Share

Chapter 26: His Voice

SA KABILA ng init na nararamdaman ay napasigaw si Adeline kasabay ng pagbagsak sa sahig. Agad namang sinilip ni Drake ang asawa at napahinga ng maluwag nang makitang ayos lamang ito.

Nagtiim-bagang si Drake. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang siyang sinakyan ng asawa at gumiling sa ibabaw niya. May mali dito at kita-kita niya iyon sa mapungay nitong mga mata na parang lasing kung tumingin.

“Anong nangyayari, Adeline—” Natigilan si Don Alvaro nang makita ang apo na mulat na at nakatingin kay Adeline na unti-unting tumatayo.

Mapula ang mukha ni Adeline dahil sa pinaghalong init ng pakiramdam at kahihiyan.

Agad rin namang dumating si Gabriel at nanlaki ang mga mata nang makitang mulat ang kaibigan.

“Drake! Ang apo ko! Gising na ang apo ko!” Agad na dinaluhan ni Don Alvaro ang apo bago nilingon si Gabriel at inutusang tingnan ang kalagayan nito.

Agad na lumapit si Gabriel at tiningnan si Drake na nagtatanong ang mga mata.

“Sino siya?” Kunwari’y tanong ni Drake habang pinagmamasdan s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status