Nagbabasa akong libro sa sala habang hinihintay si Ares na umuwi.Pumunta s’ya sa bayan kanina para kumustahin ang kapartida n’ya, nag text naman s’ya sa ‘kin na gagabihin s’yang umuwi dahil pinuntahan n’ya ang kaibigan n’yang si Dustine sa bar nito.Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon at iniluwa si Ares na lasing na lasing.Itiniklop ko ang librong hawak ko para lapitan s’ya pero napatigil ako ng pumunta s’ya sa kusina kahit pasuray-suray sa paglalakad.“Hindi n’ya ba napansin na nandito ko?”tanong ko sa sarili.Hinayaan ko lang ito, tahimik ko lang pinagmasdan ang mga kilos n’ya.Binuksan n’ya ang refrigerator at kumuha ng mga ingredients ‘don. Mukhang magluluto s’ya ng pagkain.Kumuha s’ya ng mais, karots at breast ng manok saka iyon hiniwa ng maliliit mukhang pangpatanggal ‘yun ng hang-over.Napabuga ako ng hangin at nilapitan s’ya.“Ano bang ginagawa mo?”tanong ko sa kaniya kahit alam kong magluluto s’ya.Tumingin naman s’ya sa’kin at mahinang tumawa. Mukhang kasing nga ta
Nagdesisyon na akong magpakasal kay Ares habang humahanap parin ng tiyempo para sabihin sa kaniya ang totoo.“Bakit ang tagal n’ya namang lumaki”reklamo n’ya habang hinahaplos ang manipis kong tiyan.“Mabilis lang ang siyam na buwan.H’wag kang mag-alala dahil pagkatapos kung manganak ikaw naman ang mag-alaga sa kaniya. Magtitimpla ng gatas, magpapaligo, magpapalit ng diaper at kakarga buong araw at gabi”natatawang sabi ko sa kaniya.“Oo, ako lahat ang gagawa ‘non.Wala kang po-problemahin, ang gagawin mo lang magpahinga at bumawi ng lakas para makagawa ulit tayo ng baby”pahayag n’ya.Mahina ko namang tinapik ang balikat ang kamay n’ya na umahaplos na manipis kong tiyan.“Ano ka sinuwerte?”inis na sabi ko sa kaniya.“Five years ang pagitan bago tayo bumuo ulit ng anak”saad ko.“Ikaw ang magiging Mayor ng bayang ‘to dapat mahikayat mo ang mga tao sa pamamagitan ng pagdisiplina mo sa sarili mo”dagdag ko pang sabi.“At ano naman ang kinalaman ‘non sa pamilya natin?”tanong n’ya.“Family pla
Hawak-hawak ni Ares ang kamay ko kaya medyo gumagaan ang pakiramdam ko habang kaharap namin sa hapag ang parents n’ya.“Pasensya na po kayo kung ngayon lang po namin ipinaalam ang relasyon namin”pahayag ni Ares.“Hindi iho, alam naman namin gusto n’yo na munang mag-solo.It’s nice na ‘din na minadali mo itong pagpagawa ng resthouse para sainyong dalawa”nakangiting tugon ng Mama n’ya.Nakikita ko naman na sobrang bait ng mga magulang n’ya kaya medyo humupa na ang kaba ko.“Naging kampante ako dahil apo ka pala ni Manang Beth, naging guro ko s’ya noon kaya naging malapit ako sa kaniya pati na ‘din ang anak kong si Ares”baling na sabi sa’kin ng Papa ni Ares.Ngumiti ako bilang tugon dito,hindi ko alam pero parang may batong dumagan sa dibdib ko kaya napakabigat ‘non.Sana talaga ako na lang si Maria para naging ganito kadali ang lahat para sa’min ni Ares. Bawat araw ang lumilipas hindi na ako nagiging masaya dahil palagi akong hinahadalagan ng kasinungalingan ko.“May sasabihin ‘din po ka
Nagmulat ako ng mata ng maramdamang may mga matang nakatitig sa mukha ko.“Good morning”nakangiti n’yang bati sa’kin bago n’ya ako hinalikan sa labi.Halos hindi ako makagalaw dahil akala ko nanaginip lang ako pero dahil sa mga labi n’ya at amoy n’ya kaagad ko s’yang nakilala. At napagtanto na hindi ako nanaginip.“Ang haba naman ata ng tulog mo”anito ng pakawalan ang labi ko.Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi n’ya at hinaplos iyon ng banayad.“Katabi kasi kita kaya naging masarap ang tulog ko dahil alam kong nandyan ka para protektahan ako sa patulog ko”pahayag ko.Kinuha n’ya naman ang kamay kong nasa pisngi n’ya at hinalikan ‘yon.Ngunit,isang bagay ang nakapukaw sa aking atensyon, ‘yun ang mamahaling singsing na nakasuot sa palasingsingan ko.“Ibinigay sa’kin ‘yan ni Mama.Ibigay ko daw sa babaeng gusto kong makasama habang buhay. At ikaw ang napili kong mahalin at makasama habang buhay ay ikaw,Maria”seryusong sabi n’ya habang nakatitig sa mga mata ko.Halos magtatalon sa sobrang
Hinatid ako ni Daddy sa bahay ni Nanay matapos naming mananghalian. Pagkaalis n’ya tamang-tama namang dumating si Ares para sunduin ako. Mabuti na lang dahil hindi sila nagpang-abot kundi malalantad na ‘ko.“Matagal kunang napapansin na ang tagal mong kumain, masakit ba ang ngipin mo or anything?”nag-aalalang tanong ni Ares habang kinakain namin ang mga niluto n’ya kanina.Nag-angat ako ng mukha sa kaniya at umiling.“Wala namang may masakit sa’kin ganito lang talaga akong kumain”tugon ko.Napabuga s’ya ng hangin at binigyan ako ng tubig.“Hayst, hindi ka pwedeng pumasok sa military kong gan’yan ka kabagal kumain”anito.“Hindi naman talaga ang papasok sa military, ah”nakasimangot na sabi ko.Mahina s’yang tumawa,hinawakan n’ya ang buhok ko at ginulo iyon. “Ano ba, lagi muna lang ‘yan ginagawa. Aso ba ‘ko?”inis na tanong ko.Mas lumakas naman ang pagtawa n’ya.“Ang cute mo kasi,e. Parang gusto kitang ibulsa”natatawang sabi n’ya.“Kumain kana lang”singhal ko sa kaniya.Sinamaan ko s’y
Tinuruan ako ni Nanay na magluto ng kare-kare na paborito ni Ares.It’s really hard to cook pero nag-enjoy naman ako.Tarantang-taranta ako sa kusina mabuti na lang katulong ko si Nanay kundi nasunog kuna siguro ang kusina.“Nay, ano kayang magiging reaksyon ni Ares kapag nalaman n’yang nag effort akong magluto?”tanong ko sa matanda.‘Nong nasa America ako nabuhay lang ako sa restaurant or food delivery kahit magluto ng itlog hindi ko talaga kayang lutuin.Pero ngayon, gusto kong matutunong magluto para ipagluto si Ares ng pagkain at ang magiging mga anak namin.“Naku,iha. Matutuwa ‘yon panigurado, ako nga natutuwa ako ng sobra dahil sa wakas ay nakapagluto kana ‘din”nakangiting tugon nito.“Naawa na ‘din kasi ako kay Ares na palaging nagluluto tapos ako taga kain lang. I don’t even washes the dishes or cleaning this house, kaya nag effort na ‘ko na matutong magluto”nakangiting sabi ko.Napatango-tango naman si Nanay.“Mas maiinlove s’ya sayo kapag marunong kang magluto at maglinis nan
Maagang umalis si Ares para maghatid ng relief goods sa mga barangay.Lingid sa kaniyang kaalaman, pupunta ‘din ako sa pupuntahan n’ya para suprisahin s’ya.Sinundo ako ng kaibigan n’yang si Mike sa resthouse para ito ang maghatid sa’kin sa barangay na pupuntahan n’ya.“Alam mo, hindi talaga ako makapaniwala na ikaw pala ang girlfriend ng kaibigan ko”hindi makapaniwalang sabi nito habang nagmamaneho.Ngumiti naman ako. “Talaga?”Tumango ito. “Hindi naman kasi s’ya pala kwento pero hindi s’ya indenial, kung hindi ka nga nag reach-out sa’kin hindi ko talaga malalaman. Mukhang itinatago ka n’ya sa’min ni Dustine”Mahina akong natawa sa sinabi nito. Mukhang mali ang first impression ko dito dahil napaka-daldal nito.“You know him since when?”tanong ko sa kaniya.“Simula ‘nong mga bata pa kami”sagot nito.“Kung tatanungin mo ako sa mga girlfriend n’ya h’wag muna lang tanungin dahil malihim talaga s’ya tungkol sa mga naging karelasyon n’ya”pahayag nito.“Basta ang masasabi ko lang kapag nagm
Tumulong ako sa pamimigay ng relief goods. Kaya pala sobrang dami ng tao dahil hindi lang isang barangay ang nandito kundi limang magkakalapit na barangay, may mga barangay kasi na nasa parteng bundok na.“Pagkatapos ba natin dito, uuwi na tayo?”tanong ko kay Ares.“Nope, may surprise ako sayo”anito.“May surprise ka sa’kin? Ano naman ‘yon?”curious kong tanong.Hinawakan n’ya ang kamay ko at niyaya ako kung saan.Napanganga ako ng makita ang malawak na karagatan.“Totoo ba ‘tong nakikita ko?”hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.Hinawakan n’ya ang pisngi ko at pinisil iyon.“Totoo ‘to hindi ka nanaginip, you want to swim?”tanong n’ya ng bitawan ang pisngi ko saka niyakap ang beywang ko.“Gusto ko sana kaso baka delikado d’yan saka wala akong pamalit na damit”saad ko.“May dala akong extra na damit pwede mo muna ‘yong suotin.Magpapareserve ako sa isang resort malapit dito para makapag-stay tayo this night, gusto mo ba?”tanong n’ya.Tumango ako. “Sige, ikaw ang bahala”Niyaya ko s’ya