Share

KABANATA 6:

Tinulungan kong magtanim si Nanay ng mga sibuyas sa likod bahay. Napasigaw ako ng may mahukay ako sa lupang bolate.

Hindi maipinta ang mukha kong diring-diri sa nakikitang bolate na gumagalaw sa lupa habang tawang-tawa naman si Nanay sa nangyari.

“Ibig sabihin n’yan, iha. Mataba ang lupa kaya may bolate”natatawa paring sabi ni Nanay.

Nakangiwi akong tumingin sa matanda.

“I can’t believe it, how is it possible?”nanadidiring tanong ko.

Napailing-iling si Nanay habang natatawa parin saka siya bumalik sa pagtatanim.

“Ang arte mo naman. Bolate lang ‘yan, ginagawa pa nga ‘yang milo, e”

Napalingon ako sa likuran ko ng may magsalita. Kaagad na tumayo ang balahibo sa katawan ko ng makitang nakatayo si Ares sa likod ko habang nagkakape.

Bumuga ako ng hangin at tinaasan s’ya ng kaibilang kilay. Kuhang-kuha n’ya talaga ang inis ko, wala akong pakialam kong tatakbo s’yang Mayor sa bayang ‘to!

“Really?”inis na sabi ko saka ko dinukwang ang bolate at lakas loob ‘yung sinungkit ng hawak kong bolo saka iyon itinapon sa kaniya.

“Ayst, kahit kailan talaga pikon ka”anito.

“Hindi ka nakakatuwa, alis!”pangtataboy ko sa kaniya.

Pinandilatan ko s’ya ng mata bago s’ya umalis para bisitahin ang pinapagawa n’yang resthouse kaya bumalik na ‘din ako sa pagtatanim.

“Hay naku, iha. Tigilan muna ‘yan at pumunta kana sa kwarto mo.Tingnan mo ‘yang kamay mo sobrang dumi na”baling sa’kin ni Nanay.

Umiling ako. “Ayos lang po ako, Nay”

“Hay, naku. Hanggang ngayon matigas parin ang ulo mo”buntong hiningang sabi n’ya na ikinangiti ko.

“Oh s’ya, may basket doon sa mesa may laman iyong pancit at sinapot. Dalhin mo doon sa pinapagawang resthouse ni Mayor para makapag-snack sila”utos n’ya sa’kin.

“Opo”magalang kung sabi bago itinigil ang ginagawa.

Naghugas ako ng marumi kong kamay bago pumunta sa pinagawang rest ni Mayor dala ang basket na may lamang pagkain. 

Nagpahatid ako sa trycicle kaya madali akong nakarating. Abala sila sa pagta-trabaho ‘nong dumating ako.

“Ikaw ‘yung apo ni Manay? Si Maria?”paninigurado ng isang trabador nang makita ako.

Tumango ako. “Opo, may dala akong pagkain n’yo”

Malawak itong ngumiti sa’kin. “Tamang-tama ang dating mo Maria, nagugutom na ako, e. Sandali tawagin ko lang si Mayor”

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong lugar. Sobrang presko naman sa lugar na ‘to tamang-tama talagang pagtayuan ng resthouse.

“Salamat sa pagdala mo ng pagkain pero delikado sa site na ‘to kaya h’wag kana ulit pupunta”

Napabaling ako sa antipatikong lalaking papalapit sa’kin. Kaagad na tumaas ang kilay ko sa sinabi nito.

“Don’t worry dahil hinding-hindi na talaga ako pupunta dito. Kung gusto n’yong makakain kayo na lang ang pumunta kay Nanay”mataray na sabi ko.

Tatalikod na sana ako ng may sumigaw na lalaki dahil biglang may nahulog galing sa itaas ng ginagawang gusali.

Napanganga ako ng tumingala ako sa itaas dahil ako ang mababagsakan ng bagay na nahulog sa sobrang takot ko hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Napapikit na lang ako ng may biglang humila sa’kin.Napasigaw ako ng bumagsak sa lupa ang flywood na nahulog.

“Ayos ka lang?”tanong ni Mayor na humila sa’kin.

Tumingin ako sa kaniya at tumango.

“O-Oo, ayos lang ako”sagot ko.

“Mayor, pasensiya na po”paghingi ng pasensiya ng trabador na nasa itaas ng gusali.

“Ayos lang, wala namang nasaktan. Mag-iingat kayo d’yan”tugon n’ya dito.

Napabuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili. Sobra talaga akong kinabahan, akala ko mawawasak na ang ulo ko.

“Anong nangyari?”nag-aalalang tanong ‘nong bagong dating na lalaki.

“Nahulog ‘yung flywood, h’wag kang mag-alala Mike, wala namang nasaktan”tugon dito ni Mayor.

Naalala kuna. S’ya ‘yong lalaking nakakita sa’kin ‘don sa batis na nagsinungaling na n*******d daw ako.

“Teka, nagkita na ba tayo Ms?”tanong n’ya sa’kin ng balingan ako.

Nagkibit-balikat ako dahil hindi ko pwedeng sabihin na nakita n’ya ako ‘don sa batis.

“Aalis na ‘ko”paalam ko.

Hindi kuna hinintay ang sagot nila, nagmamadali akong naglakad papalayo.

Si Kuya ang naabutan ko sa bahay ni Nanay ‘nong dumating ako.Mukhang nandito s’ya para kumbinsihin akong umuwi sa’min.

“Bakit nandito ka?”tanong ko sa kaniya.

“Gusto lang kitang kumustahin”anito.

“Buhay pa naman ako kaya h’wag kang mag-alala—”

“Almera Leonor”tawag n’ya sa buomg pangalan ko kaya napatigil ako sa pagsasalita.

“Alam kong masama ang loob mo pero gusto ng Daddy natin na maging masaya sa piling niya kaya sana pag-isipan mo”pahayag n’ya.

Umiling-iling akong tumingin sa malayo. Ano bang meron sa babaeng ‘yon bakit ginugulo n’ya ng ganito ang pamilya ko?

“I can’t do that! Go away, kuya. Sa pamilya natin, ako na lang ang may care sa Mommy natin”galit na sabi ko ng tingnan ko s’ya.

“Hindi naman sa gano’n pero isipin mo ‘din ang side ni Daddy na gusto n’ya ‘din sumaya”giit n’ya.

Bumuga ako ng hangin. “Sumaya? Without even to consult me about this matter?”

“Hindi ko pa nakikita ang babae na ‘yan nanggagalaiti na ako sa inis. Paano pa kaya kapag nakita ko s’ya? I’m swear kuya, papatayin ko s’ya!”singhal ko sa kausap.

“Almera Leonor, watch your mouth”saway n’ya sa’kin. Tinatawag n’ya lang ako sa buong pangalan ko kapag nagagalit na s’ya sa’kin.

Hindi naman ako nagpaawat. “Sige, kuya. Kampihan mo ang babaeng ‘yon! Umalis kana”

Nilampasan ko si kuya at nagtuloy-tuloy ako papunta sa kwarto ko saka iyon inilock.

Sa pagitan naming magkapatid dapat s’ya ang nakakaunawa sa’kin dahil matagal n’yang nakasama si Mommy kaysa sa’kin na sa picture ko lang s’ya nakita.

Nakihinga ako ng maluwag nang marinig ang pag-ugong ng sasakyan ni Kuya paalis.

Naligo naman ako at nag-ayos bago lumabas ng bahay. Naabutan ko si Jannet na nasa kusina kaagad n’ya akong binati at niyakap nang makita n’ya ako.

Kami ang magkalaro ni Jannet ‘nong mga  bata palang kami. Palagi kasi s’yang dinadala ni Nanay sa bahay para magkaroon ako ng kaibigan at kalaro.

“Akala ko haka-haka lang ‘yung balitang nandito ka sa bahay namin”saad nito.

Ngumiti naman ako. “Kumusta kana? Balita ko nagtuturo kana”

Pangarap n’ya na talagang maging guro noon pa, sabi n’ya pa ‘non kapag hindi daw s’ya pinalad mag a-abroad na lang daw s’ya.

“Oo, kakasimula ko lang kaya medyo ubos ang energy ko.Ikaw kumusta naman?”tanong n’ya.

“Ayos naman ako”nakangiting sagot ko.

“Mabuti naman kung gano’n. Salamat nga pala sa pagsama dito kay Nanay at pagtulong sa kaniya”pagpapasalamat n’ya.

Para na kaming magkapatid ni Jannet dahil iisang tao lang ang nagpalaki sa’min.

“Nga pala, Leonor. Balita ko may kasintahan ang Daddy mo, alam mo na ba ‘yong tungkol ‘don?”tanong n’ya sa’kin.

Tumango ako. “Oo, alam kuna kaya nga umuwi ako, e”

Napatango-tango naman ito. “A-Alam muna ba kung sino?”

Umiling ako at bumuga ng hangin dahil wala na akong alam bukod sa babaeng ‘yon.

“Ang narinig ko lang na halos magkasing-edad lang kami. Bukod ‘don wala na pero h’wag kang mag-alala malalaman ko ‘din kung sino ‘yon”paninigurado ko.

Sisiguraduhin kong pagsisihan ng babaeng ‘yon na nabuhay pa s’ya sa mundo.

Kaagad na nag-iwas ng tingin si Jannet ‘nong tingnan ko s’ya sa mata. Anong problema n’ya? Alam n’ya ba kung sino?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status