Tinitigan ni Adeline ang asawang nakaratay. Malinaw sa kaniyang paningin na hindi na muling gumalaw ang talukap ng mga mata ni Drake. Naguguluhan siya. Alam niya sa sarili niya na hindi siya namamalikmata. Talagang nakita niyang gumalaw ang mga mata nito.
Unti-unti siyang lumapit muli sa kama at sinundot ang braso ng asawa. Nadismaya siya nang hindi na muling gumalaw ang lalaki. Napakurap-kurap si Adeline saka humugot ng malalim na buntong-hininga. Naupo siyang muli sa tabi ng asawa hanggang sa magvibrate ang kaniyang telepono.
Nang makita kung sino ang tumatawag ay tumayo siya at agad itong sinagot, “Hello, Matias? Anong balita?”
Si Matias ang kaniyang personal bodyguard na siya ring inuutusan niya upang manmanan si Aries. Hindi ito basta-bastang tumatawag kaya alam niya ngayon na may ginawang hakbang si Aries.
[Ma’am, nasa Paralux Hotel si Sir Aries ngayon. Ayon sa source ko, imemeet niya ang Presidente ng nasabing hotel para makipagdeal dito.]
Agad na nangunot ang noo ni Adeline. “Makipagdeal?”
Nagtaas ng noo si Adeline. Mukhang alam na niya ang mangyayari. Nahuhulaan na niya ngayon kung bakit siya tinulungan ni Don Alvaro. Dahil nakaratay ang tagapagmana nito ay sinusubukan nitong isecure ang posisyon ni Drake sa pamamagitan niya. Kasal na siya kay Drake ngayon at nangangahulugan iyon na may karapatan siyang humawak ng posisyon sa AL.VZ Empire kaya kumikilos na si Aries para palakasin ang sarili niya sa pamamagitan ng pakikipagdeal sa Presidente ng Paralux Hotel Chains. Kapag nagtagumpay siyang mapapayag ang Presidente ng hotel ay magkakaroon siya ng suporta mula sa mga board members na pamahalaan ang Empire.
Natawa si Adeline. Matalino talaga si Aries pero hindi siya papayag na magtagumpay ito.
“Bumalik ka sa mansyon, Matias. Kailangan ko ang tulong mo para malabas sa Casa Velasquez. Ngayon din.”
[Masusunod, ma’am] Tapat sa kaniya ang personal bodyguard kaya hindi siya nangangambang mahuli sa gagawin niya.
Matapos ang tawag ay agad na nilingon ni Adeline ang asawa saka naglakad palapit sa pinto ng kwarto. Inilock niya ito bago lumapit sa malaking bintana sa kwarto nila ng kaniyang asawa. Muli niyang nilingon ang nakaratay na lalaki bago siya tumingin sa ibaba upang hintayin si Matias.
Ilang sandali lamang ay dumating ang lalaki na may dalang hagdan. Mabilis siyang nakababa at nakaalis ng mansyon. Mabilis siyang nakarating sa Paralux Hotel. Kitang-kita niya nang pumasok si Aries sa elevator. Pinasundan niya ito kay Matias upang malaman kung saang unit ito pupunta saka pa lamang siya umakyat nang makabalik ang personal bodyguard.
“Room 216, ma’am. 15th floor.”
Agad na tumango si Adeline at pumasok sa elevator. Kailangan niyang maunahan si Aries o kung hindi naman ay kailangan niyang makumbinsi ang Presidente ng hotel na h’wag makipagtulungan kay Aries. Hindi siya papayag na mas lumaki ang koneksyon ng lalaki dahil mas mahihirapan siyang parusahan ito.
Nang makarating sa unit 216 ay idinikit ni Adeline ang tainga sa pinto upang pakinggan ang nangayayri sa loob ngunit ganoon nalang ang gulat niya nang bumukas ang pinto at nasubsob siya sa dibdib ng lalaking lumabas.
Napasinghap si Adeline at agad na umatras. Halos mapaso siya nang mag-angat ng tingin at salubungin ng mga matang sing-itim ng gabi at sing-lalim ng dagat. Umawang ang kaniyang mga labi. Nakasuot ng itim na mask ang lalaking lumabas at kunot-noong nakatingin sa kaniya.
“Who are you?” Maaligasgas ang boses nito at puno ng lamig, halatang hindi gusto ang inabutang ginagawa niya.
Sandaling naparalisa ang utak ni Adeline. Hindi siya kaagad nakasagot dahil kinailangan niya pang gumagap ng hangin at hanapin ang sandaling nawalang dila. Napakalakas ng dating ng lalaki. Nakakapanghina.
Tumayo ng tuwid si Adeline at sumilip sa loob ng unit. Namilog ang kaniyang mga mata nang mamataan si Aries na nakahiga sa sofa at walang malay bago sumara ang pinto.
Nilingon niya muli ang lalaking kaharap. “Ikaw ang…President ng Paralux Hotel? Ikaw si Vincent Ryu?”
Tinitigan siya ng lalaki bago dahan-dahang hinubaad ang suot na mask. Kumabog ng malakas ang dibdib ni Adeline nang makita ang kabuohan ng mukha nito. Pakiramdam niya’y kakapusin siya ng hangin dahil sa lalaki.“What is it to you?” Humakbang ito dahilan ng pag-atras niya. Napasinghap si Adeline nang tumama ang kaniyang likod sa pader.
Lumunok siya habang sinasalubong ang tingin ng lalaki. Nagtiim-bagang ito habang nakatitig sa kaniya.
“K-Kailangan kitang makausap,” Aniya sa nanginginig na boses. Hindi niya maintindihan ang sarili. Natetensyon siya sa presensya ng lalaki.
Tumaas ang sulok ng mga labi nito, “And you think I’m interested in talking? Look what happened to him. You’re not afraid to end up like him.”
Tinapangan ni Adeline ang sarili. Ginagawa niya ito para sa kaniyang sarili kaya hindi siya magpapatinag. Gagawin niya ang lahat makapaghiganti lang sa mga taong nanakit sa kaniya. Lahat ng pagkakataon ay hindi niya palalampasin.“Alam ko namang humihinga pa siya ngayon kaya bakit ako matatakot? Kailangan lang kitang makausap tungkol sa inilapit sayo ni Aries Velasquez. Gusto kong tanggihan mo ang alok niyang mag-invest sa AL.VZ Empire. Hindi mo siya tutulungang maging CEO ng kompanyang iyon.”
Kumawala ang mahinang tawa sa labi ng lalaki. Napalunok muli si Adeline. Tila musika sa kaniyang pandinig ang tawa nito. Nakahahalina. Nakakaadik. Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman niya sa lalaki?“And what do I get in return?” Tila nanghahamon ang tono nito. May kakaibang kislap sa mga mata ng lalaki sa kabila ng lamig at lalim nito.
Pakiramdam niya ay sinusubukan siya ng lalaki. Nagtaas ng noo si Adeline, “Name your price.”
Ngumisi ang lalaki at tiningnan siya mula ulo hanggang paa, “Are you sure you can give me what I want, Miss?”“Oo. Sisikapin kong maibigay,” matapang na sagot ni Adeline.Hinapit ni Vincent Ryu ang baywang ni Adeline na naging sanhi ng pagdaloy ng kuryente sa kaniyang katawan na nagpatindig ng kaniyang balahibo. May kakaibang init na dala ang haplos nito. Makapal ang suot niyang damit ngunit ramdam niya ang init na nagmumula sa palad ito. Pakiramdam niya ay kakapusin siya ng hininga sa simpleng haplos na iyon.
“Let’s see,” bulong ni Vincent Ryu saka inilapit ang labi sa kaniyang tainga upang bumulong dahilan ng muling pagtindig ng balahibo ni Adeline. “Let’s see, Adeline Velasquez.”
Ganoon na lamang ang gulat ni Adeline nang banggitin ng lalaki ang kaniyang pangalan. Walang nakakakilala sa kaniya sa lugar na ito dahil bago ang kaniyang identity. Imposible namang kumalat agad ang balita tungkol sa kasal niya kay Drake Velasquez. Itinulak ni Adeline ang lalaki. “Bakit mo ako kilala?” Muling gumuhit ang ngisi sa mapupula nitong mga labi. “ Let’s just say I’m someone interested in your vegetative husband’s life. So, can you bear the price of the favor you’re asking?” “A-Anong gusto mo?” “It’s very interesting to see a newly married woman in my hotel when her husband is somewhere else, unconscious. Simple lang ang gusto ko, Adeline…” Napakuyom ng kamao si Adeline sa kaba nang lumapit muli ang lalaki sa kaniya at marahang hinaplos ang kaniyang baywang bago bumulong, “Sleep with me. Spend your honeymoon night with me.” “Baliw ka na!” Mariing sagot ni Adeline. Humalakhak ang lalaki bago umatras at seryoso siyang tinitigan. “You can’t give me what I want.” Pakiramd
Halos tanghali na nang bumaba si Adeline. Sa sala ay naabutan niya ang mga maid na naglilinis at may isang batang lalaking nakaupo sa sofa habang nanunuod ng cartoons. Itim na itim ang medyo kulot nitong buhok. Mula sa pwesto niya ay kita niya ang mahaba at makapal nitong pilikmata, matangos na ilong at mapulang mga labi. Bilugan ang mukha nito at maputi ang kutis.“Ma’am Adeline, ipinatatawag kayo ni Don Alvaro sa study room.”Nilingon ni Adeline ang maid, “Sige, susunod ako.”Hindi lingid sa kaalaman ni Adeline na may anak ang lalaking pinakasalan niya. Ayon kay Don Alvaro ay anak ito ni Drake sa dati nitong kasintahan na umalis at hindi na bumalik matapos ipanganak ang bata.Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Adeline habang nakatitig sa batang lalaki. Naalala niya ang kaniyang anak. Sanggol pa lamang ito nang kunin sa kaniya. Ni hindi niya nagawang makita ang mukha nito dahil nag-aagaw buhay siya nang bawian ito ng buhay. Tanging si Don Alvaro ang nakakita sa mukha ng kaniyang ana
HALOS panawan ng ulirat si Adeline habang nakatingin sa mulat nang mga mata ng asawa. Sa takot ay dali-dali siyang tumakbo palabas upang tawagin ang family doctor ng mg Velasquez. Humahangos na kumatok si Adeline sa kwarto ng binatang doktor na agad naman siyang pinagbuksan. “Mrs. Velasquez…” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Adeline at itinuro ang pinto ng master bedroom, hindi kalayuan, “S-Si…Si Drake.” “Anong nangyari sa kaniya?” Agad na lumabas ng silid ang doktor matapos hablutin ang stethoscope at ilan pang mga gamit upang gamitin sa pagchecheck ng pasyente. “N-Nagmulat siya ng mata,” utal-utal na sagot ni Adeline sa doktor habang sumusunod dito papunta sa master bedroom. Sukat ay natigilan sa paghakbang ang doktor at dahan-dahan siyang nilingon, “Ano iyon, Mrs. Velasquez?” “Nagmulat siya ng mata, dok. Kitang-kita ko,” siguradong sagot ni Adeline. Hindi siya maaaring magkamali. Nakita niyang mulat ang asawa at nakatingin ito sa kaniya kanina. Wala nang imi
NANG muling pumasok sa master bedroom si Adeline ay saktong nagliligpit na ng gamit ang family doctor. “Pinalitan mo siya ng bandage?” Puna niya nang mapansin ang itinapon nitong bandage. Tumango ng marahan ang doktor, “Oo. Mrs. Velasquez…” “Hm?” Ani Adeline bago nilingon ang doktor mula sa pagtitig sa nakaratay na asawa. “Iyong pagmulat niya ng mata…” “Oo, dok. Hindi ko sinasadya iyon. Nasaktan ko ba siya? Ayos lang ba siya?” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Gabriel, “Ang totoo niyan pang-apat na beses na niyang ginawa ito.” Napaawang ang labi ni Adeline, “Totoo ba?” “Ang mga unang beses na nagmulat siya ng mata ay dahil sa mga bagay na nagugustuhan niya. Katulad ng kapag nakarinig siya ng music na pamilyar sa kaniya. O kaya nakarinig siya ng boses na siguro ay namimiss niya…” Napalunok si Adeline, “Ano sa tingin mo ang dahilan niya ngayon?” Sinulyapan ni Gabriel ang kaibigan saka muling hinarap si Adeline, “Mukhang gusto niyang inaalagaan mo siya, Mrs. Velasquez.”
MATAMANG pinagmamasdan ni Adeline ang batang lalaki. Panaka-naka itong sumusulyap sa kaniya ngunit magana namang kumakain. Magaan ang kaniyang pakiramdam habang pinagmamasdan ang bata. Tila may kung anong humaplos sa kaniyang puso habang pinagmamasdan ang magana nitong pag kain. Akmang kukuha pa ng fried chicken ang bata nang pabirong hilahin ni Adeline ang bowl. Namilog ang mga mata nito at tiningala siya. Mahinang natawa si Adeline, “Masarap diba?” Unti-unting nalukot ang mukha ng paslit. Natatawang nilagyan ni Adeline ng panibagong ulam ang pinggan nito. Hindi sumagot ang bata. Tiningnan lamang siya nito nang matalim saka muling dumulog sa pag kain. Tamang-tama naman na pumasok sa kusina ang dalawang taong kinaiinisan ni Adeline. Kunot ang noo ni Aries habang nakangisi naman si Diana. Agad na nawalan ng ganang kumain si Adeline. “Anong ginagawa mo, Adeline?” Galit na tanong ni Aries. Tumaas ang kilay ni Adeline, “Ano sa tingin mo?” Suminghap naman si Diana saka niyuko
HINDI napigilan ni Adeline na pagkiskisin ang mga ngipin sa labis na galit. Nagpupuyos ang kaniyang damdamin sa gigil at gusto niyang sabunutan ang babaeng kaharap. Naalala niya ang walang katuturang chismis na kumalat noon involved ang mga magulang niya. Pinagbintangan noon ang kaniyang ina na pinakasalan lamang ang kaniyang ama dahil sa yaman nito. Hanggang ngayon ay dala-dala niya pa ang sakit na dulot ng chismis na iyon. Hindi niya makalimutan dahil halos masira ang kaniyang pamilya dahil sa paninira ng ibang tao sa relasyon ng mga magulang niya. “Ano? Nasapol ko ba?” Ngingisi-ngising tanong sa kaniya ni Diana. Tinitigan ni Adeline ang babae gamit ang madilim na emosyon sa mga mata. Malaki ang kasalanan nito sa kaniya. Napakalaki at kahit kailan ay hindi na niya ito mapapatad. Lumuhod man ito sa pako at lumuha man ng dugo, hindi siya makakaramdam ng kahit na konting awa para sa babae. Gustong-gusto na niyang hilahin ang
HINDI makasagot si Adeline. Nagulat siya sa pagdagundong ng malakas na sigaw ni Don Alvaro. Gusto niyang mangatwiran ngunit hindi niya maibuka ang mga labi at tila nalulon niya ang kaniyang dila. Kitang-kita niya ang nag-aapoy na galit sa mga mata ng Don at alam ni Adeline na kung maniniwala ito kay Diana ay baka mapalayas siya sa mansion nang wala sa oras.Mas lalong lumakas ang hagulgol ni Diana na nagpataas lalo ng gigil ni Adeline. Masyado nang gasgas ang arte ng babae. Gusto niya itong tadyakan sa mukha.“BAKIT NABASAG ANG VASE, ADELINE?”Mariing napapikit si Adeline sa lakas ng sigaw ng matanda.“Siya ang may kasalanan, grandpa!” Umiiyak na sumbon
HALOS mawalan na ng malay si Diana sa sobrang takot sa Don. Bigla ay parang gusto niyang lumuhod at magmakaawa sa matanda upang patawarin siya hindi pa man nito nakikita ang proweba sa kasalanang ginawa niya. Natatakot siya sa maaaring gawin ni Don Alvaro. Istrikto ito at alam niyang hindi siya nito sasantuhin sa parusa kahit pa nga asawa niya ang pangalawa nitong apo.Tinaasan ni Adeline ng kilay ang dalawa. Gusto niyang matawa sa biglang pag-amo ng kanina’y mabangis na mukha ni Diana. Mula sa tigre ay para itong naging isang kuting na takot na takot sa malaking pusa.Humakbang si Aries palapit kay Don Alvaro. “G-Grandpa, hindi naman na kailangang panuorin ang CCTV. Paniwalaan mo nalang kami dahil hindi naman kami magsisinungaling sa ‘yo.”Hindi nakita ni Aries ang totoong
“PARA saan ang bouquet, grandpa?” Kunot-noong tanong ni Drake sa kaniyang lolo nang pumasok siya sa mansyon. Mas nangunot ang noo niya nang mapansin ang sandamakmak na tao sa mansyon at naglalagay ng mga dekorasyon. “At para saan ‘to? ‘Wag mong sabihing welcome party ko ‘to? Isang buwan lang akong nawala, grandpa.” Natawa si Don Alvaro. “Hindi mo ito welcome party, Drake. Kaarawan ng nobya ng pinsan mo. Ngayon rin siya magpopropose kaya naghahanda tayo.” Umismid si Drake. “Sa nobya niya pala e bakit ako ang bumili ng bulaklak? ‘Wag mong sabihing pati singsing ay iniasa niya sa iba.” Tinapik ni Don Alvaro ang balikat ni Drake at bago pa ito makasagot ay dumating ang assistant nitong si Barron. Sarkastikong natawa si Drake nang iabot ni Barron kay Don Alvaro ang isang velvet box na tiyak na singsing ang laman. Si Aries, kung hindi tamad ay palpak. Kaawaran ng nobya pero hindi manlang mag- effort. Kung girlfriend niya ang may birthday, tiyak na aburido na siya ngayon dahil sa bagal ku
TUMAYO si Shaniya matapos abutan ng sobreng puno ng perang papel ang babaeng inmate. Pasimple itong ngumisi at sumaludo pa sa kaniya. “Titiyakin kong mahimbing ang tulog nila ngayong gabi at sa susunod pang mga gabi, madam.” Nagtaas ng noo si Shaniya at marahang tumango. Agad siyang umalis at kalmado ang mukha na naglakad paalis ng visitation room. Gagawin niya ang sinabi niya na paghihirapan habang buhay sina Cherry, Sherry, Diana at Zandra. Mali ang ginagawa niyang pagbabayad ng tao para pahirapan ang mga ito pero kulang pa iyon sa mga kasalanang ginawa nila. Tulad ng kung paano siya nagbayad kanina ng tao para pahirapan si Aries at Andres ay ginawa niya rin ito ngayon. Shaniya won't stop torturing them as long as they're alive. Walang nakakaalam ng ginagawa niya at titiyakin niyang mananatili itong sikreto. Nang makauwi ay sumalubong kay Shaniya ang madilim na mansyon. Sa pag-aalala ay kaagad siyang pumasok pero nang makapasok siya ay agad na may tumakip ng kaniyang mga mata
LIFE is always full of surprises in spite of the fact that it's too short. We don't get everything we want, the Heavens give everything that we need. Gabriel's death taught Shaniya a lot of things. That life, no matter how sad and painful it is—should be appreciated. Shaniya has doubted the Heavens for putting her on a very rough path and letting her suffer in the hands of the devil in human flesh. Nakakapangilabot ang lahat ng pinagdaanan niya pero nagpapasalamat siya na sa huli ay mayroon siyang naging karamay na kailanman ay hindi siya pinabayaan. Drake became her light amidst the darkness. He became her home amidst the storm. Kung wala ito, tiyak na mauubusan siya ng lakas. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang huling trahedya. Gabriel's death has bruised so many hearts. Halos lugmok sina Hunter, Theo, Luke, Kai, at Drake ngayon. Araw-araw nakikita ni Shaniya ang tahimik na pagtangis ng kaniyang asawa. He comes home every night, almost crawling because he's drunk. Sh
“HE was a brother, a friend, a son, a hero…” Yumuko si Shaniya kasabay ng paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Nagsasalita si Drake at ramdam niya ang paghihirap nito. Hindi niya kayang makitang ganoon ang kaniyang asawa. It breaks her heart. Drake gasped. “H-He was…my best friend. S-Sabi ko sa kaniya best man ko siya sa kasal ko…at ninong siya ng anak ko…pero…hindi na niya…nahintay…” Shaniya squeezed her eyes. Pagkatapos ng burol na mapagparusa sa mga pusong lumuluha sa pagkawala ng isang kaibigan, anak, at kapatid—heto sila. Handa nang ihatid sa huling hantungan ang nag-iisang mabait na taong kilala ni Shaniya. All of them are hiding a devil inside them, but Gabriel is like an angel. He doesn't have evilness within him. He was pure. Maybe that's why he was named Gabriel. “I-I told him I’ll find him a girlfriend para hindi naman siya naiinggit sa amin ni Luke pero…p-paano ko siya ihahanap ng kapareha kung bumitaw na siya?” “Ang daya…” Drake sniffed and wiped his tears u
LAKAD-TAKBO si Shaniya sa kahabaan ng hallway papunta sa emergency room para makita ang kalagayan ni Gabriel ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nakita na niya ang paglabas ng doktor sa emergency room at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya kung paano tinakpan ng nurse ng kumot ang buong katawan ni Gabriel. Suminghap si Shaniya at napailing. No! No! Hindi! Hindi pwede! Nanghina ang mga tuhod ni Shaniya sa nasaksihan. Her hands trembled and her brain couldn't accept the realization. Nang tingnan niya ang doktor ay umiiling ito kina Drake na agad tumakbo papasok sa loob at hinablot ang kumot na nakatakip sa kaibigan. “GABRIEL! BUMANGON KA RIYAN, T-NGINA KA! ‘WAG MO AKONG PAGLARUAN!” Umiwas ng tingin si Shaniya sa kaniyang asawa. Seeing him like that tortures her. Namilibis ang luha sa mga pisngi ni Shaniya nang makita niya kung paano napaupo sa sahig si Hunter habang nakayuko at unti-unting yumuyugyog ang balikat. Pinagsusuntok naman ni Luke ang pader at humagulgol si The
PUMASOK si Shun Parker sa isang private property. Malawak ang bakuran at mataas ang pader na nakapaligid sa mansion na nasa gitna ng malawak na lupa. Hindi na siya nag-abalang isara ang gate at diretso nalang na pumasok hanggang sa makapasok siya sa mansyon. ‘Basement. Siguraduhin mong patay.’ Napailing si Shun nang maalala ang sinabi ni Caesar, ang half brother niya. Dumiretso siya sa basement at binuksan ang kandado gamit ang hawak sa susi at tumambad sa kaniya ang nagkalat na dugo habang sa gitna ay nakagapos ang isang lalaking walang malay at duguan. Nagtagis ang bagang ni Shun at nilapitan ang lalaki. Akma niya itong gigisingin nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag ni Caesar. “What?!” [Postpone the plan. Picturan mo si Gabriel at isend mo sa akin. Darating riyan ang isa pang taong ililigpit mo.] Nang patayin ang tawag ay agad na ginawa niya ang sinabi nito at isinilid ang cellphone sa bulsa. Dahan-dahan namang nag-angat ng mukha si Gabriel at halos
“ANO iyan? Suhol?” Salubong ng ina ni Cherry kay Shaniya nang makapasok ng sasakyan. Pumayag na itong tumira sa mansyon kaya agad niyang sinundo gamit ang kotse ni Drake. Ngumiti si Shaniya. “Nabanggit sa akin ni dad na ito ang paborito mong pagkain.” Tinitigan ni Sherry ang box ng buko pie na ipinatong ni Shaniya sa hita nito. Nasa driver seat siya katabi si Cherry at si Sherry ay nasa backseat. Umirap si Sherry at hindi na nagsalita. Umayos naman ng upo si Shaniya at nagsimulang magmaneho papunta sa mansyon. Mali. Her mother hates buko pie at nakumpirma niyang hindi impostor ang babae sa likod nang makita niyang binuksan nito ang box at maganang kumain. Shaniya clenched her jaws and looked at Cherry who's been constantly putting make-up on her face. Binubura nito iyon pagkatapos na tila hindi kuntento saka maglalagay ulit. “Tigilan mo nga iyan, Cherry. Nagsasayang ka ng make-up. Mauubos na ang ipon ko sayo!” Sinulyapan ni Shaniya ang ginang sa likod. “It’s okay. Bibigya
SINAMAHAN ni Shaniya si Drake na magpunta sa opisina ni Luke. His family owns a security agency at magaling rin sa paghahanap ng mga taong nawawala ngunit sa pagkakataong ito pakiramdam ni Luke ay wala siyang silbi. Ganito ang trabaho niya pero hindi niya mahanap ang dalawang taong importante sa kaniya—si Georgianne at si Gabriel. Sht! Wala pang 24 hours nawawala si Gabriel pero hindi nito ugali na maglaho ng walang pasabi kaya agad siyang kumilos nang puntahan sila ng pamilya ni Gabriel upang manghingi ng tulong. Nakaupo sa pahabang meeting table sina Luke, Hunter, Theo, Kai, Drake, at Shaniya. “Huling nakita sa CCTV si Gabriel sa hospital. Nakita niya ang isang Doktor na si Caesar Palacios kasama ang isang babae. Sinundan niya hanggang sa basement parking…” pagpapaliwanag ni Luke habang nagpiplay ang CCTV footage sa isang TV. Nakakuyom ang mga kamao ni Shaniya. Naipaliwanag na ni Hunter Stunt sa kaniya ang posibilidad pero hindi pa rin matanggap ng puso niya na maaaring nilok
UMAYOS ng tayo si Shaniya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. “Sasama ako, Drake.” Tumango si Drake at tiningnan ang tauhan. “Ihanda mo ang kotse. Susunod kami.” Nang makaalis ang tauhan ay hinarap ni Drake ang asawa habang hawak sa magkabilang pisngi. “Baby, I need to tell you something.” Lumunok si Shaniya at hindi niya inaasahan na bigla siyang kakabahan. “Ano iyon?” “Pinaimbestigahan ko ang mommy mo.” Nangunot ang noo ni Shaniya. “What? Why?” Bumuntong-hininga si Drake. “I feel like something's wrong but just this morning, nakakuha ako ng impormasyon kung saan dinala ang mommy mo matapos maaksidente. It was said na suicide ang nangyari. Nawalan siya ng alaala at hindi na nakabalik pa inyo matapos iyon.” Umiling si Shaniya. “Suicide? Imposible! Bakit?” “Nagkasakit siya. Nagkataning ang buhay kaya ginustong wakasan.” Nakaramdam ng paninikip sa dibdib si Shaniya. Mas lalo niyang gustong makita ngayon ang ina kaya naman hindi na sila nagsayang ng panahon. Agad silang p