“Miss Sierra Montalban! Why are you still standing there? Come here, join us.” Nakangiting tawag sa kanya ni Lorenzo Gabral. Bumalik sa reyalidad si Sierra mula sa paglalakbay ng kanyang isip sa nakaraan. Pinagdikit niya ang kanyang ngipin habang matalim ang matang nakatitig kay Lorenzo. Pinilit na itinago ni Sierra ang galit na nararamdaman at pilit ang ngiting iginawad niya kay Lorenzo Gabral. Nakipagkamay siya rito nang tuluyang malalapit. “Oh, Mr. Gabral, my apologies. I was just in a daze for a moment because I remembered someone from the past when I saw you,” mahinhing tumawa si Sierra. “Really? Hmm… nakakakuryoso naman iyan, maybe you could introduce us with each other when you have time,” wika ni Lorenzo at lihim na sinuri ng tingin ang babae. Isinagawa ni Lorenzo itong meeting hindi dahil interesado siyang makilala ang nagmamay-ari ng disenyo ng design department. Bagkus ay gusto niya lang makita ang babaeng siyang dahilan ng pagpapatalsik kay Adriana sa Villa ng Mo
Alas siyete pa lang ng gabi ngayon, ganitong mga oras ay maingay ang buong sala dahil naghahabulan ang dalawang bata. Ngayon ay katakatakang katahimikan, walang Thalia na makulit na tumatawag kay Sylvester at walang Vester na iritadong tumutugon sa tawag nito. Wala ring ingay na nanggagaling sa TV para sa pambatang palabas, ni anino ni Carlos ay wala rin. Saan ang mga tao? Sa kaligitnaan ng pagtataka ni Sierra sa kawalan ng tao sa sala ay narinig niya ang boses kung saan. “Ang eldest mistress ni’yo ba iyon?” Boses iyon ng Senyora na nanggagaling sa kusina. Bakit nandito ito ng ganitong oras? At sa kusina? Anong ginagawa nito roon?Hindi kaya ay naghihintay na naman ito sa kanya katulad noong nakaraan? Naalala ni Sierra ang paalala ng Senyora na huwag ng muling lumabas ng gabi! Kumalabog ang dibdib niya sa kaba. Mas tumindi ang kaba niya nang marinig ang papalapit na yabag. Inayos niya ang sarili at nagsalita. “Grandma...” Ilang saglit pa ay natanaw na niya ang Senyora. Agad n
Nakaramdam siya ng pananakot sa kanyang palapulsuhan dahilan upang mabahgyang magising si Sierra. Kunot ang kanyang noong nagmulat ng tingin, kumurap-kurap nang makita ang dilat na mga mata ni Marco. Ibang-iba iyon sa mata nito tuwing nagmumulat. Ngayon ay mayroon ng klarong emosyon, galit. Galit ang emosyon na iyon. Hindi na blanko. Mula sa mata nito ay lumipat ang tingin ni Sierra sa kanyang masakit na palapulsuhan. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya nang makitang hawak-hawak ito ni Marco! Ibig sabihin. Ibig sabihin ay gising na nga ito at hindi lang siya nananaginip? Hindi imahinasyon ang lahat? “G-gising ka na?” Wala sa sariling tanong ni Sierra. Nagsalubong ang kilay ni Marco. “Oo. Bakit? Dismayado ka bang gising na ako?” Sa narinig ay halos lumuwa ang mata ni Sierra at basta na lang tumalon sa kama! Hindi lang basta nagmulat, nagsalita pa! “Ah! T-tatawagan ko ang Senyora!” Bulalas niya at saka kumaripas ng takbo palabas nang walang suot na tsenilas. Na
Hindi inasahan ng Senyora na marinig iyon galing kay Sierra, kaya naman bahagyang nanlaki ang kanyang mata sa gulat. Ngunit sa totoo ay tama lamang na iyon ang hula nito dahil masyadong halata ang naging epekto niyon sa kanyang katawan. Bilang pagsuko sa ginawa ay marahang tumango si Senyora. “Nang bumisita kanina ang doktor ni Marco at sinabing nanumbalik na raw ang male function nito. Labis akong natuwa, ibig sabihin lamang niyon ay mataas ang tiyansang magkakaroon siya ng lehitimong tagapagmana.” Humugot ito ng malalim na hininga, “patawad at ang tanging inintindi ko lang ay ang kapakanan ng aking apo, nakalimutan kong intindihin ang nararamdaman mo…” Sa narinig ay sandaling tumulala si Sierra. May palagay na rin naman siyang iyon nga ang rason ng Senyora kaya niya iyon ginawa, ngunit hindi niya inaasahang sa ganoong paraan niya ito gagawin. Alam ni Sierra na mahalaga sa isang mayamang pamilya katulad ng mga Montezides ang pagpapatuloy ng kanilang angkan. Oo at nag-ampon nga si
Ilang segundo pang nakatitig si Sierra sa saradong pintuan ng kanilang silid. Nagdadalawang isip kung papasok ba ito o hindi. At kung papasok man ay ano ang una niyang sasabihin upang magsimula ng usapan? Nasapo ni Sierra ang sariling noo, roon niya napagtanto na ang hirap pala kapag ganito at gising na ang asawa. Hindi lang gising kundi nakakapagsalita pa! Ayos lang sana kung naging disente naman ang pagsalubong nila nang magising ito, ngunit hindi! Nakakahiya! Alam niyang asawa na siya nito ngunit wala pa rin siyang karapatang gumawa ng ganoon doon sa tao! Hindi naman siya iyong tipo ng tao na uhaw sa sex! At ngayong nalaman na niyang ang Senyora pala ang may kagagawan niyon, dapat ay panatag na ang nararamdaman ni Sierra ngunit hindi. Ngayon ay pulang-pula ang mukha niya hindi dahil dulot iyon ng gamot kundi dahil sa kahihiyan. Purong kahihiyan na lang ngayon! Gusto na lang niyang magpalamon sa lupa at maging uod! Naglakad-lakad na lang muna si Sierra habang iniisip ang
Ang bitbit nitong paper bags ay ibinigay nito kay Carlos. Pagkatapos ay naglakad ito palapit kay Marco. “Kuya, I'm glad that you are finally awake.” nakangiting wika ni Julian. “Binilhan kita ng maraming organic supplements that may help you gain your complete strength again, besides, you were sleeping for almost half a year.” Dagdag pa nito. Habang nakikinig kay Julian si Sierra ay saglit na sumulyap ang mga mata niya kay Marco, hinihintay ang reaksyon nito para sa kapatid. Ngunit wala. Wala itong reaksyon at nagpatuloy lang sa pagkain na para bang wala itong nakikitang tao. Nabitin sa ere ang ngiti ni Julian dahil sa pagkapahiya. Ilang sandali lang ay ngumisi ito, ngising halata mong hindi natutuwa ngunit kailangang gawin. “Since you are eating, Kuya, I'll just come back some other time.” Ani Julian. Wala pa ring kibo si Marco. Tumalikod na si Julian. Ilang hakbang pa ang nagagawa niya nang tumigil at magsalita. “Mom is so happy to know that you're finally awake. So, they to
“Sa guest room ka ba natulog, hija?” Tanong ng Senyora. Tumango naman si Sierra. Hinawakan ni Senyora ang kamay ni Sierra at marahang hinaplos ang likod ng palad nito. “Pasensya na at iyon ang naging pakitungo sa'yo ni Marco. Simula nang mamatay ang kanyang ama ay nag-iba na ang aking apo, ngunit mabuti naman siyang tao. Just give him some time to think and eventually, he'll accept you as his wife.” Tumango si Sierra. Para sa kanya ay ayos lang naman iyon, basta hindi lang siya nito paalisin sa bahay na ito ay ayos lang. Ang orihinal na plano ni Sierra ay ilabas ang mga bata ngayong weekend, ngunit hindi na niya iyon magagawa dahil gising na si Marco at darating pa ang mga magulang nito. Simula nang umaga ay nasa opisina na nasa bahay lang din si Marco, wala itong pakialam sa mga nangyayari at gusto lang manatili sa loob. Ngunit nang dumating ang hapon ay sinabi ng senyora na sa kanyang bahay maghahapunan dahil maghahanda raw ito sa paggising ng kanyang apo. Iyon ang unang bese
Nang sandaling iyon naglalakad na palapit ang Senyora Elizabeth sa kanila. “Tanggapin mo na, Sierra. Isa iyang heirloom na nagmula pa sa aming ninuno at pinapasa sa panganay na asawa sa bawat pamilya.” Nakangiti nitong sinabi. “Kung gusto mo ay pumunta tayo sa aming tindahan at pumili ka ng kung anumang magustuhan mo roon.” Wala ng nagawa si Sierra nang kusang isuot ni Ericka ang pulseras sa kanyang pulsuhan. Parang may kung anong mainit ang humaplos sa dibdib ni Sierra. Hindi lamang ito tungkol sa kung gaano kamahal ang pulseras, kundi kung gaano na ito katagal na nasa kanilang pamilya at ngayon ay ipinasa na sa kanyang pangangalaga. Nang akmang ibubuka na ni Sierra ang kanyang labi upang magpasalamat kay Ericka, ang isang pigura ng lalaking pababa sa engrandeng hagdanan ang nakakuha ng kanilang atensyon. Ang lalaki ay nasa singkwenta na, matikas ang pangangatawan nito at kitang-kita ang awtoridad sa mukha kahit pa man wala pa itong sinasabi. Mayroon itong kaunting pagkakah