CHAPTER 8 – CATFIGHT ---- Nang dahil sa pagpupumilit ni Dr. Blaire kina Monica at sa pamilya nito ay napapayag niya ang mga ito na sumama sa kanya papunta sa kanilang Hotel para sa isang victory party. Giit nito na isa lang kaunting salo salo ang magaganap ngunit lingid sa kaalaman nito ay may inihanda pala ang mga magulang ni Dr. Blaire na surpresa para sa kanilang nag iisang anak. Pagpasok pa lang nina Monica sa loob ng events room ay bumungad na agad ang napakaraming tao at ang lahat ng ito ay nakatingin sa kanila. Kita naman ang pagkagulat ng mag asawang De Guzman sa kanilang nakita, dahil sa gabing din iyon ay may kasunduan sanang magaganap sa pagitan ng kanilang pamilya at sa pamilya ng isa sa pinakamayamang tao sa buong bansa kung saan ipagkakasundo nila ang kanilang mga anak sa isa't isa. --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV For real?? Tanong ko sa sarili ko, hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko. Do they really have something? Pero bakit parang napipilitan lang si Moni
CHAPTER 9 – PLAN B ---- Sakay ng ambulansya ay magkasamang tumungo sina Monica, Faith, Rylie at Miguel papunta sa St. Rose Hospital. Kasalukuyan pa ring walang malay si Mama Emma at sinabi na-comatose nga ito matapos itong mabagok. Kaya ganun na lang ang pag aalala nina Monica sa kanilang Ina. At habang sila ay papunta ng Hospital ay tinatanong ni Miguel sina Monica ukol sa mga napapansin nilang kakaiba sa kanilang Mama Emma dahil tila nagdududa ito sa kinekwento nila na high blood lamang ang sakit nito. Samantala, masama pa rin ang loob ni Olivia at ang asawa nitong si Benjamin sa mga nangyari dahil bukod sa nasira ang event ay hindi rin natuloy ang pagkakasundo sana nina Blaire at ng nag iisang anak na babae ng Pamilya Gomez. At dahil dito ay umuwi rin ang pamilya nila na dismayado. At habang nasa hotel sila ay bigla namang sumakit ang ulo ni Blaire at tila ay sumusumpong ang kanyang sakit kaya agad itong pinainom ng kanyang ama ng gamot. Galit na galit pa rin ito hanggang ngay
CHAPTER 10 – QUEEN BEE ---- Matapos ang naging kaguluhan sa D.G Hotel ay nagdulot ito ng matinding kaguluhan na nagresulta sa sakitan kung saan ang pinaka matinding natamaan ay walang iba kundi si Mama Emma. Natamaan ito nang lusubin siya ng galit na galit na si Olivia De Guzman, ang asawa ni Benjamin De Guzman na may ari ng St. Rose Hospital kung saan nagtatrabaho si Monica. Nagdulot ang pagsugod ni Olivia ng matinding pagkakabagok ng ulo ni Emma kung saan nagresulta ito ng pagkakacomatose nito. Hinihikayat naman ni Miguel si Monica na sampahan ng kaso si Olivia ngunit nagdadalawang isip ito dahil kilalang kilala niya ito na may kakayahang bumaliktad ng kaso. Natatakot din ito na baka sila ay paginitan ng pamilya nito kaya mas pinili niyang tutukan nalang ng pansin ang lagay ng kanyang mahal na Ina. Kasalukuyan namang nasa ambulansya na si Emma dahil ito nga ay ililipat sa Hospital nina Miguel kung saan ito ay mas matututukan hindi gaya sa St. Rose Hospital na tila ay may manopo
CHAPTER 11 – SECRET FRIEND --- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Nang makalapag kami sa hospital, agad na umalis si Miguel at dinala na si Mama sa ICU. Kami na lang ang naiwan—ako, ang mga anak ko, si Riley, Ate Lucy, at Faith. Si Jeric naman ang nag-assist sa amin papunta sa room namin. Pagkapasok pa lang namin sa hospital, agad kaming namangha sa laki nito. Hindi namin inasahan na ganito pala ang hospital nina Miguel. Parang isang hotel sa laki at luwag nito! "Grabe, ka-bongga naman ng hospital na 'to, girl! Ganito pala sa Manila? Sobrang lawak!" sambit ni Riley habang naglalakad kami. Maging ako, namangha rin. Ilang taon na rin mula nung huli akong pumasok dito, at nung time na 'yun, hospital lang talaga siya. Wala pang ganitong laki. Kaya sobrang nakakabilib na ang pamilya ni Miguel pala ang nagpapatakbo ng hospital na 'to. Habang naglalakad kami, tumawag si Miguel kay Jeric at sinabi na nasa ICU na daw si Mama at tinitignan na ng mga doctor. Gagawin nila ang lahat, at pag nagisi
CHAPTER 12 - HIDDEN TALENT ---- Ilang araw na ang lumipas at nanatili pa ring comatose si Emma. Kaya hindi humihinto sina Miguel sa pag gamot rito. Naitransfer na din ito sa kwarto nina Monica kung kaya't araw araw na nilang nakakasama ang kanilang mahal na ina. Hanggang sa isang araw, nang sa wakas ay namulat na rin si Emma. Hindi mapaglagyan ang tuwang nadarama nila ngunit kahit na ganunpaman ay kapansin pansin rito na tila unresponsive ang kanilang mahal na ina kaya binigyan sila ng task ng mga Doctor na araw araw magsagawa ng mga exercises para mapadaling maibalik ang mga senses nito. Araw araw din nila itong kinekwentuhan nang sa gayon ay manumbalik ang alaala nito. Hindi naman nawawalan ng pag asa sina Monica na muling manunumbalik sa normal ang lahat para kanila Mama Emma at mamuhay muli ng maayos gaya ng dati... --- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Finally! Dumating na din ang araw at nagising na si Mama. Yun nga lang, hindi naman kami nito naaalala. Pero sabi ng mga do
CHAPTER 13 – THE RESULT ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Pagkatapos ng performance namin ni Jeric, dumiretso kami sa office para makapagpahinga. Ilang araw din namin itong pinagpuyatan, kaya halos lantang gulay na kami sa antok. Pero kahit pagod, sobrang saya ko. It felt worth it, lalo na nang mag-request sina Alonzo at Addison ng kanta para sa Mommy nila. Grabe, ang cute nila. At higit sa lahat, sobra akong na-touch. Kitang-kita ko kung gaano nila kamahal si Monica. Sa simpleng gesture na iyon, napatunayan ko kung gaano kagaling magpalaki si Monica sa mga anak niya. Pero habang pinagmamasdan ko sila, hindi ko maiwasang mainggit. Ang saya siguro kung kasama nila ako. Hayy, naisip ko. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang tungkol sa DNA test. Nagdadasal ako na sana maging maayos ang lahat. Kasi kung anak ko nga talaga sina Alonzo, Addison, at Alison… sigurado ako, magiging pinakamasayang tao ako sa araw na iyon. Pero kasabay nito, hindi ko maiwasang magtanong. Tanggapin kaya ako n
CHAPTER 14 – POWERPUFF ---- Sa wakas, ay bumalik na din ang alaala ni Emma kaya labis ang galak ng pamilya nito. Nanumbalik muli ang kanilang sigla at positibong makakayanan ng kanilang mahal na ina ang mga susunod pa nitong pagsubok. Kaya balik normal na ang buhay nina Monica at nag iintay na lamang ito ng schedule ng magiging operasyon nito. Samantala, tila nabuking nga ang kinakatago tagong sikreto ni Miguel nang malaman ng magulang nito ang tungkol sa kanyang anak sa pamamagitan ng DNA Testing. At gaya ng inaasahan ay sobrang ikinatuwa ito ng mga magulang ni Miguel. Ngunit nababahala naman ito na baka maaaring madiskaril ang kanyang mga plano na muling makabawi at makuha muli ang loob ni Monica... --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Ahh, sht!* Mukhang nasira lahat ng plano ko. Sa lahat pa talaga ng taong makakaalam, e yung makukulit ko pang mga magulang. Ilang oras na nga ang nakalipas simula nang malaman namin ang resulta, pero heto pa rin sila—hindi pa rin tumitigil sa k
CHAPTER 15 – TRENDING! ---- Balitang balita ngayon ang biglaang pagpunta sa People’s Hospital ng isang sikat na Designer/ Modelo at anak ng Gobernador ng ka-maynilaan na si Mrs. Amanda Grace De Silva-Jimenez kasa-kasama nito ang kanyang asawa na isa namang Vice Mayor sa lungsod na si Vice Mayor. Harold Guttierez-Jimenez. At ayon sa kanilang panayam, ang kanila daw motibo sa biglaang pagpunta sa Hospital ay para puntahan ang matagal na nilang nawawala na anak na si Gabriella Monica De Silva-Jimenez. Emosyonal nilang ibinahagi kung gaano nila ka-miss ang kanilang nag iisang anak na babae dahil sa pagkawala nito ng mahabang panahon. At may ilan na ngang nagpakalat ng mga maling impormasyon mula rito. Gaya ng napabalita na nagdroga daw ito kaya ngayon ay nagtatago, may ilan din na nagsasabing namayapa na daw ito at may ilan naman ang nagsasabing nabuntis ito kung kaya't intinatago ito ng kanyang mga magulang. Kaya narito ang mag asawa sa Hospital para nang sa gayon ay mabigya
SPECIAL EPISODE--------GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POVHampas ng alon, halimuyak ng preskong hangin, at yung huni ng mga ibon. Hinding hindi ako magsasawa sa ganitong pakiramdam. Pakiramdam na aking uulit ulitin hanggang sa ako’y tumanda.At ngayon, pinagmamasdan ko ang payapang dagat habang nakaupo at gayun din ang mga batang masayang naglalaro.“ Mommy! Mommy! Tawag ka na ni Daddy, kakaen na daw po tayo.” pagtawag sa akin ng anak kong si Addison.“ Okay, anak. Tatawagin ko lang din ang mga kapatid mo...Athena at Alison! Halika na at kakaen na tayo.”At nag uunahan pa silang lumapit sa akin.“ Haha! Mommy!” natatawang pagyakap sa akin ni Alison, at dahil sa nauna ang ate niya kaya bigla nalang umiyak ang bunso kong si Athena.Kaya niyakap ko ito.“ Mommy, I hate ate! Because she always makes me cry! And she doesn’t want me to win! I hate her mommy.” pagsusumbong ni Athena sa akin.Pero agad ko rin siyang pinakalma at sinabihan.“ Athena anak, ano ang paulit ulit na sinasabi ni Mommy
CHAPTER 51 – THE UNENDING LOVE----Pagkatapos ng wedding ceremony ay diretso silang lahat sa venue ng reception para sa Kasal nina Lorenzo Miguel at Gabriella Monica. It was an evening wedding. Ngayon ay mag aalas sais na at sakto lang iyon para pakainin ang mga bisita ng Dinner.----GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POV“What food do you want Love?” Tanong sa akin ni Miguel na nakaupo sa tabi ko.Sobrang gwapo niya lalo ngayon sa suot niya.“Anything Love, Mukhang masarap naman lahat ng nasa mesa natin e. Pati bumalik na naman yung pagkagusto ko sa ibang pagkaen kaya pwede ko na ulit silang kainin.” Pagkasabi ko kay Miguel pinag lagay na niya ako sa plato ko ng pagkaen.“Thanks love.” dagdag ko pangsabi sa kanya habang nakangiti.Agad naman kaming kumaen dahil kanina pa talaga kami nagugutom ni Baby Dragon habang nag pipictorial pa lang kami kanina sa beach.“Attention everyone.” sabi ng host na ikinalingon ng lahat sa gitna ng stage sa harapan.” Habang kumakain ang lahat, panoorin nati
CHAPTER 50 – WEDDING IN PARADISE----GABRIELLA MONICA JIMENEZ POVSa wakas, dumating na din ang araw na ito, October. 07. Ang petsang napakaimportante para sa buhay ko, dahil hindi lang ito basta para sa kasal namin ni Miguel kundi araw din ng isa sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko...Kaya pag gising ko ay sinigurado kong ako ang mauuna sa kanya para isurpresa.“ Happy birthday to you, happy birthday to you...” pag awit namin kay Mama na kasalukuyang natutulog sa mga oras na yun.At nagising ito ilang segundo lang nang marinig kami nitong kumakanta.At pagmulat niya ay agad siyang napangiti at ako’y niyakap at hinalikan. Inabot ko sa kanya ang kanyang cake para nang sa gayon ay makapag wish ito at maiblow ang cake.“ Make a wish! Make a wish!” paulit ulit naming sabi.Halos maluha luha pa nga si Mama.“ Syempre ang wish ko na maging maayos ang buhay ninyong lahat. Good health at nawa’y gabayan pa tayo para mas humaba pa ang ating pagsasamahan. Tapos syempre, maging successful
CHAPTER 49 – THE PREPARATION----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVMatapos ang malasawang palabas mula sa mga kaibigan ko ay nagbihis na sila at matapos nun ay may iniabot naman silang cake sa akin na may nakasulat na “ Last shot before knot”.“ Aww, thanks guys. Salamat sa pag aabala. Although halos sumakit ang sikmura ko sa mga pinagagagawa ninyo sa makailang beses kong pagpigil ng suka pero you guys did a great job.” at sabay sabay kaming nag palakpakan.Hanggang sa makarating na kami sa bababaan namin.At napangiti ako nang makita ko pa lang ang mga puno puno at yung kulay berde na mga bundok. At hindi ako maaaring magkamali.“ Hi, welcome to Royal Sea Resort po.” isa isang bati sa amin ng mga crew na sinalubong kami sa aming pagbaba.“ Uyy sir, welcome po and congratulations.” bati naman nila nang makababa ako.At may dala dala din silang cake at kaya agad akong nagpasalamat sa effort ng mga ito.“ Salamat, salamat.” nakangiti kong sabi.At nang makalakad kami ng kaunti ay may sumalu
CHAPTER 48 – PARTY GONE WILD----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVSa wakas!My mind is now at peace dahil finally ay nagkaayos na rin sina Lolo Clifford at Monica. Kaya sobrang sarap ng kwentuhan namin. Hagikhikan at tawanan at makikita mo kung gaano rin nila kamiss ang isa’t isa.“ Pero ito ang kamukhang kamukha mo apo, si Alison. Pero grabe, ang lakas ng dugo nito ni Miguel kaya mabuti nalang at magandang lalaki ang napili mo apo.” nakangiting sabi ni Lolo Clifford.“ Aba’y dapat lang Lo, kasi kung hindi ay nako baka pinakulong ko na agad yan.” sabay tawanan nilang mag lolo.At ako pa talaga ang ginawang taya sa asaran nila.“ Alam mo apo, meron pa akong ipagtatapat sayo. Si Lucille Trinidad, kilala mo yun diba?”“ Lucille Trinidad? Uhm...Opo? Siya po yung nanny nitong mga anak ko po, si Ate Lucy. Bakit po Lo? Tsaka paano niyo po pala siya nakilala?”At bigla namang napangiti si Lolo Clifford.“ Dahil isa siya sa mga tao ko. At inutusan ko siya na mag apply sayo bilang maging isang Nan
CHAPTER 47 – PEACE AND LOVE----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVAnd I now fully understand kung bakit ganun na lang kalaki ang galit niya sa lolo niya. At maging kahit sino naman siguro na magsuggest na ipalaglag ang anak mo ay sasama rin siguro ang loob.Actually, ilang beses nang nakwento ni Monica sa akin pero never niyang sinabi na nais rin palang ipalaglag ni Lolo ang mga bata dahil ang sinasabi lang sa akin ni Monica noon ay nais lamang siyang palayasin nito.Kaya ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat.Kaya agad kong niyakap si Monica.“ Love thank you ha.” sabi ni Monica habang pinupunasan niya ang luha niya.“ Thank you saan love?”“ Thank you for listening. Alam mo parang gumaan ang pakiramdam ko..” nakangiti niyang sabi.“ Dahil ngayon ko lang nasabi ang totoong dahilan kung bakit ako galit na galit kay Lolo. It’s like finally, nailabas ko na rin yung sama ko ng loob sa kanya. Dahil parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon eh.” dagdag pa ni Monica.“ Kung ganun love, nai
CHAPTER 46 – LEVEL 4 OF ANGER----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV“ Sige na!! Wag mo nang patagalin Miguel! Kung ayaw mong si Monica ang mabaril!!”At sa hudyat na yun ni Caleb...Ay hindi na ako nagdalawang isip na agad na magpaputok dahil kung hindi ko ito ginawa ay mataas ang tsansa na madamay ang mga mahal namin sa buhay.Kaya napabilib ako nito sa tapang na ginawa niya para isakripisyo ang kanyang sarili.Kaya nang itutok ko ang baril ay agad akong nag focus sa target. At kahit na magalaw silang dalawa ay nanatiling naka lock ang tingin ko kay Blaire.Hanggang sa...Bang!@Samaniego Medical HospitalDead on arrival...Yan ang malagim na sinapit ni Blaire De Guzman nang matamaan siya sa pagkakabaril ko.Pero sa kasamaang palad nga lang, ay tila may sa-pusa ata itong si Blaire at nagawa pa nitong makapagpaputok pa ng isa bago pa man siya malagutan ng hininga.At nagresulta ito ng matinding tama sa balikat ni Caleb, kaya isa ako sa mga napasigaw nang makita ito.“ Caleb! Sh*t!”At agad
CHAPTER 45 – THE LAST ENCOUNTER----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVNang ibalita sa akin ni Riley ang tungkol sa pag alis nanaman ni Monica ng mag isa, ay hindi na kami nagsayang pa ng oras at agad kaming umalis para masundan ito kaagad.And I already anticipated na maaari ngang gawin itong muli ni Monica dahil kahit nung nasa bahay pa lang kami ay malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin at hindi pa rin ako pinapansin kaya nasa isip ko na baka may chance na umuwi nanaman ito nang hindi nagpapaalam o hindi sumabay sa amin.Kaya nung bago pa lang kaming makapunta sa Hospital ay nilaglag ko na ang microchip kung saan ito ang magiging susi ko para ma-track kung saan man maaaring pumunta si Monica.Kaya medyo nabawasan ng bahagya ang pagkakaba ko. Pero yun nga lang, kahit na ganun pa man ay hindi pa rin ako dapat na pakasisiguro. Dahil malay ko ba kung baka may bigla nalang mangyaring masama sa kanya which yun ang sobra kong iniiwasan na mangyare.Kaya sinundan namin ito at positibong na
CHAPTER 44 – LQ----LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVProbably not the result that I want.And obviously, ipit na ipit ako ngayon dahil hindi ko malaman kung sino ba ang uunahin ko? Si Monica ba na nawawala o si Gov na papunta na ngayon sa dinner namin.It was supposed to be a surprise para sa kanilang dalawa but this goddamn twist of fate ay halos ibaon ako sa lupa. Sobra pa sa kamalasan itong nangyari sa akin dahil kailangan kong harapin ngayon si Gov para sabihing nawawala ang apo niya which will made me look so f*cking stupid.Pero kailangan kong harapin itong lahat dahil ako rin naman ang may kagagawan nito.Kaya on the way na ngayon ako sa Hotel na sanang pagkakainan namin dahil nakatanggap ako ng message na nakarating na pala sila at nasa loob na ng vip area.Samantala, inutusan ko naman si Jeric na maghanap hanap kay Monica sa maaari nitong puntahan nito at magtanong tanong na rin sa mga nakakasalubong niya dahil wari ko ay hindi pa rin naman siguro ito nakakalayo.Nagdadasal nama