Share

KABANATA 2:

ALMERA's POV

    Sermun ang inabot ko pagdating sa bahay. Mabuti na lang dahil nilalagnat ako kaya hindi na nila ako masyadong pinagalitan dahil sa nangyari.

Iniwan ko ang mga bagahe sa airport at pumunta sa bar kagabi. At may nakatalik na hindi kilalang lalaki pero hindi ko pinagsisihan ‘yung nangyari. 

I’m 25 now, kailangan kuna ‘yung maexperience at alam ko naman na hindi naman masamang tao ang lalaking ‘yun.

Hindi kuna s’ya hinintay kaninang magising dahil hindi ko ‘din naman alam ang sasabihin ko. Wala akong lakas ng loob na harapin s’ya dahil wala na sa sistema ko ‘yung alak na nagpalakas ng loob ko na magawa ‘yung kagabi.

Ipinagdarasal ko lang na sana h’wag ng mag krus ang landas naming dalawa. Hayaan na lang ng tandhana na one night stand lang ang nangyari sa’ming dalawa.

Narinig ko sa mga katulong namin dito sa bahay ang tungkol sa mga tatakbong kandidato na nag file na ng kanilang mga COC.

Hindi naman ako kinakabahan sa darating na eleksyon dahil ilang dekada ng hawak nang pamilya namin ang Camirines Sur.

Si Daddy ang Congressman, habang si Kuya naman ay Gobernador ng lalawigan. Ang mga relatives ko naman ay may kaniya-kaniya ‘ding hawak na posisyon.

Alam ko naman na maraming mga grupo ang tumututol sa Political Dynasty sa Pilipinas pero hindi ko naman kayang pigilan ang pamilya ko tungkol ‘dun dahil aminin na natin na nababalot na ng Political Dynasty ang Politika.

“Balita ko ‘yung tatakbong Mayor sa Bato ay sobrang gwapo daw. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon di’ba? Kapag gwapo awtomatik na panalo”rinig kung sabi ng isa naming katulong.

“Yun na nga ang problema dahil tatakbo daw ‘yun bilang independent candidate”sabi naman ng isa.

“Wala pang nanalong independent candidate pero kung kaalyansa s’ya ni Cong. malamang na mananalo s’ya”tugon naman ng isa.

Sino ba ang pinag-uusapan nila na tatakbong Mayor?

“Sa pagkakaalam ko, matigas daw ang ulo ‘non at talagang malakas ang loob na tumakbo sa pagka-alkalde kahit isang dekada ng nasa katungkulan ang makakalaban n’ya”lintaya pa nila.

Kung sino man ang tatakbong Mayor na ‘yun. Sana palarin s’yang manalo sa darating na eleksyon, ang tanging panalangin ko lang ay para sa bayan ang pagtakbo nila at wala ng ibang dahilan pa.

Bumalik ako sa kwarto ko para kumuha ng ilang gamit. Gusto ko sanang bisitahin si Nanay ang yayang nagpalaki sa’kin.

“Where are you going”tanong sa’kin ni kuya na nagkakape sa veranda.

“I’m going to Nanay, why?”tanong ko pabalik sa’kanya.

“Your not going anywhere, little demon”anito na ikinakunot ng noo ko.

“Your not my dad, monster”tugon ko sabay cross arms sa harapan n’ya.

“Hayst, kung lalaki ka lang talaga isinabit na kita sa poste, e”rinig kung sabi n’ya na ikinairap ng mata ko.

“Nag-almusal kana?”tanong n’ya.

Umiling ako. “Hindi pa, nag ts-tsismisan ‘yung mga katulong n’yo, e”

“Talaga? Tungkol saan? Sa kagwapuhan ko ba?”nakangiting tanong n’ya sabay pa-cute sa’kin, wala naman ang reaksyon na nakatingin sa pangit na pagmumukha n’ya.

“Pasalamat kana lang kuya na humihinga ka”tugon ko sabay alis sa harapan n’ya.

“Hoy! Lagot ka sa’kin makikita mo!”rinig kung sigaw n’ya.

Nagtuloy-tuloy lang akong sa paglalakad. Itinaas ko ang kamay ko at kumaway sa’kanya ng hindi s’ya nililingon.

“Ciao”saad ko sabay sakay sa nakaabang na kotse sa labas.

Ilang oras kaming bumayahe bago nakarating sa bahay nila Nanay. Tuwang-tuwa s’yang nakita ako dahil dalagang-dalaga na daw ako.

Anim na taon akong nasa America at doon nagkolehiyo. Si Nanay na ang tumayong Mommy ko simula pagkabata dahil wala na akong nakagisnang ina.

Marami s’yang alagang manok na native, baboy at mga pananim dahil mataba ang lupa dito.

“Ikaw lang po ba ditong mag-isa, Nanay?”tanong ko sa kanya.

Nakangiti s’yang tumango sa’kin.

“Oo, iha. ‘Yung mga anak ko sa bayan nakatira, ako lang dito nakatira sa bukid dahil mas tahimik ang buhay dito”tugon n’ya.

Napatango-tango naman ako dahil totoo naman talaga ang sinabi n’ya. Sobrang sariwa ang hangin dito at napakatahimik ng lugar.

“Susundan mo ba ang yapak ng pamilya n’yo? Nasa hustong gulang kana para tumakbo sa kahit anong posisyon na gusto mo”anito.

Ngumiti ako kay Nanay at umiling.

“Hindi ko po pinangarap na pumasok sa politika. Isa pa po may iba pa namang paraan para makatulong sa kapwa ng hindi pumapasok sa Politika”saad ko.

“Isa pa po, wala naman akong alam sa Politika kaya bakit pa ako tatakbo di ‘ba? Gusto ko ng tahimik na buhay katulad ng buhay mo Nanay”dagdag ko pang sabi.

Napatango-tango si Nanay sa naging tugon ko habang nakangiti ng malawak.

“Sana lahat ng nag file ngayon ng kandidatura ay inisip ‘yan bago tumakbo. May mga nag file ngayon ng COC na kilala sa social media pero wala namang alam sa Politika”sagot n’ya.

Ngumiti ako. At inabala ang paningin sa napakagandang lugar.

“Nagluto ako iha ng paborito mong pancit at kanin, kumain ka ng marami”saad ni Nanay.

“Salamat po”nakangiting sabi ko.

Hinalo ko ang pancit at kanin katulad ng ginagawa ko ‘noon saka nilagyan ng kalamansi bago ‘yun nilantakan.

Namiss ko ang luto ni Nanay kaya halos maubos ko ang hinain n’ya para sa’kin.

Marami kaming pinag-usapan ni Nanay ng matapos akong kumain.Marami s’yang itinanong sa’kin tungkol sa paninirahan ko sa anim na taon sa America.Nagkwento ‘din s’ya ng mga nangyari sa kaniya sa loob ng anim na taon.

Bumalik ako sa bahay ‘nong magdalim na, nandatnan ko si Daddy sa veranda na umiinom ng whisky kaya sinamahan ko s’ya para makausap ‘din sa mga bagay-bagay.

“Iha, nag hire ako ng magiging bodyguard mo simula bukas para may magbantay sayo sa lahat ng oras”pahayag n’ya.

Kaagad naman akong hindi pumayag sa gusto n’ya. Alam ko naman na delikado para sa’kin ang umalis sa bahay ng mag-isa, kaya nga ako pinapunta ni Daddy sa America dahil sa death threat ng mga kalaban n’ya sa Politika pero gusto kong mabuhay ng may kalayaan.

“Dad, please. I want to be free, ayaw ko ng bodyguards. Kay Nanay muna ako mag s-stay dahil mabuti pa sa lugar na ‘yon may katahimikan”saad ko bago ako nagpaalam sa kanya.

Kinabukasan, pumunta ako kay Nanay dala ang ilan sa mga gamit ko. Balak sa kaniya na muna makitira ng ilang araw.

“Tamang-tama iha, taniman na ng palay. Wala akong katulong umasikaso sa mga darating na bisita”pahayag ni Nanay.

“Mga bisita po?”tanong ko.

Tumango s’ya. “Kapag taniman na kasi ng palay dito sa’akin nakikituloy ang may-ari ng sakahang lupa para tumulong sa pagtanim ng palay at pag-asikaso na ‘din sa mga magsasaka”

Napatango-tango naman ako sa sinabi ni Nanay.

“Kung ganun po pala, kailan sila dadating?”tanong ko sa kausap.

“Maya-maya nandito na si Sir Ares kaya magluluto na ako para may makain s’ya pagdating”anito.

“Tulungan kuna po kayo, Nay”saad ko pagkuwa’y sabay na kaming nagtungo sa kusina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status