HINDI makasagot si Adeline. Nagulat siya sa pagdagundong ng malakas na sigaw ni Don Alvaro. Gusto niyang mangatwiran ngunit hindi niya maibuka ang mga labi at tila nalulon niya ang kaniyang dila. Kitang-kita niya ang nag-aapoy na galit sa mga mata ng Don at alam ni Adeline na kung maniniwala ito kay Diana ay baka mapalayas siya sa mansion nang wala sa oras.
Mas lalong lumakas ang hagulgol ni Diana na nagpataas lalo ng gigil ni Adeline. Masyado nang gasgas ang arte ng babae. Gusto niya itong tadyakan sa mukha.
“BAKIT NABASAG ANG VASE, ADELINE?”
Mariing napapikit si Adeline sa lakas ng sigaw ng matanda.“Siya ang may kasalanan, grandpa!” Umiiyak na sumbon
HALOS mawalan na ng malay si Diana sa sobrang takot sa Don. Bigla ay parang gusto niyang lumuhod at magmakaawa sa matanda upang patawarin siya hindi pa man nito nakikita ang proweba sa kasalanang ginawa niya. Natatakot siya sa maaaring gawin ni Don Alvaro. Istrikto ito at alam niyang hindi siya nito sasantuhin sa parusa kahit pa nga asawa niya ang pangalawa nitong apo.Tinaasan ni Adeline ng kilay ang dalawa. Gusto niyang matawa sa biglang pag-amo ng kanina’y mabangis na mukha ni Diana. Mula sa tigre ay para itong naging isang kuting na takot na takot sa malaking pusa.Humakbang si Aries palapit kay Don Alvaro. “G-Grandpa, hindi naman na kailangang panuorin ang CCTV. Paniwalaan mo nalang kami dahil hindi naman kami magsisinungaling sa ‘yo.”Hindi nakita ni Aries ang totoong
NGUMITI si Adeline sa kabila ng matalim na tingin ni Dylan. Mailap sa kahit kanino ang bata at alam niyang nag-aalala ito sa mga nangyayari. Maaaring natatakot itong maiwan ng ama at sisiguruhin ni Adeline na maipararamdam niya sa bata na ligtas ito at hindi rin niya pababayaan ang ama nito. Naupo si Adeline sa single couch na malapit sa kama habang matiim pa ring pinagmamasdan ang paslit. “Bakit ka nakikinig sa usapan ng may usapan?” “Hindi ako nakikinig. Narinig ko lang,” sagot ni Adeline habang nakangiti. Umismid ang paslit, “Pareho na rin iyon. Bakit mo ba ako sinundan dito?” Tinitigan ni Adeline si Dylan. May kung ano sa mga mata nito na hindi niya maipaliwanag. Para bang kilala niya ang mga matang iyon at hindi niya lamang maalala. “Ang cute mong bata ka,” hindi napigilang saad ni Adeline. Tumalim muli ang tingin ni Dylan, “Hindi ako cute at hindi n
MAAGANG gumising si Adeline kinabukasan. Sa utos ni Don Alvaro ay hinatid siya ng driver nito sa del Gallego Corporation. Isang fashion company kung saan magtatrabaho si Adeline. Isa si Don Alvaro sa shareholders ng del Gallego Corporation at bilang inirekomenda, hindi na dumaan sa interview si Adeline. Agad siyang nakapasok sa design department. Sa totoo lang ayaw siyang payagan ng matanda na magtrabaho. Ang gusto nito ay nakatutok lamang siya sa pag-aalaga kay Drake at Dylan pero nakiusap siya sa matanda. Pumayag naman ito sa kondisyon na half day lang siyang papasok sa opisina at hindi siya araw-araw na naroon. Halos work from home ang kalalabasan ng setup niya pero tinanggap na niya ang kondisyon kaysa naman maburo siya sa mansyon. Isa rin sa kondisyon ng matanda na sa del Gallego siya magtatrabaho. Fashion company rin naman ang kompanya na gusto niyang pasukan kaya pumayag na siya na sa del Gallego nalang magtrabaho. S
“D-DITO ang mesa mo, Adeline.”Tiningnan ni Adeline ang team member na nagturo ng lamesa niya. Marahan siyang tumango at nagpasalamat bago naupo sa kaniyang upuan.Kapansin-pansin ang tahimik na paligid. Nag-angat ng mukha si Adeline at tiningnan ang mga miyembro ng team 1 at team 2. Halata ang disgusto sa mukha ng mga miyembro ng team 1 habang nakatingin sa kaniya. Awkward naman ang tingin sa kaniya ng mga kateam niya.Matapos magwalk out ni Diana, natahimik na ang lahat. Nawala na rin ang bulong-bulongan pero alam ni Adeline na hindi iyon magtatagal.“Adeline…”Nilingon ni Adeline ang katabing mesa. Nakatingin sa kaniya ang isang member ng team at dahan-dahang iniabot ang isang folder.“Ano ito?”“May bago kasing project ang kompanya. Magdedesign tayo ng tatlong dress na pagpipilian para sa gagamitin ng model natin na ishoshowcase sa fashion week next month. As usual, kalaban natin an
NANG makaalis si Adeline ay pasimpleng bumalik sa loob ng master bedroom si Shun Parker. Inilock niya ang pinto ng silid saka lumapit sa kama ni Drake.“Sir…”Tila hudyat iyon kay Drake na wala nang ibang tao sa silid. Bumangon ito at tiningnan ang kanang kamay ni Drake na agad inilabas ang mga dokumentong laman ng brief case na hawak nito.“Kailangan nito ng mga pirma mo, sir.”Tumango si Drake at tinanggap ang ballpen at mga dokumentong pipirmahan habang nagsasalita, “Kumusta ang imbestigasyon kay Adeline.”“Adeline Pascua ang buong pangalan niya, sir. Bunso sa pamilya ng mga Pascua. Hindi gaanong mayamanbang pamilya nila pero maituturing silang isa sa marangyang pamilya. Dating fiance ng heir ng mga del Gallego pero hindi natuloy ang kasal dahil hindi siya gusto ng pamilya nito. Naglaho ng ilang taon at nang muling bumalik ay may anak nang babae.”Nangunot ang noo ni Drake, “May anak siya?”
HINDI inaasahan ni Adeline ang pagdating ni Adrian at Sofia sa bansa. Tumawag nalang sa kaniya si Sofia at sinabing bumaba siya ng eroplano kasama ang kaniyang tito Adrian.Si Adrian ang kapatid ng tunay na Adeline Pascua at si Sofia ay lehitimong anak ni Adeline Pascua. Lumaki sa kaniya si Sofia kaya naman siya ang kinikilala nitong ina. Hindi nanggaling sa kaniya ang paslit pero minahal niya ito ng totoo ay pakiramdam niya pa nga ay anak niya talaga ito.Kaedad ni Dylan si Sofia. Bibo at madaldal. Hindi ito nauubusan ng sasabihin at napakakulit. Kabaliktaran ni Dylan ang bata pero sa tingin ni Adeline ay magkakasundo ang mga ito.“Mama!” Ang matinis na sigaw ng batang babae ang sumalubong kay Adeline nang makababa siya ng kotseng ginamit.
KINABUKASAN ay maagang gumising si Adeline para istretch ang mga binti ng asawa. Bago siya matulog kasabi ay nasabihan na siya ni Doc Aguilar tungkol sa dapat na pagstretch ng mga binti ni Drake. Matapos maligo ay nilapitan niya ang asawa. Napatitig siya sa mukha nito. Wala na ang benda. Nagdesisyon na si Doc Aguilar kahapon na alisin ang benda nito at hindi maiwasan ni Adeline na mamangha sa kaguwapuhan ng kaniyang asawa. Tama ang hinala niya. Sobrang guwapo ng lalaki. Kaya naman pala nabanggit noon ni Don Alvaro sa kaniya na marami pa rin ang nagnanais na mapalapit kay Drake kahit pa nga nakaratay ito. Itinali ni Adeline ang buhok saka dahan-dahang sumampa sa kama sa may paanan ni Drake. Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa mabalahibong binti ng asawa. “Tulungan lang kitang magstretch ha?” Paalam niya sa asawa. Dahan-dahang hinawakan ni Adeline ang kaliwang binti ni Drake saka inangat. “Dinala ko dito ang anak ko. Sa tingin ko magkakasundo naman sila ni Dy
NAIIRITA man ay walang nagawa si Adeline. Nang makauwi ay agad niyang pinakain sina Dylan at Sofia. Pinatulog niya si Sofia matapos linisan ng katawan pagkatapos ay pinuntahan niya si Dylan sa silid nito.Patay na ang ilaw ngunit gising na gising pa ang bata na nakatitig sa kisame.“Dylan…”Nakita ni Adeline ang pag-igtad ng bata marahil siguro sa gulat.Tumalikod ito pero tumuloy papasok si Adeline saka naupo sa kama nito. “Bakit hindi ka pa natutulog?”Muli ay hindi siya pinansin nito. Bumuntong-hininga si Adeline. “Gusto mo bang kantahan kita para makatulog ka?”“Hindi na kailangan.”Ngumiti si Adeline. “Mabilis na nakakatulog si Sofa kapag kinakantahan ko. Gusto mong subukan?”“Sinabi nang hindi na kailangan—”Natigil sa pagsasalita si Dylan nang nagsimulang kumanta si Adeline. Naramdaman ni Adeline na nanigas sa kama ang bata. Hindi niya alam kung bakit