Share

Chapter 36

Halos humiwalay sa katawan ni Sierra ang kaluluwa sa narinig. Diretso siyang tumayo at inayos ang sarili.

Paanong nasa presinto si Peter e, hindi naman iyon bayolenteng tao! Ito na yata ang pinakamalambing at pinakamahinahong lalaking nakilala niya.

Sa ilang taon nilang magkasama ay hindi pa niya kailanman nakitang nagalit ang kapatid at magawang manakit ng kapwa.

Maliban na lang sa isang tao…

Mabilis na naglakad si Sierra at basta na lang pumasok sa study. Hindi na siya kumatok pa kaya naman sabay na napatingin si Morgan at Sylvio sa kanya. May hawak pang papel at ballpen ang lalaki.

“I'm sorry for interrupting, but I have to go now.” Nagmamadali niyang sinabi.

Tamad lamang siyang tiningnan ni Sylvio at nangunot ang noo.

“It hasn't been two hours since you're here, woman. Hindi iyon ang napag-usapan natin.” Anito ngunit wala ng pakialam pa si Sierra.

“Nasa presinto ang kapatid ko ngayon, I'll make it up to you next time.” ani Sierra, kitang-kita ang pagmamadali sa its
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status