Kasabay ng pagbabago ng kaniyang mukha ang pagbabago ng takbo ng buhay niya. Maingat na bumaba sa private plane si Shaniya Desiderio na ngayon ay si Adeline Pascua na. Mamayang gabi ay nakatakda siyang ikasal sa isang mayamang lalaki na aisang taon nang nakaratay at nababalot ng bandage ang buong mukha at katawan.
Tinanggap ni Adeline ang kaniyang kapalaran kapalit ng pangakong paghihiganti sa dati niyang asawa, stepsister at madrasta. Limang taon na ang nakalipas mula noong gabing iyon. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala niya ang sakit. Ang pagkamatay ng kaniyang ama. Ang katotohanan tungkol sa anak niya. Ang pagsagasa sa kaniya ni Diana at pagbuhos nito ng asido sa kaniyang mukha. Maging ang pagtulak nito sa kaniya sa bangin habang naroon rin si Aries, ang dati niyang asawa. Hindi niya makakalimutan ang gabing iyon. Nakaukit iyon sa kaniyang isipan at kailanman ay hindi na mabubura. “Miss Adeline, naghihintay na sa inyo si Don Alvaro Velasquez.” Marahang inalis ni Adeline ang sunglasses na suot at nilingon ang assistant ni Don Alvaro Velasquez, ang lolo ng lalaking mapapangasawa niya. Si Drake Vincent Velasquez ay isang business heir na naaksidente isang taon na ang nakalilipas bago pa man maipasa dito ang pagiging CEO ng kompanya. Pinsan ito ni Aries Velasquez na dati niyang asawa. Coincidence? Hindi. Alam niyang may dahilan si Don Alvaro kung bakit siya iniligtas nito at binigyan ng bagong buhay. Lulan ng magarang sasakyan ay nakarating si Adeline sa malaking mansyon ng mga Velasquez. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman nang tumapak sa sahig ng mansyon. Una siyang tumuntong dito nang ikasal siya kay Aries Velasquez at ngayon ay ikakasal na siya sa pinsan nito. Nakakatawa pero mas nakakagalit. Napatigil sa paghakbang si Adeline nang mamataan ang dalawang taong pababa ng hagdan. Magkayakap at nagtatawanan. Inaasahan ni Adeline na makakaramdam ng kirot sa kaniyang puso ngunit wala. Tanging poot lang ang nararamdaman niya para sa dalawang taong kaharap. “Barron, sino iyan?” Kunot-noong tanong ni Aries sa assistant ni Don Alvaro na nasa likuran ni Adeline. Taas-noong pinagmasdan ni Adeline si Aries at Diana. Mukhang masayang-masaya ang dalawa sa pagkawala niya. Bahagyang yumuko si Barron sa dalawa, “Sir Aries, siya si Miss Adeline Pascua. Ang mapapangasawa ni Sir Drake.” Agad na nangunot ang noo ni Aries at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Gustong matawa ni Adeline. Imposibleng makilala siya nito dahil iba na ang mukha niya ngunit kahit ganoon ay ramdam niyang apektado ito sa presensya niya. “Mapapangasawa?” Muling yumukod si Barron at hindi na sumagot pa. Nauna na itong naglakad papunta sa ikalawang palapag ng mansyon at naiwan si Adeline sa harap ng dalawa. Matalim ang tingin sa kaniya ni Aries at kunot naman ang noo ni Diana. “Kung isa ka sa mga yaman lang ang habol sa pinsan ko, mabuti pang umatras ka na ngayon palang. Hindi ka nababagay sa pamilya Velasquez.” Mahinang natawa si Adeline at marahang hinawi ang kaniyang buhok. “Sa tingin ko ay mas dapat mong sabihin iyan kay Don Alvaro.” “Bitch! Sino ka sa akala mo? Mukha namang nanggaling ka lang sa putik. Saan ka ba pinulot ni grandpa?” Mataray na turan ni Diana. “Miss Adeline…” tawag ni Barron nang mapansing hindi siya sumunod rito. Pinagmasdan ni Adeline ang mga mukhang kinasusuklaman niya. Marahang pinagpag ni Adeline ang kaniyang mga palad at nginisihan ang dalawang nasa harapan niya, “Excuse me. Grandpa must be so excited to see me.” Namula ang mukha ni Diana habang nandilim naman ang ekspresyon ni Aries. Nilagpasan niya ang dalawa at tuloy-tuloy na sumunod kay Barron. Wala siyang pakialam sa kung anong papasukin niya makapaghiganti lang. Malaki ang kasalanan sa kaniya ni Aries, Diana at stepmother niyang si Zandra. Marami siyang sisingilin kasama na roon ang buhay ng kaniyang anak at ama. Idinaos ang seremonyas ng kasal na nag-iisa si Adeline sa harap ng mga kamag-anak ni Drake Velasquez. Walang sinuman ang nagsatinig ng pagtutol sa kasalan at mas napatunayan ni Adeline na tama ang desisyon niyang tanggapin ang tulong ni Don Alvaro. Ang matanda ang isa sa pinakamakapangyarihang negosyante sa buong lalawigan. Pinasadahan ni Adeline ng tingin ang bawat miyembro ng pamilya ng Velasquez at hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang pasimpleng pag-irap ni Diana at pagkalukot ng mukha ni Aries. Hindi nagsayang ng pagkakataon si Adeline. Matapos ang seremonyas ay agad siyang pumanhik at pumasok sa silid niya ng kaniyang bagong asawa. Inihatid siya ng mayordoma ng mansyon at binigyan ng pares ng damit na pamalit. Mrahang humakbang si Adeline at tuluyang pumasok sa silid. Sa likod ng divider ay may dalawang magkatabing kama, ang isa ay may nakaratay na isang lalaking nababalot ng benda ang buong katawan at mukha. Dahan-dahang naglakas palapit si Adeline. Ito ang kaniyang asawa. Marahan siyang naupo sa gilid ng kama at pinakatitigan ang asawa. Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa benda pero hindi walang kaso iyon sa kaniya. Sa bedside table ay ipinatong niya ang pares ng singsing na suot niya saka muling tiningnan ang asawa. “Drake,” masuyong sambit niya sa pangalan ng lalaking walang malay. “Ako si Adeline Pascua. Ako ang asawa mo. 35 years old na ako. Divorced.” Bumaba ang tingin ni Adeline sa kamay ng asawa na hindi naabot ng benda. Hindi niya alam kung bakit natukso siyang hawakan ang kamay ng lalaki ngunit hindi na niya pinigilan ang sarili. Umawang ang kaniyang labi nang maramdaman ang mainit na palad ng lalaki. Nilingon niya muli ang mukha nito bago dahan-dahang dinikit ang likod ng palad nito sa kaniyang pisngi. Namangha siya nang makita ang isang tattoo doon. Sa unang tingin ay hindi ito maintindihan ni Adeline hanggang sa mapagtanto niya ang hitsura nito. Isang maliit na wolf. Kuryosong hinaplos ni Adeline ang tattoo, marahang pinaraan ang daliri sa guhit ng tinta sa balat ng kaniyang asawa hanggang sa mapansin niya ang biglaang paggalaw ng talukap ng mata ng asawa dahilan ng pagtalon niya sa gulat at mabilis na paglayo dito habang nanlalaki ang mga mata. Gumalaw ba talaga ang talukap ng mata ng kaniyang asawa?Tinitigan ni Adeline ang asawang nakaratay. Malinaw sa kaniyang paningin na hindi na muling gumalaw ang talukap ng mga mata ni Drake. Naguguluhan siya. Alam niya sa sarili niya na hindi siya namamalikmata. Talagang nakita niyang gumalaw ang mga mata nito.Unti-unti siyang lumapit muli sa kama at sinundot ang braso ng asawa. Nadismaya siya nang hindi na muling gumalaw ang lalaki. Napakurap-kurap si Adeline saka humugot ng malalim na buntong-hininga. Naupo siyang muli sa tabi ng asawa hanggang sa magvibrate ang kaniyang telepono.Nang makita kung sino ang tumatawag ay tumayo siya at agad itong sinagot, “Hello, Matias? Anong balita?”Si Matias ang kaniyang personal bodyguard na siya ring inuutusan niya upang manmanan si Aries. Hindi ito basta-bastang tumatawag kaya alam niya ngayon na may ginawang hakbang si Aries.[Ma’am, nasa Paralux Hotel si Sir Aries ngayon. Ayon sa source ko, imemeet niya ang Presidente ng nasabing hotel para makipagdeal dito.]Agad na nangunot ang noo ni Adeline. “
Ganoon na lamang ang gulat ni Adeline nang banggitin ng lalaki ang kaniyang pangalan. Walang nakakakilala sa kaniya sa lugar na ito dahil bago ang kaniyang identity. Imposible namang kumalat agad ang balita tungkol sa kasal niya kay Drake Velasquez. Itinulak ni Adeline ang lalaki. “Bakit mo ako kilala?” Muling gumuhit ang ngisi sa mapupula nitong mga labi. “ Let’s just say I’m someone interested in your vegetative husband’s life. So, can you bear the price of the favor you’re asking?” “A-Anong gusto mo?” “It’s very interesting to see a newly married woman in my hotel when her husband is somewhere else, unconscious. Simple lang ang gusto ko, Adeline…” Napakuyom ng kamao si Adeline sa kaba nang lumapit muli ang lalaki sa kaniya at marahang hinaplos ang kaniyang baywang bago bumulong, “Sleep with me. Spend your honeymoon night with me.” “Baliw ka na!” Mariing sagot ni Adeline. Humalakhak ang lalaki bago umatras at seryoso siyang tinitigan. “You can’t give me what I want.” Pakiramd
Halos tanghali na nang bumaba si Adeline. Sa sala ay naabutan niya ang mga maid na naglilinis at may isang batang lalaking nakaupo sa sofa habang nanunuod ng cartoons. Itim na itim ang medyo kulot nitong buhok. Mula sa pwesto niya ay kita niya ang mahaba at makapal nitong pilikmata, matangos na ilong at mapulang mga labi. Bilugan ang mukha nito at maputi ang kutis.“Ma’am Adeline, ipinatatawag kayo ni Don Alvaro sa study room.”Nilingon ni Adeline ang maid, “Sige, susunod ako.”Hindi lingid sa kaalaman ni Adeline na may anak ang lalaking pinakasalan niya. Ayon kay Don Alvaro ay anak ito ni Drake sa dati nitong kasintahan na umalis at hindi na bumalik matapos ipanganak ang bata.Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Adeline habang nakatitig sa batang lalaki. Naalala niya ang kaniyang anak. Sanggol pa lamang ito nang kunin sa kaniya. Ni hindi niya nagawang makita ang mukha nito dahil nag-aagaw buhay siya nang bawian ito ng buhay. Tanging si Don Alvaro ang nakakita sa mukha ng kaniyang ana
HALOS panawan ng ulirat si Adeline habang nakatingin sa mulat nang mga mata ng asawa. Sa takot ay dali-dali siyang tumakbo palabas upang tawagin ang family doctor ng mg Velasquez. Humahangos na kumatok si Adeline sa kwarto ng binatang doktor na agad naman siyang pinagbuksan. “Mrs. Velasquez…” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Adeline at itinuro ang pinto ng master bedroom, hindi kalayuan, “S-Si…Si Drake.” “Anong nangyari sa kaniya?” Agad na lumabas ng silid ang doktor matapos hablutin ang stethoscope at ilan pang mga gamit upang gamitin sa pagchecheck ng pasyente. “N-Nagmulat siya ng mata,” utal-utal na sagot ni Adeline sa doktor habang sumusunod dito papunta sa master bedroom. Sukat ay natigilan sa paghakbang ang doktor at dahan-dahan siyang nilingon, “Ano iyon, Mrs. Velasquez?” “Nagmulat siya ng mata, dok. Kitang-kita ko,” siguradong sagot ni Adeline. Hindi siya maaaring magkamali. Nakita niyang mulat ang asawa at nakatingin ito sa kaniya kanina. Wala nang imi
NANG muling pumasok sa master bedroom si Adeline ay saktong nagliligpit na ng gamit ang family doctor. “Pinalitan mo siya ng bandage?” Puna niya nang mapansin ang itinapon nitong bandage. Tumango ng marahan ang doktor, “Oo. Mrs. Velasquez…” “Hm?” Ani Adeline bago nilingon ang doktor mula sa pagtitig sa nakaratay na asawa. “Iyong pagmulat niya ng mata…” “Oo, dok. Hindi ko sinasadya iyon. Nasaktan ko ba siya? Ayos lang ba siya?” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Gabriel, “Ang totoo niyan pang-apat na beses na niyang ginawa ito.” Napaawang ang labi ni Adeline, “Totoo ba?” “Ang mga unang beses na nagmulat siya ng mata ay dahil sa mga bagay na nagugustuhan niya. Katulad ng kapag nakarinig siya ng music na pamilyar sa kaniya. O kaya nakarinig siya ng boses na siguro ay namimiss niya…” Napalunok si Adeline, “Ano sa tingin mo ang dahilan niya ngayon?” Sinulyapan ni Gabriel ang kaibigan saka muling hinarap si Adeline, “Mukhang gusto niyang inaalagaan mo siya, Mrs. Velasquez.”
MATAMANG pinagmamasdan ni Adeline ang batang lalaki. Panaka-naka itong sumusulyap sa kaniya ngunit magana namang kumakain. Magaan ang kaniyang pakiramdam habang pinagmamasdan ang bata. Tila may kung anong humaplos sa kaniyang puso habang pinagmamasdan ang magana nitong pag kain. Akmang kukuha pa ng fried chicken ang bata nang pabirong hilahin ni Adeline ang bowl. Namilog ang mga mata nito at tiningala siya. Mahinang natawa si Adeline, “Masarap diba?” Unti-unting nalukot ang mukha ng paslit. Natatawang nilagyan ni Adeline ng panibagong ulam ang pinggan nito. Hindi sumagot ang bata. Tiningnan lamang siya nito nang matalim saka muling dumulog sa pag kain. Tamang-tama naman na pumasok sa kusina ang dalawang taong kinaiinisan ni Adeline. Kunot ang noo ni Aries habang nakangisi naman si Diana. Agad na nawalan ng ganang kumain si Adeline. “Anong ginagawa mo, Adeline?” Galit na tanong ni Aries. Tumaas ang kilay ni Adeline, “Ano sa tingin mo?” Suminghap naman si Diana saka niyuko
HINDI napigilan ni Adeline na pagkiskisin ang mga ngipin sa labis na galit. Nagpupuyos ang kaniyang damdamin sa gigil at gusto niyang sabunutan ang babaeng kaharap. Naalala niya ang walang katuturang chismis na kumalat noon involved ang mga magulang niya. Pinagbintangan noon ang kaniyang ina na pinakasalan lamang ang kaniyang ama dahil sa yaman nito. Hanggang ngayon ay dala-dala niya pa ang sakit na dulot ng chismis na iyon. Hindi niya makalimutan dahil halos masira ang kaniyang pamilya dahil sa paninira ng ibang tao sa relasyon ng mga magulang niya. “Ano? Nasapol ko ba?” Ngingisi-ngising tanong sa kaniya ni Diana. Tinitigan ni Adeline ang babae gamit ang madilim na emosyon sa mga mata. Malaki ang kasalanan nito sa kaniya. Napakalaki at kahit kailan ay hindi na niya ito mapapatad. Lumuhod man ito sa pako at lumuha man ng dugo, hindi siya makakaramdam ng kahit na konting awa para sa babae. Gustong-gusto na niyang hilahin ang
HINDI makasagot si Adeline. Nagulat siya sa pagdagundong ng malakas na sigaw ni Don Alvaro. Gusto niyang mangatwiran ngunit hindi niya maibuka ang mga labi at tila nalulon niya ang kaniyang dila. Kitang-kita niya ang nag-aapoy na galit sa mga mata ng Don at alam ni Adeline na kung maniniwala ito kay Diana ay baka mapalayas siya sa mansion nang wala sa oras.Mas lalong lumakas ang hagulgol ni Diana na nagpataas lalo ng gigil ni Adeline. Masyado nang gasgas ang arte ng babae. Gusto niya itong tadyakan sa mukha.“BAKIT NABASAG ANG VASE, ADELINE?”Mariing napapikit si Adeline sa lakas ng sigaw ng matanda.“Siya ang may kasalanan, grandpa!” Umiiyak na sumbon