Sinalubong ni Nanay ang mga bagong dating sa labas ng kaniyang bakuran.
Sumilip naman ako mula dito sa kusina dahil kita naman mula dito ang mga bagong dating.
Inutusan kasi ako ni Nanay na hugasan ang mga ginamit n’ya sa pagluluto. Nilinis kuna ‘din ang kusina para hindi naman nakakahiya sa mga bisita kung maabutan nilang marumi sa bahay ni Nanay.
“Marami po ata kayong kasama ngayon, Sir?”tanong ni Manang sa lalaking nakasuot ng sunglasses, shorts and white shirt.
Napakalinis nitong tingnan sa suot nitong damit. Sino kaya siya? Bakit pamilyar ang siya sa’kin? Nagkita na ‘ba kami dati?
“Nagpa-plano po kasi akong magtayo ng resthouse dito para naman may tutuluyan ako kapag pumupunta ako dito para hindi kuna po kayo naabala”magalang nitong sabi sa kausap.
Kitang-kita ko ang tuwa sa mukha ni Nanay mukhang matagal na silang magkakilala.
“Hay naku, sir. Mapalad ang matandang katulad ko dahil sa’kin ka nanunuluyan kapag nagagawi ka dito”tugon naman dito ni Nanay.
“Huwag n’yo na po akong tawaging Sir. Nakakahiya po, e”anito.
“Ah, sige. Mayor na lang, alam kung ikaw ang mananalo sa darating na eleksyon kaya ‘yun na ang itatawag ko sayo”sagot dito ni Nanay.
Mayor? Nakapabata pa n’ya para ‘dun. Pero mukhang tiwala dito si Nanay.
Nahihiya namang tumawa ang kakwentuhan n’ya sabay kamot pa sa noo n’ya.
“Nga pala, Mayor. Meron akong niluto sa loob, kumain muna kayo ng mga kasama mo”alok ni Nanay sa mga ito kaya kaagad akong tumakbo papunta sa kwarto ko.
“Kumusta naman kayo dito? Bukas po, magkakaroon ng medical mission sa bayan. Pumunta po kayo para magpa-check-up”rinig kong sabi nito kay Nanay nang makapasok na sila sa loob ng bahay.
“Ay, naku. Hindi mo ba alam na mas malakas pa ako kaysa sa kalabaw, kaya ko pa ngang mag-araro, e”giit naman dito ni Nanay.
“Ikaw talaga, Nay. Wala kang ipinagbago”anito.
“Kumusta naman po pala si Jannet, ‘yung bunso n’yong babae?”tanong nito sa matanda.
“Ayun, sa awa ng Diyos nakapagtuturo na. Maraming salamat sa tulong ninyo Mayor”anang ng matanda.
Hindi na ako nakinig sa usapan nila. Mas ninais ko pang ayusin ang mga dala kung gamit.
Napatingin ako sa nakasaradong pintuan ng may marinig na sunod-sunod na pagkatok mula doon.
Naglakad ako papunta ‘don at binuksan ang pintuan. Si Nanay ang tumambad sa’kin kaya kaagad akong ngumiti sa kaniya.
“Hindi kapa ba nagugutom?”tanong n’ya.
Umiling ako.”Hindi pa naman po, busog pa po ako”
Tumango siya sa’kin biglang tugon.
“Oh, sige. Tatabihan na lang kita ng pagkain para kapag nagutom ka may makakain ka. Pumunta kana lang sa kusina”bilin n’ya.
Tumango ako.”Opo, Nanay”
“Nanay. Di’ba po may malapit na batis dito?”paninigurado ko kasi baka wala na ‘yun ngayon.
“Oo, iha. Malapit lang ‘yun, bakit pupunta kaba?”tanong n’ya.
Ngumiti naman ako at tumango. “Opo”
“Ah, sige-sige. Samahan kita—”
“Ay, h’wag na po Nanay. Ako na lang po, naalala ko pa naman ang daan, e”saad ko.
Ngumiti ako sa kaniya ng malawak ng makita ang pagkadisgusto sa mukha n’ya. Siguro sasabihin n’ya sa’kin na baka manuno ako or maligaw.
“Nanay. Malaki na po ako, and I can travel around the world by myself. I can make it, so please don’t worry about me”paninigurado ko.
Huminga s’ya ng malalim bilang pagsuko hindi naman kalaunan at pumayag ‘din s’ya kaya kaagad akong naghanda para makapunta sa batis without troubling her.
I’m wearing maong short and yellow top. Halos maligaw ako sa kagubatan dahil hindi kuna maalala ang daan papunta sa batis mabuti na lang dahil narinig ko ang pagragasa ng tubig na nagmumula doon kaya sinundan ko ‘yun at bumulaga sa’akin ang napakagandang batis.
Kumuha ako ng ilang pictures at video bago nagtampisaw sa tubig. Siguro wala namang magagawi sa mga oras na ito dito kaya hinubad ko ang suot kung shorts at top.
Tanging panty at bra na lang ang natira sa katawan ko bago lumusong sa nakapakalamig na tubig.
“Magpagawa kaya ako ng ganitong batis sa dream house ko?”bulong ko sa sarili habang lumalangoy.
Sawang-sawa na kasi ako sa swimming pool. Gusto ko ‘yung natural na tubig na walang halong chemical.
Napahaon ako sa tubig ‘nong may marinig akong sumigaw. Naalarma ako kaya kaagad kong kinuha ang mga damit ko at mabilisang isinuot.
“Sino kaya ‘yun?”tanong ko sa sarili habang itinataas ang zipper ng short ko.
Sinuklay ko ang basa kung buhok gamit ang mga daliri ko bago umalis sa batis.
“I swear may nakita akong diwatang naliligo sa batis! Maniwala kayo!”
Napatigil ako sa paglakad nang may marinig na nagsasalita kaya nagtago ako sa likod ng malaking puno.
“Tumigil ka nga Mike. Namatanda ka ata pare”saway dito ng kasama n’ya kaya sumilip ako sa kinaroroonan nila.
Tatlo silang lalaking magkakasama. Mukhang hindi sila mga taga dito sa lugar, ano kaya ang ginagawa nila dito?
“Totoo nga pare, kahit tingnan n’yo pa. Lumalangoy siya at walang saplot kahit isa”giit nito.
Nakapakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa inis.
“Ako ata ang tinutukoy ng bastos na lalaking ‘to, e!”inis na bulong ko.
Napakasinungaling ng lalaking ‘to! N*******d daw.Hindi niya ba alam ang tawag sa bra at panty?
“Talaga? Walang saplot kahit isa? Bobo kaba pare? Sino naman ang taga dito sa lugar na ‘to ang maghuhubad sa tanghaling tapat!”sigaw dito ng isa.
“Tama na ‘yan. Tingnan na lang natin kung totoo ang sinasabi ni Mike”awat naman dito ng isa nilang kasama.
“Teka? Parang s’ya ‘yung bisita ni Nanay?”usal ko habang nakatingin sa pamilyar na lalaki.
Nakasuot kasi ito ng same sunglasses katulad ‘nong lalaking dumating kanina sa bahay ni Nanay kanina.
Madali kung makalimot ang mukha ng mga taong nakakasalamuha ko lalo na kung ilang sandali ko lang nakita or nakilala. Kaya nga ‘nong nag college ako, ilang beses akong nag shift ng course dahil hindi ako magaling sa kahit ano.
“Anong gagawin natin sa babae kung sakaling makita natin?”tanong dito ‘nong nag ngangalang Mike na nakakita sa’kin kanina.
“Dadalhin natin sa mental hospital baka baliw”tugon naman dito ‘nong pamilyar na lalaki saka ito naunang naglakad kaya nagtago ako ng mabuti.
Baliw? Ako? Mga walanghiya ‘to, ah!
‘Nong makaalis sila saka naman ako naglakad pabalik sa bahay ni Nanay.
Maaga akong nagising para tulungan si Lola sa pagluto ng almusal. Maagang dumating ang mga magsasaka para daw kausapin ang mga bisita ni Nanay.“Manay, sisay a kaiba mong magayun na raraga?”-magsasakaNapatingin ako kay Nanay dahil sa tanong ng isang magsasaka habang nakatingin ito sa ‘akin. Tinatanong n’ya kung sino daw ang kasama ni Nanay na ‘raraga’ it means dalaga ‘magayun’ it means maganda ‘manay’ it means ate ‘sisay’ it means ‘sino’ in Bicol.Nagkatinginan kami ni Nanay. Hindi ko kasi pwedeng sabihin na anak ako ng Congressman dahil baka may tumangka sa buhay ko. Alam ‘din naman ‘yun ni Nanay kaya kaagad akong sumagot sa tanong ng magsasaka.“Ako tabi si Maria. Apo ni Nanay”pakilala ko sa aking sarili in Bicol language.‘tabi’ means ‘po’ in Bicol. Marami ang dialect dito sa Bicol, iba ang dialect ng Bato at iba ‘din sa Naga.“Manay. Diri namo isi na may apo palan ika na sobrang magayun, kisay po siyang egin?”tanong pa ng magsasaka na hindi matanggal ang tingin sa’kin kaya pinap
Tinawagan ako ng maraming beses ni kuya pero hindi sinasagot ang tawag nito. Mukhang sa pamilya namin ako na lang ang may pakialam sa Mommy ko kahit matagal na siyang wala.Kahit wala na ang ina ko, masakit parin na may ibang babae ng may mag mamay-ari ng puso ng Daddy ko. Lalo na kung hindi ko alam kong anong gusto niyang makuha sa pamilya namin.Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pintuan.Alam kong si Nanay iyon kaya kaagad akong bumangon sa pagkakahiga at nagtungo sa pintuan para buksan iyon.Nanlaki ang mga mata ko ng isang lalaki ang mapagbuksan ko ng pintuan kaya kaagad kong isinara iyon at inilock bago pa siya nakapagsalita.Narinig ko ang muli nitong pagkatok pero hindi kuna ito pinansin. “Nakita niya kaya ang mukha ko?”tanong ko sa sarili.“Maria, ipinapaalam ko lang sayo na pumunta ng bayan si Nanay. Pinapasabi niya sayo na kumain ka daw bago matulog”rinig kong sabi ng lalaki sa labas ng nakasaradong pintuan.Narinig ko ang mga footsteps nito na papalayo sa pin
Tinulungan kong magtanim si Nanay ng mga sibuyas sa likod bahay. Napasigaw ako ng may mahukay ako sa lupang bolate.Hindi maipinta ang mukha kong diring-diri sa nakikitang bolate na gumagalaw sa lupa habang tawang-tawa naman si Nanay sa nangyari.“Ibig sabihin n’yan, iha. Mataba ang lupa kaya may bolate”natatawa paring sabi ni Nanay.Nakangiwi akong tumingin sa matanda.“I can’t believe it, how is it possible?”nanadidiring tanong ko.Napailing-iling si Nanay habang natatawa parin saka siya bumalik sa pagtatanim.“Ang arte mo naman. Bolate lang ‘yan, ginagawa pa nga ‘yang milo, e”Napalingon ako sa likuran ko ng may magsalita. Kaagad na tumayo ang balahibo sa katawan ko ng makitang nakatayo si Ares sa likod ko habang nagkakape.Bumuga ako ng hangin at tinaasan s’ya ng kaibilang kilay. Kuhang-kuha n’ya talaga ang inis ko, wala akong pakialam kong tatakbo s’yang Mayor sa bayang ‘to!“Really?”inis na sabi ko saka ko dinukwang ang bolate at lakas loob ‘yung sinungkit ng hawak kong bolo sak
Nagising ako sa kalagitnaan ng pagtulog ng makarinig ng kalabog at ingay mula sa kusina.“Baka may nakapasok na magnanakaw?”bulong ko sa sariliNaglakas loob akong bumangon mula sa pagakakahiga at naglakad palabas ng kwarto ko kahit napakadilim ng paligid.Kinuha ko ang walis tambo at nagtuloy-tuloy sa kusina.Hinding-hindi ako makakapayag na pagnakawan nila si Nanay.Naningkit ang mga mata ko ng maaninag ang taong naghahalungkat sa kusina kaya hinanda ko ang sarili kong paluin ito ng walis tambo.Akmang hahatawin kuna ito ng hawak kong armas kaagad na nagliwanag ang paligid.“I-Ikaw?!”hindi makapaniwalang sambit ko ng makilala ang lalaking nasa harapan ko.Napatingin ito sa hawak-hawak kong handa na s’yang hatawin sa ulo kaya kaagad ko ‘yung ibinaba.“Ano bang ginagawa mo ng ganitong oras? Napagkalaman tuloy kitang magnanakaw”inis na sabi ko.“Magnanakaw? Ang lala naman ng pag-overthink mo”tugon n’ya s’kin na ikinasama ng timpla ng mukha ko.“Hinahanap ko kasi ‘yung swtich kaya nakar
ARES POV“Nay, ano po ba ang pagkatao ni Maria”tanong ko sa Nanay n’ya habang nagluluto ito.Ngumiti ito at makahulugang tumingin sa’kin kaya tumikhim ako.“Hay, naku, Mayor. Maldita ang batang ‘yon pero napakabait, kung liligawan mo s’ya magiging masaya ako”nakangiting sabi nito.“Maldita?”bulong ko.Natawa ako ng maalala kong paano ako nito supladahan at malditahan.“Gising kana pala, iha”saad ni Nanay nang makita si Maria.Napatingin ako sa dalaga na bagong gising.Napakaganda parin nito kahit hindi pa nagsusuklay.Si Maria na ata ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong mundo.Tumayo ako sa pagkakaupo at ipinaghila s’ya ng upuan.Nagpasalamat naman s’ya sa’kin kaya hindi ko napigilan ang sarili kong ngumiti.“What’s wrong?”tanong ko sa kaniya ng makaupo ako sa kinauupuan ko.Mukhang hindi maganda ang gising nito dahil nakalukot ang mukha.“I can’t sleep kagabi kasi mainit”nakabusangot na sabi nito.“And your hair?”tanong ko sa kaniya dahil buhaghag ang buhok nito hindi katulad
Madalim na sa labas pero hindi parin ako nakakapagdesisyon kung pupunta ako sa resthouse ni Mayor or hindi.Kinagat-kagat ko ang ibaba kong labi, hindi ‘din naman kasi ako mapapakali kong hindi ko ako pupunta but I don’t want to go either.Bumuga ako ng hangin at nagbibis. Siguro kailangan kong pumunta para alamin kong ano ba ang gusto n’ya bakit pinapapunta n’ya ako sa resthouse.“Oh, nakabihis ka ata iha? May pupuntaha ka?”tanong sa’kin ni Nanay ng makita niya akong nakaayos.“Mamaya kuna lang po ipapaliwanag, Nay. Aalis na po ako”paalam ko sa kaniya.Nagmamadali akong lumabas ng bahay at nagpahatid sa trycicle sa resthouse.Lakas-loob akong pumasok sa bakuran. Niloloko n’ya ba ako? Wala namang tao at sobrang dilim pa?Napakurap-kurap ang mga mata ko kasabay ng pagbuka ng bibig ko ng biglang magliwanag ang buong paligid.Napa-wow ako ng makita ang buong lugar. Napaka-cozy ng pagkakagawa at napaka-simple lang ng interior design.“Nagustuhan mo?”Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa
Halos buong hapon kami nag-aayos ng mga furniture dito sa resthouse kaya naupo muna ako sa sofa ng ilang minuto para magpahinga.“Komportable ka sa sofa? Hindi naman masyadong malambot?”tanong n’ya sa’kin.“Umupo ka kaya para malaman mo”naiinis na sabi ko.“Gusto ko kasing ikaw ang mauna”anito.“Ewan ko sa’yo”naiinis paring sabi ko.“Maria”tawag n’ya sa pangalan ko.“Ano?!”taas kilay na tanong ko. Nagulat na lang ako ng lumuhod s’ya sa paanan ko.“Ano bang ginagawa mo?”tanong ko.“Buntis kaba?”tanong nito na ikinagulat ko.“A-Ano?”gulat na sabi ko.“Kagabi, naduwal ka. Tapos palagi kang naiinis sa’kin, di’ba sign ‘yun na buntis ang babae?”paliwanag n’ya.Halos matawa naman ako sa sinabi n’ya.“Ano bang sinabi mo d’yan? Hindi ako buntis”paninigurado ko.Nakita ko sa pagmumukha n’ya na hindi s’ya kumbinsido sa sinabi ko.“May period ako ngayon kaya sigurado akong hindi ako buntis”giit ko.“Talaga? Sigurado ka?”sunod-sunod n’yang tanong na ikinataas ng kilay ko.“Bakit? Gusto mo ng ebide
Maaga akong nagising para samahan si Ares na mamili ng mga kakailanganin n’ya sa resthouse.Nagtaka ako ng makitang marami s’yang tsinelas na binili para sa mga bata.“Para kanino ang mga ‘yan?”tanong ko sa kaniya.“Naalala mo ‘yung mga batang kalaro ko ng patentero? Sila ang bibigyan ko ng mga tsinelas, napansin ko kasi na lumang-luma na ang suot nila, ‘yung iba wala talagang tsinelas na ginagamit”paliwanag n’ya kaya humanga ako sa kaniya.He’s very considerate, kind and demure.“Ikaw ano ang gusto mo?”tanong n’ya sa’kin.Ngumiti ako. “I want ice cream”Tumango s’ya. “Okay, bili tayo”“Damihan natin para mabigyan ‘din natin lahat ng bata”nakangiting saad ko.Napabaling ako sa kaniya ng maramdamang nakangiti s’ya habang nakatitig sa’kin.“Oh, bakit mo ako tinititigan ng ganyan? Bahala ka, mataas pa naman ako maningil”sabi ko na ikinatawa n’ya naman.“Handa kitang bayaran basta ikaw,baby”aniya sabay hawak sa beywang ko.Napangiti naman ako. “Let’s go!”Kitang-kita ko ang saya sa mukha
Kaagad akong niyakap ni Ares ng mapagbuksan ko siya ng pinto kinabukasan. Bakit ang aga niya naman atang dumalaw?"Ba't ang sweet mo ata ngayon?"nakangiting tanong ko sa kaniya habang yakap niya parin ako."Wala naman, gusto lang talaga kitang yakapin"tugon niya sabay halik sa sentido ko.Yinakap ko 'din siya pabalik mas mahigpit kaysa sa pagkakayakap niya sa'kin."May nangyari ba?"nag-aalalang tanong niya habang nanatili kaming magkayakap sa isa't-isa."Wala naman, gusto lang talaga kitang yakapin ng ganito"gaya ko sa sagot niya sa'kin kaya natawa siya at muli akong hinalikan sa sentido.Dati pangarap ko lang siyang mayakap ng ganito, hindi ako makapaniwalang nayayakap kuna siya ngayon na walang pag-alinlangan."Alam mo bang sobrang payapa ng puso ko tuwing yakap natin ang isa't-isa ng ganito?"anito.Napangiti naman ako. "Ako 'din""Para pala sa'yo"aniya sabay bigay sa'kin ng bulaklak.Nakangiti ko 'yung tinanggap at tiningala siya, yinuko niya naman ako at mabilis na hinagkan sa lab
Suot ko ang T-shirt ni Ares habang nagluluto ako ng breakfast. Malawak ang ngiti ko habang nasa kusina, hindi ko alam kung bakit sobrang saya-saya ko ngayon."Good morning"bati sa'kin ni Ares sabay yakap sa beywang ko at halik sa pisngi ko."Sobrang hot mo pala pagsuot ang damit ko"komento niya sabay kagat sa balikat ko at halik sa gilid ng leeg ko."Ares, nagluluto ako. H'wag mokong landiin, ang aga-aga, eh"reklamo ko.Natawa naman siya saka pinakawalan ang beywang ko. Tinulungan niya ako sa niluluto ko kaya ako naman ang yumakap sa beywang niya."Kailangan kuna nga palang umuwi"paalam n'ya.Para akong sinampal ng katotohanan na ang lalaking sa harapan ko ngayon ay pagmamay-ari na ng iba parang kinurot ang puso ko.Pilit akong ngumiti at tumango, sino ba naman ako para pigilan siya."Sige, ingat ka"sabi ko.Hinalikan niya ako sa noo bago tumalikod at naglakad palabas ng bahay.*****Sa nakalipas na ilang linggo naging patago ang relasyon namin ni Ares, hindi ko pinangarap na mating k
Maagang bumusita si Nanay at Jannet kinabukasan para kumustahin ako kaya nadatnan nila si kuya na tulog na tulog sa sofa.“Mabuti naman pala dahil sinamahan ka ng kuya mo”anang ni Jannet.Ngumiti ako. “Oo nga, e”“Nga pala, kami na lang ni Nanay ang susundo kay Amarie kila Ares para makapagpahinga kapa ng kaunti bago kayo pumunta sa sementeryo”pahayag n’ya.“Salamat”pasalamat ko sa kanilang dalawa ni Nanay.“Pwede ka naman sa’min sumama sa sementeryo para madalaw mo ‘din si Daddy”saad ko.“Naku, hindi na. Family bonding n’yo ‘yon ayaw ko namang sirain. Isa pa,sawang-sawa na kaya ang Daddy mo sa pagmumukha at boses ko dahil palagi ko s’yang dinadalaw”anito kaya mahina akong natawa.“Tigilan muna nga ‘yang kalukuhan mo”saway naman sa kanya ni Nanay na nagsasangag ng kanin.“Good morning everybody”bati ni kuya sa’min ng magising s’ya.“Mabuti naman dahil gising kana, iho. Umupo kana rito, ipagtitimpla kita ng kape”anang ni Nanay.Nagkangitian kami ni Jannet sa isa’t-isang dahil ganitong-
Alas syete ako ng gabi na discharge kaya nakauwi na ako sa bahay. Nagpumilit si kuya na dito na muna sa bahay ko matulog dahil hindi daw s’ya mapapakali kung iiwan n’ya akong mag-isa.Nakahiga ako sa sofa habang nakatanaw kay kuya na abalang nagluluto sa kusina.Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil hanggang ngayon sobrang caring n’ya pa’rin sa’kin.Nilingon n’ya ako at ngumiti sa’kin pagkuwa’y naglakad s’ya papalapit sa’kin.Napatingin ako sa mukha n’ya ng hawakan n’ya ang noo ko para tingnan kong may lagnat pa ba ako o wala na.“Nilalamig ka?”tanong n’ya.Tumango ako kaya kumuha s’ya ng comforter at ipinatong ‘yon sa katawan ko. Inayos n’ya ‘din ang unan ko kaya mas lalong naging komportable ako sa pagkakahiga sa sofa.“Salamat”nakangiti kong sabi.“Always for you my baby”tugon n’ya.Napasimangot ako. “Malaki na ako pero bini-baby mo pa’rin ako”I hearm him chuckled. “Nagrereklamo kaba? Alalahanin mong ako ang nagpapalit ng diaper mo ‘non kapag tulog na tulog si Mommy at Daddy. Ako
ARES POVPaulit-ulit kong hinilamos ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko. Damn!Kaagad kong pinagsisihan ang ginawa ko kay Almera kanina, she's not deserve that. Ginawa ko lang ‘yun para mapanatag na ang kalooban ng magiging asawa ko.Nadadamay lang s’ya sa sitwasyon namin ngayon ni Chin-Chin. Chin-Chin is very jealous to Almera ng makita nitong nagsend s’ya sa’kin ng picture ni Amarie na naka-little mermaid na costume kaya nag-away kami.Alam kong kasalanan ko dahil na kay Amarie ang buong atensyon ko during our photoshoot kaya bigla na lang pumitik si Chin-Chin.Doon ko lang s’ya nakitang nagalit ng gano’n. Bigla ‘din s’yang dinugo ‘nong araw na ‘yun at doon ko nalaman na buntis s’ya kaya nag-alala ako ng sobra.Binalingan ko si Chin-Chin na himbing na sa pagtulog dito sa tabi ko saka ako maingat na umalis sa kama.Pinuntahan ko ang kwarto ni Amarie. Tulog na tulog na ang anak ko ng madatnan ko, hinahanap n’ya kanina ang Mama n’ya hanggang sa nakatulog s’ya sa paghahanap.Mainga
Nagising akong masama ang pakiramdam ko pero pinilit kong pumunta sa Naga City para maglibot-libot sa Mall para maghanap ng ireregalo sa kasal ni Ares at Chin-Chin.Nakakahiya naman kasi na wala man lang akong ireregalo tapos flower girl pa ang anak kong si Amarie.Hindi ko alam kung ano ang ireregalo ko sa kanilang dalawa kaya medyo natagalan ako sa paglilibot.Napahilot ako sa sentido ko ng makaramdam ng pagkirot mula ‘don, mabuti pa siguro kong kumain na muna ako para makainom ng gamot.“Ayos ka lang, Almera?”Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nagsalita.“Oh, ikaw pala Mike”saad ko ng makilala ang lalaki.“Namumutla ka, ah. Ayos ka lang ba?”nag-aalalang tanong nito kaya ngumiti ako at tumango.“A-Ayos lang, medyo sumama lang ang pakiramdam ko”tugon ko.“Mukhang hindi nga talaga maganda ang pakiramdam mo, pwede kitang samahan magpa-check-up kung gusto mo”anito.Umiling ako. “Hindi na, ayos lang naman ako”“Hindi mo ata kasama si Amarie?”tanong n’ya.Tumango ako. “Oo, eh. Medyo mas
CHIN-CHIN’s POVSunod-sunod ang pinakawalan kong buntong hininga habang hinihintay ko si Ares. Buong araw itong wala dito sa bahay kaya halos hindi ako mapakali.This past few months simula ng dumating si Almera at Amarie nasa kanila ang buong atensyon ni Ares.Sinusubukan kong intindihin pero malapit na akong mapuno, tao lang ‘din ako. May hangganan ang pasensya ko.Kanina ko lang nalaman na buntis ako kaya pala ‘nong nakaraan palagi akong nasusuka at nahihilo. Excited akong sabihin ‘yon kay Ares pero wala pa s’ya hanggang ngayon kaya umiinit na talaga ang ulo ko.Late na ng makauwi si Ares galing kina Almera at Amarie, ngayong nandito na s’ya bahay medyo humupa ang pag-aalala ko.Kanina pa ako hindi mapakali, gusto kuna sana nga s’yang sunduin kaso bigla s’yang dumating.“Sorry, I’m late”aniya.Ngumiti ako. “Wala ‘yon, sabay na tayong kumain”Tumango s’ya at ngumiti sa’kin bago kami sabay na nagtungo sa kusina.Napakagat ako sa ibabang labi ko ng mapansin na tila bagong gising ito.
Pagkatapos ng hearing pumunta dito sa bahay si kuya para dalawin si Amarie.May dala s’yang pasalubong para sa pamangkin n’ya kaya tuwang-tuwa si Amarie lalo na ng makita nito ang Jollibee.“Kuya, thank you for visiting us”nakangiting sabi ko sa kanya habang nakatingin kami pareho kay Amarie na binubuksan ang mga laruan na regalo n’ya.“No need to thank me”baling n’ya sa’kin pagkuwa’y hinawakan n’ya ang ulo ko saka hinaplos ang buhok ko kaya ngumiti ako sa kanya ng malawak.Hindi kami perpektong magkapatid pero nagpapasalamat ako dahil may kuya ako na katulad n’ya.Ilang taon ‘din akog nagtanim ng sama ng loob sa ginawa n’ya ‘non kay Ares pero s’ya na lang ang nag-iisang pamilya ko at kuya ko.“Nga pala, pumunta si Ares sa hearing kanina. Akala ko nga dito s’ya tumuloy”anito.“Oo, s’ya ang pumunta dahil hindi ako nakapunta”mabilis kong tugon sa kanya.“Isa pa, may fiance na s’ya ngayon kaya paniguradong s’ya ang unang pupuntahan n’ya kaysa kay Amarie”dagdag ko pang sabi.Alam kong hin
Araw ng hearing ngayon pero hindi ako makapunta dahil nilalagnat si Amarie.Hindi ko kayang iwanan ang anak ko kahit hindi naman gaanong kataas ang lagnat n’ya. Hindi ‘din kasi ako mapapakali pagdating sa hearing dahil lilipad lang ang isip ko kay Amarie.Hinaplos ko ang mukha n’ya habang mahimbing s’yang natutulog, pinainom kuna s’ya ng gamot kanina baka sakaling paggising n’ya wala na ang lagnat n’ya.Napabuga ako ng hangin ng sipatin ko ang noo n’ya mainit parin ‘yon kaya nag-aalala ako.“How’s Amarie?”tanong ni Ares nang dumating s’ya.Kaagad n’yang dinaluhan si Amarie at kagaya ko sinipat n’ya ‘din ang noo ng bata.“Hindi kita masasagot if she’s okay kasi may lagnat parin s’ya”tugon ko sa kanya.“Dalhin na kaya natin s’ya sa hospital?”baling n’yang sabi sa’kin.“Nagpa-check up na kami kagabi dahil mataas ang lagnat n’ya sabi ng doktor sipon lang daw”saad ko.S’ya naman ang napabuga ng hangin sabay baling sa anak namin. Mukhang narinig n’ya ang boses ng Papa n’ya kaya nag dilat n