PINATAWAG ni Don Alvaro sina Aries at Diana para sa isang dinner. Tahimik ang lahat nang nasa hapag na sila. Hindi alam ni Adeline kung bakit biglang pinatawag ng matanda ang mag-asawa pero pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari.Nagsimula ang hapunan na tanging si Sofia lamang ang nagsasalita. Paminsan-minsan ay sumasagot si Dylan upang itama ang salitang nababanggit ni Sofia na mali.“Pineapple!” Pagtatama ni Dylan kay Sofia.“Payapol?”Hindi napigilan ni Adeline na mapangiti nang pagmasdan ang dalawa. Marahang inulit ni Dylan ang salita bagaman halatang naiirita na ito.Nang matapos ang hapunan ay agad tinanguan ni Adeline ang yaya ng mga bata upang iakyat ang mga ito.Batid ni Adeline na may sasabihin si Don Alvaro at alam niyang ramdam iyon ni Aries at Diana dahil ni isa sa dalawa ay hindi kumilos at nagsalita.“Pinatawag ko kayo dahil may gusto akong kumpirmahin…” panim
NANG makabalik si Gabriel sa mansyon ay agad siyang ipinatawag ni Don Alvaro. Dismayado ang matanda. May improvement naman dahil gumagalaw at nagrereact ang kaniyang apo kapag hinahawakan ni Adeline pero nadidismaya siya hindi ito tuluyang gumigising.“Bakit hindi mo masabi kung ano talaga ang kondisyon ng apo ko, Gabriel? Ikaw ang doktor niya. Kinuha kita dahil kaibigan ko ang lolo mo pero kung hindi mo ako matutulungang mapagaling ang apo ko ay hindi ako magdadalawang-isip na alisin ka.”Napapikit ng mariin si Gabriel. Ayaw niyang pangunahan ang plano ni Drake. Kaya ito nagpapanggap ay dahil gusto nitong malaman kung sino ang nasa likod ng aksidente niya. Alam nitong nasa malapit lang ang kalaban nito kaya isinakripisyo nito ang sariling pangalan.Humugot ng malalim na buntong-hininga si Gabriel, “Naniniwala akong magigising na siya, Don Alvaro.”“Siguraduhin mo, Gabriel. Kailangan nang magkaanak ni Drake kay Adeline. Iyon ang makapagpapatibay ng reputasyon niya bilang tagapagmana n
SA KABILA ng init na nararamdaman ay napasigaw si Adeline kasabay ng pagbagsak sa sahig. Agad namang sinilip ni Drake ang asawa at napahinga ng maluwag nang makitang ayos lamang ito.Nagtiim-bagang si Drake. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang siyang sinakyan ng asawa at gumiling sa ibabaw niya. May mali dito at kita-kita niya iyon sa mapungay nitong mga mata na parang lasing kung tumingin.“Anong nangyayari, Adeline—” Natigilan si Don Alvaro nang makita ang apo na mulat na at nakatingin kay Adeline na unti-unting tumatayo.Mapula ang mukha ni Adeline dahil sa pinaghalong init ng pakiramdam at kahihiyan.Agad rin namang dumating si Gabriel at nanlaki ang mga mata nang makitang mulat ang kaibigan. “Drake! Ang apo ko! Gising na ang apo ko!” Agad na dinaluhan ni Don Alvaro ang apo bago nilingon si Gabriel at inutusang tingnan ang kalagayan nito.Agad na lumapit si Gabriel at tiningnan si Drake na nagtatanong ang mga mata.“Sino siya?” Kunwari’y tanong ni Drake habang pinagmamasdan s
BUMALIKWAS ng bangon si Adeline kinabukasan. Agad siyang napasapo ng ulo nang mahilo dahil sa biglaang pagbangon. Tumingin siya sa kalendaryo at napahinga ng maluwag nang mapagtantong weekend nga pala at walang pasok sa opisina at sa eskwelahan sina Sofia at Dylan.“Ganito mo ba gampanan ang responsibilidad mo bilang asawa ko?”Napatalon si Adeline nang may magsalita. Nasapo niya ang dibdib at tiningnan ang asawa na nasa kabilang kama. Nakaupo ito habang hawak ang isang libro. Suot ang reading glass ay kitang-kita ni Adeline kung gaano kaseryoso ang mukha ng asawa.Napanganga siya. Bakit napakaguwapo nito lalo ngayong gising? Ang itim na mga mata nito ay tutok sa librong binabasa habang nakasandal sa headboard ng kama. Ang mga paa nitong natatabunan ng kumot ay nakaunat.Hindi namalayan ni Adeline ang pagkatulala. Nasinok siya nang bigla siyang lingunin ng asawa habang kunot ang noo at marahas na inalis ang suot na salamin sa mata.“What? Cat got your tongue?”“Uh…” Napalunok si Adeli
MATAPOS ang tahimik na almusal nina Adeline at Drake agad na niligpit ni Adeline ang pinagkainan. Bumaba siya at dinala sa kusina ang mga hugasin at naabutan niya si Aries na pumapasok sa mansyon.Hindi ito pinansin ni Adeline. Muli siyang umakyat sa hagdanan nang bigla siyang tinawag ng lalaki.“Adeline.”Nagtiim-bagang si Adeline. Hanggang ngayon ay galit pa rin ang nararamdaman niya kapag naririnig ang boses ng lalaki. Dahan-dahang siyang humarap at tiningnan ang mukha ni Aries. This man killed her baby and almost killed her. She had to get through so much because of him and Diana. Walang kapatawaran iyon.“Si Drake? ‘Wag kang magsisinungaling. Alam kong gising na ang pinsan ko.”Nagtaas ng noo si Adeline, “In our room. Resting.”Kunot ang noo na nilagpasan siya ni Aries. Hinabol niya ng tingin ang lalaki. Bigla niyang naisip na hilahin ito at hayaang gumulong sa hagdan hanggang sa mamatay pero hindi iyon sapat sa kaniya.Nagvibrate ang cellphone ni Adeline tanda na may tumatawag.
NAGPATAWAG ng family dinner si Don Alvaro. Matapos bihisan ni Adeline si Sofia ay pumasok siya sa silid ni Dylan at nilapitan ang bata. Nakatayo ito sa harap ng salamin at inaayos ang buhok.Napangiti si Adeline, “Ang pogi naman ng binata namin.”Sumimangot si Dylan pero hindi nagsalita. Mas lalo namang napangiti si Adeline. Mukhang nagugustuhan na siya nito.Matapos mag-ayos ay hinayaan na ni Adeline na bumaba si Dylan. Bumalik naman siya sa master bedroom at naabutan ang asawa na inaayos ang suot nitong puting long sleeves.“Ayaw mo ng coat?” Tanong niya saka lumapit dito.Umiling si Drake habang nakaupo sa wheelchair, “I’m fine wearing this. Ayusin mo nalang ang sarili mo.”Tumango si Adeline at naupo sa harap ng vanity mirror. Nagsimula siyang maglagay ng light makeup at habang ginagawa niya iyon ay nararamdaman niya ang matamang titig ng kaniyang asawa.Nakaramdam siya ng pagkailang pero pinilit niya ang sarili na umaktong normal. Pagkatapos magmakeup ay pumasok siya sa walk-in c
NAGISING si Adeline ng hatinggabi. Agad siyang bumangon nang makitang walang nakahiga sa kabilang kama at natigilan nang matanaw ang isang bulto sa veranda.Naroon si Drake, nakaupo sa wheelchair nito. Nakatingin ito sa nagkalat na bituin sa kalangitan at bilog na bilog na buwan habang walang kakibo-kibo.Dahan-dahang tumayo si Adeline at naglakad palapit sa asawa. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang hulma ng mukha nito. Napakaperpekto ng hugis. Matangos ang aristokratong ilong, bahagyang nakaawang ang mapupulang labi, mahaba ang pilik mata at makapal ang kilay.Hindi maiwasan ni Adeline na mamangha habang pinagmamasdan ito.How can a man be so perfect? Sino ba ang gumawa dito?“Did you marry me for money?”Napatalon sa gulat si Adeline. Dahan-dahan siyang nilingon ng asawa at halos mapugto ang kaniyang hininga sa klase ng titig nito na naghahatid ng milyon-milyong boltah
MAAGANG gumising si Adeline kinabukasan. Inasikaso niya ang pagpasok nina Sofia at Dylan ngunit hindi na niya naihatid sa eskwelahan ang dalawang bata dahil inasikaso niya rin ang kaniyang asawa bago siya pumasok sa trabaho.“Anong oras ka umuuwi?” tanong ni Drake habang inilalagay ni Adeline ang cellphone sa kaniyang bag.“Hanggang tanghali lang ako palagi sa trabaho. Minsan ay ako ang sumusundo sa dalawang bata.”Tumango si Drake, “Do you drive?”Umiling si Adeline, “Hindi ako pinapayagan ng lolo mo. Nagpapahatid at nagpapasundo lang ako sa driver.”“That’s good. Go on.”Maliit na ngumiti si Adeline saka tinitigan muna ito bago tuluyang lumabas ng silid. Agad siyang dumiretso sa garahe at nagpahatid sa opisina.Sinalubong siya ng mga kasamahan nang makapasok at sinabing ang design niya ang napili para ilaban sa fashion week. Tuwang-tuwa ang mga ito, hindi alam na siya ang magmanipula kay Diana upang design niya ang ilaban.Alam niyang pandadaya ang ginawa niya pero kumpiyansa siya s