Hindi inasahan ng Senyora na marinig iyon galing kay Sierra, kaya naman bahagyang nanlaki ang kanyang mata sa gulat. Ngunit sa totoo ay tama lamang na iyon ang hula nito dahil masyadong halata ang naging epekto niyon sa kanyang katawan. Bilang pagsuko sa ginawa ay marahang tumango si Senyora. “Nang bumisita kanina ang doktor ni Marco at sinabing nanumbalik na raw ang male function nito. Labis akong natuwa, ibig sabihin lamang niyon ay mataas ang tiyansang magkakaroon siya ng lehitimong tagapagmana.” Humugot ito ng malalim na hininga, “patawad at ang tanging inintindi ko lang ay ang kapakanan ng aking apo, nakalimutan kong intindihin ang nararamdaman mo…” Sa narinig ay sandaling tumulala si Sierra. May palagay na rin naman siyang iyon nga ang rason ng Senyora kaya niya iyon ginawa, ngunit hindi niya inaasahang sa ganoong paraan niya ito gagawin. Alam ni Sierra na mahalaga sa isang mayamang pamilya katulad ng mga Montezides ang pagpapatuloy ng kanilang angkan. Oo at nag-ampon nga si
Ilang segundo pang nakatitig si Sierra sa saradong pintuan ng kanilang silid. Nagdadalawang isip kung papasok ba ito o hindi. At kung papasok man ay ano ang una niyang sasabihin upang magsimula ng usapan? Nasapo ni Sierra ang sariling noo, roon niya napagtanto na ang hirap pala kapag ganito at gising na ang asawa. Hindi lang gising kundi nakakapagsalita pa! Ayos lang sana kung naging disente naman ang pagsalubong nila nang magising ito, ngunit hindi! Nakakahiya! Alam niyang asawa na siya nito ngunit wala pa rin siyang karapatang gumawa ng ganoon doon sa tao! Hindi naman siya iyong tipo ng tao na uhaw sa sex! At ngayong nalaman na niyang ang Senyora pala ang may kagagawan niyon, dapat ay panatag na ang nararamdaman ni Sierra ngunit hindi. Ngayon ay pulang-pula ang mukha niya hindi dahil dulot iyon ng gamot kundi dahil sa kahihiyan. Purong kahihiyan na lang ngayon! Gusto na lang niyang magpalamon sa lupa at maging uod! Naglakad-lakad na lang muna si Sierra habang iniisip ang
Ang bitbit nitong paper bags ay ibinigay nito kay Carlos. Pagkatapos ay naglakad ito palapit kay Marco. “Kuya, I'm glad that you are finally awake.” nakangiting wika ni Julian. “Binilhan kita ng maraming organic supplements that may help you gain your complete strength again, besides, you were sleeping for almost half a year.” Dagdag pa nito. Habang nakikinig kay Julian si Sierra ay saglit na sumulyap ang mga mata niya kay Marco, hinihintay ang reaksyon nito para sa kapatid. Ngunit wala. Wala itong reaksyon at nagpatuloy lang sa pagkain na para bang wala itong nakikitang tao. Nabitin sa ere ang ngiti ni Julian dahil sa pagkapahiya. Ilang sandali lang ay ngumisi ito, ngising halata mong hindi natutuwa ngunit kailangang gawin. “Since you are eating, Kuya, I'll just come back some other time.” Ani Julian. Wala pa ring kibo si Marco. Tumalikod na si Julian. Ilang hakbang pa ang nagagawa niya nang tumigil at magsalita. “Mom is so happy to know that you're finally awake. So, they to
“Sa guest room ka ba natulog, hija?” Tanong ng Senyora. Tumango naman si Sierra. Hinawakan ni Senyora ang kamay ni Sierra at marahang hinaplos ang likod ng palad nito. “Pasensya na at iyon ang naging pakitungo sa'yo ni Marco. Simula nang mamatay ang kanyang ama ay nag-iba na ang aking apo, ngunit mabuti naman siyang tao. Just give him some time to think and eventually, he'll accept you as his wife.” Tumango si Sierra. Para sa kanya ay ayos lang naman iyon, basta hindi lang siya nito paalisin sa bahay na ito ay ayos lang. Ang orihinal na plano ni Sierra ay ilabas ang mga bata ngayong weekend, ngunit hindi na niya iyon magagawa dahil gising na si Marco at darating pa ang mga magulang nito. Simula nang umaga ay nasa opisina na nasa bahay lang din si Marco, wala itong pakialam sa mga nangyayari at gusto lang manatili sa loob. Ngunit nang dumating ang hapon ay sinabi ng senyora na sa kanyang bahay maghahapunan dahil maghahanda raw ito sa paggising ng kanyang apo. Iyon ang unang bese
Nang sandaling iyon naglalakad na palapit ang Senyora Elizabeth sa kanila. “Tanggapin mo na, Sierra. Isa iyang heirloom na nagmula pa sa aming ninuno at pinapasa sa panganay na asawa sa bawat pamilya.” Nakangiti nitong sinabi. “Kung gusto mo ay pumunta tayo sa aming tindahan at pumili ka ng kung anumang magustuhan mo roon.” Wala ng nagawa si Sierra nang kusang isuot ni Ericka ang pulseras sa kanyang pulsuhan. Parang may kung anong mainit ang humaplos sa dibdib ni Sierra. Hindi lamang ito tungkol sa kung gaano kamahal ang pulseras, kundi kung gaano na ito katagal na nasa kanilang pamilya at ngayon ay ipinasa na sa kanyang pangangalaga. Nang akmang ibubuka na ni Sierra ang kanyang labi upang magpasalamat kay Ericka, ang isang pigura ng lalaking pababa sa engrandeng hagdanan ang nakakuha ng kanilang atensyon. Ang lalaki ay nasa singkwenta na, matikas ang pangangatawan nito at kitang-kita ang awtoridad sa mukha kahit pa man wala pa itong sinasabi. Mayroon itong kaunting pagkakah
Nagkatinginan sina Ericka, Stevan at Julian Montezides sa sinabi ng Senyora. Ang unang nakabawi ay si Ericka Montezides, tumayo ito at nilagyan ng tsaa ang baso ng biyenan. “Mama, nagkamali po si Adriana kaya po dapat ay nandito siya upang humingi ng kapatawaran. Hindi naman po tama na dahil lang sa hindi pagkakaintindihan ay nagawa na ninyo iyon sa bata,” ani Ericka. “Hindi po ba at palagi ninyong sinasabi na mahala sa isang pamilya ang makapag-usap pagkatapos ng alitan dahil iyon ang siyang mas magpapatibay sa samahan?” Kalmadong dagdag ni Ericka, umaasang makakuha ng simpayta sa biyenan. Dumaan ang galit sa mga mata ng Senyorang tumingin kay Ericka. “Talagang wala na bang saysay ang boses ko sa pamilyang ito?” Malamig at puno ng awtoridad sa boses nito. “Pinahahalagahan ko ang pamilya, ngunit hindi ang isang manloloko at mapagpanggap, alam na alam mo iyan.” Napalunok si Ericka sa kahihiyan at tuliro ang matang tumingin sa kung saan, hindi siya makatingin sa sinumang naroon.
Inutusan ni Stevan si Sierra na sumunod sa study nito. Kinausap pa sandali ni Sierra ang mga biyenan bago tuluyang sumunod kay Stevan Montezides. Nang buksan ni Sierra ang pintuan ng study ay nakita agad niya si Stevan na nakaupo sa swivel chair nito at nagsindi ng sigarilyo. Ibinuga muna nito ang usok galing sa bibig nito bago siya tuluyang hinarap, iminuwestra nito ang ang pang-isahang sofa. Naupo si Sierra doon. “Nagboluntaryo ka bang magpakasal kay Marco?” Diretsa nitong tanong. Nagulat man sa diretso nitong tanong ay sumagot pa rin si Sierra. “Yes, sir.” Magalang niyang tugon. “Anong layunin mo?” Dugtong nito. “Pumirma ka ng pre-nuptial agreement na siyang nagsasaad na hindi ka mangingialam sa mga properties na pag-aari ng mga Montezides. Huwag mong sabihing nahulog ka sa isang imbalidong lalaki? Dahil napakalabong mangyari iyon,” sarkastiko pang tumawa si Stevan. “Para po sa pag-aaral ng anak ko, sir.” Sagot ni Sierra. Nangunot ang noo ni Stevan. “Talaga? Dahil sa
“At kung ang anak na sinasabi mo ay hindi namatay at nakaligtas nga sa hagupit ng mga alon noong mga araw na iyon, then that explains why the child’s body is so weak that led him to be hospitalize in those three years. Subalit…” “Yes, that's what I thought too!” Hindi mapigilan ni Sierra ang excitement sa boses, nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata at nagwawala ang kanyang dibdib. “His facial features are very similar to Sathalia’s, every single angle of it. Siguro kung naging babae lang si Thalia, they'll pass as an identical twin!” Iyak-tawang sinabi ni Sierra. Mariin ang pagkuyom ni Gwen sa kanyang telepono sa narinig na excitement sa boses ng kaibigan. Wala sa sarili siyang napahawak sa kanyang dibdib, nalulungkot para rito. “Kumalma ka muna, Sierra…” mahinang wika ni Gwen. Pinahid ni Sierra ang luhang tumulo na sa pisngi niya. “Paano akong kakalma Gwen kung buhay ang anak ko? Buhay ang anak ko at nawalay sa akin ng ilang taon!” “He was born in June, Sierra…” nangh
Napakurap-kurap si Senyora Elizabeth. It was so unusual of her grandson to call and even ask her to go to her child's house! Anong mayroon sa kanyang apo at nais nitong pumasyal siya sa bahay ng mga magulang nito? "Okay apo, papasyal ako sa kanila." Tugon ni Senyora Elizabeth at pinatay na ang tawag. Napatulala siya sandali at saka tumingin kay Anita. "Anita, ano kaya ang mayroon at nais ni Marco pumunta ako sa bahay ng kanyang mga magulang?" Nagtataka niyang sinabi. "Baka naman ay gusto lang ng eldest master na maibalik ang inyong closeness sa kanila Senyora, besides, maganda rin na siya mismo ang may gusto noon." Nakangiting usal ni Anita. Tumango-tango si Senyora Elizabeth bilang pagsang-ayon. Habang pababa ay hindi maiwasang alalahanin ni Sierra ang naging usapan nila ni Marco nang isang gabi. "Maniniwala ka bang wala kaming ibang ginawa ni Lukas? It was just pure accident, I didn't even know he'll be there. Bigla na lang siyang sumulpot out of nowhere." Pagpapaliwa
Kinabukasan ay maagang nagising si Sierra at naghanda ng klase-klaseng almusal. Bumaba si Alea dala ang dalawang bata, nadatnan nilang puno ng klase-klaseng masasarap na almusal ang lamesa. "Wow, eldest mistress, ginawa ninyo po itong mag-isa lahat?" Namamanghang sambit ni Alea. Nakangiti namang tumango si Sierra. "My mommy is really good at cooking, Ate Alea!" May pagmamalaking sinabi ni Thalia. "She cooks delicious and yummy foods, we even have a small restaurant before!" Pagbibida pa nito. Tumango-tango si Alea. Sang-ayon siya sa sinabi ng bata dahil nakita niya na rin itong magluto nang ipagluto nito ng mga paboritong ulam si Vester. "What is so good about that?" Masungit na pangontra ni Vester. Ang mga mata nito ay nagniningning habang pinagmamasdan ang mga nakahelerang pagkain sa lamesa, ngunit salungat naman ang lumalabas sa bibig nito. Puno iyon ng poot. Isa talaga itong bata. Palaging taliwas sa sinasabi nito ang mga ginagawa. Imbes na ma-offend si Sierra ay l
Sandaling natulala si Marco sa gulat. After all, para sa isang lalaking marami ng pinagdaanan at na-master na ang pagiging walang pakialam, nagkaroon pa rin ang reaksyon ang kanyang mukha. Madilim ang mukha ng lalaki, kapagkuwan ay tumikhim ito at inalis ang braso mula sa pagkaka-akbay sa upuan ni Sierra. "It's getting late, let's go." Ani Marco at tumingin kay Deion. Makahulugang sinuklian ng tingin ni Deion si Marco, kapagkuwan ay tumango ito at inilagay ang filter ng sigarilyo sa ashtray. "It's over," anito. Ngayong nagsalita na ang dalawang boss, walang nagawa ang lahat. "Mr. Montezides, do you and your wife plans to stay here for a night? I will book a room for you." Ani Sebastian, ang siyang may pinakamalaking panalo sa gabing iyon. Agad umiling si Marco, "there is no need. It's getting late already, we'll head home." "Sebastian, you won the most tonight, anong gagawin mo sa pera mo? Susunugin? Why don't you treat us to a hot spring here in the country instead?"
Fully aware si Sierra na hindi dapat niya iyon ginawa. Alam niyang tanging ang paghihiganti lang ang puno't dulo ng lahat kaya siya napadpad sa piling ng isang Montezides na ito. At kapag pinakita niyang mayroon siyang pakialam sa lalaki, lalo na sa harapan mismo ng mga kaibigan nito, malamang ay isipin ng mga ito na higit pa sa pera ang kanyang motibo. Marahil ay iisipin ng mga ito na hindi siya nagpakasal dahil mayaman si Marco kung hindi ay dahil tunay silang nagmamahalan. Nagmamahalan? Posible ba talagang mangyari iyon? Parang hindi naman, lalo pa si Marco. Firm naman ang lalaki sa katayuang iyon. "Oh, no... Please help Ms. Sierra, Buddy, she's about to cry!" Panunudyo ng isang lalaki. "Just be on her side but you are not going to play on her behalf, right, Deion?" Tumingin pa ito kay Deion. Deion sipped on his cigarette before puffing out the smoke on his nose, tinagtag niya sa ashtray ang abo ng kanyang sigarilyo at saka palabirong umangat ang sulok ng mga labi. "Yeah,
Naghari ang nakabibinging katahimikan sa loob ng restaurant. Lahat ay pasimpleng makahulugang sumusulyap kay Marco, biglang naging bumigat ang ihip ng hangin. Hindi na magawang tingnan pa ni Sierra si Marco sa labis na kahihiyan, nagbaba siya ng tingin at tinanggal ang suot na disposable gloves. "Bro, would you like to play cards after dinner?" Basag ni Deion sa katahimikan, halatang pinapagaan lamang nito ang atmospera. Agad naman mayroong sunod na nagsalita. "Oo nga, bud, matagal-tagal na rin iyong huli nating laro. How about a few games?" "My hands are sore," kalmadong tugon ni Marco. "It's good that you are good at this game. Siyempre ay wala pa rin kaming panama sa'yo, hindi ko na nga mabilang kung ilang beses mo kaming natalo noon! Kaya sana ay mapagbigyan mo kami ngayon," halaklak ng isang lalaki. Tamad na nagtaas ng isang kilay si Marco, "I'm afraid that you're still no match to me even though I am new to this game," alam ng lahat na pumapayag na ang lalaki na ma
"Kumain muna tayo bago maglaro," ani Deion. Nagsitanguan naman ang mga ito at naupo na rin. Ilang segundo pa lang nang makaupo sila ay naramdaman ni Sierra ang pag-uga ng kanyang kaliwang bahagi, nang tingnan niya ay si Shanaia iyon. Palakaibigan itong ngumiti sa kanya. Lihim namang kumunot ang noo ni Sierra, anong ginagawa ng babaeng ito rito? Akala ba niya ay kaya ito hindi nakasipot sa shooting kanina ay dahil mayroong emergency? Ito ba ang emergency na tinutukoy nito? "Oh, I'm sorry, did I startled you?" Anang babae at saka mahinhing tumawa. "I am not really feeling well to be honest, but Mr. Lee here requested me to be here because he know that you'd be uncomfortable seeing these people. Since alam naman niyang pareho na tayo ng industriyang kinabibilangan, he assumed that I'd be a help of you. You know, mahirap tanggihan lalo na at CEO ng Legacia Entertainment," saglit pa nitong sinulyapan si Deion. Hindi sumagot si Sierra at tipid na tango lang ang naging tugon. Parehong
Mabilis na tiningnan ni Sierra ang video na sinend ni Gwen at napasapo na lamang siya sa sariling noo nang makita ang buong kaganapan. Mula sa pakikipaglaban niya sa dalawang bruskong lalaki hanggang sa biglaang pagkakahulog ng mabigat na props at bago pa man iyon bumagsak, parang kidlat na dumating si Lukas upang saluhin iyon para sa kanya. Dumagsa rin ang mga komento katulad ng; 'Nakakaawa naman si Shanaia! Muntik na siyang mapahamak!' 'Kasalanan ng produksyon at hindi nagdobleng ingat!''Boyfriend niya ba ang nagligtas sa kanya? Salamat naman at nandoon ang boyfriend niya dahil kung hindi ay baka si Ms. Shan ang napuruhan!' Mga ganoon at marami pang iba. Sa patuloy na pag-scroll ni Sierra ay mayroong mahagip ang kanyang mata. Komento iyon ng isang tao at sinabing hindi na kailangang mag-alala ng mga tao dahil hindi naman daw iyon ito at ang double lang. "Sierra, nandiyan ka pa ba?" Untag ni Gwen. "Ano? Ikaw ba talaga ang babaeng nasa video na 'to?" Isang malalim na buntong-hi
Napakabilis ng pangyayari. Kani-kanina lamang ay nakikipaglaban si Sierra sa kanyang mga kaeksena at ngayon ay sunud-sunod na sigawan na ang naririnig niya. "Oh my gosh! Paanong nangyaring bumagsak ang props na iyan?! Hindi ba kayo nag-double check bago magsimula?!" Histeryong bulalas ng direktor. "And worst, hindi natin tao ang nasaktan! What a bullshit! Bring him to the hospital now!" "Oh my gosh, oh my gosh, Lukas!" Ang nag-aalalang hagulgol ni Beatriz ang nagpatigil sa lahat. Mabilis nitong hinablot si Lukas at inilipat sa kanyang kandungan ang ulo nito. "What the hell did you do?! Why did you fucking save that useless bitch?!" Ang lahat ng kaganapan ay kanyang planado. Mula sa pagpapaluwag sa kinaroroonan ng props, pag-utos ng taong hihila roon at maging ang pagpunta ni Lukas sa lokasyon ng kanilang shooting. Iyon ay para makita ng lalaki kung paano niyang pahihirapan ang babaeng gusto nito at upang malaman na wala na itong pakialam dito. Subalit nagkakamali siya, heto at imb
Nakagat ni Sierra ang pang-ibabang labi. Nakaramdam ng takot na baka mabuko siya ng asawa.. Bakit ba kasi niya nabanggit ang ganoong apilyedo? Sa dinami-rami ng apilyedong pwedeng banggitin, talagang ang Narvaez pa! "Uhm... Asuncion, Flores, Santibañez or anyone?" Kabadong sinabi niya. Nanatili lamang na naka-angat ng kilay si Marco, kitang-kita niya ang pagkakabalisa sa likod ng mata ng babae na pilit nitong ikinukubli. Wala sa sariling napa-angat ang sulok ng kanyang labi, sumasayaw sa kapilyuhan ang mga mata. Subalit kailangan niya itong pigilan dahil kung hindi ay mabubuko siya sa kanyang sekreto. "You don't know them, you'll meet them later tonight." Malamig na usal ng lalaki. Lunes iyon ng umaga, ang mga bata ay nakaalis na kasama si Alea at Carlos sa eskwelahan. Si Sierra naman ay nag-abang na lang ng taxi sa labas ng village para pumunta sa lokasyon ng shooting para sa isang pelikula. Medyo labag sa kanyang loob ang pagpayag na maging parte ng produksyon subalit wala s