Share

Chapter 39

Gumapang ang kaba sa dibdib ni Sierra nang makapasok sa double doors ng mansyon ay nakita niyang maliwanag ang sala. Nakapagtataka na lagpas ala una na ng madaling araw at may sinong gising pa!

Sino namang gising pa maliban sa kanya sa ganitong oras?

Hindi kaya…

Ihininga ng malalim ni Sierra ang kabang nararamdaman at isinarado na ang pintuan. Naglakad siya patungo roon at nakita si Anita, ang kanang kamay ng Senyora na nakaupo sa sofa at parang may hinihintay.

“Magandang gabi, Anita…” paunang bati niya rito.

Tipid lamang tumango ang babae na sa hinuha niya ay nasa lagpas trienta ang edad. “Magandang gabi rin, eldest mistress… ang Senyora ay kasalukuyang naghihintay sa'yo sa kanyang study.”

Napakagat ng pang-ibabang labi si Sierra, kung ngayon ay kinabahan na siya nang makitang bukas ang ilaw ng sala ay mas tumindi pa ang nararamdaman niya nang malamang naghihintay sa kanya ang ginang!

Sumunod si Sierra nang nagsimulang maglakad si Anita patungong study ng Senyora. Halos
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ethaniel Rein
salamat din po sa paghihintay ng update! God bless
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
thanks for the update author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status