Home / Romance / One Night Stand with a Stranger / CHAPTER 1- AN EXPENSIVE TREAT

Share

CHAPTER 1- AN EXPENSIVE TREAT

last update Huling Na-update: 2023-08-09 17:10:11

CHAPTER 1- AN EXPENSIVE TREAT

----

5 Years Later

---

GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV

Alas sais na ng umaga, at tapos na akong makapagkape. Nakabihis na rin ako at handa nang pumasok sa trabaho.

Grabe, sobrang sarap ng hangin. Paglabas ko, agad akong binalot ng malamig na simoy ng hangin at ang saya ng tanawin sa maliit naming hardin. Napapaligiran kami ng mga bulaklak at puno, kaya bago ako umalis, nakita ko si Mama na nagwawalis sa harap ng bahay. Agad akong nilapitan at hinalikan siya sa pisngi.

"Mama!" masaya kong bati sa kanya. "Aalis na po ako, oo nga pala, nag-iwan ako ng panggastos sa mesa. Pati na rin yung baon ni Faith, andoon po."

"Maraming salamat, anak," sagot ni Mama habang ngumiti. Pagkatapos nun, nagmadali na akong umalis dahil baka malate pa ako sa trabaho.

@ ST. ROSE HOSPITAL

Sa wakas, narating ko rin ang Nurse Station. Buti na lang at umabot pa ako sa oras. Nakapag-time in na ako at agad sinimulan ang duty ko. Ngayon, naka-assign kami sa pagtuturok ng bakuna para sa mga bata.

"Good morning, Nurse Monica!" bati ng mga kapwa ko nurse. Binati ko rin sila pabalik.

Pang-limang araw na ng pagbabakuna, at dagsa ang mga humabol para sa huling araw. Sanay na ako sa sigawan ng mga bata. Hindi talaga maiwasan ang mga iyakan dahil takot sila sa injection, kaya't kailangan talagang yakapin sila ng mahigpit ng kanilang mga magulang.

"Okay, next po," malambing kong sabi habang nakangiti.

May pakulo akong—libreng tsokolate para sa mga batang nagpapaturok. Ito na ang paraan ko para kahit papaano ay maibsan ang takot nila. Sa sobrang dami ng nagpapaturok, hindi ko napansin na kanina pa pala nanonood ang aming Head Doctor, si Dr. Blaire.

"Wow, your lane is really impressive, Nurse Monica. Ang saya ng mga bata, and I can't hear any noise. Good job!" nakangiti niyang sabi sabay tapik sa aking braso.

Kilig na kilig naman ang mga katabi kong nurse, habang ako naman, pilit na pinanatili ang propesyunal na ngiti ko. Maya-maya, umalis na rin si Dr. Blaire para tingnan ang ibang pila.

Pagkatapos ng vaccination, bumalik kami sa Nurse Station para magpalit ng naka-duty. Sa gitna ng trabaho ko, nakita kong papalapit ang bestfriend kong si Nurse Rylie—nakangiti ng abot-tenga na parang may dalang chismis.

"Beeeb!" masayang bati ni Rylie sa akin, sabay beso.

At hindi nga ako nagkamali, kasi ang dahilan ng ngiti niyang iyon ay dahil nakasalubong daw niya yung crush niyang doctor, at nagbatian sila. Kaloka, ang aga-aga, lumalandi na agad.

Hayy, ang kaibigan ko, mahilig talagang umawra sa mga pogi dito sa hospital. Meet Nurse Rylie, or as I like to call her, Ryle Christian Perez. Matagal ko nang kaibigan ito, since college pa lang, pareho kami ng school at scholarship. Beauty and brains!

Sobrang malapit na kami sa isa't isa. Sa loob ng limang taon ko sa La Union, siya lang talaga ang nakasundo ko. May mga ilan pa akong naging kaibigan dito, pero dahil na rin sa mga jowa nila na nagkakagusto sa akin, naging kagalit ko sila. Hay, hindi ko naman kasalanan kung ako ang magustuhan nila, di ba? Never ko na ring papatulan ang mga jowa nilang mga chaka. Hmp! Tapos na ako sa ganyang phase ng buhay ko.

Ngayon, focus na lang ako sa trabaho ko. At sobrang proud din ako kay Rylie. Palagi niya akong pinoprotektahan, kaya minsan, napagkakamalan kaming mag-jowa.

Si Rylie, kahit isang sirena at may pilantik na daliri, hindi mo siya mapagkakamalan na miyembro ng sirena dahil sa angking tindig niya na mala-Ding-dong Dantes. Add pa ang katawan niyang tambay sa gym. Buti nga at nag-improve na siya, dahil sa ilang taon niyang pag-gym, ngayon lang talaga siya lumaki. Pero saan ka makakita ng tao na pupunta lang sa gym para sumulyap sa mga muscles ng lalaki? Kaya nga, nang sumama ako sa pag-gym niya, napepwersa siyang sabayan ako sa exercise.

Sobra akong naloloka kay Rylie, pero sobrang blessed din ako kasi siya yung kaibigan na hindi mo kayang iwan. Siya yung nagpapasaya sa araw-araw ko.

"Girl, iba ka talaga," sabi ni Rylie, tawa nang tawa. "Balita ko, lagi ka daw may plus points kay Dr. Blaire. Hindi din ako magtataka kung bakit mabaliw-baliw sa'yo yung tao na yun. Kasi naman, hinuhusayan mo ang trabaho mo, kaya lagi ka napapansin."

"Konti na lang, girl, baka mapalitan mo na si Madam Olivia!" sabay tawa nito.

Napakunot ang noo ko. Si Madam Olivia lang naman ang CEO ng hospital, at terror siya. Tumatahimik ang lahat kapag dumadating siya.

"Gaga ka, mamaya may makarinig sayo," sabi ko, tinapik siya sa braso. "Ikaw, napakamalicious mo. Malay mo, appreciative lang si Dr. Blaire. Tsaka kung masipag ako, hindi naman ako pasikat. Sadyang ganito lang ako, girl. Born to be a nurse, ang Lola mo."

Taas-kilay ko siyang tinignan, at pareho kaming nagtawanan, na parang walang problema sa mundo.

---

Ilang oras ang lumipas, tapos na kami sa aming mga duty. Uwian na, kaya heto, ang parati naming ginagawa ni Rylie—kumain sa labas. As in, labas talaga. Paborito namin kumain sa mga turo-turo, yung mga may fishball, turon, palamig, at kung anu-ano pa.

Pero habang naglalakad kami papunta sa turo-turo, biglang humirit itong kaibigan ko.

"Teka te, tutal natapos naman natin ang hell week, bakit hindi natin i-treat ang sarili natin, girl? I think we deserve it." nakangiti niyang sabi.

"I-treat??"

"Ayy hala, nabingi lang? Oo te, treat! Tutal kakasahod lang natin nung isang araw, diba? I think we deserve na mag-restaurant naman, dun sa may aircon! At hindi dito sa puro usok at polusyon!!" Hindi ko na alam kung matatawa o maiinis, pero hindi na ako tumanggi. Tama nga naman siya. Ilang linggo na kaming nagtitipid ni Rylie, kaya napa-"we deserve this" moment kami ni Riley.

Kaya nag-abang kami ng masasakyan na taxi papunta sa mall kung saan kami magdi-dinner ni Rylie, nang bigla kaming mabigla nang may bumusina sa amin. Sabay pa kaming nagulat at mas naloka kami nang makita namin ang isang magarang sasakyan na kulay itim! Pagkababa ng bintana, si Dr. Blaire pala ang sakay.

"Hi, girls!" nakangiting bati niya sa amin.

"Ayy! Hello po, Dr. Blaire!" masayang tugon ni Rylie.

Samantalang ako, umiwas lang dahil ramdam ko yung malagkit na tingin ni Dr. Blaire sa akin.

"Tara na, uuwi na ba kayo? Sabay na kayo sa akin. Hahatid ko na kayo." At agad kaming nagkatinginan ni Riley.

"Ano, girl? Tara na ba? Ayan na si Dr. Blaire oh, nakakahiyan naman kung tatanggihan natin siya." sabay hawak ni Riley sa braso ko na parang anytime ay ready akong hilahin papunta sa sasakyan ni Dr. Blaire.

Nagdalawang-isip ako dahil nga iniiwasan ko si Dr. Blaire, lalo na't malapit lang kami sa hospital, at baka may makakita sa amin. Pero hindi na ako nakatanggi dahil sobrang pilit na ni Riley.

"Ano na, bat ang tagal mong magdecide? Head doctor natin yan. Gusto mo bang masisante tayo? Pumayag ka na, ngayon lang naman yan." pabulong nitong sabi, pero ramdam ko ang gigil niya.

At dahil wala na akong choice, sumakay na kami sa sasakyan ni Dr. Blaire.

Hay nako, pagkasakay namin, agad na umawra si Riley. Sabi ko na nga ba, baka isa na naman itong si Dr. Blaire sa mga crush niya. Talagang todo pa-impress siya, akala mo close na close talaga sila.

Kulang na lang, kumandong pa siya. Kaloka...

"Grabe, ganito pala ang feeling na sumakay sa mamahaling sasakyan, no? Tapos sobrang linis pa ng loob nito." Pinagmamasdan ni Riley ang sasakyan ni Dr. Blaire.

Pero, infairness, totoo namang malinis at mabango sa loob. Sports car kasi ito ni Dr. Blaire, at sabi niya, pili lang ang mga pinapasakay niya rito dahil nga mahal ito, kaya sobra niyang inaalagaan. Kilig na kilig si Riley, feeling niya napaka-espesyal niya dahil nasasakyan siya.

"Talaga ba, Dr. Blaire? Nakakahiya naman, pero wag kang mag-alala, hindi kami magkakalat dito ni Nurse Monica. Tsaka eto oh, meron akong dalang pang-disinfect para paglabas namin mamaya, isprayan mo na lang, Doc." Talaga, may disinfectant sa bag niya. Pabibo si Rylie, walang kupas.

"No, it's okay. No need to disinfect, hindi naman kayo virus. Nakakatawa ka talaga, Nurse Ryle. Pero teka, bakit parang ang tahimik ni Nurse Monica? Is there anything wrong?" Sabay ta-as ng kilay ko, nagulat sa tanong.

"Ah, wala po Doc, ayos naman po ako. Siguro, pagod lang po..." sagot ko.

"At gutom." Biglang singit ni Rylie, at napatingin ako dito, napasimangot.

"Gaga ka, napakaingay mo. Mamaya, ipunta tayo sa magarang restaurant, nakakahiya. Sa bahay na lang sana tayo kumain!!" bulong ko kay Rylie habang nakaamba ang pangkurot ko sa bewang niya.

Gaya ng inaasahan ko, inaya na kami nitong kumain sa labas.

"Oh, gutom na pala, kaya pala tahimik. No problem, Nurse Monica, akong bahala sa inyo. Treat ko na kayo." Sabi ni Dr. Blaire, at nagkatinginan kami ni Rylie. Pilit ang pagkakangiti niya sa akin.

"Ah eh, Dr. Blaire, hindi ba nakakahiya naman po ata? Nakisakay na nga po kami, tapos magpapalibre pa?"

"No problem, Nurse Ryle, gaya ng sabi ko, ako nang bahala sa dinner niyo. Wait, imemessage ko lang yung chef namin para nakahanda na yung kakainin natin pagkarating natin sa hotel."

"Hotel?!" gulat na sabi ni Rylie.

"Yeah, sa D.G Grand Hotel." at nagkatinginan kami ni Rylie, parehong wide-eyed. Ang D.G Grand Hotel lang naman ang isa sa pinakakilala at sikat na hotel dito sa Elyu. Maraming sikat na tao at politiko ang pumupunta dito, kaya alam naming hindi basta-basta ang pupuntahan namin.

---

Hanggang sa ilang saglit lang ay nakarating na din kami sa Hotel.

Pagkababa namin, sinalubong kami ng mga security at agad kaming inalalayan. Grabe, ganito pala ang feeling ng mga maiimpluwensyang tao! First time kong maglakad sa red carpet at salubungin ng mga bodyguards—parang bigla kaming naging mga VIP.

Pagpasok pa lang namin, bumungad sa amin ang mga nagkikislapang bato mula sa paligid—punong-puno ng mga dyamante at ginto na sobrang kikintab. Hindi kami makapaniwala ni Riley sa mga nakikita namin. Sa buhay ko, ito na ata ang pinakabongga na Hotel na napasukan ko. Talaga nga namang high-class itong hotel na 'to.

Hindi maitatanggi na sobrang yaman ng pamilya ni Dr. Blaire.

"Bongga dito, girl! Alam mo, kahit isang tipak lang siguro nitong mga bato na to, for sure, napakayaman mo na," sabi ni Riley habang pinagmamasdan ang dyamante na nakadisplay sa lamesa. Hay nako, umiral pa nga ang pagiging kawatan ng bestfriend ko!

Hanggang sa maya-maya, tinawag na kami ni Dr. Blaire para pumunta sa loob. Medyo nakakahiya pa nga dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. Tapos, pagdating namin sa restaurant kung saan kami kakain, omg, nagulat kami sa dami ng pagkaing nakalatag!

Omg, kaya pala pinaiwan kami sa lobby—may buffet pala si Dr. Blaire! Sobrang nakakahiya.

"So, let's enjoy our meal, ladies. Wag nang mahiya, feel free to get what you want," sabi ni Dr. Blaire, habang ina-assist kami sa pag-upo.

Buti na lang at walang tao sa restaurant kaya hindi gaanong nakakailang. Hindi na namin kinayang pigilin ang gutom kaya nagsimula na kaming kumain. Konting chikahan habang kumakain—about work, konting tawanan. Pero, kahit may kasamang tawanan, hindi pa rin mawala sa akin ang pagkailang dahil sa titig ni Dr. Blaire. Pilit ko na lang din ina-ignore, mas nangingibabaw ang gutom ko.

Habang kwentuhan kami, nabanggit ni Dr. Blaire na may super typhoon daw na paparating sa bansa, at baka tumama pa dito sa lugar namin. Nakakatakot kasi ang lugar namin ay madalas bahain, pero sana gaya ng huling bagyo, lumihis na lang siya.

At nang matapos kaming kumain, nagpahinga muna kami at hindi rin nagtagal, nagdesisyon na akong umuwi kay Rylie. 7:00 pm na at baka hinahanap na ako ni Mama Emma. Hindi ko pa nga siya natex dahil naubusan na ako ng load.

"Salamat po, Dr. Blaire. Talagang nabusog po kami," nakangiti kong sabi, sabay tayo mula sa kinauupuan ko.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, at naramdaman ko ang kaba. May konting awkwardness dahil sa ginawa niyang iyon, at yung titig niya na sobrang intense. Kaya agad ko ring inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Ah, I'm sorry, Monica. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Alam mo, sobrang saya ko kasi at hindi makapaniwalang kasama kita ngayon. Sa totoo lang, matagal ko nang balak na ayain kang lumabas, kaso lang wala namang pagkakataon," medyo nanginginig niyang sabi, at medyo hindi mapakali ang tingin.

"Ahm, okay lang po, Doc. Maraming salamat din po dito sa treat," nakangiti kong sabi.

Nang matapos yun, inaya ko na si Rylie na umuwi, pero si Rylie, mukhang ayaw pa talagang umuwi.

"Ah, aalis na ba talaga, be?" tanong ni Rylie.

"Oo girl, tara na!" sabay bulong namin habang naglalakad.

"Tsk, ano kasi, girl... Yung ano ko..." hindi mapakaling sabi ni Rylie. Nang mapahinto kami sa paglalakad, mukhang may nalimutan pa siya. Kaya inantay ko na lang siya malapit sa pinto ng restaurant.

"Ah, Hi po, Dr. Blaire. May nalimutan po kasi ako," nakangiting sabi ni Rylie.

Biglang lumapit ang isang waiter at iniabot sa kanya ang mga plastic bags.

"Ayun! Maraming salamat!" nakangiting tugon ni Rylie, sabay isuksok ang mga plastic sa loob ng bag niya.

Nakakaloka! Nakakahiya talaga itong kaibigan ko. Talaga namang nagpa-Sharon pa sa mamahaling restaurant. Kung pwede lang sanang magpakaen sa lupa para hindi nila makita na kasama ko siya!

"Hoy, girl! Hintayin mo ko!" sigaw ni Rylie dahil dali-dali akong naglakad papalabas.

---

Pagkauwi ko, agad kong nakita si Mama na abala sa kusina, nagluluto ng paborito kong pagkain. Kaya't nilapitan ko siya agad at hinalikan sa pisngi.

"Hi, Mama," bati ko nang nakangiti.

"Oh, bat parang ginabi ka na, anak? Traffic nanaman ba? Sabi ko naman kasi sa'yo na bumili ka na ng sasakyan e, para hindi ka na nahihirapan. Tutal, maayos na naman ang kalagayan ko, panahon na siguro para i-reward mo ang sarili mo," sagot ni Mama, sabay lingon sa'kin at ngumiti.

At yun na nga, palaging paalala sa akin ni Mama. Hindi ko pa magawa kasi patuloy siyang nagpapagamot, at marami pa kaming kailangang asikasuhin dito sa bahay. Katulad na lang ng tuition ni Faith at ng mga bata. Kamakailan lang, naisugod pa nga namin si Mama sa hospital dahil sa highblood niya, kaya niresetahan siya ng gamot at pinayuhan siyang mag-maintenance.

Hindi ko kayang pabayaan si Mama, kaya't hindi ko pa talaga naiisip bilhin ang sasakyan. Ayos lang sa akin kahit araw-araw mag-commute, lalo na't kadalasan, kasama ko si Riley sa biyahe dahil halos magkalapit lang kami ng tirahan.

Napakalaki ng utang na loob ko kay Mama Emma. Masyado ko siyang pinahahalagahan dahil sa lahat ng pagmamahal at sakripisyo niya sa amin. Naging magaan ang buhay ko dahil sa kanila, ni Mama at ni Faith.

"Naku, Ma, uunahin ko pa ba yang sasakyan eh kayang-kaya ko naman mag-commute. Kaya kung ako sa'yo, magbawas-bawas na sa pagkaing matataba, ha? Alagaan mo ang sarili mo, mahal na mahal po namin kayo," sabay yakap ko kay Mama habang siya'y abala sa pagluluto.

Napansin ko na may luha siyang pinunasan, kaya't nadamay na rin ako. Hindi ko maiwasang maging emosyonal, lalo na't ramdam ko ang kanyang sakripisyo. Mag-ina nga kami, kasi parehong mababaw ang luha namin.

"Anak naman, pinapaiyak mo naman ako. Sige na, halika na at kumain na lang tayo. Luto na itong paborito mong ulam," sabi ni Mama, sabay turo sa malaking palayok ng sinigang. At ako, napa-wow talaga nang makita ko kung anong niluluto niya. Hindi ko agad napansin dahil pagkauwi ko, inalala ko lang si Mama, baka nga nag-aalala na ito sa akin.

Kahit busog pa ako, kumain pa rin ako. Ayaw kong makita ni Mama na mag-isa lang siya, kaya't nagsimula na akong maghugas ng kamay at umupo. Si Faith kasi ay nauna nang kumain at natulog na, kaya't ako na lang ang magiging kasabay ni Mama.

Habang kumakain kami, tahimik na magkausap, biglang...

"Mommy??"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ian General (bhang)
ang tagal po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 2 – ESCAPE FROM HELL

    CHAPTER 2 – ESCAPE FROM HELL----At heto naman ang isa pa nating bida, si Lorenzo Miguel Samaniego, o Miggy, ang tawag sa kanya ng mga kaibigan. Isang 28-anyos na Neurosurgeon at Businessman, si Miggy ay isa sa mga batang bilyonaryo ng bansa. Sa kabila ng kanyang murang edad, nakapagpatayo na siya ng iba't ibang negosyo, kaya naman siya'y hindi lang kilala sa kanyang mga natamo kundi pati na rin sa mga nagawa niyang negosyo.Sa kabila ng lahat ng yaman at tagumpay, hindi pa rin tumigil si Miggy sa pagtatrabaho. Hands-on pa rin siya sa kanilang sariling hospital, at katuwang ang kanyang ama sa pamamahala nito. Sikat na sikat ang hospital nila, na tinatawag na People's Hope at kilala sa buong bansa dahil sa mga malalaking diskwento at paminsang libreng gamot at hospital bills para sa mga pasyente. Kaya naman, hindi kataka-taka na ilang ulit nang nakilala at na-awardan ang ospital nila dahil sa malasakit nila sa mga tao.Samantala, nagkayayaan muli ang barkadahan na magliwaliw sa isang b

    Huling Na-update : 2023-08-11
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 3 - ELYU

    CHAPTER 3 - ELYU---GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV"Tulong! Tulong! Tulongan niyo kami!" nag-aalalang sigaw ng ale.Nang bigla akong namulat...Gulat na gulat ako sa nangyari. Pagmulat ko, napapalibutan na pala kami ng mga tao, pero agad ding nag-alisan ang mga ito.OMG, nahimatay pala ako. Nakaramdam ako ng nerbyos kaya agad akong humingi ng tubig."Pasensya na po sa abala, Nay," sabi ng ale, na siya ding nag-abot ng tubig sa akin.Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Grabe, ganito pala ang pakiramdam ng may taong nag-aalala sa'yo. Naamoy ko rin ang amoy ng isang menthol na ipinahid niya sa ilong ko nang mahimatay ako."Maraming salamat po, Nay," pasasalamat ko habang hawak ang kamay niya."Teka, saan ba ang bahay mo, Ineng? Gusto mo bang ikuha kita ng taxi? Lumalalim na ang gabi, oh. Kami kasi ng anak ko, nag-iintindi pa kami ng bus dito sa terminal."At tila bumalik ako sa aking ulirat nang marinig ko iyon. Oo nga pala, saan nga ba ako pupunta?Hindi ako nakaimik, hanggang sa biglang

    Huling Na-update : 2023-08-11
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 4 – UNEXPECTEDLY

    CHAPTER 4 – UNEXPECTEDLY---A Day After the Storm...Lumipas ang isang araw, at nagtungo na ang mga volunteer doctors at nurses ng Samaniego Medical Hospital sa probinsya. Pinangunahan ito ng kanilang head doctor na si Dr. Lorenzo Miguel, lulan ng isang private plane na mula pa mismo kay Governor Clifford ng Maynila. Naatasan sila na magsagawa ng medical mission para matulungan ang mga lubos na naapektuhan ng super typhoon.Pagkarating nila sa lugar, ramdam agad ang epekto ng bagyo. Kahit lumipas na ang kalamidad, naiwan nito ang matinding pinsala—mga bahay na nasira, mga punong nagkalat sa daan, at mga tao sa evacuation center na halatang pagod na sa pinagdaanan.Agad na kumilos ang team ng Samaniego Medical Hospital. Ang iba ay nag-ayos ng kanilang mobile clinic, habang ang iba naman ay sinimulan na ang pamimigay ng relief goods na naglalaman ng pagkain, tubig, gamot, at bitamina.Habang abala ang lahat, iniikot ni Lorenzo ang paningin niya sa lugar. Hindi niya maiwasang makaramdam

    Huling Na-update : 2023-08-11
  • One Night Stand with a Stranger    CHAPTER 5 – MONICA'S IN TROUBLE

    CHAPTER 5 – MONICA'S IN TROUBLE----Halos maluha at hindi makapaniwala, yan ang mga naramdaman ni Miguel nang makita niya sa wakas ang babaeng sobrang tagal na niyang hinahanap. Wala itong kaalam alam na si Misyon palang ito ay dito niya matatagpuan ang dalaga. Ngunit kahit na ganunpaman ay tila hindi pa rin naging masaya si Miguel.Lalo na nang mabalitaan nito na may asawa na pala ang kanyang babaeng minamahal. Hindi ito makapaniwala sa mga ibinalita sa kanya ni Dr. Charles. Tulala at maraming iniisip, mukhang hindi papayag si Miguel na basta basta nalang siyang magpapatalo dahil naniniwala ito hindi nagsasabi ng totoo ang babaeng bumaliw sa kanya...---GABRIELLA MONICA JIMENEZ POVSa wakas, natapos na rin ang duty namin! Dumating na ang karelyebo namin, at pinayagan kaming magpahinga nang maaga ni Dr. Blaire dahil pang-umaga muli kami bukas. Exciting pa lalo dahil balitang darating na ang mas marami pang relief goods at volunteers. Nakakatuwang makita ang dami ng tumutulong, at sob

    Huling Na-update : 2023-08-11
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 6 – THE UNCONDITIONAL LOVE

    CHAPTER 6 – THE UNCONDITIONAL LOVE---Monica left speechless after that kiss from Miguel. Tumutulo ang luha nito nang maabutan ito ni Riley. Hindi naman ito umiimik sa kanyang kaibigan at nag aya na itong umuwi. At habang sila ay naglalakad ay tila wala sa sarili si Monica at patuloy pa din sa pag iyak.Wala namang kaalam alam ang mga ito na nasa may gilid lang sina Miguel dahil nag aabang ito ng kanilang service pauwi ng hotel. Nasaksihan ng mga ito ang naging resulta sa ginawa niya kay Monica. Tila nakaramdam ng konsensiya si Miguel at tila pinagsisisihan ang kanyang ginawa.---LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVTahimik kaming naghihintay ni Jeric ng shuttle bus pabalik sa hotel nang mapansin niyang naghahanap ng masasakyan sina Monica at ang lalaking kasama niya. Ako? Nakatulala lang, masyadong abala sa iniisip. Pero nang makita ko ang kalagayan ni Monica, para akong sinampal ng guilt. She looked so lost, patuloy na umiiyak habang yakap-yakap ang sarili.Fck.* Mukhang mali ang ginawa ko

    Huling Na-update : 2023-08-12
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 7 – THE NEW CEO

    CHAPTER 7 - THE NEW CEO ---- At ngayon na nga ang ikalawa at huling araw ng Medical Mission kaya lalong dumagsa ang mga tao. At sa pagdami nito ay dumami din naman ang mga Hospital ang nag volunteer para tumulong galing sa kabi-kabilang panig ng bansa. Kaya dahil dito ay may mga naatasan na mag bahay bahay at may iba naman na naatasan na suungin ang kasulok sulukan ng lugar at nang sa gayon ay lahat ay siguradong mabibigyan. Maagang nagsagawa ang mga Nurses at Doctor sa kanilang pamimigay ng libreng konsulta at relief sa mga tao roon. Magkatulong pa rin ang malalaking Hospital na St. Rose Hospital at Samaniego Medical Hospital at nag anunsyo naman ang Chief Executive ng St. Rose Hospital na si Dr. Benjamin De Guzman, ang ama ni Dr. Blaire De Guzman na magkakaroon sila ng isang kaunting pagsasalo salo para sa matagumpay nilang operasyon. Samantala, kapansin pansin naman ang pagkaaligaga ng dalawang doctor na sina Dr. Blaire at Dr. Miguel dahil tila wala roon ang babaeng parehas nila

    Huling Na-update : 2023-08-13
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 8 – CATFIGHT

    CHAPTER 8 – CATFIGHT ---- Nang dahil sa pagpupumilit ni Dr. Blaire kina Monica at sa pamilya nito ay napapayag niya ang mga ito na sumama sa kanya papunta sa kanilang Hotel para sa isang victory party. Giit nito na isa lang kaunting salo salo ang magaganap ngunit lingid sa kaalaman nito ay may inihanda pala ang mga magulang ni Dr. Blaire na surpresa para sa kanilang nag iisang anak. Pagpasok pa lang nina Monica sa loob ng events room ay bumungad na agad ang napakaraming tao at ang lahat ng ito ay nakatingin sa kanila. Kita naman ang pagkagulat ng mag asawang De Guzman sa kanilang nakita, dahil sa gabing din iyon ay may kasunduan sanang magaganap sa pagitan ng kanilang pamilya at sa pamilya ng isa sa pinakamayamang tao sa buong bansa kung saan ipagkakasundo nila ang kanilang mga anak sa isa't isa. --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV For real?? Tanong ko sa sarili ko, hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko. Do they really have something? Pero bakit parang napipilitan lang si Moni

    Huling Na-update : 2023-08-14
  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 9 – PLAN B

    CHAPTER 9 – PLAN B ---- Sakay ng ambulansya ay magkasamang tumungo sina Monica, Faith, Rylie at Miguel papunta sa St. Rose Hospital. Kasalukuyan pa ring walang malay si Mama Emma at sinabi na-comatose nga ito matapos itong mabagok. Kaya ganun na lang ang pag aalala nina Monica sa kanilang Ina. At habang sila ay papunta ng Hospital ay tinatanong ni Miguel sina Monica ukol sa mga napapansin nilang kakaiba sa kanilang Mama Emma dahil tila nagdududa ito sa kinekwento nila na high blood lamang ang sakit nito. Samantala, masama pa rin ang loob ni Olivia at ang asawa nitong si Benjamin sa mga nangyari dahil bukod sa nasira ang event ay hindi rin natuloy ang pagkakasundo sana nina Blaire at ng nag iisang anak na babae ng Pamilya Gomez. At dahil dito ay umuwi rin ang pamilya nila na dismayado. At habang nasa hotel sila ay bigla namang sumakit ang ulo ni Blaire at tila ay sumusumpong ang kanyang sakit kaya agad itong pinainom ng kanyang ama ng gamot. Galit na galit pa rin ito hanggang ngay

    Huling Na-update : 2023-08-15

Pinakabagong kabanata

  • One Night Stand with a Stranger   SPECIAL EPISODE

    SPECIAL EPISODE --- 20 YEARS LATER Isang malaking araw para sa pamilya ng Samaniego—Lorenzo Miguel has just been elected as the new Governor. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niyang talunin ang matagal nang nakaupong gobernador. Kaya ngayon, hawak na niya ang panibagong responsibilidad para sa kanilang lungsod. Walang kapantay ang tuwang nararamdaman ni Miguel. Kaya mula sa kanilang mansion ay magkasamang nagbunyi ang mag asawa. __ GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POV "Love, I am so proud of you," halos maluha-luha kong sabi habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ni Miguel. "Sabi ko naman sa'yo, kakayanin mo 'to, diba? Lahat kami, naniniwala sa'yo." We were both teary-eyed at that moment. Miguel never imagined himself as a politician. Sa totoo lang, pakiramdam niya noon, wala siyang laban sa mundo ng pulitika—lalo na't batikang politiko ang nakalaban niya. Pero hindi ko hinayaang panghinaan siya ng loob. Every single day, I reminded him of his purpose—of the people he

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 51 – THE UNENDING LOVE

    CHAPTER 51 - THE UNENDING LOVE ---- Ang reception ng kasal nina Lorenzo Miguel at Gabriella Monica ay naging isang engrandeng pagdiriwang na puno ng kasayahan, tawanan, at walang katapusang pagmamahalan. Matapos ang isang napakagandang seremonya, lahat ng bisita ay nagtungo sa venue, kung saan isang mala-fairytale na setting ang bumungad sa kanila-mga eleganteng chandelier na nagbibigay-liwanag sa buong lugar, mga puting bulaklak at luntiang dekorasyon na nagpaparomantiko sa paligid, at banayad na musika na nagdadala ng aliwalas at kasiyahan. The atmosphere was truly magical. It was an intimate yet grand evening wedding, perfectly timed as the golden hues of the sunset melted into the deep blues of the night. Eksaktong alas-sais ng gabi, at tamang-tama ang oras para sa isang masarap at eleganteng hapunan kasama ang lahat ng mahal nila sa buhay. --- GABRIELLA MONICA SAMANIEGO POV Habang nakaupo kami sa presidential table, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan si Miguel

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 50 – WEDDING IN PARADISE

    CHAPTER 50 – WEDDING IN PARADISE ---- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Sa wakas, dumating na rin ang araw na ito—Oktubre 8. Isang petsang hindi ko kailanman malilimutan. Hindi lang ito ang araw ng kasal namin ni Miguel, kundi kaarawan din ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko—si Mama. Kaya naman, bago pa man magsimula ang napakaespesyal na araw na ito para sa akin, sinigurado kong ako ang mauunang gumising para bigyan siya ng sorpresa. Habang tahimik siyang natutulog, dahan-dahan naming inilapit ang birthday cake na may sinding kandila. Kasabay nito, nagtipon ang ilan sa aming mga kapamilya at kaibigan, at sabay-sabay kaming nagsimulang umawit: "Happy birthday to you, happy birthday to you..." Bahagyang gumalaw si Mama sa kanyang pagkakahiga, at ilang segundo lang ang lumipas bago niya iminulat ang kanyang mga mata. Nang makita niya kaming nakapaligid sa kanya, agad siyang napangiti. Ang saya sa mukha niya ay parang musika sa puso ko. Mahigpit niya akong niyakap at h******n

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 49 – THE PREPARATION

    CHAPTER 49 - THE PREPARATION ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Matapos ang isang napakasabog na gabi—na puno ng mga malaswang sayaw, kagimbal-gimbal na costume, at hindi ko malilimutan na eksenang muntik akong mawalan ng ulirat sa ginagawa ng mga siraulong kaibigan ko—sa wakas, nagbihis na rin sila. Akala ko tapos na ang lahat, pero mali ako. Dahil bigla nilang inabot sa akin ang isang cake, at sa ibabaw nito, nakasulat ang mga salitang: "Last Shot Before the Knot." Tangina. Ang kulit talaga ng mga ‘to. Pero kahit anong pikon ko sa kanila, hindi ko rin napigilang matawa at mapangiti. Sa kabila ng lahat, ramdam kong mahalaga ako sa kanila. “Aww, thanks, guys. Salamat sa pag-aabala.” Malakas kong sabi habang umiiling. “Kahit halos sumakit ang sikmura ko sa kakatawa at ilang beses akong muntikang masuka sa inyo, you guys did a great job.” Sabay-sabay kaming nagpalakpakan—as if hindi nila ako pinahirapan kanina. At matapos naming magligpit, sumakay na kami sa sasakyan na magh

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 48 – PARTY GONE WILD

    CHAPTER 48 – PARTY GONE WILD --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Sa wakas! Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Ngayon, tuluyan nang nawala ang mga alinlangan at bigat ng nakaraan. Sa wakas, nagkaayos na rin sina Lolo Clifford at Monica. Habang pinagmamasdan ko silang masayang nag-uusap, kitang-kita ko kung gaano sila nasabik sa isa’t isa. Ang saya ng kwentuhan nila—punong-puno ng halakhakan, hagikhikan, at alaala ng kanilang pinagdaanan. "Pero ito, kamukhang-kamukha mo apo! Si Alison!" Natutuwang sabi ni Lolo Clifford habang hinahaplos ang buhok ng anak namin. "Pero grabe, ang lakas ng dugo nitong si Miguel. Mabuti na lang at magandang lalaki ang napili mong mapangasawa, apo." Nagkatawanan kaming lahat, pero si Monica? Bigla akong tinapunan ng malagkit na tingin. "Aba’y dapat lang, Lo! Kasi kung hindi, naku, baka pinakulong ko na agad ‘yan!" sagot niya, sabay tawanan nilang mag-lolo. Napailing na lang ako. Ako pa talaga ang naging tampulan ng asaran! Hay, salamat na lang at

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 47 – PEACE AND LOVE

    CHAPTER 47 - PEACE AND LOVE ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Now, I fully understand kung bakit ganun na lang kalaki ang galit ni Monica sa lolo niya. Sino nga ba naman ang hindi magagalit kung may magsasabi sa'yo na ipalaglag ang sarili mong anak? Kahit sino, siguradong masasaktan at magagalit rin. Actually, ilang beses nang ikinuwento sa akin ni Monica ang nangyari alitan , pero never niyang sinabi na nais din palang ipalaglag ni Lolo Clifford ang mga bata. Ang akala ko, ang issue lang ay ang pagtakwil sa kanya bilang apo nito. Kaya ngayon, mas lumalim ang pang-unawa ko sa sakit na dinadala niya. Dahan-dahan kong niyakap si Monica, hinayaan siyang ilabas ang emosyon niyang matagal nang kinikimkim. "Love, thank you ha," mahina niyang sabi habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. "Thank you saan, love?" tanong ko, hinahagod ang kanyang likuran upang pakalmahin siya. "Thank you for listening. Alam mo, parang gumaan ang pakiramdam ko. Dahil ngayon ko lang nasabi nang

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 46 – LEVEL 4 OF ANGER

    CHAPTER 46 - LEVEL 4 OF ANGER ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV "Sige na! Huwag mo nang patagalin, Miguel! Kung ayaw mong si Monica ang mabaril!" sigaw ni Caleb habang pilit niyang inaagaw ang baril ni Blaire. Pumikit ako ng saglit, ramdam ang bigat ng baril sa kamay ko, kasabay ng bigat ng desisyon na kailangang gawin. Ang hudyat na iyon ni Caleb, alam kong wala na akong oras mag-isip. Dahil kailangan kong kumilos agad, mahigpit kong hinawakan ang baril. Ang bigat ng sitwasyon ay parang nagpapalakas sa bawat pintig ng puso ko. Sa isip ko, isa lang ang kailangan kong gawin: protektahan ang mga mahal ko sa buhay. Tumutok ako kay Blaire, ang taong naging dahilan ng lahat ng kaguluhan. Sa kabila ng paggalaw nila, sinubukan kong manatiling kalmado. Nakalock ang tingin ko sa kanya. Bang! @Samaniego Medical Hospital Dead on arrival. Iyon ang huling deklarasyon na narinig ko tungkol kay Blaire De Guzman—isang bala mula sa baril ko ang tumapos sa kanya, tumama nang diretso sa kanyan

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 45 – THE LAST ENCOUNTER

    CHAPTER 45 - THE LAST ENCOUNTER --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Nang ibalita sa akin ni Riley na umalis nanaman si Monica nang hindi nagpapaalam, hindi na kami nagsayang ng oras. Agad kaming umalis upang sundan siya. Inaantabayanan ko na ang ganitong pangyayari. Simula pa lang sa bahay, ramdam ko na ang malamig na pakikitungo niya. Hindi pa rin niya ako pinapansin, at alam kong malaki pa rin ang tampo niya sa akin. Kaya naisip ko na baka muli na naman siyang umalis nang hindi ako kasama. Dahil dito, bago pa kami makarating sa ospital kaninang umaga, lihim kong nilagyan ng microchip ang bag niya. Alam kong magiging susi ito para matrack ko kung saan man siya pumunta. Bagamat bahagyang nabawasan ang kaba ko dahil dito, hindi pa rin ako kampante. Malay ko ba kung may mangyaring masama sa kanya? Lalo pa't alam kong hindi niya ako sasabihan kahit may problema siya. Gamit ang tracking device, nasundan namin ang biyahe ni Monica. Positibo kaming nakasakay siya sa isang tricycle, at

  • One Night Stand with a Stranger   CHAPTER 44 – LQ

    CHAPTER 44 - LQ --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Hindi ito ang inaasahan kong mangyari. Ngayon, naguguluhan ako kung sino ang uunahin ko-si Monica na nawawala o si Gov na papunta na sa dinner namin. Dapat sana ay sorpresa ito para sa kanila pareho, isang pagkakataon para magkausap sila. Pero ngayon, ang tadhana ay nagbiro at halos ilubog ako sa lupa. At ang pinaka-masakit dito, kailangan kong harapin si Gov at sabihin sa kanya na ang apo niya ay nawawala-isang bagay na magpapakita kung gaano ako kapabaya at katanga. Pero wala na akong magagawa kailangan kong panindigan ito, ako rin naman ang may kagagawan nito. Nasa biyahe na ako papunta sa hotel nang makatanggap ako ng mensahe-nasa loob na sila at nag-aantay sa VIP area. Habang binabaybay ko ang daan, inutusan ko si Jeric na maghanap kay Monica at tanungin ang mga tao sa mga lugar na maaaring pinuntahan niya. Pakiramdam ko, hindi pa siya gaanong nakakalayo. Habang nagmamaneho, nagdadasal ako para sa kaligtasan ni Monica. "K

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status