Madalim na sa labas pero hindi parin ako nakakapagdesisyon kung pupunta ako sa resthouse ni Mayor or hindi.Kinagat-kagat ko ang ibaba kong labi, hindi ‘din naman kasi ako mapapakali kong hindi ko ako pupunta but I don’t want to go either.Bumuga ako ng hangin at nagbibis. Siguro kailangan kong pumunta para alamin kong ano ba ang gusto n’ya bakit pinapapunta n’ya ako sa resthouse.“Oh, nakabihis ka ata iha? May pupuntaha ka?”tanong sa’kin ni Nanay ng makita niya akong nakaayos.“Mamaya kuna lang po ipapaliwanag, Nay. Aalis na po ako”paalam ko sa kaniya.Nagmamadali akong lumabas ng bahay at nagpahatid sa trycicle sa resthouse.Lakas-loob akong pumasok sa bakuran. Niloloko n’ya ba ako? Wala namang tao at sobrang dilim pa?Napakurap-kurap ang mga mata ko kasabay ng pagbuka ng bibig ko ng biglang magliwanag ang buong paligid.Napa-wow ako ng makita ang buong lugar. Napaka-cozy ng pagkakagawa at napaka-simple lang ng interior design.“Nagustuhan mo?”Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa
Halos buong hapon kami nag-aayos ng mga furniture dito sa resthouse kaya naupo muna ako sa sofa ng ilang minuto para magpahinga.“Komportable ka sa sofa? Hindi naman masyadong malambot?”tanong n’ya sa’kin.“Umupo ka kaya para malaman mo”naiinis na sabi ko.“Gusto ko kasing ikaw ang mauna”anito.“Ewan ko sa’yo”naiinis paring sabi ko.“Maria”tawag n’ya sa pangalan ko.“Ano?!”taas kilay na tanong ko. Nagulat na lang ako ng lumuhod s’ya sa paanan ko.“Ano bang ginagawa mo?”tanong ko.“Buntis kaba?”tanong nito na ikinagulat ko.“A-Ano?”gulat na sabi ko.“Kagabi, naduwal ka. Tapos palagi kang naiinis sa’kin, di’ba sign ‘yun na buntis ang babae?”paliwanag n’ya.Halos matawa naman ako sa sinabi n’ya.“Ano bang sinabi mo d’yan? Hindi ako buntis”paninigurado ko.Nakita ko sa pagmumukha n’ya na hindi s’ya kumbinsido sa sinabi ko.“May period ako ngayon kaya sigurado akong hindi ako buntis”giit ko.“Talaga? Sigurado ka?”sunod-sunod n’yang tanong na ikinataas ng kilay ko.“Bakit? Gusto mo ng ebide
Maaga akong nagising para samahan si Ares na mamili ng mga kakailanganin n’ya sa resthouse.Nagtaka ako ng makitang marami s’yang tsinelas na binili para sa mga bata.“Para kanino ang mga ‘yan?”tanong ko sa kaniya.“Naalala mo ‘yung mga batang kalaro ko ng patentero? Sila ang bibigyan ko ng mga tsinelas, napansin ko kasi na lumang-luma na ang suot nila, ‘yung iba wala talagang tsinelas na ginagamit”paliwanag n’ya kaya humanga ako sa kaniya.He’s very considerate, kind and demure.“Ikaw ano ang gusto mo?”tanong n’ya sa’kin.Ngumiti ako. “I want ice cream”Tumango s’ya. “Okay, bili tayo”“Damihan natin para mabigyan ‘din natin lahat ng bata”nakangiting saad ko.Napabaling ako sa kaniya ng maramdamang nakangiti s’ya habang nakatitig sa’kin.“Oh, bakit mo ako tinititigan ng ganyan? Bahala ka, mataas pa naman ako maningil”sabi ko na ikinatawa n’ya naman.“Handa kitang bayaran basta ikaw,baby”aniya sabay hawak sa beywang ko.Napangiti naman ako. “Let’s go!”Kitang-kita ko ang saya sa mukha
Nagising ako ng may maramdamang humahalik sa balikat ko mula sa aking likuran.“Hi, baby. Good morning”bati n’ya sa’kin saka n’ya hinalikan ang pisngi ko.Napangiti naman ako dahil sobrang kampante ako sa pagtulog dito sa kama.Nakakarelax talaga kaya siguro sobrang tanghali na akong nagising.“How’s your sleep?”tanong n’ya.“Tinatanong pa ba ‘yan?”natatawang sabi ko dahil halatang-halata naman na sobrang sarap ng tulog ko.“Naghanda na ako ng breakfast mo, gusto mo dahil kuna lang dito?”tanong n’ya.Umiling ako. “No, sa dinning na lang ako mag be-breakfast”“Before that, pwede kabang dumungaw sa bintana?”aniya.Kumunot ang noo ko sa sinabi kaya kaagad akong bumangon mula s pagkakahiga at nagtungo sa glass window.Napanganga ako ng makita ang mga rosas sa bukaran. Iba’t-iba ang kulay ‘non kaya namangha ako.Malawak ang ngiti sa labi ko ng yakapin ako ni Ares mula sa aking likuran.“You like it?”tanong n’ya.“A lot”masayang sabi ko sabay lingon sa kaniya kaagad n’ya namang inangkin ang
Habang abala s’ya sa pagmamaneho papunta sa clinic ng Ob-Gyne naghahanap ako ng pagkakataon na aminin sa kaniya ang pagkatao ko.Magsasalita na sana ako ng biglang mag-ring ang phone n’ya kaagad n’ya naman iyong sinagot kaya tinakasan na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya sa ibang pagkakataon na lang siguro.Dahil maaga kaming nakarating sa clinic kami kaagad ang unang na check-up ni Dr. Maresse.“Congratulations, you are three weeks pregnant”nakangiting bati n’ya sa’min ni Ares.Napatingin naman ako kay Ares ng mahigpit n’yang hinawakan ang kanan kong kamay.“Bibigyan kita ng vitamins para maging malusog si baby”nakangiti n’ya paring sabi.Ngumiti naman ako sa kaniya at nagpasalamat.“Excuse me, Doc.Pwede ba kaming magpa-ultrasound?”tanong sa kaniya ni Ares.“Yes, pwede naman”tugon sa kaniya ng Doctor.Napaluha-luha ako ng makita ang ultrasound,magkakababy na nga talaga ako.“Misis, palagi kang mag-iingat dahil hindi masyadong makapit ang baby.Iwasan mong mastress at kumain ng
Nagbabasa akong libro sa sala habang hinihintay si Ares na umuwi.Pumunta s’ya sa bayan kanina para kumustahin ang kapartida n’ya, nag text naman s’ya sa ‘kin na gagabihin s’yang umuwi dahil pinuntahan n’ya ang kaibigan n’yang si Dustine sa bar nito.Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon at iniluwa si Ares na lasing na lasing.Itiniklop ko ang librong hawak ko para lapitan s’ya pero napatigil ako ng pumunta s’ya sa kusina kahit pasuray-suray sa paglalakad.“Hindi n’ya ba napansin na nandito ko?”tanong ko sa sarili.Hinayaan ko lang ito, tahimik ko lang pinagmasdan ang mga kilos n’ya.Binuksan n’ya ang refrigerator at kumuha ng mga ingredients ‘don. Mukhang magluluto s’ya ng pagkain.Kumuha s’ya ng mais, karots at breast ng manok saka iyon hiniwa ng maliliit mukhang pangpatanggal ‘yun ng hang-over.Napabuga ako ng hangin at nilapitan s’ya.“Ano bang ginagawa mo?”tanong ko sa kaniya kahit alam kong magluluto s’ya.Tumingin naman s’ya sa’kin at mahinang tumawa. Mukhang kasing nga ta
Nagdesisyon na akong magpakasal kay Ares habang humahanap parin ng tiyempo para sabihin sa kaniya ang totoo.“Bakit ang tagal n’ya namang lumaki”reklamo n’ya habang hinahaplos ang manipis kong tiyan.“Mabilis lang ang siyam na buwan.H’wag kang mag-alala dahil pagkatapos kung manganak ikaw naman ang mag-alaga sa kaniya. Magtitimpla ng gatas, magpapaligo, magpapalit ng diaper at kakarga buong araw at gabi”natatawang sabi ko sa kaniya.“Oo, ako lahat ang gagawa ‘non.Wala kang po-problemahin, ang gagawin mo lang magpahinga at bumawi ng lakas para makagawa ulit tayo ng baby”pahayag n’ya.Mahina ko namang tinapik ang balikat ang kamay n’ya na umahaplos na manipis kong tiyan.“Ano ka sinuwerte?”inis na sabi ko sa kaniya.“Five years ang pagitan bago tayo bumuo ulit ng anak”saad ko.“Ikaw ang magiging Mayor ng bayang ‘to dapat mahikayat mo ang mga tao sa pamamagitan ng pagdisiplina mo sa sarili mo”dagdag ko pang sabi.“At ano naman ang kinalaman ‘non sa pamilya natin?”tanong n’ya.“Family pla
Hawak-hawak ni Ares ang kamay ko kaya medyo gumagaan ang pakiramdam ko habang kaharap namin sa hapag ang parents n’ya.“Pasensya na po kayo kung ngayon lang po namin ipinaalam ang relasyon namin”pahayag ni Ares.“Hindi iho, alam naman namin gusto n’yo na munang mag-solo.It’s nice na ‘din na minadali mo itong pagpagawa ng resthouse para sainyong dalawa”nakangiting tugon ng Mama n’ya.Nakikita ko naman na sobrang bait ng mga magulang n’ya kaya medyo humupa na ang kaba ko.“Naging kampante ako dahil apo ka pala ni Manang Beth, naging guro ko s’ya noon kaya naging malapit ako sa kaniya pati na ‘din ang anak kong si Ares”baling na sabi sa’kin ng Papa ni Ares.Ngumiti ako bilang tugon dito,hindi ko alam pero parang may batong dumagan sa dibdib ko kaya napakabigat ‘non.Sana talaga ako na lang si Maria para naging ganito kadali ang lahat para sa’min ni Ares. Bawat araw ang lumilipas hindi na ako nagiging masaya dahil palagi akong hinahadalagan ng kasinungalingan ko.“May sasabihin ‘din po ka