MATAPOS ang tahimik na almusal nina Adeline at Drake agad na niligpit ni Adeline ang pinagkainan. Bumaba siya at dinala sa kusina ang mga hugasin at naabutan niya si Aries na pumapasok sa mansyon.Hindi ito pinansin ni Adeline. Muli siyang umakyat sa hagdanan nang bigla siyang tinawag ng lalaki.“Adeline.”Nagtiim-bagang si Adeline. Hanggang ngayon ay galit pa rin ang nararamdaman niya kapag naririnig ang boses ng lalaki. Dahan-dahang siyang humarap at tiningnan ang mukha ni Aries. This man killed her baby and almost killed her. She had to get through so much because of him and Diana. Walang kapatawaran iyon.“Si Drake? ‘Wag kang magsisinungaling. Alam kong gising na ang pinsan ko.”Nagtaas ng noo si Adeline, “In our room. Resting.”Kunot ang noo na nilagpasan siya ni Aries. Hinabol niya ng tingin ang lalaki. Bigla niyang naisip na hilahin ito at hayaang gumulong sa hagdan hanggang sa mamatay pero hindi iyon sapat sa kaniya.Nagvibrate ang cellphone ni Adeline tanda na may tumatawag.
NAGPATAWAG ng family dinner si Don Alvaro. Matapos bihisan ni Adeline si Sofia ay pumasok siya sa silid ni Dylan at nilapitan ang bata. Nakatayo ito sa harap ng salamin at inaayos ang buhok.Napangiti si Adeline, “Ang pogi naman ng binata namin.”Sumimangot si Dylan pero hindi nagsalita. Mas lalo namang napangiti si Adeline. Mukhang nagugustuhan na siya nito.Matapos mag-ayos ay hinayaan na ni Adeline na bumaba si Dylan. Bumalik naman siya sa master bedroom at naabutan ang asawa na inaayos ang suot nitong puting long sleeves.“Ayaw mo ng coat?” Tanong niya saka lumapit dito.Umiling si Drake habang nakaupo sa wheelchair, “I’m fine wearing this. Ayusin mo nalang ang sarili mo.”Tumango si Adeline at naupo sa harap ng vanity mirror. Nagsimula siyang maglagay ng light makeup at habang ginagawa niya iyon ay nararamdaman niya ang matamang titig ng kaniyang asawa.Nakaramdam siya ng pagkailang pero pinilit niya ang sarili na umaktong normal. Pagkatapos magmakeup ay pumasok siya sa walk-in c
NAGISING si Adeline ng hatinggabi. Agad siyang bumangon nang makitang walang nakahiga sa kabilang kama at natigilan nang matanaw ang isang bulto sa veranda.Naroon si Drake, nakaupo sa wheelchair nito. Nakatingin ito sa nagkalat na bituin sa kalangitan at bilog na bilog na buwan habang walang kakibo-kibo.Dahan-dahang tumayo si Adeline at naglakad palapit sa asawa. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang hulma ng mukha nito. Napakaperpekto ng hugis. Matangos ang aristokratong ilong, bahagyang nakaawang ang mapupulang labi, mahaba ang pilik mata at makapal ang kilay.Hindi maiwasan ni Adeline na mamangha habang pinagmamasdan ito.How can a man be so perfect? Sino ba ang gumawa dito?“Did you marry me for money?”Napatalon sa gulat si Adeline. Dahan-dahan siyang nilingon ng asawa at halos mapugto ang kaniyang hininga sa klase ng titig nito na naghahatid ng milyon-milyong boltah
MAAGANG gumising si Adeline kinabukasan. Inasikaso niya ang pagpasok nina Sofia at Dylan ngunit hindi na niya naihatid sa eskwelahan ang dalawang bata dahil inasikaso niya rin ang kaniyang asawa bago siya pumasok sa trabaho.“Anong oras ka umuuwi?” tanong ni Drake habang inilalagay ni Adeline ang cellphone sa kaniyang bag.“Hanggang tanghali lang ako palagi sa trabaho. Minsan ay ako ang sumusundo sa dalawang bata.”Tumango si Drake, “Do you drive?”Umiling si Adeline, “Hindi ako pinapayagan ng lolo mo. Nagpapahatid at nagpapasundo lang ako sa driver.”“That’s good. Go on.”Maliit na ngumiti si Adeline saka tinitigan muna ito bago tuluyang lumabas ng silid. Agad siyang dumiretso sa garahe at nagpahatid sa opisina.Sinalubong siya ng mga kasamahan nang makapasok at sinabing ang design niya ang napili para ilaban sa fashion week. Tuwang-tuwa ang mga ito, hindi alam na siya ang magmanipula kay Diana upang design niya ang ilaban.Alam niyang pandadaya ang ginawa niya pero kumpiyansa siya s
GULAT na gulat si Adeline habang nakatingin sa lalaki. Mapaglaro ang emosyong kumikislap sa mga mata nito pero ramdam niya ang bigat ng kaseryosohan sa tanong nito.Napalunok siya. Mukhang unti-unti nang nakukuha ng lalaki ang pakay niya kung bakit siya nakipagkasundo dito.“Tell me, Adeline…” Muling dumaan ang mahahaba at mainit nitong daliri sa kaniyang pisngi dahilan ng pagkislot niya. “What is your secret, hm? I really wanna know what’s going on in that pretty head of yours. Don’t worry, I’m not the type to kiss and tell.”Marahas na umiling si Adeline at pilit na itinulak palayo sa kaniya ang lalaki. Umatras siya ng isang beses habang hindi inaalis ang tingin dito, takot na baka may gawin ito sa pagkurap niya.“Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Nagmaaang-maangan si Adeline. Hindi pwedeng mabunyag ang ang sikreto niya.Humalakhak si Vincent, “Come on, baby! I’m smart. You know that I’ll easily figure it out but you took the risk. You slept with me that night in exchange for a favor.
GALIT na itinulak ni Adeline si Vincent dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon nalang ang obsesyon sa kaniya ng lalaki. She's just a normal woman. Siguro ay nachachallenge lang ito dahil may nangyari sa kanila habang kasal siya sa kaibigan nito ay sa isiping iyon ay mas lalong nagpuyos ang damdamin ni Adeline.Pinaglalaruan lamang siya ni Vincent Ryu. Masaya itong makita na nahihirapan siya at marahil ay nag-eenjoy pa ito sa katotohanang napapaikot siya nito sa pamamagitan lamang ng kasalanang nagawa niya.“Hinding-hindi ko hihiwalayan ang asawa ko, Vincent. Kahit anong gawin mo ay hindi ko iyon gagawin.”Tumalikod si Adeline at galit na lumabas matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon. Nag-iinit ang mukha niya sa sobrang galit at mukhang napansin iyon ni Shun Parker na bahagya pang napatalon nang tapunan niya ng matalim na tingin.Dire-diretso siyang lumabas ng building at walang pakialam na naglakad papunta sa bus stop. Iritang-irita siya sa lalaki. Samantala w
MARAHAN ang bawat hakbang ni Adeline palabas ng banyo. Suot niya ang puting silk na nighty dahil iyon ang nakasanayan niya. Naupo siya sa harap ng vanity mirror para tuyuin ang buhok. Habang hawak ang hair dryer ay tumama ang paningin niya sa lalaking nasa likuran niya sa pamamagitan ng salamin. Tahimik itong nakaupo sa kama habang pinagmamasdan siya.Napalunok si Adeline. Ibang klase ang titig nito. Matiim. Seryoso. Malalim na tila kinikilala ang kaniyang kaluluwa at nakapaninindig balahibo.“B-Bakit ganiyan ka makatingin?” Tanong ni Adeline.“I’m just thinking…”Habang naghihintay ng kasunod nitong sasabihin ay hindi maiwasan ni Adeline na ikumpara na naman ang asawa kay Vincent Ryu. Bakit ba pareho ng boses ang dalawa? Bakit ba ang lakas lagi ng tibok ng puso niya kapag malapit ang mga ito?Nagtataksil siya kung aaminin niyang higit na sa atraksyon ang nararamdamam niya kay Vincent Ryu. Hindi pwe
TULAK tulak ni Adeline ang wheelchair ni Drake habang papunta sila sa parke. Ang park na malapit sa kanila ay para rin sa mga taong may kapansanan o kaya naman ay may sakit kaya doon naisipang dalhin ni Adeline ang asawa. May mga gamit doon upang matulungang maglakad si Drake kaya tingin niya ay mas effective iyon kaysa maglakad sila sa bakuran.“Bakit dito? Pwede naman tayong bumili ng mga equipments.”Umiling si Adeline, “Mas okay na ‘to para makalanghap ka mg fresh air. Saka hindi rin makakatulong sa ‘yo na palaging nasa loob ng bahay.”“Fine! Anong gagawin natin dito?” Sumusukong tanong ni Drake.Katunayan ay hindi naman talaga siya naiirita. Natutuwa pa nga siya na pinaglalaanan siya ni Adeline ng oras.Tinulungan ni Adeline na tumayo si Drake. Matagal itong nakaratay kaya alam niyang mahina pa ang mga binti at tuhod nito. Inalalayan niya ang asawa hanggang sa makarating sa dalawang magkatabing bakal na hanggang baywang upang doon ito magsimulang maglakad.Adeline’s arms were wr