Share

Chapter 30

Kinabukasan ay maagang nagising si Sierra hindi dahil maaga talaga siyang nagigising kundi dahil may nanggising sa kanya.

Si Sathalia. Ang anak niyang pinangangambahan pa niyang maninibago sa klima ng bansa at magkaka-jet lag ngunit hindi. Bagkus ay para itong nakalaklak ng daang bitamina dahil sa sobrang ligalig.

“Mommy! Mommy! Wake up! Wake up already! I'm going to school with my big brother! Hurry up! We're running late!” Atat na hinila ni Thalia ang kamay ni Sierra papasok sa banyo.

Halos humiwalay pa nga ang kaluluwa ni Sierra sa kanyang katawan nang mabuhusan ng malamig na tubig na nanggagaling sa shower head. Pinindot na pala ito ng anak.

Ngumisi lamang ang makulit na bubwit at nag-peace sign. Ang nangyari ay imbes na ang anak lang ang paliliguan ay nasali na rin siya.

Pagkatapos maligo at magbihis, bumaba na ang mag-ina upang mag-agahan. Kahit kaliligo pa lang ni Sierra napapahikab pa rin siya, ngunit itong anak niya, parang hindi dumaan sa pagtulog!

“Good morning
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status