“Yey!” Esmeralda beamed with happiness. “Ipahahanda ko ang toiletries ninyo sa inyong silid,” nakangiti nitong nilapitan ang kanilang kasambahay at sinabi ang ipagagawa. Ilang saglit pa ay paakyat na sila ng elevator, lulan ang kanilang mga asawa sa wheelchair. Katulad ng bahay ni Marco, may sadya ring elevator ang mag-asawa dahil sadya para kay Stephano Montezides. Pinasok muna ni Esmeralda ang kanyang asawa sa silid nila bago niya sinamahan si Sierra patungo sa kanilang tutulugan. “Where is Carlos?” Tanong ni Marco. “Oh, he's in the guest room, taking a rest.” Sagot nito. “Why? Do you need anything from him?” “No, nothing.” Nang makapasok na sila at nasigurong malinis at magiging kumportable ang mag-asawa ay kumaway na ito palabas. Si Sierra at Marco na lang ang naiwan sa silid. Hindi nagsalita si Sierra dahil iyon ang unang beses na magtatabi sila ng lalaki sa pagtulog mula nang magising ito. Galit siya rito at ayaw siyang katabi, ngayon ay hindi siya makahindi sa re
“Alisin ang alin?” kunot noo siyang nag-angat ng tingin kay Marco. Hindi sumagot si Marco pero bumaba ang tingin niya sa bansang tiyan, sinundan naman iyon ni Sierra at halos lubayan na siya ng kaluluwa nang makitang nakayakap na siya sa beywang nito at nakadantay na ang paa niya sa paa nito! Oh, my gosh! Ano bang ginawa niya?! “I'm… I'm sorry! I didn't know!” Bumalikwas siya ng bangon at lumayo kay Marco. “Paano iyon nangyari?” Wala sa sariling tanong ni Sierra. “At nagtanong ka pa talaga?” Malamig na wika ni Marco. “I… marahil ay masyadong malamig kagabi kaya wala sa sariling dumikit ako sa'yo, wala akong kumot. Isa pa, nagtatabi naman tayong matulog mula nang ikasal tayo pero hindi naman ako umabot sa puntong idinikit ko ang katawan ko sa'yo!” “Are you sorry?” Nag-angat ito ng kilay. Humugot ng buntong-hininga si Sierra. “Ipinaliwanag ko lang na hindi ko naman itensyong yakapin ka,” aniya. Ramdam ni Sierra na galit sa kanya si Marco. Hindi nito pinapahawak kay Sierra ang wh
Nakaalis na papuntang paaralan ang mga bata nang makarating sila sa bahay. Si Marco ay agad nagpatulak kay Carlos sa kanyang study at ayaw raw magpastorbo. Hindi na rin nagpumilit pa di Sierra dahil baka mas magalit pa ito. Pumasok na lang siya guest room at doon ginawa ang kanyang trabaho. Ang bilis talaga ng oras kapag busy ka. Sa sobrang pokus ni Sierra sa pagdidisenyo ay hindi na niya namalayang hapon na pala at maya-maya pa ay darating na ang mga bata galing eskwela. Tinigil muna ni Sierra ang ginagawa at bumaba upang ipaghanda ng meryenda ang mga bata. Speaking of meryenda, naalala ni niya ang sinabi ni Esmeralda sa kanya kaya naman naisipan na lang niyang gumawa ng cake para sa lahat. Nag-mash muna siya ng strawberries at saka iyon nilagyan ng harina, nagdalawang pa siya kung susundin ba niya ang bilin ni Esmeralda na hindi lagyan ng gatas o hindi. Subalit sa huli ay nilagyan na lang ni Sierra ng kaunti, dahil makakatulong sa buto-buto ng lalaki ang calcium. Mas mapapab
Mabilis na tinanggal ni Marco ang tatlong magkasunod na botones ng kanyang polo na para bang iyon ang makakatulong upang makahinga ito ng maluwag. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-dial. “Nakakain ako ng may gatas ngayon lang, come here now!” Nahihirapan niyang sinabi. Pagkatapos ng tawag ay basa na lang tumayo si Marco at lumabas ng kwarto, kamot-kamot ang kanyang namumulang braso. Kinakabahang sumunod si Sierra rito, “huwag mong kamutin baka mapaano!” Galit na tumigil si Marco sa paglalakad at matalim ang tinging nilingon niya si Sierra, “don't you dare follow me or I will strangle you to death!” Natulos si Sierra sa kanyang kinatatayuan ay tanging ang papalayong likod na lang ni Marco ang kanyang sinundan ng tingin. Hindi naman talaga niya iyon sinasadya, gusto lang niyang magkaroon ng karagdagang calcium ang lalaki lalo at makatutulong iyon para sa buto-buto nito. Wala sa sarili siyang napaupo na lang sa kama, isa siya marahil sa mga taong nakagagawa ng mali sa
Napakabilis ng pagdaan ng mga araw, hindi mo namamalayang isang buwan na pala ang lumipas. At natapos na rin ni Sierra sa wakas ang kanyang disenyo. Nagpasalamat si Mr. Smith at tuwang-tuwa dahil nagustuhan niya ang pagtatapos ng disenyo. Sa tuwa ay inimbitan siya nito sa opening ng museum sa lalong madaling panahon. Sa araw ng martes ay inimbitahan siya ni Lorenzo Gabral sa gaganaping dinner party, ayon pa rito, dahil malaki ang naging ambag niya sa naging tagumpay ng proyekto ay dapat lang na magkaroon ng salu-salo para sa kanya. Matagal ng gustong isiwalat ni Sierra ang kanyang nalalaman tungkol sa totoong relasyon ni Adriana Santillan-Montezides at Lorenzo Gabral. Kaya ngayong ang lalaki na mismo ang kusang nagbigay sa kanya ng ideya, nagagalak siya. Alas sais ng gabi nang makarating si Sierra sa venue ng dinner party, nakasuot siya ng mahabang itim na tube top dress na siyang dahilan upang mas humubog pa ang hugis ng kanyang katawan. Naka-bun ang buhok niya at may kaunting bu
“Sister-in-law, siya si Beatriz Lualhati, ang fiancee ni Lukas Buena.” Si Adriana ang sumagot na para ba iyon ang sagot sa tanong ni Sierra. Nag-aalala pa siyang dinaluhan ni Adriana ngunit ang babae ay may kakaibang ngisi sa mga labi. “Gusto ko lang malaman ninyong lahat!” Biglang anunsyo ni Beatriz dahilan upang magtinginan ang mga tao sa gawi nila. “Na ang babaeng hinahangaan ninyo ay isang magnanakaw. Yes! A thief! Ninakaw niya ang pera ni Lilian Buena at umalis ng bansa! Paglipas ng limang taon ay bumalik siya at kasama ang isang bastardang hindi niya alam kung sino ang ama. Nagpakasal kay Marco Montezides, the vegetative person and now, she's seducing my fiance! Ang madumi at makapal ang mukha ng babaeng ito ay hindi nababagay sa ganitong uri ng pagtitipon, dinudumihan lamang niya ang paligid.” Sunud-sunod ang naging bulungan sa paligid. “Ang alam ko lang ay ang eldest mistress ng Montezides ay may anak pero hindi ko alam na isa palang bastarda! Nakakahiya!” “Una ay pinagna
Ngumiti si Sierra, “of course, we're never done.” Pagkatapos niyon ay inangat ni Sierra ang kanyang palad at walang awang inilapat sa pisngi ni Beatriz.Singhapan ang marinig ni Sierra. “Walang hiya ka! How dare you hit me?!” Hindi makapaniwalang sinapo ni Beatriz ang kanyang pisngi. “Didn’t you just slapped me without me knowing you? I just returned the favor.” Malamig na turan ni Sierra. Nagngingit-ngit sa galit na tiningnan ni Beatriz si Sierra, “how dare you! No one have ever dared to hurt me you son of a bitch—” sumugod ang babae ngunit malakas ng sinipa ni Sierra ang paa nito dahilan upang padapang bumagsak si Beatriz. Nagsinghapan ang mga nakakita at sunud-sunod na namang bulungan ang pumuno sa paligid, pero walang pakialam si Sierra roon. “Sister-in-law what did you…” “Pwede ba, bago ka pumuna ng kamalian ko, tulungan mo muna iyang kaibigan mo. Baka mapagkamalan pang tiles at tapakan ng mga tao,” malamig na sinabi ni Sierra. Masama lamang siyang tiningnan ni Adriana sak
Alam ni Sierra na suklduan ang sama ni Adriana, ngunit hindi niya inasahan ang pangyayari sa araw na ito. Masyado yata siyang naging kampante, after all mula nang magtrabaho siya sa A.C's ay wala ng ginawa ang babae kundi ang sirain ang reputasyon niya. Nang mapansin ni Sierra na may paparating ay wala sa sariling nagsalita siya. “Don’t worry about this, Mr. Narvaez, I have something to do first before accepting the deal.” Pagkatapos ay nagsimula na siyang humakbang palayo sa lalaki. She was about to walk passed Sylvio nang hawakan siya nito sa palapulsuhan. Sandaling nanlaki ang mata ni Sierra at kumalabog ang dibdib, sa mababang boses ay sininghalan niya si Sylvio. “Anong ginagawa mo? Someone's approaching!” Umangat ang sulok ng labi ni Sylvio nang makita ang takot sa boses ni Sierra, “what? Your reaction makes it seems we're having an affair.” Sierra made a step backwards, ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. “Shut up, will you?” At bakit naman matatawag na affair iyo
Pagkatapos iyong sabihin ng waiter ay siya namang pagpasok ni Sylvio Narvaez dahilan upang magsinghapan ang mga naroroon. Sa kabilang banda, habang ang lahat ng atensyon ay nasa lalaking bagong dating ay dahan-dahan siyang naglakad paatras at naupo sa may pinakasulok, tinakpan ng kamay ang kanyang noo at nakatungo sa kanyang telepono. Obviously, nagtatago. Abot langit ang kaba sa puso ni Beatriz nang makita ang lalaking kanyang inasam-asam na makita. Ayon sa kanyang ama ay napakahirap nitong hagilapin subalit ngayong gabi ay talagang pinaunlakan ng lalaki ang request ng ama alang-alang sa kanya! Ganoon siya kamahal ng kanyang ama!Mahal na mahal niya si Lukas Buena subalit ito na mismo ang kusang nagpatigil ng kanilang kasal, kaya ngayong nandito na si Sylvio Narvaez na isang pinakamayamang tao sa mundo ay hindi siya magdadalawang isip na magpakasal dito! Kapag naging isang ganap na siyang Mrs. Narvaez ay magagawa na niya ang lahat, mapapaluhod na niya ang mga tao. Maaalipusta na ni
Simula ng makarating sila sa Delicacies Restaurant ay hindi na humupa pa ang ingay lalo at marami ang imbitado. Dahil hindi lamang mga kasamahan sa photoshoot ang inimbita maging ang ilang mga sikat na panauhin sa larangan ng industriya. Ganoon ang gusto ni Beatriz, gusto niya iyong maraming tao nang sa ganoon ay maraming magkakautang na loob sa kanya at kapag siya naman ang may pabor na hihingin ay hindi na sila makatatanggi pa. Sa dami ng imbitado ay naging exclusive ang kainan. Pagkatapos kumain ay sinunod ang desserts at mga inumin. Roon na mas umingay nang magsimula ang inuman at tugtugan. "This evening is so lit, Miss Bea!" Anang isang sikat na lalaking artista na may hawak na whisky sa kanyang kanang kamay. "You're the best!""Oh, it's a small thing, Paul! Have more drink!" Ani Beatriz at nakipag-toast ng baso rito. "I hope this will not be the last time Miss Beatriz will held a dinner party," anang isang babaeng modelo na sipsip nang sipsip kay Beatriz. "You are so beautifu
Nagulat si Beatriz sa naging sagot ni Sierra. She doesn't like it when she refuses her offer subalit sa katotohanang pumayag lamang ito dahil sa pangako niyang ipakikilala kay Sylvio Narvaez ay kumulo ang kanyang dugo. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito! Sa tingin ba talaga niya ay hahayaan niyang maipakilala siya sa isang business tycoon? Huh! Asa siya! Isang makahulugang ngiti ang pikawalan ni Beatriz, “that's good to hear, Ms. Sierra…” dahil ang totoo ay marami na siyang inihandang pamamahiya para sa babae mamaya. Nagkibit lamang ng balikat si Sierra at saka sinuri ang kanyang mga gamit upang masigurong wala na siyang naiwanan pa. Nang sigurado ng kumpleto ang kanyang gamit ay isinarado na ni Sierra ang kanyang bag at kinuha ang telepono upang magpadala ng mensahe sa bahay at kay Marco, kahit na wala namang pakialam sa kanya ang asawa. To Husband: Hey, good evening. I'll be home late tonight dahil nagyaya ng dinner ang isa sa mga models. Sa Delicacies Restaurant l
Naging abala si Sierra sa mga sumunod na araw dahil malapit ng matapos ang photoshoot at sa wakas ay makakaalis na rin siya. Sa mga araw na iyon ay hindi na sila nagkikita pa ni Marco, sa pagod ay pagkauwi tanging pagtingin lamang sa mga bata ang ginagawa bago magpahinga at saka kinabukasan ay maagang aalis para sa trabaho. “Woah! It's a wrapped! Good job, everyone! You all did a great job! See you in your next projects, guys.” Anang director na pumalakpak nang matapos ang makuhanan ang huling anggulo nina Beatriz at Shanaia. “Thank you as well, direct. And of course, you'll be part of our next project!” Nakangiting sinabi ni Beatriz kitang-kita naman ang pagiging plastik nito. Tumango lamang ang director at nagpasalamat. “And because of our successful project, I'd like to invite you all for dinner at the Delicacies Restaurant!” Anunsyo nito dahilan upang magsilapitan ang ibang mga staffs at models sa kanya, may malalapad na ngiti sa mga labi ng mga ito. “Wow! Talaga, Miss B
Agad na nagsalubong ang makapal na kilay ni doktor Liam sa iritasyon dahil sa tono ng kausap. “Shut up, I just called to ask something.” Pairap niyang sinabi. “Gusto ko lang malaman ang listahan ng mga kasamahan ni Shanaia sa set—” Hindi pa man natatapos si Liam sa pagsasalita ay pumalatak na si Deion sa kabilang linya na para bang may narinig na kahindik-hindik. “What the fuck bud?! Why are you asking about Shanaia? Liam, sinasabi ko sa'yo, kasisimula pang umangat ng karera nung tao tapos manghihimasok ka na naman?! For god's sake! Quit it already!” Seryosong wika ni Deion sa kapatid. Dahil alam niyang matindi ang damdaming mayroon si Liam kay Shanaia at para na niyang nakababatang kapatid. Nasaksihan ni Deion kung paanong nasira ang karera ng babae nang magkaroon ito ng nararamdaman kay Liam, subalit ay hindi pa sigurado noon ang lalaki sa kanyang nararamdaman kaya mixed signals ang naibibigay nito sa babae lalo at kasalukuyan pa itong nag-aaral sa medisina noon. Agad na nagsalu
Naupo si Sierra sa sun lounger at pinapapaypayan ang sarili dahil basang-basa siya ng pawis. Wala rin siyang dalang extra na damit dahil hindi naman niya akalaing aalilain siya ng babaeng pinaglihi sa kamalditahan sa buhay. Tsk. Pag-ibig nga naman. Kahit ano ay gagawin para lang mapanatiling magiging kanila ang taong minamahal. At base sa reaksyon ni Lukas noong magkita sila ni Sierra sa presinto, roon niya napagtantong mahal na mahal nito ang tunay na Sierra. Nakikita niya sa mga mata ng lalaki ang pangungulila at pagsisisi sa mga nangyari ilang taon na ang nakalilipas. Nakakatuwa, kung ganoon kamahal ni Lukas si Sierra at ganoon din naman ito kamahal ng babae, ano kaya ang rason kung bakit nagawang kitilin ng babae ang sariling buhay? May kinalaman kaya si Mrs. Buena roon?Nasa malalim na pag-iisip si Sierra nang may biglang lumapit sa kanya, bahagya pa siyang nagulat nang biglang nasa tabi na niya ito. “Oh, pasensya na Ms. Sierra at nagulat ko yata kayo.” Nahihiyang ngumiti si
Nalaglag ang panga ni Beatriz sa narinig. Naningkit ang kanyang mga mata at pinasadahan ng tingin si Sierra mula ulo hanggang paa. “What did you just say?!” Itinagilid pa ng babae ang kanyang ulo, mayroong sarkastikong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. Kalmanting huminga si Sierra. Matapang niyang tiningnan si Beatriz at sa klarong boses ay sumagot siya. “I said no.” Hindi makapaniwalang umawang ang labi ni Beatriz, pasimple siyang tumingin sa paligid, maraming tao ang naroon at may kanya-kanyang ginagawa ngunit kapag gumawa siya ng eksena ay malamang siya ang masisira. Kaya naman ay pinigilan niya ang sarili at pinilit na lang na kumalma. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at may talim na tiningnan ang babaeng kalmado lamang na para bang walang kasalanan!“Sino ka ba sa akala mo para tanggihan ang utos ko? Don't you know who I am? Hindi mo ba alam kung gaano lalaki ang perang inilaan ko sa pesteng proyektong ito?” Impit na sigaw niya. Nagsalubong naman ang kilay ni Sierra,
Nahagip ng peripheral vision ni Sierra ang pagsulyap ni Vester sa gawi nila ni Marco, nang tingnan niya ang bata ay nasa telebisyon na ang atensyon nito. Nakaramdam tuloy ang babae ng kalungkutan sa dibdib, marahil ay nakararamdam ng paninibugho ang bata habang nakikitang malambing ang ama sa kanyang anak samantalang istrikto ito makitungo rito. Kaya naman ay tinawag na niya ang anak. Kahit na natutuwa si Sierra na makitang masaya ang anak sa kandungan ni Marco ay ayaw naman niyang masaktan lalo si Vester. “Thalia, come on, that's already enough. Uncle must be tired, he has to rest.” Ani Sierra sa anak. Sinulyapan lamang si Sierra ni Thalia at saka sumimangot. “No! I still want to play with uncle handsome!” Tugon nito atsaka mahaba ang ngusong nag-angat ng tingin kay Marco. “Are you tired, handsome uncle? Do you want to rest?” Nang makita ang nagpapaawang bilugang mga mata ng batang babae ay biglang nanlambot ang puso ni Marco. Wala sa sariling inangat niya ang kanyang kamay
Nakabibinging katahimikan ang namayani pagkatapos itong sabihin ni Sierra. Umawang ang mga labi ni Stevan, hindi makapaniwala na ang isang babaeng ni walang katiting na dugo ng Montezides ang siyang nangahas na pagtaasan siya ng boses. Hindi maaari iyon, hindi katanggap-tanggap. Dahil siya si Stevan Montezides, ang humahawak sa titulong eldest master ng pamilya pagkatapos mamatay ni Marcus. Nangangahulugan lang niyon na kung sinuman ang mangangahas na pagtaasan siya ng boses ay hindi niya palalampasin. “You really dared to raise your voice at me? Who do you think you are? You are just a damn bride Senyora Elizabeth chose!” Nanginginig na ito sa galit. Humugot ng malalim na hininga si Sierra at taas noong tiningnan si Stevan. “I am just a wife who protects her helpless husband.” Malamig, ngunit klaro niyang sinabi. “How about you? Who are you to punish my husband? Nakalilimutan mo bang hindi mo siya anak para hatawin mo ng ganyan? As far as I remembered, you don't have the righ