Maaga akong nagising para samahan si Ares na mamili ng mga kakailanganin n’ya sa resthouse.Nagtaka ako ng makitang marami s’yang tsinelas na binili para sa mga bata.“Para kanino ang mga ‘yan?”tanong ko sa kaniya.“Naalala mo ‘yung mga batang kalaro ko ng patentero? Sila ang bibigyan ko ng mga tsinelas, napansin ko kasi na lumang-luma na ang suot nila, ‘yung iba wala talagang tsinelas na ginagamit”paliwanag n’ya kaya humanga ako sa kaniya.He’s very considerate, kind and demure.“Ikaw ano ang gusto mo?”tanong n’ya sa’kin.Ngumiti ako. “I want ice cream”Tumango s’ya. “Okay, bili tayo”“Damihan natin para mabigyan ‘din natin lahat ng bata”nakangiting saad ko.Napabaling ako sa kaniya ng maramdamang nakangiti s’ya habang nakatitig sa’kin.“Oh, bakit mo ako tinititigan ng ganyan? Bahala ka, mataas pa naman ako maningil”sabi ko na ikinatawa n’ya naman.“Handa kitang bayaran basta ikaw,baby”aniya sabay hawak sa beywang ko.Napangiti naman ako. “Let’s go!”Kitang-kita ko ang saya sa mukha
Nagising ako ng may maramdamang humahalik sa balikat ko mula sa aking likuran.“Hi, baby. Good morning”bati n’ya sa’kin saka n’ya hinalikan ang pisngi ko.Napangiti naman ako dahil sobrang kampante ako sa pagtulog dito sa kama.Nakakarelax talaga kaya siguro sobrang tanghali na akong nagising.“How’s your sleep?”tanong n’ya.“Tinatanong pa ba ‘yan?”natatawang sabi ko dahil halatang-halata naman na sobrang sarap ng tulog ko.“Naghanda na ako ng breakfast mo, gusto mo dahil kuna lang dito?”tanong n’ya.Umiling ako. “No, sa dinning na lang ako mag be-breakfast”“Before that, pwede kabang dumungaw sa bintana?”aniya.Kumunot ang noo ko sa sinabi kaya kaagad akong bumangon mula s pagkakahiga at nagtungo sa glass window.Napanganga ako ng makita ang mga rosas sa bukaran. Iba’t-iba ang kulay ‘non kaya namangha ako.Malawak ang ngiti sa labi ko ng yakapin ako ni Ares mula sa aking likuran.“You like it?”tanong n’ya.“A lot”masayang sabi ko sabay lingon sa kaniya kaagad n’ya namang inangkin ang
Habang abala s’ya sa pagmamaneho papunta sa clinic ng Ob-Gyne naghahanap ako ng pagkakataon na aminin sa kaniya ang pagkatao ko.Magsasalita na sana ako ng biglang mag-ring ang phone n’ya kaagad n’ya naman iyong sinagot kaya tinakasan na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya sa ibang pagkakataon na lang siguro.Dahil maaga kaming nakarating sa clinic kami kaagad ang unang na check-up ni Dr. Maresse.“Congratulations, you are three weeks pregnant”nakangiting bati n’ya sa’min ni Ares.Napatingin naman ako kay Ares ng mahigpit n’yang hinawakan ang kanan kong kamay.“Bibigyan kita ng vitamins para maging malusog si baby”nakangiti n’ya paring sabi.Ngumiti naman ako sa kaniya at nagpasalamat.“Excuse me, Doc.Pwede ba kaming magpa-ultrasound?”tanong sa kaniya ni Ares.“Yes, pwede naman”tugon sa kaniya ng Doctor.Napaluha-luha ako ng makita ang ultrasound,magkakababy na nga talaga ako.“Misis, palagi kang mag-iingat dahil hindi masyadong makapit ang baby.Iwasan mong mastress at kumain ng
Nagbabasa akong libro sa sala habang hinihintay si Ares na umuwi.Pumunta s’ya sa bayan kanina para kumustahin ang kapartida n’ya, nag text naman s’ya sa ‘kin na gagabihin s’yang umuwi dahil pinuntahan n’ya ang kaibigan n’yang si Dustine sa bar nito.Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon at iniluwa si Ares na lasing na lasing.Itiniklop ko ang librong hawak ko para lapitan s’ya pero napatigil ako ng pumunta s’ya sa kusina kahit pasuray-suray sa paglalakad.“Hindi n’ya ba napansin na nandito ko?”tanong ko sa sarili.Hinayaan ko lang ito, tahimik ko lang pinagmasdan ang mga kilos n’ya.Binuksan n’ya ang refrigerator at kumuha ng mga ingredients ‘don. Mukhang magluluto s’ya ng pagkain.Kumuha s’ya ng mais, karots at breast ng manok saka iyon hiniwa ng maliliit mukhang pangpatanggal ‘yun ng hang-over.Napabuga ako ng hangin at nilapitan s’ya.“Ano bang ginagawa mo?”tanong ko sa kaniya kahit alam kong magluluto s’ya.Tumingin naman s’ya sa’kin at mahinang tumawa. Mukhang kasing nga ta
Nagdesisyon na akong magpakasal kay Ares habang humahanap parin ng tiyempo para sabihin sa kaniya ang totoo.“Bakit ang tagal n’ya namang lumaki”reklamo n’ya habang hinahaplos ang manipis kong tiyan.“Mabilis lang ang siyam na buwan.H’wag kang mag-alala dahil pagkatapos kung manganak ikaw naman ang mag-alaga sa kaniya. Magtitimpla ng gatas, magpapaligo, magpapalit ng diaper at kakarga buong araw at gabi”natatawang sabi ko sa kaniya.“Oo, ako lahat ang gagawa ‘non.Wala kang po-problemahin, ang gagawin mo lang magpahinga at bumawi ng lakas para makagawa ulit tayo ng baby”pahayag n’ya.Mahina ko namang tinapik ang balikat ang kamay n’ya na umahaplos na manipis kong tiyan.“Ano ka sinuwerte?”inis na sabi ko sa kaniya.“Five years ang pagitan bago tayo bumuo ulit ng anak”saad ko.“Ikaw ang magiging Mayor ng bayang ‘to dapat mahikayat mo ang mga tao sa pamamagitan ng pagdisiplina mo sa sarili mo”dagdag ko pang sabi.“At ano naman ang kinalaman ‘non sa pamilya natin?”tanong n’ya.“Family pla
Hawak-hawak ni Ares ang kamay ko kaya medyo gumagaan ang pakiramdam ko habang kaharap namin sa hapag ang parents n’ya.“Pasensya na po kayo kung ngayon lang po namin ipinaalam ang relasyon namin”pahayag ni Ares.“Hindi iho, alam naman namin gusto n’yo na munang mag-solo.It’s nice na ‘din na minadali mo itong pagpagawa ng resthouse para sainyong dalawa”nakangiting tugon ng Mama n’ya.Nakikita ko naman na sobrang bait ng mga magulang n’ya kaya medyo humupa na ang kaba ko.“Naging kampante ako dahil apo ka pala ni Manang Beth, naging guro ko s’ya noon kaya naging malapit ako sa kaniya pati na ‘din ang anak kong si Ares”baling na sabi sa’kin ng Papa ni Ares.Ngumiti ako bilang tugon dito,hindi ko alam pero parang may batong dumagan sa dibdib ko kaya napakabigat ‘non.Sana talaga ako na lang si Maria para naging ganito kadali ang lahat para sa’min ni Ares. Bawat araw ang lumilipas hindi na ako nagiging masaya dahil palagi akong hinahadalagan ng kasinungalingan ko.“May sasabihin ‘din po ka
Nagmulat ako ng mata ng maramdamang may mga matang nakatitig sa mukha ko.“Good morning”nakangiti n’yang bati sa’kin bago n’ya ako hinalikan sa labi.Halos hindi ako makagalaw dahil akala ko nanaginip lang ako pero dahil sa mga labi n’ya at amoy n’ya kaagad ko s’yang nakilala. At napagtanto na hindi ako nanaginip.“Ang haba naman ata ng tulog mo”anito ng pakawalan ang labi ko.Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi n’ya at hinaplos iyon ng banayad.“Katabi kasi kita kaya naging masarap ang tulog ko dahil alam kong nandyan ka para protektahan ako sa patulog ko”pahayag ko.Kinuha n’ya naman ang kamay kong nasa pisngi n’ya at hinalikan ‘yon.Ngunit,isang bagay ang nakapukaw sa aking atensyon, ‘yun ang mamahaling singsing na nakasuot sa palasingsingan ko.“Ibinigay sa’kin ‘yan ni Mama.Ibigay ko daw sa babaeng gusto kong makasama habang buhay. At ikaw ang napili kong mahalin at makasama habang buhay ay ikaw,Maria”seryusong sabi n’ya habang nakatitig sa mga mata ko.Halos magtatalon sa sobrang
Hinatid ako ni Daddy sa bahay ni Nanay matapos naming mananghalian. Pagkaalis n’ya tamang-tama namang dumating si Ares para sunduin ako. Mabuti na lang dahil hindi sila nagpang-abot kundi malalantad na ‘ko.“Matagal kunang napapansin na ang tagal mong kumain, masakit ba ang ngipin mo or anything?”nag-aalalang tanong ni Ares habang kinakain namin ang mga niluto n’ya kanina.Nag-angat ako ng mukha sa kaniya at umiling.“Wala namang may masakit sa’kin ganito lang talaga akong kumain”tugon ko.Napabuga s’ya ng hangin at binigyan ako ng tubig.“Hayst, hindi ka pwedeng pumasok sa military kong gan’yan ka kabagal kumain”anito.“Hindi naman talaga ang papasok sa military, ah”nakasimangot na sabi ko.Mahina s’yang tumawa,hinawakan n’ya ang buhok ko at ginulo iyon. “Ano ba, lagi muna lang ‘yan ginagawa. Aso ba ‘ko?”inis na tanong ko.Mas lumakas naman ang pagtawa n’ya.“Ang cute mo kasi,e. Parang gusto kitang ibulsa”natatawang sabi n’ya.“Kumain kana lang”singhal ko sa kaniya.Sinamaan ko s’y
Kaagad akong niyakap ni Ares ng mapagbuksan ko siya ng pinto kinabukasan. Bakit ang aga niya naman atang dumalaw?"Ba't ang sweet mo ata ngayon?"nakangiting tanong ko sa kaniya habang yakap niya parin ako."Wala naman, gusto lang talaga kitang yakapin"tugon niya sabay halik sa sentido ko.Yinakap ko 'din siya pabalik mas mahigpit kaysa sa pagkakayakap niya sa'kin."May nangyari ba?"nag-aalalang tanong niya habang nanatili kaming magkayakap sa isa't-isa."Wala naman, gusto lang talaga kitang yakapin ng ganito"gaya ko sa sagot niya sa'kin kaya natawa siya at muli akong hinalikan sa sentido.Dati pangarap ko lang siyang mayakap ng ganito, hindi ako makapaniwalang nayayakap kuna siya ngayon na walang pag-alinlangan."Alam mo bang sobrang payapa ng puso ko tuwing yakap natin ang isa't-isa ng ganito?"anito.Napangiti naman ako. "Ako 'din""Para pala sa'yo"aniya sabay bigay sa'kin ng bulaklak.Nakangiti ko 'yung tinanggap at tiningala siya, yinuko niya naman ako at mabilis na hinagkan sa lab
Suot ko ang T-shirt ni Ares habang nagluluto ako ng breakfast. Malawak ang ngiti ko habang nasa kusina, hindi ko alam kung bakit sobrang saya-saya ko ngayon."Good morning"bati sa'kin ni Ares sabay yakap sa beywang ko at halik sa pisngi ko."Sobrang hot mo pala pagsuot ang damit ko"komento niya sabay kagat sa balikat ko at halik sa gilid ng leeg ko."Ares, nagluluto ako. H'wag mokong landiin, ang aga-aga, eh"reklamo ko.Natawa naman siya saka pinakawalan ang beywang ko. Tinulungan niya ako sa niluluto ko kaya ako naman ang yumakap sa beywang niya."Kailangan kuna nga palang umuwi"paalam n'ya.Para akong sinampal ng katotohanan na ang lalaking sa harapan ko ngayon ay pagmamay-ari na ng iba parang kinurot ang puso ko.Pilit akong ngumiti at tumango, sino ba naman ako para pigilan siya."Sige, ingat ka"sabi ko.Hinalikan niya ako sa noo bago tumalikod at naglakad palabas ng bahay.*****Sa nakalipas na ilang linggo naging patago ang relasyon namin ni Ares, hindi ko pinangarap na mating k
Maagang bumusita si Nanay at Jannet kinabukasan para kumustahin ako kaya nadatnan nila si kuya na tulog na tulog sa sofa.“Mabuti naman pala dahil sinamahan ka ng kuya mo”anang ni Jannet.Ngumiti ako. “Oo nga, e”“Nga pala, kami na lang ni Nanay ang susundo kay Amarie kila Ares para makapagpahinga kapa ng kaunti bago kayo pumunta sa sementeryo”pahayag n’ya.“Salamat”pasalamat ko sa kanilang dalawa ni Nanay.“Pwede ka naman sa’min sumama sa sementeryo para madalaw mo ‘din si Daddy”saad ko.“Naku, hindi na. Family bonding n’yo ‘yon ayaw ko namang sirain. Isa pa,sawang-sawa na kaya ang Daddy mo sa pagmumukha at boses ko dahil palagi ko s’yang dinadalaw”anito kaya mahina akong natawa.“Tigilan muna nga ‘yang kalukuhan mo”saway naman sa kanya ni Nanay na nagsasangag ng kanin.“Good morning everybody”bati ni kuya sa’min ng magising s’ya.“Mabuti naman dahil gising kana, iho. Umupo kana rito, ipagtitimpla kita ng kape”anang ni Nanay.Nagkangitian kami ni Jannet sa isa’t-isang dahil ganitong-
Alas syete ako ng gabi na discharge kaya nakauwi na ako sa bahay. Nagpumilit si kuya na dito na muna sa bahay ko matulog dahil hindi daw s’ya mapapakali kung iiwan n’ya akong mag-isa.Nakahiga ako sa sofa habang nakatanaw kay kuya na abalang nagluluto sa kusina.Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil hanggang ngayon sobrang caring n’ya pa’rin sa’kin.Nilingon n’ya ako at ngumiti sa’kin pagkuwa’y naglakad s’ya papalapit sa’kin.Napatingin ako sa mukha n’ya ng hawakan n’ya ang noo ko para tingnan kong may lagnat pa ba ako o wala na.“Nilalamig ka?”tanong n’ya.Tumango ako kaya kumuha s’ya ng comforter at ipinatong ‘yon sa katawan ko. Inayos n’ya ‘din ang unan ko kaya mas lalong naging komportable ako sa pagkakahiga sa sofa.“Salamat”nakangiti kong sabi.“Always for you my baby”tugon n’ya.Napasimangot ako. “Malaki na ako pero bini-baby mo pa’rin ako”I hearm him chuckled. “Nagrereklamo kaba? Alalahanin mong ako ang nagpapalit ng diaper mo ‘non kapag tulog na tulog si Mommy at Daddy. Ako
ARES POVPaulit-ulit kong hinilamos ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko. Damn!Kaagad kong pinagsisihan ang ginawa ko kay Almera kanina, she's not deserve that. Ginawa ko lang ‘yun para mapanatag na ang kalooban ng magiging asawa ko.Nadadamay lang s’ya sa sitwasyon namin ngayon ni Chin-Chin. Chin-Chin is very jealous to Almera ng makita nitong nagsend s’ya sa’kin ng picture ni Amarie na naka-little mermaid na costume kaya nag-away kami.Alam kong kasalanan ko dahil na kay Amarie ang buong atensyon ko during our photoshoot kaya bigla na lang pumitik si Chin-Chin.Doon ko lang s’ya nakitang nagalit ng gano’n. Bigla ‘din s’yang dinugo ‘nong araw na ‘yun at doon ko nalaman na buntis s’ya kaya nag-alala ako ng sobra.Binalingan ko si Chin-Chin na himbing na sa pagtulog dito sa tabi ko saka ako maingat na umalis sa kama.Pinuntahan ko ang kwarto ni Amarie. Tulog na tulog na ang anak ko ng madatnan ko, hinahanap n’ya kanina ang Mama n’ya hanggang sa nakatulog s’ya sa paghahanap.Mainga
Nagising akong masama ang pakiramdam ko pero pinilit kong pumunta sa Naga City para maglibot-libot sa Mall para maghanap ng ireregalo sa kasal ni Ares at Chin-Chin.Nakakahiya naman kasi na wala man lang akong ireregalo tapos flower girl pa ang anak kong si Amarie.Hindi ko alam kung ano ang ireregalo ko sa kanilang dalawa kaya medyo natagalan ako sa paglilibot.Napahilot ako sa sentido ko ng makaramdam ng pagkirot mula ‘don, mabuti pa siguro kong kumain na muna ako para makainom ng gamot.“Ayos ka lang, Almera?”Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nagsalita.“Oh, ikaw pala Mike”saad ko ng makilala ang lalaki.“Namumutla ka, ah. Ayos ka lang ba?”nag-aalalang tanong nito kaya ngumiti ako at tumango.“A-Ayos lang, medyo sumama lang ang pakiramdam ko”tugon ko.“Mukhang hindi nga talaga maganda ang pakiramdam mo, pwede kitang samahan magpa-check-up kung gusto mo”anito.Umiling ako. “Hindi na, ayos lang naman ako”“Hindi mo ata kasama si Amarie?”tanong n’ya.Tumango ako. “Oo, eh. Medyo mas
CHIN-CHIN’s POVSunod-sunod ang pinakawalan kong buntong hininga habang hinihintay ko si Ares. Buong araw itong wala dito sa bahay kaya halos hindi ako mapakali.This past few months simula ng dumating si Almera at Amarie nasa kanila ang buong atensyon ni Ares.Sinusubukan kong intindihin pero malapit na akong mapuno, tao lang ‘din ako. May hangganan ang pasensya ko.Kanina ko lang nalaman na buntis ako kaya pala ‘nong nakaraan palagi akong nasusuka at nahihilo. Excited akong sabihin ‘yon kay Ares pero wala pa s’ya hanggang ngayon kaya umiinit na talaga ang ulo ko.Late na ng makauwi si Ares galing kina Almera at Amarie, ngayong nandito na s’ya bahay medyo humupa ang pag-aalala ko.Kanina pa ako hindi mapakali, gusto kuna sana nga s’yang sunduin kaso bigla s’yang dumating.“Sorry, I’m late”aniya.Ngumiti ako. “Wala ‘yon, sabay na tayong kumain”Tumango s’ya at ngumiti sa’kin bago kami sabay na nagtungo sa kusina.Napakagat ako sa ibabang labi ko ng mapansin na tila bagong gising ito.
Pagkatapos ng hearing pumunta dito sa bahay si kuya para dalawin si Amarie.May dala s’yang pasalubong para sa pamangkin n’ya kaya tuwang-tuwa si Amarie lalo na ng makita nito ang Jollibee.“Kuya, thank you for visiting us”nakangiting sabi ko sa kanya habang nakatingin kami pareho kay Amarie na binubuksan ang mga laruan na regalo n’ya.“No need to thank me”baling n’ya sa’kin pagkuwa’y hinawakan n’ya ang ulo ko saka hinaplos ang buhok ko kaya ngumiti ako sa kanya ng malawak.Hindi kami perpektong magkapatid pero nagpapasalamat ako dahil may kuya ako na katulad n’ya.Ilang taon ‘din akog nagtanim ng sama ng loob sa ginawa n’ya ‘non kay Ares pero s’ya na lang ang nag-iisang pamilya ko at kuya ko.“Nga pala, pumunta si Ares sa hearing kanina. Akala ko nga dito s’ya tumuloy”anito.“Oo, s’ya ang pumunta dahil hindi ako nakapunta”mabilis kong tugon sa kanya.“Isa pa, may fiance na s’ya ngayon kaya paniguradong s’ya ang unang pupuntahan n’ya kaysa kay Amarie”dagdag ko pang sabi.Alam kong hin
Araw ng hearing ngayon pero hindi ako makapunta dahil nilalagnat si Amarie.Hindi ko kayang iwanan ang anak ko kahit hindi naman gaanong kataas ang lagnat n’ya. Hindi ‘din kasi ako mapapakali pagdating sa hearing dahil lilipad lang ang isip ko kay Amarie.Hinaplos ko ang mukha n’ya habang mahimbing s’yang natutulog, pinainom kuna s’ya ng gamot kanina baka sakaling paggising n’ya wala na ang lagnat n’ya.Napabuga ako ng hangin ng sipatin ko ang noo n’ya mainit parin ‘yon kaya nag-aalala ako.“How’s Amarie?”tanong ni Ares nang dumating s’ya.Kaagad n’yang dinaluhan si Amarie at kagaya ko sinipat n’ya ‘din ang noo ng bata.“Hindi kita masasagot if she’s okay kasi may lagnat parin s’ya”tugon ko sa kanya.“Dalhin na kaya natin s’ya sa hospital?”baling n’yang sabi sa’kin.“Nagpa-check up na kami kagabi dahil mataas ang lagnat n’ya sabi ng doktor sipon lang daw”saad ko.S’ya naman ang napabuga ng hangin sabay baling sa anak namin. Mukhang narinig n’ya ang boses ng Papa n’ya kaya nag dilat n