Inutusan ni Stevan si Sierra na sumunod sa study nito. Kinausap pa sandali ni Sierra ang mga biyenan bago tuluyang sumunod kay Stevan Montezides. Nang buksan ni Sierra ang pintuan ng study ay nakita agad niya si Stevan na nakaupo sa swivel chair nito at nagsindi ng sigarilyo. Ibinuga muna nito ang usok galing sa bibig nito bago siya tuluyang hinarap, iminuwestra nito ang ang pang-isahang sofa. Naupo si Sierra doon. “Nagboluntaryo ka bang magpakasal kay Marco?” Diretsa nitong tanong. Nagulat man sa diretso nitong tanong ay sumagot pa rin si Sierra. “Yes, sir.” Magalang niyang tugon. “Anong layunin mo?” Dugtong nito. “Pumirma ka ng pre-nuptial agreement na siyang nagsasaad na hindi ka mangingialam sa mga properties na pag-aari ng mga Montezides. Huwag mong sabihing nahulog ka sa isang imbalidong lalaki? Dahil napakalabong mangyari iyon,” sarkastiko pang tumawa si Stevan. “Para po sa pag-aaral ng anak ko, sir.” Sagot ni Sierra. Nangunot ang noo ni Stevan. “Talaga? Dahil sa
“At kung ang anak na sinasabi mo ay hindi namatay at nakaligtas nga sa hagupit ng mga alon noong mga araw na iyon, then that explains why the child’s body is so weak that led him to be hospitalize in those three years. Subalit…” “Yes, that's what I thought too!” Hindi mapigilan ni Sierra ang excitement sa boses, nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata at nagwawala ang kanyang dibdib. “His facial features are very similar to Sathalia’s, every single angle of it. Siguro kung naging babae lang si Thalia, they'll pass as an identical twin!” Iyak-tawang sinabi ni Sierra. Mariin ang pagkuyom ni Gwen sa kanyang telepono sa narinig na excitement sa boses ng kaibigan. Wala sa sarili siyang napahawak sa kanyang dibdib, nalulungkot para rito. “Kumalma ka muna, Sierra…” mahinang wika ni Gwen. Pinahid ni Sierra ang luhang tumulo na sa pisngi niya. “Paano akong kakalma Gwen kung buhay ang anak ko? Buhay ang anak ko at nawalay sa akin ng ilang taon!” “He was born in June, Sierra…” nangh
Noong una pa lang ay wala ng pakialam si Sierra kung lumabas siya sa banyo ng nakamanipis na damit at walang suot na panloob, kasi imbalido naman si Marco. Hindi naman siya nito nakikita. Ngunit ibang-iba na ngayon! Gising na ang lalaki at kahit asawa niya ito ay hindi pa naman nito nakikita ang katawan niyang hubo’t hubad! Baka akalain nito na sinasadya niyang ganoon ang isuot dahil inaakit niya ito. Naramdaman niya ang pag-akyat ng init sa kanyang mukha, hindi niya alam kung anong gagawin niya. Ang tumakbo ba sa banyo at magpalit o kausapin na lang si Marco sa ganoong ayos. Para namang walang pakialam ang lalaki sa kanya at malamig lamang siyang tiningnan. Para bang walang nakikitang dedeng bumakat! Mas mainam na ngang siguro iyon kaysa naman bigyan pa niya ng malisya. Bakit naman magkakamalisya eh, hindi naman siya nito gusto? Wala naman itong pake sa kanya! “Uhm…” tumikhim si Sierra upang ayusin ang sarili. “B-Bakit ka nandito? May kailangan ka ba?” Nagpasalamat na lang talag
“Sino ang ama ng anak mo kung ganoon?” Marco asked with a gritted teeth. “Hindi ko alam.” Diretsong sagot ni Sierra. Tumaas ang sulok ng labi ni Marco para sa isang sarkastikong ngisi, nagtatagis na ang bagang nito sa irita. “Hindi mo alam? You want me to raise a child with you but you can't even tell me who's the father?” Humigpit ang hawak ni Marco sa gilid ng kanyang wheelchair. “Mukha ba akong nakikipagbiruan? Damn it! Just at least let me know who's the father!” Sierra poked the inside of her cheek. “Hindi ko talaga alam…” humugot ng malalim na hininga si Sierra dahil hindi niya alam kung paano ito ipaliliwanag dito. “I… was drunk when that happens so I have no idea who's the father.” Bigla ay gusto niya na lang magpalamon sa kama. Ano kaya ang iniisip ng lalaki sa kanya? Iniisip ba nito na isa siyang pariwarang babae para mangyari iyon? “So, it was a one night thing, huh.” Marco said in a mocking voice. Nais niyang tumawa ngunit masyado siyang iritado para roon. Wait
“Kasasabi mo lang na hindi na ito maganda, kaya dapat lang na tigilan na natin ito. Utang na loob, tama na ‘to.” Napasapo si Sierra sa sariling ulo sa inis. “Hmm…” kalmado lang na tumango si Sylvio. “Hindi nga iyon maganda para sa iyo. Hindi magandang gising na ang asawa mo tapos ikaw lumalabas para makipagkita sa ibang lalaki. Talagang hindi maganda tingnan iyon, but it has no impact to me.” “Putangina…” bulalas na lang ni Sierra sa sinabi ng lalaki. “O baka gusto mong ipakita ko sa asawa mo ang mga larawan natin noong gabi ng inyong kasal?” Nakangisi nitong banta. Parang pinagbagsakan ng mundo si Sierra sa narinig. Ngunit hindi niya maaaring ipakita sa lalaki na takot siya sa bawat banta nito. Kaya naman, matalim ang matang tinapunan niya ito ng tingin. “Sige, subukan mo. Have you ever heard of a saying that rabbit bites when they are anxious?” Malamig niyang sinabi. Sylvio shifted on his weight. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pants nito. “What
“Okay,” tugon ni Sierra kay Carlos. Tumayo na siya at inayos ang design draft dahil pag-uwi na lang niya ito itutuloy. Naligo ulit si Sierra at nagbihis. Isang beige or rice colored long skirt at isang cream na spaghetti strapped top. Ang damit ay hapit na hapit sa katawan nito at parang second color na rin niya dahil sa skin tone nito. She put her hair in a high ponytail and a clean looking makeup. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang rectangular box sa drawer at lumabas para pumunta kay Marco. Kumatok siya ng dalawang beses. “Come in,” anang baritonong tinig sa loob. Itinulak ni Sierra ang pintuan at nakita si Marco na nakaupo sa kanyang wheelchair, nagbabasa ng libro. Isang sky blue long sleeves na inilislis hangang siko, ang pang-ibaba nito ay itim na trousers at itim na sapatos. “Kailangan ba nating maghanda ng dadalhin?” Tanong ni Sierra. Doon pa lang nag-angat ng tingin si Marco, his gaze froze on the woman in front of her. Litaw na litaw ang kaputian ng babae, iyong
Masyadong malapad ang kalsada kaya naman dire-diretso lang ang paggulong ng wheelchair ni Marco. Kung susuwetehin ay makakakapit pa ito sa railing at hindi diretsong mahuhulog sa bangin na may malalim na tubig, subalit malabo iyon dahil ang lalaking lulan ng wheelchair ay parang wala sa sarili at gulat pa sa nangyari! At ganoon na lamang ang kabog ng dibdib ni Sierra nang may malaking truck ang nakasunod at mabilis din ang pagtakbo! Mapipisa si Marco kung nagkataon! “Step on the brakes!” Malakas na sigaw ni Sierra subalit masyado ng malayo si Marco para marinig iyon. Kaya naman, bumangon si Sierra mula sa pagkakadapa sa semento at mabilis na tinakbo ang pagitan nila ni Marco. Wala siyang pakialam kung naka-heels siya, wala na siyang pakialam kung makita ng lalaki na hindi lang siya isa lang mahinang babae. Kailangan niyang gawin ang lahat ng makakaya niya maligtas lang ang lalaki dahil siguradong siya ang mananagot sa pamilya nito kapag nagkataon! Isasantabi niya muna ang pa
Nagtagal ang titig niya sa lalaki, hinihintay na makita ang pangamba sa mukha at maga nito sa repleksyon ng bintana ng kotse, ngunit wala. Walang makita si Sierra roon kundi ang kalmado at hindi makitaan na takot. Sierra was caught off guard when Marco suddenly turned his head. “Bakit ka nakatingin sa akin?” Salubong ang kilay nitong sinabi. Hindi nag-iwas ng tingin si Sierra dahil nahuli na rin naman siya. “I'm… worried about you.” Naninimbang ang tinging iginawad ni Marco may Sierra. Hinahanap ang salitang pag-aalala sa mga mata nito ngunit wala, ang nakita lamang niya ay ang awa. Awa para sa kanya. “Don't be, Sierra. I'm okay.” Marahan nitong sinabi. “Anyway, thank you. Thank you for saving me.” Dahil kung hindi dahil sa babae ay baka nabuko na siya na wala naman talagang problema ang mga paa't binti niya. Kung nanatiling nakasalampak lamang ang babae kanina sa semento ay malamang, siya ang tatakbo patungo rito dahil sa paparating na truck. “Walang problema roon. Mag-
Pagkatapos iyong sabihin ng waiter ay siya namang pagpasok ni Sylvio Narvaez dahilan upang magsinghapan ang mga naroroon. Sa kabilang banda, habang ang lahat ng atensyon ay nasa lalaking bagong dating ay dahan-dahan siyang naglakad paatras at naupo sa may pinakasulok, tinakpan ng kamay ang kanyang noo at nakatungo sa kanyang telepono. Obviously, nagtatago. Abot langit ang kaba sa puso ni Beatriz nang makita ang lalaking kanyang inasam-asam na makita. Ayon sa kanyang ama ay napakahirap nitong hagilapin subalit ngayong gabi ay talagang pinaunlakan ng lalaki ang request ng ama alang-alang sa kanya! Ganoon siya kamahal ng kanyang ama!Mahal na mahal niya si Lukas Buena subalit ito na mismo ang kusang nagpatigil ng kanilang kasal, kaya ngayong nandito na si Sylvio Narvaez na isang pinakamayamang tao sa mundo ay hindi siya magdadalawang isip na magpakasal dito! Kapag naging isang ganap na siyang Mrs. Narvaez ay magagawa na niya ang lahat, mapapaluhod na niya ang mga tao. Maaalipusta na ni
Simula ng makarating sila sa Delicacies Restaurant ay hindi na humupa pa ang ingay lalo at marami ang imbitado. Dahil hindi lamang mga kasamahan sa photoshoot ang inimbita maging ang ilang mga sikat na panauhin sa larangan ng industriya. Ganoon ang gusto ni Beatriz, gusto niya iyong maraming tao nang sa ganoon ay maraming magkakautang na loob sa kanya at kapag siya naman ang may pabor na hihingin ay hindi na sila makatatanggi pa. Sa dami ng imbitado ay naging exclusive ang kainan. Pagkatapos kumain ay sinunod ang desserts at mga inumin. Roon na mas umingay nang magsimula ang inuman at tugtugan. "This evening is so lit, Miss Bea!" Anang isang sikat na lalaking artista na may hawak na whisky sa kanyang kanang kamay. "You're the best!""Oh, it's a small thing, Paul! Have more drink!" Ani Beatriz at nakipag-toast ng baso rito. "I hope this will not be the last time Miss Beatriz will held a dinner party," anang isang babaeng modelo na sipsip nang sipsip kay Beatriz. "You are so beautifu
Nagulat si Beatriz sa naging sagot ni Sierra. She doesn't like it when she refuses her offer subalit sa katotohanang pumayag lamang ito dahil sa pangako niyang ipakikilala kay Sylvio Narvaez ay kumulo ang kanyang dugo. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito! Sa tingin ba talaga niya ay hahayaan niyang maipakilala siya sa isang business tycoon? Huh! Asa siya! Isang makahulugang ngiti ang pikawalan ni Beatriz, “that's good to hear, Ms. Sierra…” dahil ang totoo ay marami na siyang inihandang pamamahiya para sa babae mamaya. Nagkibit lamang ng balikat si Sierra at saka sinuri ang kanyang mga gamit upang masigurong wala na siyang naiwanan pa. Nang sigurado ng kumpleto ang kanyang gamit ay isinarado na ni Sierra ang kanyang bag at kinuha ang telepono upang magpadala ng mensahe sa bahay at kay Marco, kahit na wala namang pakialam sa kanya ang asawa. To Husband: Hey, good evening. I'll be home late tonight dahil nagyaya ng dinner ang isa sa mga models. Sa Delicacies Restaurant l
Naging abala si Sierra sa mga sumunod na araw dahil malapit ng matapos ang photoshoot at sa wakas ay makakaalis na rin siya. Sa mga araw na iyon ay hindi na sila nagkikita pa ni Marco, sa pagod ay pagkauwi tanging pagtingin lamang sa mga bata ang ginagawa bago magpahinga at saka kinabukasan ay maagang aalis para sa trabaho. “Woah! It's a wrapped! Good job, everyone! You all did a great job! See you in your next projects, guys.” Anang director na pumalakpak nang matapos ang makuhanan ang huling anggulo nina Beatriz at Shanaia. “Thank you as well, direct. And of course, you'll be part of our next project!” Nakangiting sinabi ni Beatriz kitang-kita naman ang pagiging plastik nito. Tumango lamang ang director at nagpasalamat. “And because of our successful project, I'd like to invite you all for dinner at the Delicacies Restaurant!” Anunsyo nito dahilan upang magsilapitan ang ibang mga staffs at models sa kanya, may malalapad na ngiti sa mga labi ng mga ito. “Wow! Talaga, Miss B
Agad na nagsalubong ang makapal na kilay ni doktor Liam sa iritasyon dahil sa tono ng kausap. “Shut up, I just called to ask something.” Pairap niyang sinabi. “Gusto ko lang malaman ang listahan ng mga kasamahan ni Shanaia sa set—” Hindi pa man natatapos si Liam sa pagsasalita ay pumalatak na si Deion sa kabilang linya na para bang may narinig na kahindik-hindik. “What the fuck bud?! Why are you asking about Shanaia? Liam, sinasabi ko sa'yo, kasisimula pang umangat ng karera nung tao tapos manghihimasok ka na naman?! For god's sake! Quit it already!” Seryosong wika ni Deion sa kapatid. Dahil alam niyang matindi ang damdaming mayroon si Liam kay Shanaia at para na niyang nakababatang kapatid. Nasaksihan ni Deion kung paanong nasira ang karera ng babae nang magkaroon ito ng nararamdaman kay Liam, subalit ay hindi pa sigurado noon ang lalaki sa kanyang nararamdaman kaya mixed signals ang naibibigay nito sa babae lalo at kasalukuyan pa itong nag-aaral sa medisina noon. Agad na nagsalu
Naupo si Sierra sa sun lounger at pinapapaypayan ang sarili dahil basang-basa siya ng pawis. Wala rin siyang dalang extra na damit dahil hindi naman niya akalaing aalilain siya ng babaeng pinaglihi sa kamalditahan sa buhay. Tsk. Pag-ibig nga naman. Kahit ano ay gagawin para lang mapanatiling magiging kanila ang taong minamahal. At base sa reaksyon ni Lukas noong magkita sila ni Sierra sa presinto, roon niya napagtantong mahal na mahal nito ang tunay na Sierra. Nakikita niya sa mga mata ng lalaki ang pangungulila at pagsisisi sa mga nangyari ilang taon na ang nakalilipas. Nakakatuwa, kung ganoon kamahal ni Lukas si Sierra at ganoon din naman ito kamahal ng babae, ano kaya ang rason kung bakit nagawang kitilin ng babae ang sariling buhay? May kinalaman kaya si Mrs. Buena roon?Nasa malalim na pag-iisip si Sierra nang may biglang lumapit sa kanya, bahagya pa siyang nagulat nang biglang nasa tabi na niya ito. “Oh, pasensya na Ms. Sierra at nagulat ko yata kayo.” Nahihiyang ngumiti si
Nalaglag ang panga ni Beatriz sa narinig. Naningkit ang kanyang mga mata at pinasadahan ng tingin si Sierra mula ulo hanggang paa. “What did you just say?!” Itinagilid pa ng babae ang kanyang ulo, mayroong sarkastikong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. Kalmanting huminga si Sierra. Matapang niyang tiningnan si Beatriz at sa klarong boses ay sumagot siya. “I said no.” Hindi makapaniwalang umawang ang labi ni Beatriz, pasimple siyang tumingin sa paligid, maraming tao ang naroon at may kanya-kanyang ginagawa ngunit kapag gumawa siya ng eksena ay malamang siya ang masisira. Kaya naman ay pinigilan niya ang sarili at pinilit na lang na kumalma. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at may talim na tiningnan ang babaeng kalmado lamang na para bang walang kasalanan!“Sino ka ba sa akala mo para tanggihan ang utos ko? Don't you know who I am? Hindi mo ba alam kung gaano lalaki ang perang inilaan ko sa pesteng proyektong ito?” Impit na sigaw niya. Nagsalubong naman ang kilay ni Sierra,
Nahagip ng peripheral vision ni Sierra ang pagsulyap ni Vester sa gawi nila ni Marco, nang tingnan niya ang bata ay nasa telebisyon na ang atensyon nito. Nakaramdam tuloy ang babae ng kalungkutan sa dibdib, marahil ay nakararamdam ng paninibugho ang bata habang nakikitang malambing ang ama sa kanyang anak samantalang istrikto ito makitungo rito. Kaya naman ay tinawag na niya ang anak. Kahit na natutuwa si Sierra na makitang masaya ang anak sa kandungan ni Marco ay ayaw naman niyang masaktan lalo si Vester. “Thalia, come on, that's already enough. Uncle must be tired, he has to rest.” Ani Sierra sa anak. Sinulyapan lamang si Sierra ni Thalia at saka sumimangot. “No! I still want to play with uncle handsome!” Tugon nito atsaka mahaba ang ngusong nag-angat ng tingin kay Marco. “Are you tired, handsome uncle? Do you want to rest?” Nang makita ang nagpapaawang bilugang mga mata ng batang babae ay biglang nanlambot ang puso ni Marco. Wala sa sariling inangat niya ang kanyang kamay
Nakabibinging katahimikan ang namayani pagkatapos itong sabihin ni Sierra. Umawang ang mga labi ni Stevan, hindi makapaniwala na ang isang babaeng ni walang katiting na dugo ng Montezides ang siyang nangahas na pagtaasan siya ng boses. Hindi maaari iyon, hindi katanggap-tanggap. Dahil siya si Stevan Montezides, ang humahawak sa titulong eldest master ng pamilya pagkatapos mamatay ni Marcus. Nangangahulugan lang niyon na kung sinuman ang mangangahas na pagtaasan siya ng boses ay hindi niya palalampasin. “You really dared to raise your voice at me? Who do you think you are? You are just a damn bride Senyora Elizabeth chose!” Nanginginig na ito sa galit. Humugot ng malalim na hininga si Sierra at taas noong tiningnan si Stevan. “I am just a wife who protects her helpless husband.” Malamig, ngunit klaro niyang sinabi. “How about you? Who are you to punish my husband? Nakalilimutan mo bang hindi mo siya anak para hatawin mo ng ganyan? As far as I remembered, you don't have the righ