NANG makaalis si Adeline ay pasimpleng bumalik sa loob ng master bedroom si Shun Parker. Inilock niya ang pinto ng silid saka lumapit sa kama ni Drake.
“Sir…”Tila hudyat iyon kay Drake na wala nang ibang tao sa silid. Bumangon ito at tiningnan ang kanang kamay ni Drake na agad inilabas ang mga dokumentong laman ng brief case na hawak nito.“Kailangan nito ng mga pirma mo, sir.”Tumango si Drake at tinanggap ang ballpen at mga dokumentong pipirmahan habang nagsasalita, “Kumusta ang imbestigasyon kay Adeline.”“Adeline Pascua ang buong pangalan niya, sir. Bunso sa pamilya ng mga Pascua. Hindi gaanong mayamanbang pamilya nila pero maituturing silang isa sa marangyang pamilya. Dating fiance ng heir ng mga del Gallego pero hindi natuloy ang kasal dahil hindi siya gusto ng pamilya nito. Naglaho ng ilang taon at nang muling bumalik ay may anak nang babae.”Nangunot ang noo ni Drake, “May anak siya?”HINDI inaasahan ni Adeline ang pagdating ni Adrian at Sofia sa bansa. Tumawag nalang sa kaniya si Sofia at sinabing bumaba siya ng eroplano kasama ang kaniyang tito Adrian.Si Adrian ang kapatid ng tunay na Adeline Pascua at si Sofia ay lehitimong anak ni Adeline Pascua. Lumaki sa kaniya si Sofia kaya naman siya ang kinikilala nitong ina. Hindi nanggaling sa kaniya ang paslit pero minahal niya ito ng totoo ay pakiramdam niya pa nga ay anak niya talaga ito.Kaedad ni Dylan si Sofia. Bibo at madaldal. Hindi ito nauubusan ng sasabihin at napakakulit. Kabaliktaran ni Dylan ang bata pero sa tingin ni Adeline ay magkakasundo ang mga ito.“Mama!” Ang matinis na sigaw ng batang babae ang sumalubong kay Adeline nang makababa siya ng kotseng ginamit.
KINABUKASAN ay maagang gumising si Adeline para istretch ang mga binti ng asawa. Bago siya matulog kasabi ay nasabihan na siya ni Doc Aguilar tungkol sa dapat na pagstretch ng mga binti ni Drake. Matapos maligo ay nilapitan niya ang asawa. Napatitig siya sa mukha nito. Wala na ang benda. Nagdesisyon na si Doc Aguilar kahapon na alisin ang benda nito at hindi maiwasan ni Adeline na mamangha sa kaguwapuhan ng kaniyang asawa. Tama ang hinala niya. Sobrang guwapo ng lalaki. Kaya naman pala nabanggit noon ni Don Alvaro sa kaniya na marami pa rin ang nagnanais na mapalapit kay Drake kahit pa nga nakaratay ito. Itinali ni Adeline ang buhok saka dahan-dahang sumampa sa kama sa may paanan ni Drake. Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa mabalahibong binti ng asawa. “Tulungan lang kitang magstretch ha?” Paalam niya sa asawa. Dahan-dahang hinawakan ni Adeline ang kaliwang binti ni Drake saka inangat. “Dinala ko dito ang anak ko. Sa tingin ko magkakasundo naman sila ni Dy
NAIIRITA man ay walang nagawa si Adeline. Nang makauwi ay agad niyang pinakain sina Dylan at Sofia. Pinatulog niya si Sofia matapos linisan ng katawan pagkatapos ay pinuntahan niya si Dylan sa silid nito.Patay na ang ilaw ngunit gising na gising pa ang bata na nakatitig sa kisame.“Dylan…”Nakita ni Adeline ang pag-igtad ng bata marahil siguro sa gulat.Tumalikod ito pero tumuloy papasok si Adeline saka naupo sa kama nito. “Bakit hindi ka pa natutulog?”Muli ay hindi siya pinansin nito. Bumuntong-hininga si Adeline. “Gusto mo bang kantahan kita para makatulog ka?”“Hindi na kailangan.”Ngumiti si Adeline. “Mabilis na nakakatulog si Sofa kapag kinakantahan ko. Gusto mong subukan?”“Sinabi nang hindi na kailangan—”Natigil sa pagsasalita si Dylan nang nagsimulang kumanta si Adeline. Naramdaman ni Adeline na nanigas sa kama ang bata. Hindi niya alam kung bakit
MALAKAS na suminghap si Adeline at tinapunan ng matalim na tingin ang lalaki, “Bastos ka!”Sumipol si Vincent Ryu habang namamanghang nakatingin sa kaniya. “Really? Did I say something bastos? I only told you to get on the table, baby.”“‘Wag mo ‘kong tawaging ganiyan!”Ngumisi si Vincent, “What made you think that I’m thinking about something lewd?”Kumuyom ang kamao ni Adeline, “Pinapupunta mo ako sa mesa. Kung hindi ako tutuwad doon, anong gagawin ko?”Sukat ay pumutok ang malakas na halakhak ng lalaki dahilan kung bakit mas lalong nag-ngitngit ang kalooban ni Adeline. Dumagundong iyon sa buong opisina dahilan kung bakit mas tumindi ang galit niya.Hindi alam ni Adeline kung anong nakakatawa sa sinabi niya.“Hindi ko alam na ganito pala ang asawa ni Drake. Masyado ka na bang nalulungkot at nag-iisip ka ng ganoon karumi?”Nangunot ang noo no Adeline, “‘Wag mo akong pagla
NATARANTA na si Adeline. Matapos patayin ang tawag ay walang imik siyang tumakbo palabas ng silid na ikinagulat ni Shun Parker na bumagsak pa sa sahig matapos niyang buksan ang pinto. Mukhang nakikinig ang lalaki pero hindi na niya ito pinansin. “Adeline!” Umalingawngaw ang boses ni Vincent Ryu pero hindi rin ito binigyang pansin ni Aldine. Tumuloy siya papasok sa elevator at pinindot ang button hanggang sa biglang pumasok si Vincent na hinihingal. Suot pa rin nito ang maskara at tiningnan siya ng matalim. “You run fast! Are you a fcking cheetah?” Inip na tiningnan ni Adeline ang itaas ng elevator at nang bumukas ito ay agad siyang lumabas. “Sandali!” Hinawakan ni Vincent ang braso niya. “Kailangan ko nang umalis, Mr. Ryu!” “Where are you going? I’ll drive for you.” Napaisip si Adeline. Mas mabilis nga na magpahatid siya dahil matatagalan kung hahanap pa siya ng taxi na masasakyan. “Precinct.” Tumango si Vincent at binitawan ang kaniyang braso, “Follow me.” Wala n
NANG makapasok ng mansyon ay nagulat si Adeline nang madatnan si Don Alvaro na nakaupo sa single couch at hawak ang tungkod nito. Umawang ang kaniyang labi nang dahan-dahan siyang lingunin ng matanda gamit ang seryoso nitong mukha at malamig na mga mata. “Saan ka nanggaling, Adeline?” Napalunok si Adeline, “L-Lumabas lang po ako para puntahan si Adrian —” “Hindi ka dapat naglalagi sa labas at nagtatagal ng ganitong oras nang wala sa loob ng bahay. Kasal ka na, Adeline. Sa apo ko. Ayokong mapabayaan mo ang obligasyon mo sa mag-ama.” Napayuko si Adeline, “Pasensya na po, Don Alvaro.” “Hindi kita pinaghihigpitan. Malaya kang gawin ang lahat ng gusto mo kapalit ng pagtugon mo sa obligasyon mo sa apo ko. Hindi ka pa naman siguro nakakalimot sa kasunduan natin, hindi ba?” “Hindi ko po nakakalimutan, Don Alvaro.” Tumayo ang matanda at tinitigan siya bago muling nagsalita, “Pumanhik ka na at maghanda sa pagtulog.” Nang mapasok sa master bedroom ay napahugot ng malalim na hining
HINDI makapagsalita si Adeline dahil sa narinig. Gulat na gulat siya at hindi malaman ang sasabihin. Did she just accuse her of plagiarism. Hindi maiwasang matawa ni Adeline dahil akusasyon. Ni isang beses ay hindi niya inisip na kumopya ng gawa ng iba at kahit kailan ay hindi niya inisip na subukan manlang ang paratang. “I did not copy anyone’s work and never will I do that,” matigas na saad ni Adeline. Pumalakpak ang isa sa miyembro ng Team 1. “Talaga nga naman! Nagawa mo pang mag-Ingles? Ang kapal naman ng mukha mo, Adeline.” Nakapagtataka. Noong araw na malaman ng mga ito na asawa niya ang panganay na apo ni Don Alvaro Velasquez ay naging mailap ang mga ito sa kaniya pero ngayon ay bumalik na ang magaspang na trato ng mga ito sa kaniya. Si Diana. Marahil ay protektado ni Diana ang mga ito kaya malakas ang loob. “Alam ko ang disenyo ko at kahit kailan ay hindi ako kumopya.” Humalakhak ang miyembro ng kabilang team at marahas naman na bumuga ng hangin ang team leader ng Team 2
MAAGANG pumasok sa opisina si Adeline ngunit hindi niya nakaligtaang ihatid sina Dylan at Sofia sa eskwelahan ng mga ito. Nang makapasok siya sa opisina ay natigilan siya dahil tahimik ang buong design department. Kahit si Diana, ang department head ay nakatayo at tahimik lang.Sa gitna ng nakabibinging katahimikan ay umikot ang isang swivel chair at doon ay tumambad kay Adeline si Mrs. del Gallego. Prenteng nakaupo pero matalim ang tingin sa kaniya.“Totoo ngang dito ka nagtatrabaho, Adeline. Ang kapal naman ng mukha mo.”Nagtiim-bagang si Adeline. Wala siyang pakialam sa babae dahil wala naman itong atraso sa kaniya. Sa totoong Adeline ito may ginawang kasalanan pero dahil halos parehas dila ng dinanas ng totoong Adeline ay hindi niya mapigilang hindi mairita.Tumayo ang ginang at humalukipkip habang naglalakad palapit sa kaniya. Nang tumigil ito sa tapat ng kaniyang mesa ay tiningnan nito ang kaniyang computer saka muling tumingin sa kaniya.“Balita ko nangopya ka ng design sa kabi