“Sino ang ama ng anak mo kung ganoon?” Marco asked with a gritted teeth. “Hindi ko alam.” Diretsong sagot ni Sierra. Tumaas ang sulok ng labi ni Marco para sa isang sarkastikong ngisi, nagtatagis na ang bagang nito sa irita. “Hindi mo alam? You want me to raise a child with you but you can't even tell me who's the father?” Humigpit ang hawak ni Marco sa gilid ng kanyang wheelchair. “Mukha ba akong nakikipagbiruan? Damn it! Just at least let me know who's the father!” Sierra poked the inside of her cheek. “Hindi ko talaga alam…” humugot ng malalim na hininga si Sierra dahil hindi niya alam kung paano ito ipaliliwanag dito. “I… was drunk when that happens so I have no idea who's the father.” Bigla ay gusto niya na lang magpalamon sa kama. Ano kaya ang iniisip ng lalaki sa kanya? Iniisip ba nito na isa siyang pariwarang babae para mangyari iyon? “So, it was a one night thing, huh.” Marco said in a mocking voice. Nais niyang tumawa ngunit masyado siyang iritado para roon. Wait
“Kasasabi mo lang na hindi na ito maganda, kaya dapat lang na tigilan na natin ito. Utang na loob, tama na ‘to.” Napasapo si Sierra sa sariling ulo sa inis. “Hmm…” kalmado lang na tumango si Sylvio. “Hindi nga iyon maganda para sa iyo. Hindi magandang gising na ang asawa mo tapos ikaw lumalabas para makipagkita sa ibang lalaki. Talagang hindi maganda tingnan iyon, but it has no impact to me.” “Putangina…” bulalas na lang ni Sierra sa sinabi ng lalaki. “O baka gusto mong ipakita ko sa asawa mo ang mga larawan natin noong gabi ng inyong kasal?” Nakangisi nitong banta. Parang pinagbagsakan ng mundo si Sierra sa narinig. Ngunit hindi niya maaaring ipakita sa lalaki na takot siya sa bawat banta nito. Kaya naman, matalim ang matang tinapunan niya ito ng tingin. “Sige, subukan mo. Have you ever heard of a saying that rabbit bites when they are anxious?” Malamig niyang sinabi. Sylvio shifted on his weight. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pants nito. “What
“Okay,” tugon ni Sierra kay Carlos. Tumayo na siya at inayos ang design draft dahil pag-uwi na lang niya ito itutuloy. Naligo ulit si Sierra at nagbihis. Isang beige or rice colored long skirt at isang cream na spaghetti strapped top. Ang damit ay hapit na hapit sa katawan nito at parang second color na rin niya dahil sa skin tone nito. She put her hair in a high ponytail and a clean looking makeup. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang rectangular box sa drawer at lumabas para pumunta kay Marco. Kumatok siya ng dalawang beses. “Come in,” anang baritonong tinig sa loob. Itinulak ni Sierra ang pintuan at nakita si Marco na nakaupo sa kanyang wheelchair, nagbabasa ng libro. Isang sky blue long sleeves na inilislis hangang siko, ang pang-ibaba nito ay itim na trousers at itim na sapatos. “Kailangan ba nating maghanda ng dadalhin?” Tanong ni Sierra. Doon pa lang nag-angat ng tingin si Marco, his gaze froze on the woman in front of her. Litaw na litaw ang kaputian ng babae, iyong
Masyadong malapad ang kalsada kaya naman dire-diretso lang ang paggulong ng wheelchair ni Marco. Kung susuwetehin ay makakakapit pa ito sa railing at hindi diretsong mahuhulog sa bangin na may malalim na tubig, subalit malabo iyon dahil ang lalaking lulan ng wheelchair ay parang wala sa sarili at gulat pa sa nangyari! At ganoon na lamang ang kabog ng dibdib ni Sierra nang may malaking truck ang nakasunod at mabilis din ang pagtakbo! Mapipisa si Marco kung nagkataon! “Step on the brakes!” Malakas na sigaw ni Sierra subalit masyado ng malayo si Marco para marinig iyon. Kaya naman, bumangon si Sierra mula sa pagkakadapa sa semento at mabilis na tinakbo ang pagitan nila ni Marco. Wala siyang pakialam kung naka-heels siya, wala na siyang pakialam kung makita ng lalaki na hindi lang siya isa lang mahinang babae. Kailangan niyang gawin ang lahat ng makakaya niya maligtas lang ang lalaki dahil siguradong siya ang mananagot sa pamilya nito kapag nagkataon! Isasantabi niya muna ang pa
Nagtagal ang titig niya sa lalaki, hinihintay na makita ang pangamba sa mukha at maga nito sa repleksyon ng bintana ng kotse, ngunit wala. Walang makita si Sierra roon kundi ang kalmado at hindi makitaan na takot. Sierra was caught off guard when Marco suddenly turned his head. “Bakit ka nakatingin sa akin?” Salubong ang kilay nitong sinabi. Hindi nag-iwas ng tingin si Sierra dahil nahuli na rin naman siya. “I'm… worried about you.” Naninimbang ang tinging iginawad ni Marco may Sierra. Hinahanap ang salitang pag-aalala sa mga mata nito ngunit wala, ang nakita lamang niya ay ang awa. Awa para sa kanya. “Don't be, Sierra. I'm okay.” Marahan nitong sinabi. “Anyway, thank you. Thank you for saving me.” Dahil kung hindi dahil sa babae ay baka nabuko na siya na wala naman talagang problema ang mga paa't binti niya. Kung nanatiling nakasalampak lamang ang babae kanina sa semento ay malamang, siya ang tatakbo patungo rito dahil sa paparating na truck. “Walang problema roon. Mag-
“Drive safely, Carlos.” Wika ni Marco nang ilang segundo ay walang makuhang sagot kay Sierra. “Yes, master.” Anang butler at itinuon na lang ang atensyon sa pagmamaneho at hindi na nagtanong pa. Doon lamang tila nakahinga ng maluwag si Sierra. Hindi niya lubos maunawaan kung tama ba ang kanyang pagkakaintindi na sinagip lamang siya ng lalaki ngayon-ngayon lang? Nakatulong iyon sa kanya, ngunit ibig bang sabihin ay nakita rin iyon ni Marco? Hindi naman siguro hindi ba, kasi nakatalikod naman ito sa gawin niya? But then, iyong mabilis niyang paglanding sa harap nito ay palaisipan marahil dito. Subalit kung nakita niya iyon, bakit hindi ito nagtanong upang kumpirmahin? Hindi rin naman sigurado si Sierra kung masasagot ba niya ito ng diretso. Thankfully, hindi na rin ito nagtanong. Eksaktong alas siyete nang makarating sila sa tahanan ng bunsong Montezides. Naroon na sa bukana ng pintuan ang mag-asawa. Nasa wheelchair si Stephano Montezides habang nasa likod naman nito si Es
Pagkatapos ng hapunan ay nagkayayaang maglaro ng chess ang mga lalaki habang sumisimsim ng alak at nag-uusap tungkol sa negosyo. Ang mga babae naman ay nasa Living room at nagtsatsaa, nang mapansin ni Esmeralda na tahimik si Sierra ay ito na mismo ang nagsimula ng usapan. Baka kasi mabuburyo na ito. Tinanong niya ang babae tungkol sa make-up, shoppings at kung anu-ano pa tungkol sa pagiging babae. Malawak ang naging ngiti ni Esmeralda nang makitang masaya namang sumasagot si Sierra, miminsan pa ay nagkakapareho sila ng gusto. Ilang saglit pa ang kanilang usapan nang maisipan ni Esmeralda na dalhin si Sierra sa kanyang studio kung saan siya nagpipinta sa tuwing nabuburyo siya. “Wow, you painted all these, Auntie?” Hindi maitago ang pagkamangha sa boses ni Sierra. “Hmm… isa sa mga libangan ko sa tuwing nabuburyo ako sa bahay.” sagot ng ginang. Nag-aral si Sierra ng design kaya naman malalaman niya kung ang isang obra ay maganda o hindi. At itong gawa ni Esmeralda ay napakagan
“Yey!” Esmeralda beamed with happiness. “Ipahahanda ko ang toiletries ninyo sa inyong silid,” nakangiti nitong nilapitan ang kanilang kasambahay at sinabi ang ipagagawa. Ilang saglit pa ay paakyat na sila ng elevator, lulan ang kanilang mga asawa sa wheelchair. Katulad ng bahay ni Marco, may sadya ring elevator ang mag-asawa dahil sadya para kay Stephano Montezides. Pinasok muna ni Esmeralda ang kanyang asawa sa silid nila bago niya sinamahan si Sierra patungo sa kanilang tutulugan. “Where is Carlos?” Tanong ni Marco. “Oh, he's in the guest room, taking a rest.” Sagot nito. “Why? Do you need anything from him?” “No, nothing.” Nang makapasok na sila at nasigurong malinis at magiging kumportable ang mag-asawa ay kumaway na ito palabas. Si Sierra at Marco na lang ang naiwan sa silid. Hindi nagsalita si Sierra dahil iyon ang unang beses na magtatabi sila ng lalaki sa pagtulog mula nang magising ito. Galit siya rito at ayaw siyang katabi, ngayon ay hindi siya makahindi sa re
Nakagat ni Sierra ang pang-ibabang labi. Nakaramdam ng takot na baka mabuko siya ng asawa.. Bakit ba kasi niya nabanggit ang ganoong apilyedo? Sa dinami-rami ng apilyedong pwedeng banggitin, talagang ang Narvaez pa! "Uhm... Asuncion, Flores, Santibañez or anyone?" Kabadong sinabi niya. Nanatili lamang na naka-angat ng kilay si Marco, kitang-kita niya ang pagkakabalisa sa likod ng mata ng babae na pilit nitong ikinukubli. Wala sa sariling napa-angat ang sulok ng kanyang labi, sumasayaw sa kapilyuhan ang mga mata. Subalit kailangan niya itong pigilan dahil kung hindi ay mabubuko siya sa kanyang sekreto. "You don't know them, you'll meet them later tonight." Malamig na usal ng lalaki. Lunes iyon ng umaga, ang mga bata ay nakaalis na kasama si Alea at Carlos sa eskwelahan. Si Sierra naman ay nag-abang na lang ng taxi sa labas ng village para pumunta sa lokasyon ng shooting para sa isang pelikula. Medyo labag sa kanyang loob ang pagpayag na maging parte ng produksyon subalit wala s
Masyado yatang naging apektado si Sierra sa sinabi ng anak dahilan upang magdamag iyong bumagabag sa kanya. Puyat tuloy siya kinabukasan nang pumasok sa opisina. "Welcome back in the office, Miss Sierra!" Masiglang bungad ni Brianna, assistant ni Sierra at may pinutok pang confetti. "Oh my gosh!" Napawak ang babae sa kanyang dibdib sa labis na gulat. Sa sobrang kalutangan dahil sa puyat ay hindi na niya napansin ang mga paligid sa kanyang opisina, basta na lamang kasi siyang pumasok. "Alam ninyo po ba ma'am nang dahil sa inyo ay palagi ng trending ang company natin? Hindi na lang sina Miss Shanaia ang umiindorso kundi pati na ang mga influencers and other celebrities even without payment!" Patiling anunsyo pa ni Brianna, "siyempre meron pa rin namang bashers pero mas marami pa rin ang sumusuporta at bumibili not because of the clout but because our product is high when it comes to quality!""That's true!" Sabat ng assistant manager na si Evan, ang lahat ng mata ay dumako rito. Ala
Pagkatapos mag-almusal ng mag-anak ay tumungo na sila sa entertainment room para sa gaganapin kunong 'massage session'. Pabor naman iyon kay Sierra dahil wala siyang trabaho sa araw na iyon. Natapos na kasi ang kanyang trabaho bilang personal wardrobe assistant ni Shanaia Sanchez ngayong tapos na ang photoshoot ng mga ito. Ngayon ay balik opisina na siya at gagawin na ang totoong trabaho, iyon ay ang magdesenyo ng mga damit. Wala ring pasok ang mga bata sa araw na iyon dahil sa biglaang pagbabago ng panahon. Kaya ngayon ay nakatambay sila sa entertainment room. "I am so happy right now, Mommy!" Ngiting abot langit na sinabi ni Thalia. "Because you and handsome uncle are here! We can be a happy family!" Maligalig pang dagdag ng batang babae. "Are you happy, Kuya Vester?" Baling nito sa batang lalaking tahimik lang. Dumako ang tingin ni Sierra kay Vester, tiningnan ang bawat reaksyon nito sa mukha. Kumunot ang noo ng bata na para bang pinag-iisipan pa nito ang sagot sa tanong ng
Kinabukasan ay alas singko ng umaga nagising si Sierra upang maghanda ng almusal para sa mga bata. Naroon naman si Carlos at Alea ngunit dahil madalas na hindi niya nakasama ang anak nitong mga nakaraang araw ay gusto niyang bumawi. "Utusan ninyo ako eldest mistress, ah!" Ani Alea na medyo hindi mapakali ng walang ginagawa. Ginawa na nito yon noong unang araw nito sa bahay pero ngayong ginawa nito ulit, hindi niya maiwasang mahiya dahil trabaho niya iyon! "Huwag kang mag-alala, Alea, sanay akong ipinaghahanda ang anak ko ng pagkain. This is not new to me, at bumabawi lang ako sa mga bata dahil nitong mga nakaraang araw ay puro ako trabaho." Paliwanag ni Sierra habang hinahalo ang mga sangkap sa isang stainless steel na lagayan ng pancake. Nakangiti naman si Alea roon, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting inggit dahil may ina palang ganoon. Hindi kagaya ng kanyang inang mas pinili siyang pagtrabahuhin sa murang edad para may pambayad ng mga utang sa sugal. "Ayos ka lang
"Wala rin dito ang young master!" Naiiyak na bulalas ni Alea. "Nasaan kaya siya? Naku sana naman po walang nangyaring hindi maganda sa kanya! Sabihin na po kaya natin sa senyora, eldest mistress?" Napatingin si Sierra kay Alea sa sinabi nitong iyon. Kanina pa niya iyong naiisip ngunit ayaw niya namang pag-alalahanin ang matanda. Baka nagpapahinga na ito ngayon. Kinuha na lamang ni Sierra ang telepono upang tumawag ng police dahil talagang wala na siyang choice. Ngunit naalala niyang mayroon nga pala siyang cctv sa sala kaya naman iyon na lamang ang tiningnan niya. Subalit laking pagtataka niya dahil wala namang bakas ni Marco na lumabas ng bahay, bumaba oo ngunit umakyat din naman agad ito sa opisina nito. "Tara, tingnan natin ulit sa opisina niya." Ani Sierra at nauna ng pumasok sa kabahayan upang tingnan muli ang asawa. Nang matanaw ang dalawa ay halos mangiyak na si Carlos. Palihim siyang nagtipa ng mensahe para kay Marco. To Young Master: Young master, wala na. Bumali
Walang nagawa si Sierra kung hindi ang buksan ang pintuan ng sasakyan at lumabas. Nais niyang magtanong kung bakit biglang nagbago ang isip ng lalaki ngunit sa sobrang inis ay hindi na lamang niya ginawa, bagkus ay malakas niyang isinara ang pinto upang iparating dito ang iritasyon niya. Sinong hindi maiirita kung bigla ka na lang pababain sa gitna ng kalsada kung saan walang halos dumadaan na taxi at maghahating gabi na?! Kung sana hindi ito umeksena sa restawran edi sana roon pa lamang ay nakasakay na siya at matiwasay nang nakauwi sa bahay. Hindi iyon sa ganoong oras ay para siyang ligaw na multong nakatayo sa gilid ng kalsada at naghihintay ng magbibigay sa kanya ng hustisya. "Nakakainis! Humanda ka sa ganti ko, impaktong lalaki ka." Inis na bulong ni Sierra sa sarili. Halos isang oras din ang kanyang hinintay roon bago may taxing dumaan. Nang makarating sa bahay ay dumiretso siya sa opisina ni Marco upang ipaalam dito na nakauwi na siya subalit laking panlalaki ng kanyang
Lahat ng mga taong naroon ay lumingon at nakatuon ang mga mata sa likuran. Kahit na pilitin man ni Sierra na itanggi ang presensya sa kanyang harapan ay alam niyang mas makakakuha siya ng atensyon. Kaya naman, tumikhim siya at saka tuwid na tumayo at hilaw na nginitian ang lalaki. "Oh, Mr. Narvaez, what are you doing here?" Patay-malisya niyang tanong. "Hinahanap ka?" Umarko pa ang isang kilay nito. Gusto ng umirap ni Sierra sa inis dahil sa sagot nitong iyon. Bakit naman siya nito hahanapin? Oo nga at may kasunduan silang magkikita sa ganoong araw subalit hindi naman niya akalaing talagang hahanapin siya nito para lang doon! Mas kumalat tuloy sa kalamnan ni Sierra ang inis ngunit kailangan niya iyong itago dahil maraming mata ang nakamasid sa kanila. Kaya naman, kinalma niya ang sarili sa kagustuhang kalmutin ang lalaki sa mukha at humugot na lamang ng malalim na hininga. "Oh, did my husband asked you to fetch me?" Ani Sierra sabay kindat upang ma-gets naman ni Sylvio ang
Pagkatapos iyong sabihin ng waiter ay siya namang pagpasok ni Sylvio Narvaez dahilan upang magsinghapan ang mga naroroon. Sa kabilang banda, habang ang lahat ng atensyon ay nasa lalaking bagong dating ay dahan-dahan siyang naglakad paatras at naupo sa may pinakasulok, tinakpan ng kamay ang kanyang noo at nakatungo sa kanyang telepono. Obviously, nagtatago. Abot langit ang kaba sa puso ni Beatriz nang makita ang lalaking kanyang inasam-asam na makita. Ayon sa kanyang ama ay napakahirap nitong hagilapin subalit ngayong gabi ay talagang pinaunlakan ng lalaki ang request ng ama alang-alang sa kanya! Ganoon siya kamahal ng kanyang ama!Mahal na mahal niya si Lukas Buena subalit ito na mismo ang kusang nagpatigil ng kanilang kasal, kaya ngayong nandito na si Sylvio Narvaez na isang pinakamayamang tao sa mundo ay hindi siya magdadalawang isip na magpakasal dito! Kapag naging isang ganap na siyang Mrs. Narvaez ay magagawa na niya ang lahat, mapapaluhod na niya ang mga tao. Maaalipusta na ni
Simula ng makarating sila sa Delicacies Restaurant ay hindi na humupa pa ang ingay lalo at marami ang imbitado. Dahil hindi lamang mga kasamahan sa photoshoot ang inimbita maging ang ilang mga sikat na panauhin sa larangan ng industriya. Ganoon ang gusto ni Beatriz, gusto niya iyong maraming tao nang sa ganoon ay maraming magkakautang na loob sa kanya at kapag siya naman ang may pabor na hihingin ay hindi na sila makatatanggi pa. Sa dami ng imbitado ay naging exclusive ang kainan. Pagkatapos kumain ay sinunod ang desserts at mga inumin. Roon na mas umingay nang magsimula ang inuman at tugtugan. "This evening is so lit, Miss Bea!" Anang isang sikat na lalaking artista na may hawak na whisky sa kanyang kanang kamay. "You're the best!""Oh, it's a small thing, Paul! Have more drink!" Ani Beatriz at nakipag-toast ng baso rito. "I hope this will not be the last time Miss Beatriz will held a dinner party," anang isang babaeng modelo na sipsip nang sipsip kay Beatriz. "You are so beautifu