parang nagpapalakas sa bawat pintig ng puso ko. Sa isip ko, isa lang ang kailangan kong gawin: protektahan ang mga mahal ko sa buhay. Tumutok ako kay Blaire, ang taong naging dahilan ng lahat ng kaguluhan. Sa kabila ng paggalaw nila, sinubukan kong manatiling kalmado. Nakalock ang tingin ko sa kanya. Bang! @Samaniego Medical Hospital Dead on arrival. Iyon ang huling deklarasyon na narinig ko tungkol kay Blaire De Guzman—isang bala mula sa baril ko ang tumapos sa kanya, tumama nang diretso sa kanyan
CHAPTER 45 - THE LAST ENCOUNTER --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Nang ibalita sa akin ni Riley na umalis nanaman si Monica nang hindi nagpapaalam, hindi na kami nagsayang ng oras. Agad kaming umalis upang sundan siya. Inaantabayanan ko na ang ganitong pangyayari. Simula pa lang sa bahay, ramdam ko na ang malamig na pakikitungo niya. Hindi pa rin niya ako pinapansin, at alam kong malaki pa rin ang tampo niya sa akin. Kaya naisip ko na baka muli na naman siyang umalis nang hindi ako kasama. Dahil dito, bago pa kami makarating sa ospital kaninang umaga, lihim kong nilagyan ng microchip ang bag niya. Alam kong magiging susi ito para matrack ko kung saan man siya pumunta. Bagamat bahagyang nabawasan ang kaba ko dahil dito, hindi pa rin ako kampante. Malay ko ba kung may mangyaring masama sa kanya? Lalo pa't alam kong hindi niya ako sasabihan kahit may problema siya. Gamit ang tracking device, nasundan namin ang biyahe ni Monica. Positibo kaming nakasakay siya sa isang tricycle, at
CHAPTER 44 - LQ --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Hindi ito ang inaasahan kong mangyari. Ngayon, naguguluhan ako kung sino ang uunahin ko-si Monica na nawawala o si Gov na papunta na sa dinner namin. Dapat sana ay sorpresa ito para sa kanila pareho, isang pagkakataon para magkausap sila. Pero ngayon, ang tadhana ay nagbiro at halos ilubog ako sa lupa. At ang pinaka-masakit dito, kailangan kong harapin si Gov at sabihin sa kanya na ang apo niya ay nawawala-isang bagay na magpapakita kung gaano ako kapabaya at katanga. Pero wala na akong magagawa kailangan kong panindigan ito, ako rin naman ang may kagagawan nito. Nasa biyahe na ako papunta sa hotel nang makatanggap ako ng mensahe-nasa loob na sila at nag-aantay sa VIP area. Habang binabaybay ko ang daan, inutusan ko si Jeric na maghanap kay Monica at tanungin ang mga tao sa mga lugar na maaaring pinuntahan niya. Pakiramdam ko, hindi pa siya gaanong nakakalayo. Habang nagmamaneho, nagdadasal ako para sa kaligtasan ni Monica. "K