Share

Chapter 18: Sinner

NAIIRITA man ay walang nagawa si Adeline. Nang makauwi ay agad niyang pinakain sina Dylan at Sofia. Pinatulog niya si Sofia matapos linisan ng katawan pagkatapos ay pinuntahan niya si Dylan sa silid nito.

Patay na ang ilaw ngunit gising na gising pa ang bata na nakatitig sa kisame.

“Dylan…”

Nakita ni Adeline ang pag-igtad ng bata marahil siguro sa gulat.

Tumalikod ito pero tumuloy papasok si Adeline saka naupo sa kama nito. “Bakit hindi ka pa natutulog?”

Muli ay hindi siya pinansin nito. Bumuntong-hininga si Adeline. “Gusto mo bang kantahan kita para makatulog ka?”

“Hindi na kailangan.”

Ngumiti si Adeline. “Mabilis na nakakatulog si Sofa kapag kinakantahan ko. Gusto mong subukan?”

“Sinabi nang hindi na kailangan—”

Natigil sa pagsasalita si Dylan nang nagsimulang kumanta si Adeline. Naramdaman ni Adeline na nanigas sa kama ang bata. Hindi niya alam kung bakit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status