Share

KABANATA 4:

Maaga akong nagising para tulungan si Lola sa pagluto ng almusal. Maagang dumating ang mga magsasaka para daw kausapin ang mga bisita ni Nanay.

“Manay, sisay a kaiba mong magayun na raraga?”-magsasaka

Napatingin ako kay Nanay dahil sa tanong ng isang magsasaka habang nakatingin ito sa ‘akin. 

Tinatanong n’ya kung sino daw ang kasama ni Nanay na ‘raraga’ it means dalaga ‘magayun’ it means maganda ‘manay’ it means ate ‘sisay’ it means ‘sino’ in Bicol.

Nagkatinginan kami ni Nanay. Hindi ko kasi pwedeng sabihin na anak ako ng Congressman dahil baka may tumangka sa buhay ko. Alam ‘din naman ‘yun ni Nanay kaya kaagad akong sumagot sa tanong ng magsasaka.

“Ako tabi si Maria. Apo ni Nanay”pakilala ko sa aking sarili in Bicol language.

‘tabi’ means ‘po’ in Bicol. Marami ang dialect dito sa Bicol, iba ang dialect ng Bato at iba ‘din sa Naga.

“Manay. Diri namo isi na may apo palan ika na sobrang magayun, kisay po siyang egin?”tanong pa ng magsasaka na hindi matanggal ang tingin sa’kin kaya pinapasok na ako ni Nanay sa kwarto ko.

Tinanong ng magsasaka kung kanino daw akong anak dahil hindi daw nila alam na mayroong apo si Nanay na kasing ganda ko.

Kaya ayaw kung lumabas, e.Dahil madami lang ang maghihinala na hindi talaga ako apo ni Nanay.

Dahil sobrang aga pa naman kaya bumalik ako sa higaan ko at muling natulog.

Tanghali na ng magising ako.Sinigurado ko munang wala na ang mga lalaking bisita ni Nanay sa bahay n’ya bago ako lumabas.

Dumungaw ako mula sa malaking bintana. Kitang-kita ko mula dito ang mga magsasakyang abalang-abala sa pagtatanim ng palay.

“Oh, iha. Gising kana pala, halika na muna at kumain”yaya sa’kin ni Nanay.

Napansin kung nakabihis itong pang magsasaka. May basket ‘ding nakapatong sa mesa na tila may lamang pagkain.

“Nagluto ako ng turon at pancit para hatiran ng pagkain ang mga magsasaka at si Mayor”saad n’ya na tila nabasa kung ano ang nasa isip ko.

“Tulungan kuna po kayo”alok ko.

“Naku, iha. Dito kana lang sa bahay, mahirap na baka maraming makakita sayo dito at makilala kung sino ka talaga”nag-aalalang sabi n’ya habang hinahanda ang iba n’ya pang gagawin.

“Bigyan n’yo po ako ng luma n’yong daster at sombrero na gawa sa abaka para hindi nila ako makilala at maniwala silang apo n’yo po ako”suhestiyon ko.

Hindi s’ya nagsalita na tila tinitimbang ang suhestiyon ko. Alam n’ya naman kasing hindi ako magpapatalo, e. 

“Okay, sige. Mapilit ka, e”payag n’ya.

Malawak naman akong ngumiti bago sinimulang kumain para hindi ako magutom mamaya.

“Nga pala, Nanay. ‘Yung tinutukoy n’yong Mayor ang may-ari ng sakahang lupa dito?”nguminguyang tanong ko sa matanda.

Tumango s’ya. “Oo, sila ang pamilya nila ang may pinakamalawak na sakahan dito sa bayan ng Bato”

“Alam mo bang binibili ng Daddy mo ang lupa nila noon para pagtayuan ng LCC Mall? Pero hindi sila pumayag dahil mas mahalaga daw sa mga taga Batoeñoes ang lupang pangsakahan para hindi na tumaas ang presyo ng bigas”pahayag ni Nanay.

Napatango-tango ako saka sinulyapan ang malawak na sakahan na maraming mga magsasaka ang tulong-tulong sa pagtatanim ng palay.

“Teka, Nanay. Pati po ba ‘yung Mayor na kilala n’yo ay nagtatanim ‘din ng palay ngayon?”muli kong tanong.

“Oo, kasama s’ya laging magtanim at mag-ani kaya nga nagpapagawa s’ya ngayon ng rest house sa bakante nilang lote para may bahay na daw s’yang mapagpapahingahan kapag pumupunta s’ya dito”tugon ni Nanay sa’kin.

Napatango-tango naman ako. Mukhang mabuti s’yang tao kaya ngumiti ako kay Nanay.

Buhat-buhat ko ang isang basket na punong-puno ng turon at ibinahagi iyon sa mga magsasaka. Kitang-kita ko ang pagod sa mga mukha nila at saya dahil sa dala-dala naming pagkain ni Nanay para sa kanila.

“Nay. Dapat hindi na kayo nag-abala pang magdala ng makakain namin, madulas pa naman ang daan baka kung mapaano kayo”rinig kong sabi nang tinatawag na Mayor ni Nanay sa kaniya na may bahid ng pag-aalala sa kaniyang boses.

Sinang-ayunan naman ito ng mga magsasaka na nakarinig. May katandaan naman kasi si Nanay pero matigas ang ulo ayaw magpa-awat.

“Okay lang ako, Mayor. Kasama ko naman ang apo kung si Maria”anang ng matanda kaya kaagad akong nag-iwas ng mukha ng balingan ako ng lalaki na puno ng putik ang mga paa.

“Ngayon lang kita nakita, Maria. Nice to meet you”anito saka inabot ang kamay.

Tumingin ako kay Nanay na malawak ang ngiti sa mga labi bago ko tinanggap ang kamay nito.

“Nice meeting you”mahinang sabi ko na tama lang sa pandinig n’ya.

“Grabe, Mayor. Nagmukha kang kape sa kaputian ng kamay ni Maria”natatawang sabi ng isang magsasaka kaya kaagad kung binawi ang kamay ko.

Nagsuot na nga ako ng sweetshirt at pinatungan iyon ng lumang-luma ng daster ni Nanay para magmukha akong ordinaryong babae pero bakit ganon?

“Ay, naku. Kakauwi lang kasi ni Maria galing sa Maynila, e. Bale saleslady siya sa Mall doon kaya aircon…kaya ayan pumuti ng husto”natatawang sabi ni Nanay.

“Ay, ganun ba? Kaya pala, Nay ngayon ko lang siya nakita”saad ni Mayor.

Yumuko ako ng mapansing sinisilip nito ang mukha ko. Kaya sinenyasan ko si Nanay na bumalik na kami sa bahay niya.

“Ay, naku iha. Magpainit ka sa araw, dahil sa sobrang kaputian mo kaya mabibisto ka kaagad ng mga tao dito”pabulong na sabi ni Nanay bago kami umalis.

Nagulat kami ni Nanay nang madatnan namin si Daddy sa labas ng bahay niya. Mukhang kanina pa ito naghihintay sa pagdating namin dahil madalim ang mukha nito.

“Long time no see, Maribeth”bati nito kay Nanay.

“Sige na Nay. Ako na ang kakausap kay Daddy”baling ko sa katabi bago pa siya makasagot kay Daddy.

“Sige, Congressman mauuna na ako sa loob”paalam niya bago pumasok sa loob ng bahay.

Nilapitan ko naman si Daddy. Tinanggal ko ang sombrero na gawa sa abakang nasa ulo ko at inayos ang nagulo kung buhok.

“Daddy. Why are you here?”tanong ko sa kaniya.

“Ako dapat ang nagtatanong sa’yo niyan, Leonor”anito na tila may bahid ng galit sa boses.

Bumuga ako ng hangin. “Okay, I’m sorry for not letting you know where I am”

“Pack your things and let’s go home”utos nito.

Seryuso ko naman siyang tiningnan. Mukhang hindi siya nagbibiro sa utos niya sa’kin but I look away.

“I can’t Daddy mas gusto ko dito kay Nanay”giit ko habang nasa malayo pa ‘din ang tingin.

“Let’s go home”pakiusap niya.

Nagpanggap ako na tila walang naririnig.

“I don’t want to go home anymore. Kung si kuya tanggap niya ang babaeng ‘yun na balak mong pakasalan…”tiningnan ko si Daddy.

“Pwes! Ako hindi! Hinding-hindi ko siya matatanggap, over my dead body”galit na sabi ko saka nagtatabog na naglakad papasok sa loob ng bahay ni Nanay.

Pinigilan kung tumulo ang mga luha ko papasok sa kwarto ko. Ipagpapalit niya ang Mommy ko sa walang kwentang babaeng ‘yun? No way!

Umuwi ako ng Pilipinas to comfirm kung totoong may matagal ng karelasyon si Daddy at balak niya na itong pakasalan without my consent.

Ang mas masakit pa dahil ilang taon lang ang tanda nito sa’kin. I can’t believe it!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status