Halos humiwalay sa katawan ni Sierra ang kaluluwa sa narinig. Diretso siyang tumayo at inayos ang sarili. Paanong nasa presinto si Peter e, hindi naman iyon bayolenteng tao! Ito na yata ang pinakamalambing at pinakamahinahong lalaking nakilala niya. Sa ilang taon nilang magkasama ay hindi pa niya kailanman nakitang nagalit ang kapatid at magawang manakit ng kapwa. Maliban na lang sa isang tao… Mabilis na naglakad si Sierra at basta na lang pumasok sa study. Hindi na siya kumatok pa kaya naman sabay na napatingin si Morgan at Sylvio sa kanya. May hawak pang papel at ballpen ang lalaki. “I'm sorry for interrupting, but I have to go now.” Nagmamadali niyang sinabi. Tamad lamang siyang tiningnan ni Sylvio at nangunot ang noo. “It hasn't been two hours since you're here, woman. Hindi iyon ang napag-usapan natin.” Anito ngunit wala ng pakialam pa si Sierra. “Nasa presinto ang kapatid ko ngayon, I'll make it up to you next time.” ani Sierra, kitang-kita ang pagmamadali sa its
Inaasahan ni Sierra na pagkatapos siyang ihatid ni Sylvio Narvaez sa presinto ay aalis na rin ito. Ngunit laking gulat niya nang makita pa itong nakikipag-usap sa pulis na para bang matagal ng nagkakausap ang mga ito! “Bakit hindi ka pa umuuwi?” Nakataas ang kilay ni Sierra rito. Pinagtaasan lang din siya ng kilay ni Sylvio. Ngayon ay nagpapataasan na sila ng kilay na para bang ni isa sa kanila ay walang balak na magpatalo. Natigil lamang ang dalawa nang magsalita si Peter. “Sister, who is he?” kunot ang noong tanong nito. Napatingin si Sierra sa kapatid at kay Sylvio. Hindi niya alam kung paanong ipakikilala ang dalawa. “Uhm… he's Mr…” natigilan si Sierra nang magsalita si Sylvio at iabot ang kamay sa kapatid niya. “Sylvio. Just call me Sylvio.” Pormal nitong sinabi, walang bakas ng pagiging isang arogateng Sylvio Narvaez na kilala niya. “I'm Sierra's friend, nice meeting you, brother. Hindi aakalaing ang lalaking nakasuot ng pormal. Tuxedo at slacks at leather shoes ay
Unang hinatid nina Sylvio at Sierra si Peter sa tinutuluyan nitong hotel. Nang bumaba si Peter ay tumingin ito kay Sierra kaya bumaba na rin ang huli. “Bakit ngayon ko lang nakilala ang Sylvio na iyan? And what's his last name?” Usisa agad ni Peter nang makalayo na sila ng sasakyan. Alam ni Sierra na talagang hindi palalagpasin ni Peter ang pagtatanong tungkol sa bagay na ito. Kaya naman hindi na nagtaka si Sierra nang iyon kaagad ang lumabas sa bibig ng kapatid. “Nakilala ko siya noong nakabalik ako ng bansa.” Diretsong sinabi ni Sierra. “Isa lang siyang kaibigan na nagmagandang loob, Peter.” Gusto rin niyang kaltukan ang ang sarili sa mga pinagsasabi. Anong kaibigan ang pinagsasabi niya? May kaibigan bang naka-one night stand? May pagdududang tiningnan ni Peter ang kapatid. Parang may kulang sa kuwento nito. “Sierra, ang lalaki ay may mamahaling relo, nakasuot ng pormal na damit at lalong-lalo na ang kotseng minamaneho nito. Isa lang ang ibig sabihin nito, ang lalaking i
Gumapang ang kaba sa dibdib ni Sierra nang makapasok sa double doors ng mansyon ay nakita niyang maliwanag ang sala. Nakapagtataka na lagpas ala una na ng madaling araw at may sinong gising pa! Sino namang gising pa maliban sa kanya sa ganitong oras? Hindi kaya… Ihininga ng malalim ni Sierra ang kabang nararamdaman at isinarado na ang pintuan. Naglakad siya patungo roon at nakita si Anita, ang kanang kamay ng Senyora na nakaupo sa sofa at parang may hinihintay. “Magandang gabi, Anita…” paunang bati niya rito. Tipid lamang tumango ang babae na sa hinuha niya ay nasa lagpas trienta ang edad. “Magandang gabi rin, eldest mistress… ang Senyora ay kasalukuyang naghihintay sa'yo sa kanyang study.” Napakagat ng pang-ibabang labi si Sierra, kung ngayon ay kinabahan na siya nang makitang bukas ang ilaw ng sala ay mas tumindi pa ang nararamdaman niya nang malamang naghihintay sa kanya ang ginang! Sumunod si Sierra nang nagsimulang maglakad si Anita patungong study ng Senyora. Halos
Pagkatapos maglinis ni Sierra ng katawan ay nahiga siya sa tabi ni Marco. Subalit makailang ikot na siya sa kinahihigaan ay hindi pa rin niya mahanap ang antok kaya naman bumangon siya at pumunta sa kanyang lamesa. Naumpisahan na ni Sierra ito kahapon sa sasakyan pauwi kaya naman alam na niya kung paano ito tatapusin. Ilang finishing touches na lang at matatapos na niya ang disenyo. Kung hindi lang biglang tumawag si Morgan malamang ay natapos na niya ang disenyo na kinabukasan ipapasa. Bumuntong hininga si Sierra at hinugot ang upuan. Itinali ang buhok ng maayos upang walang mahulog sa kanyang mukha at naupo, sinimulan ang pagdidisenyo. Sa labis na pag-pokus sa ginagawa ay hindi na niya namalayang alas kuwatro na pala ng umaga. Wala na siyang oras upang matulog. Tamang-tama rin dahil natapos na niya ng tuluyan ang ginagawa. Inayos niya muna ang kanyang lamesa bago tumayo at tumungo kay Marco. Binasa niya ang labi ng asawa gamit ang basang bulak. Kapagkuwan ay inangat niya ang
Pare-parehong lumingon ang lahat sa pinanggalingan ng boses. Hindi si Ms. Cora ang nagsalita kundi si Evan. “Yes! Ang disenyong iyon ay hindi pagmamay-ari ni Sierra Montalban. Iyon ay disenyo ng ibang tao na kinuha niya. That's clearly a plagiarism over there, isn't it?” May pagmamalaking sinabi nito, nakalagay pa ang dalawang mga palad sa beywang. Nagsalubong ang mga kilay ni Sierra sa gulat. “Kaninong disenyo naman ang kinuhanan ko?” Hindi niya maiwasan ang lamig sa boses dahil alam niya sa sariling pinaghirapan niya ang disenyong iyon. “As far as I can remember, I was alone when I started sketching the design.” Tumaas ang sulok ng labi ni Evan, hindi iyon natutuwa bagkus ay nang-uuyam. “Ang kapal din naman ng mukha mong sabihing iyo ‘yon, for your information, that design was owned by A.S!” Galit nitong usal. “Look at the batik and tassels she used! That is exactly how A.S known for for her designs!” “Ngunit hindi ko kinopya o nakita kahit kailan ang disenyo ni A.S!” Gi
Mariing napalunok si Sierra at malikot ang mga mata habang pinupunasan ang pang-itaas na katawan ng asawa. Ramdam na ramdam din niya ang pang-iinit ng kanyang mga pisngi dahil sa ganda ng katawan nito. Babae lang siya, may kahinaan. Lalong-lalo na kapag ang katawan ng lalaki ay may six packs abs! Oo, alam niyang legal niyang asawa si Marco ngunit hindi niya kayang basta na lamang pagpiyestahan ang katawan nito hangga't sa gusto niya. Baka bigla na lang itong magising at karetehin siya palabas ng bahay kapag nakita niyang bulgar siya nitong binubusuhan! Salungat naman niyon ang ginagawa niya talaga, nililinisan niya lang ito! “Bakit ba masyado akong defensive, eh, wala naman akong ginagawang masama.” Mahinang usal ni Sierra sa sarili. “May gagawin pa lang,” segunda naman ng isang bahagi ng kanyang isipan. Pinilig niya ang ulo at itinuon na lang ang buong atensyon sa paglilinis ng katawan ng asawa. Pagkatapos malinisan ang harap ay ipinatagilid ni Sierra si Marco upang mapunas
“Grandma, pinapatawag ni'yo raw po ako?” Magalang na tawag pansin ni Sierra sa Senyora. Mula sa kinauupuan ay nag-angat ng tingin si Senyora Elizabeth kay Sierra sa seryosong paraan. Walang makitang bakas ng pangamba si Senyora Elizabeth sa mga mata ni Sierra. Nang maalala ang hindi nila pagkakaintindihan noong nakaraan ay kinalma ni Senyora ang kanyang galit at kalmadong sumagot dito. “Alam mo ba ang tungkol sa kumalakat sa internet ngayon?” Seryosong tanong ng Senyora. Nagbaba ng tingin si Sierra bago sumagot. “Opo, alam ko.” “See, grandma! Kahit na alam na niya ang kumakala sa internet ay makapal pa rin ang mukha niyang manatili rito sa pamilyang ito! Plinano niya talagang ilagay sa kahihiyan ang pamilyang ito!” Galit na galit na wika ni Adriana, subalit naroon din ang pagdiriwang sa kanyang mga mata. “Wala ng mukhang maihaharap ang pamilyang Montezides sa medya dahil sa ginawa ng babaeng ito!” Nag-angat ng tingin si Sierra sa nanggagalaiting si Adriana. “Sa paanong par
Pagkatapos iyong sabihin ng waiter ay siya namang pagpasok ni Sylvio Narvaez dahilan upang magsinghapan ang mga naroroon. Sa kabilang banda, habang ang lahat ng atensyon ay nasa lalaking bagong dating ay dahan-dahan siyang naglakad paatras at naupo sa may pinakasulok, tinakpan ng kamay ang kanyang noo at nakatungo sa kanyang telepono. Obviously, nagtatago. Abot langit ang kaba sa puso ni Beatriz nang makita ang lalaking kanyang inasam-asam na makita. Ayon sa kanyang ama ay napakahirap nitong hagilapin subalit ngayong gabi ay talagang pinaunlakan ng lalaki ang request ng ama alang-alang sa kanya! Ganoon siya kamahal ng kanyang ama!Mahal na mahal niya si Lukas Buena subalit ito na mismo ang kusang nagpatigil ng kanilang kasal, kaya ngayong nandito na si Sylvio Narvaez na isang pinakamayamang tao sa mundo ay hindi siya magdadalawang isip na magpakasal dito! Kapag naging isang ganap na siyang Mrs. Narvaez ay magagawa na niya ang lahat, mapapaluhod na niya ang mga tao. Maaalipusta na ni
Simula ng makarating sila sa Delicacies Restaurant ay hindi na humupa pa ang ingay lalo at marami ang imbitado. Dahil hindi lamang mga kasamahan sa photoshoot ang inimbita maging ang ilang mga sikat na panauhin sa larangan ng industriya. Ganoon ang gusto ni Beatriz, gusto niya iyong maraming tao nang sa ganoon ay maraming magkakautang na loob sa kanya at kapag siya naman ang may pabor na hihingin ay hindi na sila makatatanggi pa. Sa dami ng imbitado ay naging exclusive ang kainan. Pagkatapos kumain ay sinunod ang desserts at mga inumin. Roon na mas umingay nang magsimula ang inuman at tugtugan. "This evening is so lit, Miss Bea!" Anang isang sikat na lalaking artista na may hawak na whisky sa kanyang kanang kamay. "You're the best!""Oh, it's a small thing, Paul! Have more drink!" Ani Beatriz at nakipag-toast ng baso rito. "I hope this will not be the last time Miss Beatriz will held a dinner party," anang isang babaeng modelo na sipsip nang sipsip kay Beatriz. "You are so beautifu
Nagulat si Beatriz sa naging sagot ni Sierra. She doesn't like it when she refuses her offer subalit sa katotohanang pumayag lamang ito dahil sa pangako niyang ipakikilala kay Sylvio Narvaez ay kumulo ang kanyang dugo. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito! Sa tingin ba talaga niya ay hahayaan niyang maipakilala siya sa isang business tycoon? Huh! Asa siya! Isang makahulugang ngiti ang pikawalan ni Beatriz, “that's good to hear, Ms. Sierra…” dahil ang totoo ay marami na siyang inihandang pamamahiya para sa babae mamaya. Nagkibit lamang ng balikat si Sierra at saka sinuri ang kanyang mga gamit upang masigurong wala na siyang naiwanan pa. Nang sigurado ng kumpleto ang kanyang gamit ay isinarado na ni Sierra ang kanyang bag at kinuha ang telepono upang magpadala ng mensahe sa bahay at kay Marco, kahit na wala namang pakialam sa kanya ang asawa. To Husband: Hey, good evening. I'll be home late tonight dahil nagyaya ng dinner ang isa sa mga models. Sa Delicacies Restaurant l
Naging abala si Sierra sa mga sumunod na araw dahil malapit ng matapos ang photoshoot at sa wakas ay makakaalis na rin siya. Sa mga araw na iyon ay hindi na sila nagkikita pa ni Marco, sa pagod ay pagkauwi tanging pagtingin lamang sa mga bata ang ginagawa bago magpahinga at saka kinabukasan ay maagang aalis para sa trabaho. “Woah! It's a wrapped! Good job, everyone! You all did a great job! See you in your next projects, guys.” Anang director na pumalakpak nang matapos ang makuhanan ang huling anggulo nina Beatriz at Shanaia. “Thank you as well, direct. And of course, you'll be part of our next project!” Nakangiting sinabi ni Beatriz kitang-kita naman ang pagiging plastik nito. Tumango lamang ang director at nagpasalamat. “And because of our successful project, I'd like to invite you all for dinner at the Delicacies Restaurant!” Anunsyo nito dahilan upang magsilapitan ang ibang mga staffs at models sa kanya, may malalapad na ngiti sa mga labi ng mga ito. “Wow! Talaga, Miss B
Agad na nagsalubong ang makapal na kilay ni doktor Liam sa iritasyon dahil sa tono ng kausap. “Shut up, I just called to ask something.” Pairap niyang sinabi. “Gusto ko lang malaman ang listahan ng mga kasamahan ni Shanaia sa set—” Hindi pa man natatapos si Liam sa pagsasalita ay pumalatak na si Deion sa kabilang linya na para bang may narinig na kahindik-hindik. “What the fuck bud?! Why are you asking about Shanaia? Liam, sinasabi ko sa'yo, kasisimula pang umangat ng karera nung tao tapos manghihimasok ka na naman?! For god's sake! Quit it already!” Seryosong wika ni Deion sa kapatid. Dahil alam niyang matindi ang damdaming mayroon si Liam kay Shanaia at para na niyang nakababatang kapatid. Nasaksihan ni Deion kung paanong nasira ang karera ng babae nang magkaroon ito ng nararamdaman kay Liam, subalit ay hindi pa sigurado noon ang lalaki sa kanyang nararamdaman kaya mixed signals ang naibibigay nito sa babae lalo at kasalukuyan pa itong nag-aaral sa medisina noon. Agad na nagsalu
Naupo si Sierra sa sun lounger at pinapapaypayan ang sarili dahil basang-basa siya ng pawis. Wala rin siyang dalang extra na damit dahil hindi naman niya akalaing aalilain siya ng babaeng pinaglihi sa kamalditahan sa buhay. Tsk. Pag-ibig nga naman. Kahit ano ay gagawin para lang mapanatiling magiging kanila ang taong minamahal. At base sa reaksyon ni Lukas noong magkita sila ni Sierra sa presinto, roon niya napagtantong mahal na mahal nito ang tunay na Sierra. Nakikita niya sa mga mata ng lalaki ang pangungulila at pagsisisi sa mga nangyari ilang taon na ang nakalilipas. Nakakatuwa, kung ganoon kamahal ni Lukas si Sierra at ganoon din naman ito kamahal ng babae, ano kaya ang rason kung bakit nagawang kitilin ng babae ang sariling buhay? May kinalaman kaya si Mrs. Buena roon?Nasa malalim na pag-iisip si Sierra nang may biglang lumapit sa kanya, bahagya pa siyang nagulat nang biglang nasa tabi na niya ito. “Oh, pasensya na Ms. Sierra at nagulat ko yata kayo.” Nahihiyang ngumiti si
Nalaglag ang panga ni Beatriz sa narinig. Naningkit ang kanyang mga mata at pinasadahan ng tingin si Sierra mula ulo hanggang paa. “What did you just say?!” Itinagilid pa ng babae ang kanyang ulo, mayroong sarkastikong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. Kalmanting huminga si Sierra. Matapang niyang tiningnan si Beatriz at sa klarong boses ay sumagot siya. “I said no.” Hindi makapaniwalang umawang ang labi ni Beatriz, pasimple siyang tumingin sa paligid, maraming tao ang naroon at may kanya-kanyang ginagawa ngunit kapag gumawa siya ng eksena ay malamang siya ang masisira. Kaya naman ay pinigilan niya ang sarili at pinilit na lang na kumalma. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at may talim na tiningnan ang babaeng kalmado lamang na para bang walang kasalanan!“Sino ka ba sa akala mo para tanggihan ang utos ko? Don't you know who I am? Hindi mo ba alam kung gaano lalaki ang perang inilaan ko sa pesteng proyektong ito?” Impit na sigaw niya. Nagsalubong naman ang kilay ni Sierra,
Nahagip ng peripheral vision ni Sierra ang pagsulyap ni Vester sa gawi nila ni Marco, nang tingnan niya ang bata ay nasa telebisyon na ang atensyon nito. Nakaramdam tuloy ang babae ng kalungkutan sa dibdib, marahil ay nakararamdam ng paninibugho ang bata habang nakikitang malambing ang ama sa kanyang anak samantalang istrikto ito makitungo rito. Kaya naman ay tinawag na niya ang anak. Kahit na natutuwa si Sierra na makitang masaya ang anak sa kandungan ni Marco ay ayaw naman niyang masaktan lalo si Vester. “Thalia, come on, that's already enough. Uncle must be tired, he has to rest.” Ani Sierra sa anak. Sinulyapan lamang si Sierra ni Thalia at saka sumimangot. “No! I still want to play with uncle handsome!” Tugon nito atsaka mahaba ang ngusong nag-angat ng tingin kay Marco. “Are you tired, handsome uncle? Do you want to rest?” Nang makita ang nagpapaawang bilugang mga mata ng batang babae ay biglang nanlambot ang puso ni Marco. Wala sa sariling inangat niya ang kanyang kamay
Nakabibinging katahimikan ang namayani pagkatapos itong sabihin ni Sierra. Umawang ang mga labi ni Stevan, hindi makapaniwala na ang isang babaeng ni walang katiting na dugo ng Montezides ang siyang nangahas na pagtaasan siya ng boses. Hindi maaari iyon, hindi katanggap-tanggap. Dahil siya si Stevan Montezides, ang humahawak sa titulong eldest master ng pamilya pagkatapos mamatay ni Marcus. Nangangahulugan lang niyon na kung sinuman ang mangangahas na pagtaasan siya ng boses ay hindi niya palalampasin. “You really dared to raise your voice at me? Who do you think you are? You are just a damn bride Senyora Elizabeth chose!” Nanginginig na ito sa galit. Humugot ng malalim na hininga si Sierra at taas noong tiningnan si Stevan. “I am just a wife who protects her helpless husband.” Malamig, ngunit klaro niyang sinabi. “How about you? Who are you to punish my husband? Nakalilimutan mo bang hindi mo siya anak para hatawin mo ng ganyan? As far as I remembered, you don't have the righ