Nagkatinginan sina Ericka, Stevan at Julian Montezides sa sinabi ng Senyora. Ang unang nakabawi ay si Ericka Montezides, tumayo ito at nilagyan ng tsaa ang baso ng biyenan. “Mama, nagkamali po si Adriana kaya po dapat ay nandito siya upang humingi ng kapatawaran. Hindi naman po tama na dahil lang sa hindi pagkakaintindihan ay nagawa na ninyo iyon sa bata,” ani Ericka. “Hindi po ba at palagi ninyong sinasabi na mahala sa isang pamilya ang makapag-usap pagkatapos ng alitan dahil iyon ang siyang mas magpapatibay sa samahan?” Kalmadong dagdag ni Ericka, umaasang makakuha ng simpayta sa biyenan. Dumaan ang galit sa mga mata ng Senyorang tumingin kay Ericka. “Talagang wala na bang saysay ang boses ko sa pamilyang ito?” Malamig at puno ng awtoridad sa boses nito. “Pinahahalagahan ko ang pamilya, ngunit hindi ang isang manloloko at mapagpanggap, alam na alam mo iyan.” Napalunok si Ericka sa kahihiyan at tuliro ang matang tumingin sa kung saan, hindi siya makatingin sa sinumang naroon.
Inutusan ni Stevan si Sierra na sumunod sa study nito. Kinausap pa sandali ni Sierra ang mga biyenan bago tuluyang sumunod kay Stevan Montezides. Nang buksan ni Sierra ang pintuan ng study ay nakita agad niya si Stevan na nakaupo sa swivel chair nito at nagsindi ng sigarilyo. Ibinuga muna nito ang usok galing sa bibig nito bago siya tuluyang hinarap, iminuwestra nito ang ang pang-isahang sofa. Naupo si Sierra doon. “Nagboluntaryo ka bang magpakasal kay Marco?” Diretsa nitong tanong. Nagulat man sa diretso nitong tanong ay sumagot pa rin si Sierra. “Yes, sir.” Magalang niyang tugon. “Anong layunin mo?” Dugtong nito. “Pumirma ka ng pre-nuptial agreement na siyang nagsasaad na hindi ka mangingialam sa mga properties na pag-aari ng mga Montezides. Huwag mong sabihing nahulog ka sa isang imbalidong lalaki? Dahil napakalabong mangyari iyon,” sarkastiko pang tumawa si Stevan. “Para po sa pag-aaral ng anak ko, sir.” Sagot ni Sierra. Nangunot ang noo ni Stevan. “Talaga? Dahil sa
“At kung ang anak na sinasabi mo ay hindi namatay at nakaligtas nga sa hagupit ng mga alon noong mga araw na iyon, then that explains why the child’s body is so weak that led him to be hospitalize in those three years. Subalit…” “Yes, that's what I thought too!” Hindi mapigilan ni Sierra ang excitement sa boses, nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata at nagwawala ang kanyang dibdib. “His facial features are very similar to Sathalia’s, every single angle of it. Siguro kung naging babae lang si Thalia, they'll pass as an identical twin!” Iyak-tawang sinabi ni Sierra. Mariin ang pagkuyom ni Gwen sa kanyang telepono sa narinig na excitement sa boses ng kaibigan. Wala sa sarili siyang napahawak sa kanyang dibdib, nalulungkot para rito. “Kumalma ka muna, Sierra…” mahinang wika ni Gwen. Pinahid ni Sierra ang luhang tumulo na sa pisngi niya. “Paano akong kakalma Gwen kung buhay ang anak ko? Buhay ang anak ko at nawalay sa akin ng ilang taon!” “He was born in June, Sierra…” nangh
Noong una pa lang ay wala ng pakialam si Sierra kung lumabas siya sa banyo ng nakamanipis na damit at walang suot na panloob, kasi imbalido naman si Marco. Hindi naman siya nito nakikita. Ngunit ibang-iba na ngayon! Gising na ang lalaki at kahit asawa niya ito ay hindi pa naman nito nakikita ang katawan niyang hubo’t hubad! Baka akalain nito na sinasadya niyang ganoon ang isuot dahil inaakit niya ito. Naramdaman niya ang pag-akyat ng init sa kanyang mukha, hindi niya alam kung anong gagawin niya. Ang tumakbo ba sa banyo at magpalit o kausapin na lang si Marco sa ganoong ayos. Para namang walang pakialam ang lalaki sa kanya at malamig lamang siyang tiningnan. Para bang walang nakikitang dedeng bumakat! Mas mainam na ngang siguro iyon kaysa naman bigyan pa niya ng malisya. Bakit naman magkakamalisya eh, hindi naman siya nito gusto? Wala naman itong pake sa kanya! “Uhm…” tumikhim si Sierra upang ayusin ang sarili. “B-Bakit ka nandito? May kailangan ka ba?” Nagpasalamat na lang talag
“Sino ang ama ng anak mo kung ganoon?” Marco asked with a gritted teeth. “Hindi ko alam.” Diretsong sagot ni Sierra. Tumaas ang sulok ng labi ni Marco para sa isang sarkastikong ngisi, nagtatagis na ang bagang nito sa irita. “Hindi mo alam? You want me to raise a child with you but you can't even tell me who's the father?” Humigpit ang hawak ni Marco sa gilid ng kanyang wheelchair. “Mukha ba akong nakikipagbiruan? Damn it! Just at least let me know who's the father!” Sierra poked the inside of her cheek. “Hindi ko talaga alam…” humugot ng malalim na hininga si Sierra dahil hindi niya alam kung paano ito ipaliliwanag dito. “I… was drunk when that happens so I have no idea who's the father.” Bigla ay gusto niya na lang magpalamon sa kama. Ano kaya ang iniisip ng lalaki sa kanya? Iniisip ba nito na isa siyang pariwarang babae para mangyari iyon? “So, it was a one night thing, huh.” Marco said in a mocking voice. Nais niyang tumawa ngunit masyado siyang iritado para roon. Wait
“Kasasabi mo lang na hindi na ito maganda, kaya dapat lang na tigilan na natin ito. Utang na loob, tama na ‘to.” Napasapo si Sierra sa sariling ulo sa inis. “Hmm…” kalmado lang na tumango si Sylvio. “Hindi nga iyon maganda para sa iyo. Hindi magandang gising na ang asawa mo tapos ikaw lumalabas para makipagkita sa ibang lalaki. Talagang hindi maganda tingnan iyon, but it has no impact to me.” “Putangina…” bulalas na lang ni Sierra sa sinabi ng lalaki. “O baka gusto mong ipakita ko sa asawa mo ang mga larawan natin noong gabi ng inyong kasal?” Nakangisi nitong banta. Parang pinagbagsakan ng mundo si Sierra sa narinig. Ngunit hindi niya maaaring ipakita sa lalaki na takot siya sa bawat banta nito. Kaya naman, matalim ang matang tinapunan niya ito ng tingin. “Sige, subukan mo. Have you ever heard of a saying that rabbit bites when they are anxious?” Malamig niyang sinabi. Sylvio shifted on his weight. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pants nito. “What
“Audrey, hija…” Sandaling napatigil si Audrey sa pagsusuklay ng kanyang mahabang itim na buhok sa harapan ng malaking salamin nang makarinig ng katok sa pintuan. Ang kanilang kasambahay iyon. “Nariyan ang kapatid mo sa baba at hinahanap ka.” Sa narinig ay agad na lumapad ang ngiti sa mga labi ni Audrey. Kapagkuwan ay wala sa sariling tumulala at seryosong siyang tumitig sa salamin, sa kanyang mukhang hindi mahitsura dahil nasunog ito ng isang matapang na chemical. Ginapangan na naman siya ng insekyuridad, napakalayo nito sa kanyang dating mukha.Dahil sa nangyari ay malimit na lamang niya kung tingnan ang sarili sa salamin, maging ang kanyang Kasintahang si Julian ay nandidiri sa tuwing magkasama sila nitong mga nakaraan. Sino ba naman ang hindi mandidiri sa ganitong mukha? Kung hindi lang dahil sa anak niya at kay Julian, marahil ay winakasan na niya ang sariling buhay.Inaasahan niyang sa tagal nilang magkarelasyon ay tatanggapin at mamahalin pa rin siya ng kasintahan sa kabila ng
“Hindi totoo iyan, Adriana! Anak ito ni Julian! Si Julian lang ang lalaking pinagbigyan ko ng sarili!” Mas tumindi ang pag-agos ng likido sa pagitan ng hita ni Audrey nang sumigaw siya. Tumawa si Adriana at bahagyang umuklo upang magpantay ang kanilang mukha ni Audrey. Imbes na maawa ay mapanuya pa siya nitong sinuri ng tingin. “Talaga ba, Audrey?” Puno ng pang-uuyam na wika ni Adriana. “Well, gusto ko lang malaman mo na hindi.” Tumayo si Adriana at buryong pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Isang walang kwentang lalaki lang naman ang nakasiping mo nang gabi ng kaarawan mo. Simple lang, pinainom kita nang pinainom hanggang sa malasing ka at mawalan ng malay. Habang nakikipagniig ka sa hindi kilalang lalaki, nandoon ako, kasama ni Julian at masayang pinagsaluhan ang malamig na gabi.” Kuwento ni Adriana. “Kaya walang kwenta iyang dinadala mo at dapat lang na mamatay kasama mo. Mga walang kuwenta! Isa pa, dapat lang sa'yo na masira ang mukha dahil iyan lang naman ang habol ni Julian s