“Labis akong nalulungkot sa pangyayaring ito…” dismayadong bumuntong hininga ang ginang. “Akala ko, bilang isang ina ay isa kang aalagaan at mamahalin mo si Vester. Aarugain at pahahalagahan gaya ng kung paano mo arugain at pahalagahan si Thalia, ngunit nagkakamali pala ako. Isa kang inang ganid sa kapangyarihan at walang ibang nasa isip kundi ang kumamkam ng mga bagay na hindi naman tunay na sa kanya.” Puno ng poot na sinabi ng Senyora, sa paraan ng pagkakasaad nito ay wala ka ng karapatan pang magrason at isalaysay ang katotohanan. “Kaya sa oras na ito ay tuluyan ko ng pinuputol ang koneksyon mo sa pamilyang ito. You are no longer a Montezides.” Seryoso nitong deklara. Napalunok ng mariin si Sierra. Oo at plinano na niya ang lahat, lalong-lalo na ang paghihiganti kay Julian at Adriana ngunit hindi niya aakalaing mapapalayo siya sa pamilya ng ganito kaaga. Malapad na ngumiti si Adriana. Ngunit agad din niyang pinagalit ang awra dahil baka makita ng Senyora. “Alis na! Hindi ka na
Pinindot ni Sierra ang notipikasyon at binasa ang nakabahagi roon. ‘Hi, Miss Montalban! Your design is awesome! It seems that we have the same interest, huh? Haha. If you happen to have an interest in A.S studios, please do direct message me so that we could talk about it more privately. God bless!’ Ilang segundo pa lang ang nakalilipas magmula nang mai-post iyon ay dumagsa ang mga komento, nobienta porsyento niyon ay sa kanya na pumapanig. Isa sa mga tagahanga ni A.S ang nagkimento, si Kimkim. “Sa nagsabing nang-plagiarize si Ms. Sierra ay humarap sa akin at nang makatikim ng sampal ko! Why can't you just support everyone's talent? That doesn't mean they're similar, they're already copying it!” Marami namang sumang-ayon dito. “Miss Sierra, please message A.S studio and go to their team already! That A.C’s company is trash! They can't even see and give importance to your talent!” “Pumunta ka sa A.S studios at isampal mo sa kanila kung ano ang sinayang nila!” Marami pang ga
Tumayo ang Senyora at kinuha ang dalawang kamay ni Sierra at saka iyon malambing na giniya paupo kasama niya. “Hindi mo pa ba nababasa ang naka-post sa internet ngayon?” Marahang binawi ni Sierra ang kamay at saka marahang umiling. “Para po hindi na kayo masyadong magalit ay pagkarating ko po roon ay nag-impake na po ako ng mga gamit namin…” “Sa katunayan ho niyan Senyora ay nasa salas na ang mga gamit ng eldest mistress at ang anak nito, they're ready to go but was interrupted because you called for her.” Mababa ang boses na singit ni Carlos. Nanlaki ang mata ng Senyora at agad na bumalatay ang lungkot at pagkasisisi sa mga mata. “Aalis ka na talaga? Hindi ka na ba maaaring pigilan?” Malungkot nitong tanong. Nangunot ang noo ni Sierra. “Hindi po ba at kayo ang may gusto na lisanin ko ang pamilyang Montezides?” litong wika pa niya. Napalunok ang Senyora at nag-iwas ng tingin kay Sierra. Dumako ang kanyang tingin kay Carlos, tipid na ngumiti at tumango naman ang huli. “Mas m
“Grandma…” Nababaksan ng pagtutol ang tinig ni Adriana. Ngunit ang Senyora ay inignora ito at malambing lamang na bumaling kay Sierra, hinawakan pa nito ang dalawang kamay. “Natakot ka ba?” Alanganing tumango si Sierra ngunit kapagkuwan ay umiling din. Matalim na tiningnan ni Senyora si Adriana, ang huli ay mabilis namang lumuhod sa gilid ni Sierra. “Huwag kang mag-alala, apo… simula ngayon ay kakampi mo na ang grandma sa lahat ng pagkakataon. Simula ngayon ay hindi na natin hahayaan ang kung sinumang hahamak sa iyo. Kung mayroon mang pasekretong gagawin iyon, sabihin mo lang sa grandma at ako ang bahala.” Nagbaba ng tingin si Sierra. Bagama't napakasarap sa isip at dibdib ang matatamis na salitang iyon ay hindi pa rin magawang maniwala ni Sierra. Kaya naman, sa mababa at nagtatampong tinig, nagsalita siya. “Ilang beses ni'yo na pong sinabi iyan, grandma… but everytime there's a misunderstanding happening, you we're not taking my side and was immediately believed someone e
Sinenyasan ng Senyora si Adriana na maupo sa sofa, ngayon ay pinagigitnaan na ng maghipag ang Senyora. Nagkukwentuhan pa si Sierra at ang Senyora habang naghihintay ng balita. Talaga ngang makapangyarihang ang pangalang Montezides sa bansa dahil ilang sandali lamang ang makalipas ay mayroon ng balita si Carlos. Hindi naitago ni Sierra ang panlalaki ng mata dahil hindi niya inaasahan na ganoon lamang kadali para sa kanilang gawin iyon! Alam niya na naman na mayaman ang mga ito at maraming koneksyon ngunit hindi niya lubos akalaing ganito iyon! Tumawa ang Senyora sa nakikitang gulat sa mga mata ni Sierra. “Masanay ka na, Sierra. Dahil para sa pamilyang ito, madali na lang mahanap ang lahat. Lalo na kung ang hinahanap ay may ginawang hindi maganda sa miyembro ng pamilyang ito,” sa huling linya ay nakitaan ng pagtalim ang mata nito. Sa kabilang dako, mahigpit naman ang pagkakakuyom ni Adriana sa kanyang kamay na naramdaman pa nga niya ang pagbaon ng mahabang kuko sa palad. Pinagpap
Mabilis na dinaluhan ni Anita ang senyora nang makalabas si Adriana. “Huminahon ho kayo, Senyora. Hindi ho maganda sa iyong puso ang magalit ng labis.” Marahang paalala nito sa amo dahil nanginginig na ang baba nito sa galit. Hinawakan ni Sierra ang kamay ng Senyora at nag-inhale exhale ito upang pakalmahin din ang ginang. Sinunod naman nito iyon hanggang sa unti-unti na ngang kumalma ang paghinga nito. Ilang segundo ang nakalilipas nang magsalita si Carlos. “Madame, nariyan ho sa labas si doktor Liam at nais daw kayong makausap.” Imporma nito. Ngumiti ang senyora atsaka tumango. Ilang sandali lang ay naglalakad na palapit sa kanila si doc Liam. “Doktor, mayroon na bang progreso ang kondisyon ng aking apo?” hindi na makapaghintay na tanong ng Senyora. Tipid lamang na tumango si Liam ngunit walang salitang lumabas sa bibig nito. Kapagkuwan ay tumungo ang mata niya kay Sierra, “Mrs. Montezides, maaari ko bang makausap muna ng masinsinan ang Senyora? Kung maaari lang sana…” Bum
“Mayroon akong inihandang mga kasangkapan upang maisagawa ng maayos ang plano…” Simula ni Liam, binuksan nito ang bag at inilabas ang maliit na bagay roon. “Ilalagay mo lang ito sa sabaw or any liquid na iinumin ni Sierra dahil madali lang naman itong natutunaw.” Inabot na ni Liam ang bagay sa Senyora. Sunud-sunod namang tumango ang ginang. Sa loob-loob niya ay nagdidiwang na siya sa pagkakaroon ng panibagong apo ay iniisip na niya ang mga bagay-bagay na ibibigay sa apo. Gusto niya talaga ng maraming bata sa bahay, lalong-lalo na kung may bagong sanggol! Subalit kahit na magkaroon pa man ng bagong miyembro ng pamilya, hindi pa rin mababawasan ang pagmamahal niya para sa dalawang apo. Si Sylvester at Sathalia. Napapangiwi si Liam, alam niya kasing kapag nalaman ni Marco ang tungkol dito ay siguradong papatayin siya ng kaibigan. ‘Mag-asawa naman sila. Kaya dapat lang na may mangyari sa kanilang dalawa.” Iyon na lamang ang pakunswelo niya sa gagawin. Sa buong buhay ng kaibigan
“Miss Sierra Montalban! Why are you still standing there? Come here, join us.” Nakangiting tawag sa kanya ni Lorenzo Gabral. Bumalik sa reyalidad si Sierra mula sa paglalakbay ng kanyang isip sa nakaraan. Pinagdikit niya ang kanyang ngipin habang matalim ang matang nakatitig kay Lorenzo. Pinilit na itinago ni Sierra ang galit na nararamdaman at pilit ang ngiting iginawad niya kay Lorenzo Gabral. Nakipagkamay siya rito nang tuluyang malalapit. “Oh, Mr. Gabral, my apologies. I was just in a daze for a moment because I remembered someone from the past when I saw you,” mahinhing tumawa si Sierra. “Really? Hmm… nakakakuryoso naman iyan, maybe you could introduce us with each other when you have time,” wika ni Lorenzo at lihim na sinuri ng tingin ang babae. Isinagawa ni Lorenzo itong meeting hindi dahil interesado siyang makilala ang nagmamay-ari ng disenyo ng design department. Bagkus ay gusto niya lang makita ang babaeng siyang dahilan ng pagpapatalsik kay Adriana sa Villa ng Mo
Pagkatapos iyong sabihin ng waiter ay siya namang pagpasok ni Sylvio Narvaez dahilan upang magsinghapan ang mga naroroon. Sa kabilang banda, habang ang lahat ng atensyon ay nasa lalaking bagong dating ay dahan-dahan siyang naglakad paatras at naupo sa may pinakasulok, tinakpan ng kamay ang kanyang noo at nakatungo sa kanyang telepono. Obviously, nagtatago. Abot langit ang kaba sa puso ni Beatriz nang makita ang lalaking kanyang inasam-asam na makita. Ayon sa kanyang ama ay napakahirap nitong hagilapin subalit ngayong gabi ay talagang pinaunlakan ng lalaki ang request ng ama alang-alang sa kanya! Ganoon siya kamahal ng kanyang ama!Mahal na mahal niya si Lukas Buena subalit ito na mismo ang kusang nagpatigil ng kanilang kasal, kaya ngayong nandito na si Sylvio Narvaez na isang pinakamayamang tao sa mundo ay hindi siya magdadalawang isip na magpakasal dito! Kapag naging isang ganap na siyang Mrs. Narvaez ay magagawa na niya ang lahat, mapapaluhod na niya ang mga tao. Maaalipusta na ni
Simula ng makarating sila sa Delicacies Restaurant ay hindi na humupa pa ang ingay lalo at marami ang imbitado. Dahil hindi lamang mga kasamahan sa photoshoot ang inimbita maging ang ilang mga sikat na panauhin sa larangan ng industriya. Ganoon ang gusto ni Beatriz, gusto niya iyong maraming tao nang sa ganoon ay maraming magkakautang na loob sa kanya at kapag siya naman ang may pabor na hihingin ay hindi na sila makatatanggi pa. Sa dami ng imbitado ay naging exclusive ang kainan. Pagkatapos kumain ay sinunod ang desserts at mga inumin. Roon na mas umingay nang magsimula ang inuman at tugtugan. "This evening is so lit, Miss Bea!" Anang isang sikat na lalaking artista na may hawak na whisky sa kanyang kanang kamay. "You're the best!""Oh, it's a small thing, Paul! Have more drink!" Ani Beatriz at nakipag-toast ng baso rito. "I hope this will not be the last time Miss Beatriz will held a dinner party," anang isang babaeng modelo na sipsip nang sipsip kay Beatriz. "You are so beautifu
Nagulat si Beatriz sa naging sagot ni Sierra. She doesn't like it when she refuses her offer subalit sa katotohanang pumayag lamang ito dahil sa pangako niyang ipakikilala kay Sylvio Narvaez ay kumulo ang kanyang dugo. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito! Sa tingin ba talaga niya ay hahayaan niyang maipakilala siya sa isang business tycoon? Huh! Asa siya! Isang makahulugang ngiti ang pikawalan ni Beatriz, “that's good to hear, Ms. Sierra…” dahil ang totoo ay marami na siyang inihandang pamamahiya para sa babae mamaya. Nagkibit lamang ng balikat si Sierra at saka sinuri ang kanyang mga gamit upang masigurong wala na siyang naiwanan pa. Nang sigurado ng kumpleto ang kanyang gamit ay isinarado na ni Sierra ang kanyang bag at kinuha ang telepono upang magpadala ng mensahe sa bahay at kay Marco, kahit na wala namang pakialam sa kanya ang asawa. To Husband: Hey, good evening. I'll be home late tonight dahil nagyaya ng dinner ang isa sa mga models. Sa Delicacies Restaurant l
Naging abala si Sierra sa mga sumunod na araw dahil malapit ng matapos ang photoshoot at sa wakas ay makakaalis na rin siya. Sa mga araw na iyon ay hindi na sila nagkikita pa ni Marco, sa pagod ay pagkauwi tanging pagtingin lamang sa mga bata ang ginagawa bago magpahinga at saka kinabukasan ay maagang aalis para sa trabaho. “Woah! It's a wrapped! Good job, everyone! You all did a great job! See you in your next projects, guys.” Anang director na pumalakpak nang matapos ang makuhanan ang huling anggulo nina Beatriz at Shanaia. “Thank you as well, direct. And of course, you'll be part of our next project!” Nakangiting sinabi ni Beatriz kitang-kita naman ang pagiging plastik nito. Tumango lamang ang director at nagpasalamat. “And because of our successful project, I'd like to invite you all for dinner at the Delicacies Restaurant!” Anunsyo nito dahilan upang magsilapitan ang ibang mga staffs at models sa kanya, may malalapad na ngiti sa mga labi ng mga ito. “Wow! Talaga, Miss B
Agad na nagsalubong ang makapal na kilay ni doktor Liam sa iritasyon dahil sa tono ng kausap. “Shut up, I just called to ask something.” Pairap niyang sinabi. “Gusto ko lang malaman ang listahan ng mga kasamahan ni Shanaia sa set—” Hindi pa man natatapos si Liam sa pagsasalita ay pumalatak na si Deion sa kabilang linya na para bang may narinig na kahindik-hindik. “What the fuck bud?! Why are you asking about Shanaia? Liam, sinasabi ko sa'yo, kasisimula pang umangat ng karera nung tao tapos manghihimasok ka na naman?! For god's sake! Quit it already!” Seryosong wika ni Deion sa kapatid. Dahil alam niyang matindi ang damdaming mayroon si Liam kay Shanaia at para na niyang nakababatang kapatid. Nasaksihan ni Deion kung paanong nasira ang karera ng babae nang magkaroon ito ng nararamdaman kay Liam, subalit ay hindi pa sigurado noon ang lalaki sa kanyang nararamdaman kaya mixed signals ang naibibigay nito sa babae lalo at kasalukuyan pa itong nag-aaral sa medisina noon. Agad na nagsalu
Naupo si Sierra sa sun lounger at pinapapaypayan ang sarili dahil basang-basa siya ng pawis. Wala rin siyang dalang extra na damit dahil hindi naman niya akalaing aalilain siya ng babaeng pinaglihi sa kamalditahan sa buhay. Tsk. Pag-ibig nga naman. Kahit ano ay gagawin para lang mapanatiling magiging kanila ang taong minamahal. At base sa reaksyon ni Lukas noong magkita sila ni Sierra sa presinto, roon niya napagtantong mahal na mahal nito ang tunay na Sierra. Nakikita niya sa mga mata ng lalaki ang pangungulila at pagsisisi sa mga nangyari ilang taon na ang nakalilipas. Nakakatuwa, kung ganoon kamahal ni Lukas si Sierra at ganoon din naman ito kamahal ng babae, ano kaya ang rason kung bakit nagawang kitilin ng babae ang sariling buhay? May kinalaman kaya si Mrs. Buena roon?Nasa malalim na pag-iisip si Sierra nang may biglang lumapit sa kanya, bahagya pa siyang nagulat nang biglang nasa tabi na niya ito. “Oh, pasensya na Ms. Sierra at nagulat ko yata kayo.” Nahihiyang ngumiti si
Nalaglag ang panga ni Beatriz sa narinig. Naningkit ang kanyang mga mata at pinasadahan ng tingin si Sierra mula ulo hanggang paa. “What did you just say?!” Itinagilid pa ng babae ang kanyang ulo, mayroong sarkastikong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. Kalmanting huminga si Sierra. Matapang niyang tiningnan si Beatriz at sa klarong boses ay sumagot siya. “I said no.” Hindi makapaniwalang umawang ang labi ni Beatriz, pasimple siyang tumingin sa paligid, maraming tao ang naroon at may kanya-kanyang ginagawa ngunit kapag gumawa siya ng eksena ay malamang siya ang masisira. Kaya naman ay pinigilan niya ang sarili at pinilit na lang na kumalma. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at may talim na tiningnan ang babaeng kalmado lamang na para bang walang kasalanan!“Sino ka ba sa akala mo para tanggihan ang utos ko? Don't you know who I am? Hindi mo ba alam kung gaano lalaki ang perang inilaan ko sa pesteng proyektong ito?” Impit na sigaw niya. Nagsalubong naman ang kilay ni Sierra,
Nahagip ng peripheral vision ni Sierra ang pagsulyap ni Vester sa gawi nila ni Marco, nang tingnan niya ang bata ay nasa telebisyon na ang atensyon nito. Nakaramdam tuloy ang babae ng kalungkutan sa dibdib, marahil ay nakararamdam ng paninibugho ang bata habang nakikitang malambing ang ama sa kanyang anak samantalang istrikto ito makitungo rito. Kaya naman ay tinawag na niya ang anak. Kahit na natutuwa si Sierra na makitang masaya ang anak sa kandungan ni Marco ay ayaw naman niyang masaktan lalo si Vester. “Thalia, come on, that's already enough. Uncle must be tired, he has to rest.” Ani Sierra sa anak. Sinulyapan lamang si Sierra ni Thalia at saka sumimangot. “No! I still want to play with uncle handsome!” Tugon nito atsaka mahaba ang ngusong nag-angat ng tingin kay Marco. “Are you tired, handsome uncle? Do you want to rest?” Nang makita ang nagpapaawang bilugang mga mata ng batang babae ay biglang nanlambot ang puso ni Marco. Wala sa sariling inangat niya ang kanyang kamay
Nakabibinging katahimikan ang namayani pagkatapos itong sabihin ni Sierra. Umawang ang mga labi ni Stevan, hindi makapaniwala na ang isang babaeng ni walang katiting na dugo ng Montezides ang siyang nangahas na pagtaasan siya ng boses. Hindi maaari iyon, hindi katanggap-tanggap. Dahil siya si Stevan Montezides, ang humahawak sa titulong eldest master ng pamilya pagkatapos mamatay ni Marcus. Nangangahulugan lang niyon na kung sinuman ang mangangahas na pagtaasan siya ng boses ay hindi niya palalampasin. “You really dared to raise your voice at me? Who do you think you are? You are just a damn bride Senyora Elizabeth chose!” Nanginginig na ito sa galit. Humugot ng malalim na hininga si Sierra at taas noong tiningnan si Stevan. “I am just a wife who protects her helpless husband.” Malamig, ngunit klaro niyang sinabi. “How about you? Who are you to punish my husband? Nakalilimutan mo bang hindi mo siya anak para hatawin mo ng ganyan? As far as I remembered, you don't have the righ