Mabilis na tumayo si Sierra upang bawiin dito ang basong mayroon pang laman, gusto niya itong simutin dahil sayang! Ngunit nang tumayo siya umikot lang ang kanyang paningin at bumagsak pabalik sa sofa. “Gosh, bakit akosh nahihilo? I'm not drunk, I just drank a little.” Bulong nito sa sarili, kapagkuwan ay nag-angat siya ng tingin kay Sylvio. “Peke siguro iyang red wine mo ‘no?” Paratang niya. Umawang lang ang labi ni Sylvio ngunit hindi nagsalita. Hinilot ni Sierra ang kanyang sentido at saka luminga-linga, hinahanap ang kanyang telepono. Nang makita niya iyon ay agad na binuksan, ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang namumungay na mata nang makita ang oras! Alas onse na! Tapos na ang dalawang oras niyang pananatili! Kailangan na niyang makauwi! Mabilis niyang kinuha ang kanyang bag at hindi inalintana ang pagkakahilo, pumunta siya sa shoe rack at sinuot ang kulay pilak niyang takong. “Ipahahatid kita kay Morgan,” ani Sylvio ngunit hindi siya pinansin ni Sierra. Nahi
“Okay, I'll be there in a few.” Aniya bago ibaba ang telepono. Malalim na nagbuntong-hininga si Sylvio nang maibaba niya ang tawag, liyong-liyo pa rin siya sa nangyari. Wala sa sarili siyang nagbaba ng tingin sa babaeng nakakapit pa rin ang mga braso at beywang sa kanya, ngunit nakasandal na lang ito sa dibdib niya at malalim na ang paghinga. Tulog na ito. Ibinaba ni Sylvio ang kanyang cellphone at saka inangat si Sierra in a bridal style at dinala sa kama kung saan ito mas kumportableng makakatulog. Pagkatapos niya iyong mailapag ay inayos niya ang pagkakasuot ng damit nito at kinumutan, pagkatapos ay pinatakan lamang niya ito ng halik sa noo bago umalis. *****Isang itim na Bentley ang tumigil sa harapan ng Montezides mansion. Lumabas si Sylvio roon. Agad naman dumalo si Carlos, “master, magpapalit ka ba ng damit bilang si Marco?” Tinanguan lang ni Marco si Carlos. Nang lumabas siya sa silid ay siya na muli si Marco Montezides na nakaupo sa wheelchair. Tulak-tulak ni Carlos an
Hindi mapakali si Sierra habang lulan ng taxi pauwi kaya naman naisipan niyang buksan ang kanyang cellphone, kahapon ay naka-do not disturb ito para maka-focus siya sa ginagawa kaya nang in-off na niya ito ay napaawang ang labi ni Sierra sa maraming missed calls galing kay Carlos. Mabilis niyang idinial ang numero nito. Nakadalawang ring pa lang ay sinagot na nito. “Eldest mistress! I'm glad that you called! How are you last night?” tanong nito. Humugot ng malalim na hininga si Sierra at nakagat na lang ang kanyang daliri, iyon din ang daliring sinipsip at bahagyang kinagat ni Sylvio. Naroon pa ang marka ng ngipin nito. “I apologize for not informing you that I'll be sleeping outside, Carlos. Masyado na kasing late kagabi nang natapos ang dinner party kaya naman para hindi na makaistorbo pa, nag-book na lang ako ng hotel at doon nagpalipas ng gabi.” Paliwanag ni Sierra. “Nagalit ba ang senyora?” Kapagkuwan ay tanong niya. Kinakabahan siya dahil mahigpit na bilin ng ginang ay huwa
Si Donna, ang personal assistant ni Shanaia Sanchez ang sumalubong kay Sierra at sa kanyang crew. Agad niyang napansin ang pagkakadisgusto ng babae sa kanya dahil ilang beses na niya itong nahuling umiirap. “Ang kapal ng mukhang maging late! Kasisimula pa nga lang magtrabaho kay Ms. Shan, sumisipsip na! Paghintayin ba naman ang supermodel!” Kausap nito ang sarili habang padabog na tinitingnan ang mga susuotin ng modelo. Alam ni Sierra na hindi niya kasalanang late na siya nasabihan pero hindi na lang siya umimik pa at kinuha na lang ang ilang gowns na kakailanganin ni Shanaia at saka iyon plinantsa nang naka-hanger. “Tsk! Hindi naman sana kukuha ng mga pipitsugi ninyong disenyo si Ms. Shan kasi gusto niyang personal na si A.S ang magdisenyo, kaya lang ay wala iyon sa bansa kaya sa inyo na lang kumuha! Pasalamat nga kayo kasi pinag-aksayan pa kayo ng panahon ng isang successful na supermodel, eh.” Mahabang sinabi ni Donna. “Tapos ikaw, isang babae lang nakasisimula sa design at na-n
Mukhang pinaghandaan talaga ng babae ang muli nilang pagkikita ni Sierra dahil mayroon na kaagad itong panlaban sa kanya. Humakbang paatras ng dalawang beses si Sierra nang magsimula ng maglakad papalapit sa kanya ang dalawang lalaki. Bumuga siya ng hangin at mula sa dalawang lalaki ay tumingin siya kay Beatriz at nagtaas ng kamay, “wait, wait, wait. Relax, okay? Ms. Beatriz, please there is no need to be violent like this. Wala naman akong pakialam kay Lukas Buena, wala akong intensyong akitin siya. Look, I am a married woman. I have a husband and children, and I am contented with my life already. Kaya wala ka na dapat pang ipangamba pa.” Kalmanting pagpapaliwanag ni Sierra. Mas lalong nakaramdam ng galit si Beatriz. Iyon nga eh, may asawa’t anak na ang haliparot na ito pero nagagawa pa rin itong isipin at iyakan ni Lukas! Si Lukas na fiancee niya sa loob ng limang taon! Sa limang taon na iyon ay hindi siya na-threatend sa kahit sinong babae dahil kampante siyang sa kanya lang si
Alas tres ng hapon nang matapos ang unang araw ng photoshoot. Kaya naman maagang nakaalis si Sierra at nagkaroon pa ng oras para pumunta ng mall para bumili ng regalo para kay Marco. Masyado na siyang maraming nagawang kasalanan sa lalaki kaya dapat lang na bumawi siya. Nag-ikot-ikot pa sa mall si Sierra, naghanap ng pwedeng iregalo. Gusto niya sana ay relo o kaya sinturon ngunit parang mahihimatay pa yata siya dahil sa presyo ng mga iyon!Ang mamahal! Hindi rin naman siya pwedeng bumili lang ng mura dahil hindi bagay sa status ng lalaki. Ilang sandali pa siya umikot hanggang sa wakas ay nakakita siya ng isang kurbata. Matanda na rin ng ilang taon ang kurbatang iyon kaya naman mayroong kamahalan. Nakakabutas ng bulsa pero pwede na iyon kumpara sa sinturon at relo. Kung iyon ang pinilit niyang bilhin, malamang mamumulubi siya ng dalawang taon. Ganoon kamahal. Nang makarating sa bahay ay agad siyang tumungo sa kusina upang gumawa ng tsaa para sa kanila ni Marco. Nang matapos ay inil
“Darling, hindi ba ay dapat ka pang matuwa dahil ang anak natin mismo ang kusang dumalaw sa atin dito? You know Marco, mahirap siyang mapapunta rito nang kusang loob…” Pagpapakalma ni Ericka sa kanyang asawang nanginginig na dahil sa galit. Matalim na pinukol ng tingin ni Stevan si Ericka. “Are you serious, Ericka? Alam mong walang respeto ang anak mong iyan sa akin at ngayon ito na mismo ang pumunta rito, ibig lang sabihin ay may kaguluhan iyang dala! He is a fucking walking chaos!” Bumuntong-hininga na lang si Ericka at hindi na naghintay pa kay Stevan at agad ng tumalikod upang salubungin ang anak. Nagagalak ang kanyang puso dahil nabibilang lamang sa kanyang daliri ang mga pagkakataong kusangloob na dumadalaw sa kanilang tahanan ang kanyang panganay na anak. Alam niyang may galit ang anak sa kanya dahil sa dami niyang pagkakamali, subalit ngayong pumunta ito ay pakiramdam niya'y may pagkakataon na siyang bumawi rito! “Ano pang hinihintay ninyo? Lagyan ng daanan ang young ma
Nakabibinging katahimikan ang namayani pagkatapos itong sabihin ni Sierra. Umawang ang mga labi ni Stevan, hindi makapaniwala na ang isang babaeng ni walang katiting na dugo ng Montezides ang siyang nangahas na pagtaasan siya ng boses. Hindi maaari iyon, hindi katanggap-tanggap. Dahil siya si Stevan Montezides, ang humahawak sa titulong eldest master ng pamilya pagkatapos mamatay ni Marcus. Nangangahulugan lang niyon na kung sinuman ang mangangahas na pagtaasan siya ng boses ay hindi niya palalampasin. “You really dared to raise your voice at me? Who do you think you are? You are just a damn bride Senyora Elizabeth chose!” Nanginginig na ito sa galit. Humugot ng malalim na hininga si Sierra at taas noong tiningnan si Stevan. “I am just a wife who protects her helpless husband.” Malamig, ngunit klaro niyang sinabi. “How about you? Who are you to punish my husband? Nakalilimutan mo bang hindi mo siya anak para hatawin mo ng ganyan? As far as I remembered, you don't have the righ
Nakagat ni Sierra ang pang-ibabang labi. Nakaramdam ng takot na baka mabuko siya ng asawa.. Bakit ba kasi niya nabanggit ang ganoong apilyedo? Sa dinami-rami ng apilyedong pwedeng banggitin, talagang ang Narvaez pa! "Uhm... Asuncion, Flores, Santibañez or anyone?" Kabadong sinabi niya. Nanatili lamang na naka-angat ng kilay si Marco, kitang-kita niya ang pagkakabalisa sa likod ng mata ng babae na pilit nitong ikinukubli. Wala sa sariling napa-angat ang sulok ng kanyang labi, sumasayaw sa kapilyuhan ang mga mata. Subalit kailangan niya itong pigilan dahil kung hindi ay mabubuko siya sa kanyang sekreto. "You don't know them, you'll meet them later tonight." Malamig na usal ng lalaki. Lunes iyon ng umaga, ang mga bata ay nakaalis na kasama si Alea at Carlos sa eskwelahan. Si Sierra naman ay nag-abang na lang ng taxi sa labas ng village para pumunta sa lokasyon ng shooting para sa isang pelikula. Medyo labag sa kanyang loob ang pagpayag na maging parte ng produksyon subalit wala s
Masyado yatang naging apektado si Sierra sa sinabi ng anak dahilan upang magdamag iyong bumagabag sa kanya. Puyat tuloy siya kinabukasan nang pumasok sa opisina. "Welcome back in the office, Miss Sierra!" Masiglang bungad ni Brianna, assistant ni Sierra at may pinutok pang confetti. "Oh my gosh!" Napawak ang babae sa kanyang dibdib sa labis na gulat. Sa sobrang kalutangan dahil sa puyat ay hindi na niya napansin ang mga paligid sa kanyang opisina, basta na lamang kasi siyang pumasok. "Alam ninyo po ba ma'am nang dahil sa inyo ay palagi ng trending ang company natin? Hindi na lang sina Miss Shanaia ang umiindorso kundi pati na ang mga influencers and other celebrities even without payment!" Patiling anunsyo pa ni Brianna, "siyempre meron pa rin namang bashers pero mas marami pa rin ang sumusuporta at bumibili not because of the clout but because our product is high when it comes to quality!""That's true!" Sabat ng assistant manager na si Evan, ang lahat ng mata ay dumako rito. Ala
Pagkatapos mag-almusal ng mag-anak ay tumungo na sila sa entertainment room para sa gaganapin kunong 'massage session'. Pabor naman iyon kay Sierra dahil wala siyang trabaho sa araw na iyon. Natapos na kasi ang kanyang trabaho bilang personal wardrobe assistant ni Shanaia Sanchez ngayong tapos na ang photoshoot ng mga ito. Ngayon ay balik opisina na siya at gagawin na ang totoong trabaho, iyon ay ang magdesenyo ng mga damit. Wala ring pasok ang mga bata sa araw na iyon dahil sa biglaang pagbabago ng panahon. Kaya ngayon ay nakatambay sila sa entertainment room. "I am so happy right now, Mommy!" Ngiting abot langit na sinabi ni Thalia. "Because you and handsome uncle are here! We can be a happy family!" Maligalig pang dagdag ng batang babae. "Are you happy, Kuya Vester?" Baling nito sa batang lalaking tahimik lang. Dumako ang tingin ni Sierra kay Vester, tiningnan ang bawat reaksyon nito sa mukha. Kumunot ang noo ng bata na para bang pinag-iisipan pa nito ang sagot sa tanong ng
Kinabukasan ay alas singko ng umaga nagising si Sierra upang maghanda ng almusal para sa mga bata. Naroon naman si Carlos at Alea ngunit dahil madalas na hindi niya nakasama ang anak nitong mga nakaraang araw ay gusto niyang bumawi. "Utusan ninyo ako eldest mistress, ah!" Ani Alea na medyo hindi mapakali ng walang ginagawa. Ginawa na nito yon noong unang araw nito sa bahay pero ngayong ginawa nito ulit, hindi niya maiwasang mahiya dahil trabaho niya iyon! "Huwag kang mag-alala, Alea, sanay akong ipinaghahanda ang anak ko ng pagkain. This is not new to me, at bumabawi lang ako sa mga bata dahil nitong mga nakaraang araw ay puro ako trabaho." Paliwanag ni Sierra habang hinahalo ang mga sangkap sa isang stainless steel na lagayan ng pancake. Nakangiti naman si Alea roon, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting inggit dahil may ina palang ganoon. Hindi kagaya ng kanyang inang mas pinili siyang pagtrabahuhin sa murang edad para may pambayad ng mga utang sa sugal. "Ayos ka lang
"Wala rin dito ang young master!" Naiiyak na bulalas ni Alea. "Nasaan kaya siya? Naku sana naman po walang nangyaring hindi maganda sa kanya! Sabihin na po kaya natin sa senyora, eldest mistress?" Napatingin si Sierra kay Alea sa sinabi nitong iyon. Kanina pa niya iyong naiisip ngunit ayaw niya namang pag-alalahanin ang matanda. Baka nagpapahinga na ito ngayon. Kinuha na lamang ni Sierra ang telepono upang tumawag ng police dahil talagang wala na siyang choice. Ngunit naalala niyang mayroon nga pala siyang cctv sa sala kaya naman iyon na lamang ang tiningnan niya. Subalit laking pagtataka niya dahil wala namang bakas ni Marco na lumabas ng bahay, bumaba oo ngunit umakyat din naman agad ito sa opisina nito. "Tara, tingnan natin ulit sa opisina niya." Ani Sierra at nauna ng pumasok sa kabahayan upang tingnan muli ang asawa. Nang matanaw ang dalawa ay halos mangiyak na si Carlos. Palihim siyang nagtipa ng mensahe para kay Marco. To Young Master: Young master, wala na. Bumali
Walang nagawa si Sierra kung hindi ang buksan ang pintuan ng sasakyan at lumabas. Nais niyang magtanong kung bakit biglang nagbago ang isip ng lalaki ngunit sa sobrang inis ay hindi na lamang niya ginawa, bagkus ay malakas niyang isinara ang pinto upang iparating dito ang iritasyon niya. Sinong hindi maiirita kung bigla ka na lang pababain sa gitna ng kalsada kung saan walang halos dumadaan na taxi at maghahating gabi na?! Kung sana hindi ito umeksena sa restawran edi sana roon pa lamang ay nakasakay na siya at matiwasay nang nakauwi sa bahay. Hindi iyon sa ganoong oras ay para siyang ligaw na multong nakatayo sa gilid ng kalsada at naghihintay ng magbibigay sa kanya ng hustisya. "Nakakainis! Humanda ka sa ganti ko, impaktong lalaki ka." Inis na bulong ni Sierra sa sarili. Halos isang oras din ang kanyang hinintay roon bago may taxing dumaan. Nang makarating sa bahay ay dumiretso siya sa opisina ni Marco upang ipaalam dito na nakauwi na siya subalit laking panlalaki ng kanyang
Lahat ng mga taong naroon ay lumingon at nakatuon ang mga mata sa likuran. Kahit na pilitin man ni Sierra na itanggi ang presensya sa kanyang harapan ay alam niyang mas makakakuha siya ng atensyon. Kaya naman, tumikhim siya at saka tuwid na tumayo at hilaw na nginitian ang lalaki. "Oh, Mr. Narvaez, what are you doing here?" Patay-malisya niyang tanong. "Hinahanap ka?" Umarko pa ang isang kilay nito. Gusto ng umirap ni Sierra sa inis dahil sa sagot nitong iyon. Bakit naman siya nito hahanapin? Oo nga at may kasunduan silang magkikita sa ganoong araw subalit hindi naman niya akalaing talagang hahanapin siya nito para lang doon! Mas kumalat tuloy sa kalamnan ni Sierra ang inis ngunit kailangan niya iyong itago dahil maraming mata ang nakamasid sa kanila. Kaya naman, kinalma niya ang sarili sa kagustuhang kalmutin ang lalaki sa mukha at humugot na lamang ng malalim na hininga. "Oh, did my husband asked you to fetch me?" Ani Sierra sabay kindat upang ma-gets naman ni Sylvio ang
Pagkatapos iyong sabihin ng waiter ay siya namang pagpasok ni Sylvio Narvaez dahilan upang magsinghapan ang mga naroroon. Sa kabilang banda, habang ang lahat ng atensyon ay nasa lalaking bagong dating ay dahan-dahan siyang naglakad paatras at naupo sa may pinakasulok, tinakpan ng kamay ang kanyang noo at nakatungo sa kanyang telepono. Obviously, nagtatago. Abot langit ang kaba sa puso ni Beatriz nang makita ang lalaking kanyang inasam-asam na makita. Ayon sa kanyang ama ay napakahirap nitong hagilapin subalit ngayong gabi ay talagang pinaunlakan ng lalaki ang request ng ama alang-alang sa kanya! Ganoon siya kamahal ng kanyang ama!Mahal na mahal niya si Lukas Buena subalit ito na mismo ang kusang nagpatigil ng kanilang kasal, kaya ngayong nandito na si Sylvio Narvaez na isang pinakamayamang tao sa mundo ay hindi siya magdadalawang isip na magpakasal dito! Kapag naging isang ganap na siyang Mrs. Narvaez ay magagawa na niya ang lahat, mapapaluhod na niya ang mga tao. Maaalipusta na ni
Simula ng makarating sila sa Delicacies Restaurant ay hindi na humupa pa ang ingay lalo at marami ang imbitado. Dahil hindi lamang mga kasamahan sa photoshoot ang inimbita maging ang ilang mga sikat na panauhin sa larangan ng industriya. Ganoon ang gusto ni Beatriz, gusto niya iyong maraming tao nang sa ganoon ay maraming magkakautang na loob sa kanya at kapag siya naman ang may pabor na hihingin ay hindi na sila makatatanggi pa. Sa dami ng imbitado ay naging exclusive ang kainan. Pagkatapos kumain ay sinunod ang desserts at mga inumin. Roon na mas umingay nang magsimula ang inuman at tugtugan. "This evening is so lit, Miss Bea!" Anang isang sikat na lalaking artista na may hawak na whisky sa kanyang kanang kamay. "You're the best!""Oh, it's a small thing, Paul! Have more drink!" Ani Beatriz at nakipag-toast ng baso rito. "I hope this will not be the last time Miss Beatriz will held a dinner party," anang isang babaeng modelo na sipsip nang sipsip kay Beatriz. "You are so beautifu