“Grandma…” Nababaksan ng pagtutol ang tinig ni Adriana. Ngunit ang Senyora ay inignora ito at malambing lamang na bumaling kay Sierra, hinawakan pa nito ang dalawang kamay. “Natakot ka ba?” Alanganing tumango si Sierra ngunit kapagkuwan ay umiling din. Matalim na tiningnan ni Senyora si Adriana, ang huli ay mabilis namang lumuhod sa gilid ni Sierra. “Huwag kang mag-alala, apo… simula ngayon ay kakampi mo na ang grandma sa lahat ng pagkakataon. Simula ngayon ay hindi na natin hahayaan ang kung sinumang hahamak sa iyo. Kung mayroon mang pasekretong gagawin iyon, sabihin mo lang sa grandma at ako ang bahala.” Nagbaba ng tingin si Sierra. Bagama't napakasarap sa isip at dibdib ang matatamis na salitang iyon ay hindi pa rin magawang maniwala ni Sierra. Kaya naman, sa mababa at nagtatampong tinig, nagsalita siya. “Ilang beses ni'yo na pong sinabi iyan, grandma… but everytime there's a misunderstanding happening, you we're not taking my side and was immediately believed someone e
Sinenyasan ng Senyora si Adriana na maupo sa sofa, ngayon ay pinagigitnaan na ng maghipag ang Senyora. Nagkukwentuhan pa si Sierra at ang Senyora habang naghihintay ng balita. Talaga ngang makapangyarihang ang pangalang Montezides sa bansa dahil ilang sandali lamang ang makalipas ay mayroon ng balita si Carlos. Hindi naitago ni Sierra ang panlalaki ng mata dahil hindi niya inaasahan na ganoon lamang kadali para sa kanilang gawin iyon! Alam niya na naman na mayaman ang mga ito at maraming koneksyon ngunit hindi niya lubos akalaing ganito iyon! Tumawa ang Senyora sa nakikitang gulat sa mga mata ni Sierra. “Masanay ka na, Sierra. Dahil para sa pamilyang ito, madali na lang mahanap ang lahat. Lalo na kung ang hinahanap ay may ginawang hindi maganda sa miyembro ng pamilyang ito,” sa huling linya ay nakitaan ng pagtalim ang mata nito. Sa kabilang dako, mahigpit naman ang pagkakakuyom ni Adriana sa kanyang kamay na naramdaman pa nga niya ang pagbaon ng mahabang kuko sa palad. Pinagpap
Mabilis na dinaluhan ni Anita ang senyora nang makalabas si Adriana. “Huminahon ho kayo, Senyora. Hindi ho maganda sa iyong puso ang magalit ng labis.” Marahang paalala nito sa amo dahil nanginginig na ang baba nito sa galit. Hinawakan ni Sierra ang kamay ng Senyora at nag-inhale exhale ito upang pakalmahin din ang ginang. Sinunod naman nito iyon hanggang sa unti-unti na ngang kumalma ang paghinga nito. Ilang segundo ang nakalilipas nang magsalita si Carlos. “Madame, nariyan ho sa labas si doktor Liam at nais daw kayong makausap.” Imporma nito. Ngumiti ang senyora atsaka tumango. Ilang sandali lang ay naglalakad na palapit sa kanila si doc Liam. “Doktor, mayroon na bang progreso ang kondisyon ng aking apo?” hindi na makapaghintay na tanong ng Senyora. Tipid lamang na tumango si Liam ngunit walang salitang lumabas sa bibig nito. Kapagkuwan ay tumungo ang mata niya kay Sierra, “Mrs. Montezides, maaari ko bang makausap muna ng masinsinan ang Senyora? Kung maaari lang sana…” Bum
“Mayroon akong inihandang mga kasangkapan upang maisagawa ng maayos ang plano…” Simula ni Liam, binuksan nito ang bag at inilabas ang maliit na bagay roon. “Ilalagay mo lang ito sa sabaw or any liquid na iinumin ni Sierra dahil madali lang naman itong natutunaw.” Inabot na ni Liam ang bagay sa Senyora. Sunud-sunod namang tumango ang ginang. Sa loob-loob niya ay nagdidiwang na siya sa pagkakaroon ng panibagong apo ay iniisip na niya ang mga bagay-bagay na ibibigay sa apo. Gusto niya talaga ng maraming bata sa bahay, lalong-lalo na kung may bagong sanggol! Subalit kahit na magkaroon pa man ng bagong miyembro ng pamilya, hindi pa rin mababawasan ang pagmamahal niya para sa dalawang apo. Si Sylvester at Sathalia. Napapangiwi si Liam, alam niya kasing kapag nalaman ni Marco ang tungkol dito ay siguradong papatayin siya ng kaibigan. ‘Mag-asawa naman sila. Kaya dapat lang na may mangyari sa kanilang dalawa.” Iyon na lamang ang pakunswelo niya sa gagawin. Sa buong buhay ng kaibigan
“Miss Sierra Montalban! Why are you still standing there? Come here, join us.” Nakangiting tawag sa kanya ni Lorenzo Gabral. Bumalik sa reyalidad si Sierra mula sa paglalakbay ng kanyang isip sa nakaraan. Pinagdikit niya ang kanyang ngipin habang matalim ang matang nakatitig kay Lorenzo. Pinilit na itinago ni Sierra ang galit na nararamdaman at pilit ang ngiting iginawad niya kay Lorenzo Gabral. Nakipagkamay siya rito nang tuluyang malalapit. “Oh, Mr. Gabral, my apologies. I was just in a daze for a moment because I remembered someone from the past when I saw you,” mahinhing tumawa si Sierra. “Really? Hmm… nakakakuryoso naman iyan, maybe you could introduce us with each other when you have time,” wika ni Lorenzo at lihim na sinuri ng tingin ang babae. Isinagawa ni Lorenzo itong meeting hindi dahil interesado siyang makilala ang nagmamay-ari ng disenyo ng design department. Bagkus ay gusto niya lang makita ang babaeng siyang dahilan ng pagpapatalsik kay Adriana sa Villa ng Mo
Alas siyete pa lang ng gabi ngayon, ganitong mga oras ay maingay ang buong sala dahil naghahabulan ang dalawang bata. Ngayon ay katakatakang katahimikan, walang Thalia na makulit na tumatawag kay Sylvester at walang Vester na iritadong tumutugon sa tawag nito. Wala ring ingay na nanggagaling sa TV para sa pambatang palabas, ni anino ni Carlos ay wala rin. Saan ang mga tao? Sa kaligitnaan ng pagtataka ni Sierra sa kawalan ng tao sa sala ay narinig niya ang boses kung saan. “Ang eldest mistress ni’yo ba iyon?” Boses iyon ng Senyora na nanggagaling sa kusina. Bakit nandito ito ng ganitong oras? At sa kusina? Anong ginagawa nito roon?Hindi kaya ay naghihintay na naman ito sa kanya katulad noong nakaraan? Naalala ni Sierra ang paalala ng Senyora na huwag ng muling lumabas ng gabi! Kumalabog ang dibdib niya sa kaba. Mas tumindi ang kaba niya nang marinig ang papalapit na yabag. Inayos niya ang sarili at nagsalita. “Grandma...” Ilang saglit pa ay natanaw na niya ang Senyora. Agad n
Nakaramdam siya ng pananakot sa kanyang palapulsuhan dahilan upang mabahgyang magising si Sierra. Kunot ang kanyang noong nagmulat ng tingin, kumurap-kurap nang makita ang dilat na mga mata ni Marco. Ibang-iba iyon sa mata nito tuwing nagmumulat. Ngayon ay mayroon ng klarong emosyon, galit. Galit ang emosyon na iyon. Hindi na blanko. Mula sa mata nito ay lumipat ang tingin ni Sierra sa kanyang masakit na palapulsuhan. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya nang makitang hawak-hawak ito ni Marco! Ibig sabihin. Ibig sabihin ay gising na nga ito at hindi lang siya nananaginip? Hindi imahinasyon ang lahat? “G-gising ka na?” Wala sa sariling tanong ni Sierra. Nagsalubong ang kilay ni Marco. “Oo. Bakit? Dismayado ka bang gising na ako?” Sa narinig ay halos lumuwa ang mata ni Sierra at basta na lang tumalon sa kama! Hindi lang basta nagmulat, nagsalita pa! “Ah! T-tatawagan ko ang Senyora!” Bulalas niya at saka kumaripas ng takbo palabas nang walang suot na tsenilas. Na
Hindi inasahan ng Senyora na marinig iyon galing kay Sierra, kaya naman bahagyang nanlaki ang kanyang mata sa gulat. Ngunit sa totoo ay tama lamang na iyon ang hula nito dahil masyadong halata ang naging epekto niyon sa kanyang katawan. Bilang pagsuko sa ginawa ay marahang tumango si Senyora. “Nang bumisita kanina ang doktor ni Marco at sinabing nanumbalik na raw ang male function nito. Labis akong natuwa, ibig sabihin lamang niyon ay mataas ang tiyansang magkakaroon siya ng lehitimong tagapagmana.” Humugot ito ng malalim na hininga, “patawad at ang tanging inintindi ko lang ay ang kapakanan ng aking apo, nakalimutan kong intindihin ang nararamdaman mo…” Sa narinig ay sandaling tumulala si Sierra. May palagay na rin naman siyang iyon nga ang rason ng Senyora kaya niya iyon ginawa, ngunit hindi niya inaasahang sa ganoong paraan niya ito gagawin. Alam ni Sierra na mahalaga sa isang mayamang pamilya katulad ng mga Montezides ang pagpapatuloy ng kanilang angkan. Oo at nag-ampon nga si