Ngumiti si Sierra, “of course, we're never done.” Pagkatapos niyon ay inangat ni Sierra ang kanyang palad at walang awang inilapat sa pisngi ni Beatriz.Singhapan ang marinig ni Sierra. “Walang hiya ka! How dare you hit me?!” Hindi makapaniwalang sinapo ni Beatriz ang kanyang pisngi. “Didn’t you just slapped me without me knowing you? I just returned the favor.” Malamig na turan ni Sierra. Nagngingit-ngit sa galit na tiningnan ni Beatriz si Sierra, “how dare you! No one have ever dared to hurt me you son of a bitch—” sumugod ang babae ngunit malakas ng sinipa ni Sierra ang paa nito dahilan upang padapang bumagsak si Beatriz. Nagsinghapan ang mga nakakita at sunud-sunod na namang bulungan ang pumuno sa paligid, pero walang pakialam si Sierra roon. “Sister-in-law what did you…” “Pwede ba, bago ka pumuna ng kamalian ko, tulungan mo muna iyang kaibigan mo. Baka mapagkamalan pang tiles at tapakan ng mga tao,” malamig na sinabi ni Sierra. Masama lamang siyang tiningnan ni Adriana sak
Alam ni Sierra na suklduan ang sama ni Adriana, ngunit hindi niya inasahan ang pangyayari sa araw na ito. Masyado yata siyang naging kampante, after all mula nang magtrabaho siya sa A.C's ay wala ng ginawa ang babae kundi ang sirain ang reputasyon niya. Nang mapansin ni Sierra na may paparating ay wala sa sariling nagsalita siya. “Don’t worry about this, Mr. Narvaez, I have something to do first before accepting the deal.” Pagkatapos ay nagsimula na siyang humakbang palayo sa lalaki. She was about to walk passed Sylvio nang hawakan siya nito sa palapulsuhan. Sandaling nanlaki ang mata ni Sierra at kumalabog ang dibdib, sa mababang boses ay sininghalan niya si Sylvio. “Anong ginagawa mo? Someone's approaching!” Umangat ang sulok ng labi ni Sylvio nang makita ang takot sa boses ni Sierra, “what? Your reaction makes it seems we're having an affair.” Sierra made a step backwards, ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. “Shut up, will you?” At bakit naman matatawag na affair iyo
Magmula nang mamatay si Antonio Santillan limang taon na ang nakalilipas ay Mr. Santillan o President Santillan na ang tawag ng mga tao kay Adriana. Iyon ang tawag ng mga ito sa kanya dahil siya na lamang ang natitirang heredera ng mga Santillan dahil kasabay ng pagkamatay ng Padre de Pamilya, ay siya ring deklarang pagkamatay ng isa nitong anak, Si Audrey Santillan. Kasalukuyang nakalingkis ang mga braso ni Adriana sa braso ng kanyang asawang si Julian, nakangiting nakikipag-usap sa mga negosyante, ibinibida ang pagiging isang heredera ng pagiging Santillan. Walang ibang makikita sa mga mata ng taong kaharap kundi pagkamangha at bilid sa kanya. Hawak ni Adriana ang titulong iyon hanggang sa isang paternity test ang nakakuha sa atensyon ng mga tao. Paternity test result iyon ng pagiging isang lehitimong mag-ama nina Adriana at Lorenzo. Lahat ng taong may pagngaha sa mga mata ay napalitan iyon ng pandidiri at pagkadismaya. “Oh my gosh! I thought the rumors then about her being a ch
Si Audrey ay isang babaeng mukhang anghel, konserbatibo, prim and proper. In short, isa siyang mabuting anak. Noong nagdi-date pa lang sila ni Julian ay hindi man lang ito makahalik dito o kaya pinapapasok sa kwarto, at somehow, iyon ang dahilan kung bakit mas nagustuhan siya ni Julian. Iyon ay dahil ang katulad niyong babae ang gusto ng kanilang grandma na maging isang second young mistress. Maliban sa pagiging heredera nito. Kaya sa inggit ni Adriana, nang araw ng kaarawan ni Audrey pareho niya silang nilasing ni Julian. Lalo at narinig niya mula sa isa nilang katulong na iyon na rin ang araw na nais ibigay ng babae ang sarili sa lalaki. Ibig sabihin ay kapag nakuha na siya ni Julian, magiging isa na ang mga ito at kalaunan, magiging Mrs. Montezides. Ayaw mangyari ni Adriana iyon. Kaya naman, nang makitang lasing na lasing na ang dalawa, dinala niya si Audrey sa ibang silid samantalang siya ang tumabi kay Julian. Habang si Audrey ay kasiping ang estrangherong lalaki, si Adri
“Maybe you are?” Sylvio shrugged his shoulders, he has this amusement dancing on his face. Kapagkuwan ay inginuso niya ang exit, “let's go together?” Hindi alam ni Sierra kung sinasadya ng lalaking inisin siya o wala lang itong pakialam kung may makakita man sa kanilang dalawa na magkasama?Naiinis na umirap si Sierra, alam niyang nasa loob pa ang karamihan sa mga tao at patuloy pa ring nakikitsismis ngunit hindi pa rin pakasisiguro dahil matanglawin sa linaw ang mga mata ng mga tao kapag kontrobersyal na ang pinag-uusapan. “No thanks, you may go on your own. I still have things to do.” Kalmadong sinabi ni Sierra. Saglit na nagulat si Sylvio roon. Inasahan niyang uusok na naman ang ilong nito sa galit ngunit kalmado lamang ito. Kaya naman, hindi na niya ito ininis at tumungo na lang sa exit para maunang pumunta sa Luther's Club. Sa daan papuntang Luther's Club, inilabas ni Sierra ang kanyang telepono upang tawagan si Gwen. Dalawang ring lang ay sinagot din agad nito. “Gwen, magha
Mabilis na tumayo si Sierra upang bawiin dito ang basong mayroon pang laman, gusto niya itong simutin dahil sayang! Ngunit nang tumayo siya umikot lang ang kanyang paningin at bumagsak pabalik sa sofa. “Gosh, bakit akosh nahihilo? I'm not drunk, I just drank a little.” Bulong nito sa sarili, kapagkuwan ay nag-angat siya ng tingin kay Sylvio. “Peke siguro iyang red wine mo ‘no?” Paratang niya. Umawang lang ang labi ni Sylvio ngunit hindi nagsalita. Hinilot ni Sierra ang kanyang sentido at saka luminga-linga, hinahanap ang kanyang telepono. Nang makita niya iyon ay agad na binuksan, ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang namumungay na mata nang makita ang oras! Alas onse na! Tapos na ang dalawang oras niyang pananatili! Kailangan na niyang makauwi! Mabilis niyang kinuha ang kanyang bag at hindi inalintana ang pagkakahilo, pumunta siya sa shoe rack at sinuot ang kulay pilak niyang takong. “Ipahahatid kita kay Morgan,” ani Sylvio ngunit hindi siya pinansin ni Sierra. Nahi
“Okay, I'll be there in a few.” Aniya bago ibaba ang telepono. Malalim na nagbuntong-hininga si Sylvio nang maibaba niya ang tawag, liyong-liyo pa rin siya sa nangyari. Wala sa sarili siyang nagbaba ng tingin sa babaeng nakakapit pa rin ang mga braso at beywang sa kanya, ngunit nakasandal na lang ito sa dibdib niya at malalim na ang paghinga. Tulog na ito. Ibinaba ni Sylvio ang kanyang cellphone at saka inangat si Sierra in a bridal style at dinala sa kama kung saan ito mas kumportableng makakatulog. Pagkatapos niya iyong mailapag ay inayos niya ang pagkakasuot ng damit nito at kinumutan, pagkatapos ay pinatakan lamang niya ito ng halik sa noo bago umalis. *****Isang itim na Bentley ang tumigil sa harapan ng Montezides mansion. Lumabas si Sylvio roon. Agad naman dumalo si Carlos, “master, magpapalit ka ba ng damit bilang si Marco?” Tinanguan lang ni Marco si Carlos. Nang lumabas siya sa silid ay siya na muli si Marco Montezides na nakaupo sa wheelchair. Tulak-tulak ni Carlos an
Hindi mapakali si Sierra habang lulan ng taxi pauwi kaya naman naisipan niyang buksan ang kanyang cellphone, kahapon ay naka-do not disturb ito para maka-focus siya sa ginagawa kaya nang in-off na niya ito ay napaawang ang labi ni Sierra sa maraming missed calls galing kay Carlos. Mabilis niyang idinial ang numero nito. Nakadalawang ring pa lang ay sinagot na nito. “Eldest mistress! I'm glad that you called! How are you last night?” tanong nito. Humugot ng malalim na hininga si Sierra at nakagat na lang ang kanyang daliri, iyon din ang daliring sinipsip at bahagyang kinagat ni Sylvio. Naroon pa ang marka ng ngipin nito. “I apologize for not informing you that I'll be sleeping outside, Carlos. Masyado na kasing late kagabi nang natapos ang dinner party kaya naman para hindi na makaistorbo pa, nag-book na lang ako ng hotel at doon nagpalipas ng gabi.” Paliwanag ni Sierra. “Nagalit ba ang senyora?” Kapagkuwan ay tanong niya. Kinakabahan siya dahil mahigpit na bilin ng ginang ay huwa
Nakagat ni Sierra ang pang-ibabang labi. Nakaramdam ng takot na baka mabuko siya ng asawa.. Bakit ba kasi niya nabanggit ang ganoong apilyedo? Sa dinami-rami ng apilyedong pwedeng banggitin, talagang ang Narvaez pa! "Uhm... Asuncion, Flores, Santibañez or anyone?" Kabadong sinabi niya. Nanatili lamang na naka-angat ng kilay si Marco, kitang-kita niya ang pagkakabalisa sa likod ng mata ng babae na pilit nitong ikinukubli. Wala sa sariling napa-angat ang sulok ng kanyang labi, sumasayaw sa kapilyuhan ang mga mata. Subalit kailangan niya itong pigilan dahil kung hindi ay mabubuko siya sa kanyang sekreto. "You don't know them, you'll meet them later tonight." Malamig na usal ng lalaki. Lunes iyon ng umaga, ang mga bata ay nakaalis na kasama si Alea at Carlos sa eskwelahan. Si Sierra naman ay nag-abang na lang ng taxi sa labas ng village para pumunta sa lokasyon ng shooting para sa isang pelikula. Medyo labag sa kanyang loob ang pagpayag na maging parte ng produksyon subalit wala s
Masyado yatang naging apektado si Sierra sa sinabi ng anak dahilan upang magdamag iyong bumagabag sa kanya. Puyat tuloy siya kinabukasan nang pumasok sa opisina. "Welcome back in the office, Miss Sierra!" Masiglang bungad ni Brianna, assistant ni Sierra at may pinutok pang confetti. "Oh my gosh!" Napawak ang babae sa kanyang dibdib sa labis na gulat. Sa sobrang kalutangan dahil sa puyat ay hindi na niya napansin ang mga paligid sa kanyang opisina, basta na lamang kasi siyang pumasok. "Alam ninyo po ba ma'am nang dahil sa inyo ay palagi ng trending ang company natin? Hindi na lang sina Miss Shanaia ang umiindorso kundi pati na ang mga influencers and other celebrities even without payment!" Patiling anunsyo pa ni Brianna, "siyempre meron pa rin namang bashers pero mas marami pa rin ang sumusuporta at bumibili not because of the clout but because our product is high when it comes to quality!""That's true!" Sabat ng assistant manager na si Evan, ang lahat ng mata ay dumako rito. Ala
Pagkatapos mag-almusal ng mag-anak ay tumungo na sila sa entertainment room para sa gaganapin kunong 'massage session'. Pabor naman iyon kay Sierra dahil wala siyang trabaho sa araw na iyon. Natapos na kasi ang kanyang trabaho bilang personal wardrobe assistant ni Shanaia Sanchez ngayong tapos na ang photoshoot ng mga ito. Ngayon ay balik opisina na siya at gagawin na ang totoong trabaho, iyon ay ang magdesenyo ng mga damit. Wala ring pasok ang mga bata sa araw na iyon dahil sa biglaang pagbabago ng panahon. Kaya ngayon ay nakatambay sila sa entertainment room. "I am so happy right now, Mommy!" Ngiting abot langit na sinabi ni Thalia. "Because you and handsome uncle are here! We can be a happy family!" Maligalig pang dagdag ng batang babae. "Are you happy, Kuya Vester?" Baling nito sa batang lalaking tahimik lang. Dumako ang tingin ni Sierra kay Vester, tiningnan ang bawat reaksyon nito sa mukha. Kumunot ang noo ng bata na para bang pinag-iisipan pa nito ang sagot sa tanong ng
Kinabukasan ay alas singko ng umaga nagising si Sierra upang maghanda ng almusal para sa mga bata. Naroon naman si Carlos at Alea ngunit dahil madalas na hindi niya nakasama ang anak nitong mga nakaraang araw ay gusto niyang bumawi. "Utusan ninyo ako eldest mistress, ah!" Ani Alea na medyo hindi mapakali ng walang ginagawa. Ginawa na nito yon noong unang araw nito sa bahay pero ngayong ginawa nito ulit, hindi niya maiwasang mahiya dahil trabaho niya iyon! "Huwag kang mag-alala, Alea, sanay akong ipinaghahanda ang anak ko ng pagkain. This is not new to me, at bumabawi lang ako sa mga bata dahil nitong mga nakaraang araw ay puro ako trabaho." Paliwanag ni Sierra habang hinahalo ang mga sangkap sa isang stainless steel na lagayan ng pancake. Nakangiti naman si Alea roon, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting inggit dahil may ina palang ganoon. Hindi kagaya ng kanyang inang mas pinili siyang pagtrabahuhin sa murang edad para may pambayad ng mga utang sa sugal. "Ayos ka lang
"Wala rin dito ang young master!" Naiiyak na bulalas ni Alea. "Nasaan kaya siya? Naku sana naman po walang nangyaring hindi maganda sa kanya! Sabihin na po kaya natin sa senyora, eldest mistress?" Napatingin si Sierra kay Alea sa sinabi nitong iyon. Kanina pa niya iyong naiisip ngunit ayaw niya namang pag-alalahanin ang matanda. Baka nagpapahinga na ito ngayon. Kinuha na lamang ni Sierra ang telepono upang tumawag ng police dahil talagang wala na siyang choice. Ngunit naalala niyang mayroon nga pala siyang cctv sa sala kaya naman iyon na lamang ang tiningnan niya. Subalit laking pagtataka niya dahil wala namang bakas ni Marco na lumabas ng bahay, bumaba oo ngunit umakyat din naman agad ito sa opisina nito. "Tara, tingnan natin ulit sa opisina niya." Ani Sierra at nauna ng pumasok sa kabahayan upang tingnan muli ang asawa. Nang matanaw ang dalawa ay halos mangiyak na si Carlos. Palihim siyang nagtipa ng mensahe para kay Marco. To Young Master: Young master, wala na. Bumali
Walang nagawa si Sierra kung hindi ang buksan ang pintuan ng sasakyan at lumabas. Nais niyang magtanong kung bakit biglang nagbago ang isip ng lalaki ngunit sa sobrang inis ay hindi na lamang niya ginawa, bagkus ay malakas niyang isinara ang pinto upang iparating dito ang iritasyon niya. Sinong hindi maiirita kung bigla ka na lang pababain sa gitna ng kalsada kung saan walang halos dumadaan na taxi at maghahating gabi na?! Kung sana hindi ito umeksena sa restawran edi sana roon pa lamang ay nakasakay na siya at matiwasay nang nakauwi sa bahay. Hindi iyon sa ganoong oras ay para siyang ligaw na multong nakatayo sa gilid ng kalsada at naghihintay ng magbibigay sa kanya ng hustisya. "Nakakainis! Humanda ka sa ganti ko, impaktong lalaki ka." Inis na bulong ni Sierra sa sarili. Halos isang oras din ang kanyang hinintay roon bago may taxing dumaan. Nang makarating sa bahay ay dumiretso siya sa opisina ni Marco upang ipaalam dito na nakauwi na siya subalit laking panlalaki ng kanyang
Lahat ng mga taong naroon ay lumingon at nakatuon ang mga mata sa likuran. Kahit na pilitin man ni Sierra na itanggi ang presensya sa kanyang harapan ay alam niyang mas makakakuha siya ng atensyon. Kaya naman, tumikhim siya at saka tuwid na tumayo at hilaw na nginitian ang lalaki. "Oh, Mr. Narvaez, what are you doing here?" Patay-malisya niyang tanong. "Hinahanap ka?" Umarko pa ang isang kilay nito. Gusto ng umirap ni Sierra sa inis dahil sa sagot nitong iyon. Bakit naman siya nito hahanapin? Oo nga at may kasunduan silang magkikita sa ganoong araw subalit hindi naman niya akalaing talagang hahanapin siya nito para lang doon! Mas kumalat tuloy sa kalamnan ni Sierra ang inis ngunit kailangan niya iyong itago dahil maraming mata ang nakamasid sa kanila. Kaya naman, kinalma niya ang sarili sa kagustuhang kalmutin ang lalaki sa mukha at humugot na lamang ng malalim na hininga. "Oh, did my husband asked you to fetch me?" Ani Sierra sabay kindat upang ma-gets naman ni Sylvio ang
Pagkatapos iyong sabihin ng waiter ay siya namang pagpasok ni Sylvio Narvaez dahilan upang magsinghapan ang mga naroroon. Sa kabilang banda, habang ang lahat ng atensyon ay nasa lalaking bagong dating ay dahan-dahan siyang naglakad paatras at naupo sa may pinakasulok, tinakpan ng kamay ang kanyang noo at nakatungo sa kanyang telepono. Obviously, nagtatago. Abot langit ang kaba sa puso ni Beatriz nang makita ang lalaking kanyang inasam-asam na makita. Ayon sa kanyang ama ay napakahirap nitong hagilapin subalit ngayong gabi ay talagang pinaunlakan ng lalaki ang request ng ama alang-alang sa kanya! Ganoon siya kamahal ng kanyang ama!Mahal na mahal niya si Lukas Buena subalit ito na mismo ang kusang nagpatigil ng kanilang kasal, kaya ngayong nandito na si Sylvio Narvaez na isang pinakamayamang tao sa mundo ay hindi siya magdadalawang isip na magpakasal dito! Kapag naging isang ganap na siyang Mrs. Narvaez ay magagawa na niya ang lahat, mapapaluhod na niya ang mga tao. Maaalipusta na ni
Simula ng makarating sila sa Delicacies Restaurant ay hindi na humupa pa ang ingay lalo at marami ang imbitado. Dahil hindi lamang mga kasamahan sa photoshoot ang inimbita maging ang ilang mga sikat na panauhin sa larangan ng industriya. Ganoon ang gusto ni Beatriz, gusto niya iyong maraming tao nang sa ganoon ay maraming magkakautang na loob sa kanya at kapag siya naman ang may pabor na hihingin ay hindi na sila makatatanggi pa. Sa dami ng imbitado ay naging exclusive ang kainan. Pagkatapos kumain ay sinunod ang desserts at mga inumin. Roon na mas umingay nang magsimula ang inuman at tugtugan. "This evening is so lit, Miss Bea!" Anang isang sikat na lalaking artista na may hawak na whisky sa kanyang kanang kamay. "You're the best!""Oh, it's a small thing, Paul! Have more drink!" Ani Beatriz at nakipag-toast ng baso rito. "I hope this will not be the last time Miss Beatriz will held a dinner party," anang isang babaeng modelo na sipsip nang sipsip kay Beatriz. "You are so beautifu