Share

Chapter 5: His Dark Eyes

Author: NJ
last update Last Updated: 2024-08-07 16:54:36

Halos tanghali na nang bumaba si Adeline. Sa sala ay naabutan niya ang mga maid na naglilinis at may isang batang lalaking nakaupo sa sofa habang nanunuod ng cartoons. Itim na itim ang medyo kulot nitong buhok. Mula sa pwesto niya ay kita niya ang mahaba at makapal nitong pilikmata, matangos na ilong at mapulang mga labi. Bilugan ang mukha nito at maputi ang kutis.

“Ma’am Adeline, ipinatatawag kayo ni Don Alvaro sa study room.”

Nilingon ni Adeline ang maid, “Sige, susunod ako.”

Hindi lingid sa kaalaman ni Adeline na may anak ang lalaking pinakasalan niya. Ayon kay Don Alvaro ay anak ito ni Drake sa dati nitong kasintahan na umalis at hindi na bumalik matapos ipanganak ang bata.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Adeline habang nakatitig sa batang lalaki. Naalala niya ang kaniyang anak. Sanggol pa lamang ito nang kunin sa kaniya. Ni hindi niya nagawang makita ang mukha nito dahil nag-aagaw buhay siya nang bawian ito ng buhay. Tanging si Don Alvaro ang nakakita sa mukha ng kaniyang anak at napakasakit niyon sa kaniya. Namatay ito sa mismong kapanaganakan kaya ganoon nalang ang pagdurusang dinanas niya.

Hindi namalayan ni Adeline na tumtulo na ang luha sa kaniyang pisngi dahil sa mapait na alaala. Mabilis niyang pinahid ang luha nang bigla siyang lingunin ng bata.

Agad itong sumimangot, “Ayoko sayo!”

Tinitigan ni Adeline ang bata saka siya unti-unting ngumiti. Halatang hindi maganda ang ugali ng paslit pero hindi nakaramdam ng inis si Adeline. Sa halip ay tuwa ang naramdaman niya sa kaniyang puso.

“Dylan!” Isang seryoso at maawtoridad na boses ang narinig ni Adeline sa kaniyang likuran. Batid niyang si Don Alvaro iyon.

Tumakbo ang batang lalaki paakyat ng hagdan at agad naman itong sinundan ng dalawa nitong yaya. Napahabol ng tingin si Adeline kasabay ng mabilis na pintig ng kaniyang puso.

“Pagpasensyahan mo na ang batang iyon, Adeline. Lumalaki kasing walang ina at may sakit pa ang ama kaya nagkaganoon.”

Nilingon ni Adeline si Don Alvaro, “Kailangan lang ho niya ng tamang kalinga ng magulang.”

Marahang tumango ang matanda. Sa tulong ng tungkod nito ay lumakad ito palapit sa sofa at doon naupo. Naupo rin si Adeline sa upuang inalisan ni Dylan.

“Sa pasukan ay mag-aaral na ng kindergarten si Dylan. Pwede mo ba siyang samahang mag-enroll?”

Sukat ay napangiti si Adeline. Sabik siya sa anak dahil hindi niya manlang nahawakan ang sanggol na isinilang niya. Ngayong may bata siyang aalagaan ay gagawin niya ng buong puso ang kaniyang tungkulin.

“Responsibilidad ko na si Dylan simula ngayon, Don Alvaro. Makakaasa kayong hindi ko siya pababayaan. Ituturing ko siyang tunay na anak at hindi ako susuko sa kaniya.”

Ngumiti ang matanda, “Magaling, Adeline! Kung ganoon ay wala na akong dapat ipangamba. Alam ko namang aalagaan mo ang apo ko at apo sa tuhod.”

“Adeline…”

Humarap siya sa matanda, “Don Alvaro?”

“Gusto kong alagaan mo ang aking apo. Si Drake. Umaasa ako na gagaling pa siya kaya gusto kong tutukan mo siya at ‘wag pabayaan. Ikaw nalang ang maaasahan ko. Kailangan ko siya para mamahala sa mga negosyo ko kaya hindi ako papayag na mawala siya. Maaasahan ba kita sa bagay na ito?”

Tumango si Adeline at muling ngumiti, “Makakaasa ka, Don Alvaro.”

Gagawin niya ang responsibilidad niya bilang may bahay ni Drake Velasquez. Hindi siya magiging perpkto pero gagawin niya ang lahat lalo na para sa batang si Dylan.

Nagday-off ang nurse na nag-aalaga kay Drake kaya kinuha ni Adeline ang responsibilidad sa pag-aasikaso sa asawa. Balak niyang nilisin ang katawan nito. Minsan na ring nalapnos ang kaniyang mukha kaya alam niya ang gagawin. Pwede namang ang in-house doctor ang tawagin niya para gawin ang responsibilidad na ito pero gusto ni Adeline na ipakita kay Don Alvaro na tumatanaw siya ng utang na loob at hindi siya sisira sa usapan nila.

Bitbit ang mga kakailanganin ay marahang pumasok si Adeline sa silid nila ng kaniyang asawa. Naupo siya sa gilid ng kama nito at tiningnan ang nakaratay na asawa. May guilt siyang naramdaman habang nakatitig dito pero ipinilig niya ang kaniyang ulo at humugot ng malalim na buntong-hininga. Inaasahan niyang papanig sa kaniya si Vincent Ryu matapos ang nangyari sa kanila. Kailangan niya ang lalaki kaya hindi niya hahayaang makuha ito ni Aries.

“Drake, ako ito si Adeline. Lilinisan ko ang katawan mo,” paalam ni Adeline sa asawa.

Palaisipan kay Adeline kung bakit hanggang ngayon ay nakabalot pa rin sa benda ang katawan ng lalaki gayong halos isang taon na nang maaksidente ito. Ang naiisip niya lamang na dahilan ay dahil sa mga bakas ng sunog sa buong katawan nito. Marahil ay matindi ang pinsala sa katawan nito.

Hindi alam ni Adeline kung paano sisimulan ang pagpupunas sa katawan ng asawa kaya naman tumayo siya at pinagmasdan ito. Matapos ang ilang sandali ay sinimulan niyang alisin ang benda nito. Inuna niya ang benda sa katawan nito at habang numinipis ang benda ay mas nahihirapan siya kaya naman lumuhod siya sa kama at mas lumapit pa sa katawan ng lalaki. Dumukwang siya ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang dumulas ang kaniyang katawan at hindi sinasadyang napasubsob siya sa katawan ng asawa.

Nanlaki ang mga mata ni Adeline kasabay ng mabilis na pintig ng kaniyang puso. Sinubukan niyang iangat ang sarili ngunit hindi sinasadyang napahawak siya sa isang bagay. Napalunok siya saka sinundan ang bagay na nahahawakan ng kaniyang palad. Ang…Ang bagay sa pagitan ng mga hita ni Drake.

Napaigtad siya at tiningnan ang nakaratay na asawa ngunit halos takasan siya ng kaluluwa nang salubungin siya ng itim na pares ng mga mata na tila nakakalunod sa lalim. Nagtaasan ang balahibo ni Adeline kasunod ng malakas niyang tili at pagkahulog sa kama

“AH!”

Bakit…nakamulat ang mga mata nito?

Related chapters

  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 6: His Plans

    HALOS panawan ng ulirat si Adeline habang nakatingin sa mulat nang mga mata ng asawa. Sa takot ay dali-dali siyang tumakbo palabas upang tawagin ang family doctor ng mg Velasquez. Humahangos na kumatok si Adeline sa kwarto ng binatang doktor na agad naman siyang pinagbuksan. “Mrs. Velasquez…” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Adeline at itinuro ang pinto ng master bedroom, hindi kalayuan, “S-Si…Si Drake.” “Anong nangyari sa kaniya?” Agad na lumabas ng silid ang doktor matapos hablutin ang stethoscope at ilan pang mga gamit upang gamitin sa pagchecheck ng pasyente. “N-Nagmulat siya ng mata,” utal-utal na sagot ni Adeline sa doktor habang sumusunod dito papunta sa master bedroom. Sukat ay natigilan sa paghakbang ang doktor at dahan-dahan siyang nilingon, “Ano iyon, Mrs. Velasquez?” “Nagmulat siya ng mata, dok. Kitang-kita ko,” siguradong sagot ni Adeline. Hindi siya maaaring magkamali. Nakita niyang mulat ang asawa at nakatingin ito sa kaniya kanina. Wala nang imi

    Last Updated : 2024-08-14
  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 7: Brat

    NANG muling pumasok sa master bedroom si Adeline ay saktong nagliligpit na ng gamit ang family doctor. “Pinalitan mo siya ng bandage?” Puna niya nang mapansin ang itinapon nitong bandage. Tumango ng marahan ang doktor, “Oo. Mrs. Velasquez…” “Hm?” Ani Adeline bago nilingon ang doktor mula sa pagtitig sa nakaratay na asawa. “Iyong pagmulat niya ng mata…” “Oo, dok. Hindi ko sinasadya iyon. Nasaktan ko ba siya? Ayos lang ba siya?” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Gabriel, “Ang totoo niyan pang-apat na beses na niyang ginawa ito.” Napaawang ang labi ni Adeline, “Totoo ba?” “Ang mga unang beses na nagmulat siya ng mata ay dahil sa mga bagay na nagugustuhan niya. Katulad ng kapag nakarinig siya ng music na pamilyar sa kaniya. O kaya nakarinig siya ng boses na siguro ay namimiss niya…” Napalunok si Adeline, “Ano sa tingin mo ang dahilan niya ngayon?” Sinulyapan ni Gabriel ang kaibigan saka muling hinarap si Adeline, “Mukhang gusto niyang inaalagaan mo siya, Mrs. Velasquez.”

    Last Updated : 2024-08-14
  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 8: Insults

    MATAMANG pinagmamasdan ni Adeline ang batang lalaki. Panaka-naka itong sumusulyap sa kaniya ngunit magana namang kumakain. Magaan ang kaniyang pakiramdam habang pinagmamasdan ang bata. Tila may kung anong humaplos sa kaniyang puso habang pinagmamasdan ang magana nitong pag kain. Akmang kukuha pa ng fried chicken ang bata nang pabirong hilahin ni Adeline ang bowl. Namilog ang mga mata nito at tiningala siya. Mahinang natawa si Adeline, “Masarap diba?” Unti-unting nalukot ang mukha ng paslit. Natatawang nilagyan ni Adeline ng panibagong ulam ang pinggan nito. Hindi sumagot ang bata. Tiningnan lamang siya nito nang matalim saka muling dumulog sa pag kain. Tamang-tama naman na pumasok sa kusina ang dalawang taong kinaiinisan ni Adeline. Kunot ang noo ni Aries habang nakangisi naman si Diana. Agad na nawalan ng ganang kumain si Adeline. “Anong ginagawa mo, Adeline?” Galit na tanong ni Aries. Tumaas ang kilay ni Adeline, “Ano sa tingin mo?” Suminghap naman si Diana saka niyuko

    Last Updated : 2024-08-15
  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 9: Scheme

    HINDI napigilan ni Adeline na pagkiskisin ang mga ngipin sa labis na galit. Nagpupuyos ang kaniyang damdamin sa gigil at gusto niyang sabunutan ang babaeng kaharap. Naalala niya ang walang katuturang chismis na kumalat noon involved ang mga magulang niya. Pinagbintangan noon ang kaniyang ina na pinakasalan lamang ang kaniyang ama dahil sa yaman nito. Hanggang ngayon ay dala-dala niya pa ang sakit na dulot ng chismis na iyon. Hindi niya makalimutan dahil halos masira ang kaniyang pamilya dahil sa paninira ng ibang tao sa relasyon ng mga magulang niya. “Ano? Nasapol ko ba?” Ngingisi-ngising tanong sa kaniya ni Diana. Tinitigan ni Adeline ang babae gamit ang madilim na emosyon sa mga mata. Malaki ang kasalanan nito sa kaniya. Napakalaki at kahit kailan ay hindi na niya ito mapapatad. Lumuhod man ito sa pako at lumuha man ng dugo, hindi siya makakaramdam ng kahit na konting awa para sa babae. Gustong-gusto na niyang hilahin ang

    Last Updated : 2024-08-15
  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 10: She Won't Back Down

    HINDI makasagot si Adeline. Nagulat siya sa pagdagundong ng malakas na sigaw ni Don Alvaro. Gusto niyang mangatwiran ngunit hindi niya maibuka ang mga labi at tila nalulon niya ang kaniyang dila. Kitang-kita niya ang nag-aapoy na galit sa mga mata ng Don at alam ni Adeline na kung maniniwala ito kay Diana ay baka mapalayas siya sa mansion nang wala sa oras.Mas lalong lumakas ang hagulgol ni Diana na nagpataas lalo ng gigil ni Adeline. Masyado nang gasgas ang arte ng babae. Gusto niya itong tadyakan sa mukha.“BAKIT NABASAG ANG VASE, ADELINE?”Mariing napapikit si Adeline sa lakas ng sigaw ng matanda.“Siya ang may kasalanan, grandpa!” Umiiyak na sumbon

    Last Updated : 2024-08-16
  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 11: A Child's Cry

    HALOS mawalan na ng malay si Diana sa sobrang takot sa Don. Bigla ay parang gusto niyang lumuhod at magmakaawa sa matanda upang patawarin siya hindi pa man nito nakikita ang proweba sa kasalanang ginawa niya. Natatakot siya sa maaaring gawin ni Don Alvaro. Istrikto ito at alam niyang hindi siya nito sasantuhin sa parusa kahit pa nga asawa niya ang pangalawa nitong apo.Tinaasan ni Adeline ng kilay ang dalawa. Gusto niyang matawa sa biglang pag-amo ng kanina’y mabangis na mukha ni Diana. Mula sa tigre ay para itong naging isang kuting na takot na takot sa malaking pusa.Humakbang si Aries palapit kay Don Alvaro. “G-Grandpa, hindi naman na kailangang panuorin ang CCTV. Paniwalaan mo nalang kami dahil hindi naman kami magsisinungaling sa ‘yo.”Hindi nakita ni Aries ang totoong

    Last Updated : 2024-08-16
  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 12: Reactions

    NGUMITI si Adeline sa kabila ng matalim na tingin ni Dylan. Mailap sa kahit kanino ang bata at alam niyang nag-aalala ito sa mga nangyayari. Maaaring natatakot itong maiwan ng ama at sisiguruhin ni Adeline na maipararamdam niya sa bata na ligtas ito at hindi rin niya pababayaan ang ama nito. Naupo si Adeline sa single couch na malapit sa kama habang matiim pa ring pinagmamasdan ang paslit. “Bakit ka nakikinig sa usapan ng may usapan?” “Hindi ako nakikinig. Narinig ko lang,” sagot ni Adeline habang nakangiti. Umismid ang paslit, “Pareho na rin iyon. Bakit mo ba ako sinundan dito?” Tinitigan ni Adeline si Dylan. May kung ano sa mga mata nito na hindi niya maipaliwanag. Para bang kilala niya ang mga matang iyon at hindi niya lamang maalala. “Ang cute mong bata ka,” hindi napigilang saad ni Adeline. Tumalim muli ang tingin ni Dylan, “Hindi ako cute at hindi n

    Last Updated : 2024-08-17
  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 13: The First Mrs. Velasquez

    MAAGANG gumising si Adeline kinabukasan. Sa utos ni Don Alvaro ay hinatid siya ng driver nito sa del Gallego Corporation. Isang fashion company kung saan magtatrabaho si Adeline. Isa si Don Alvaro sa shareholders ng del Gallego Corporation at bilang inirekomenda, hindi na dumaan sa interview si Adeline. Agad siyang nakapasok sa design department. Sa totoo lang ayaw siyang payagan ng matanda na magtrabaho. Ang gusto nito ay nakatutok lamang siya sa pag-aalaga kay Drake at Dylan pero nakiusap siya sa matanda. Pumayag naman ito sa kondisyon na half day lang siyang papasok sa opisina at hindi siya araw-araw na naroon. Halos work from home ang kalalabasan ng setup niya pero tinanggap na niya ang kondisyon kaysa naman maburo siya sa mansyon. Isa rin sa kondisyon ng matanda na sa del Gallego siya magtatrabaho. Fashion company rin naman ang kompanya na gusto niyang pasukan kaya pumayag na siya na sa del Gallego nalang magtrabaho. S

    Last Updated : 2024-08-17

Latest chapter

  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Special Chapter

    “PARA saan ang bouquet, grandpa?” Kunot-noong tanong ni Drake sa kaniyang lolo nang pumasok siya sa mansyon. Mas nangunot ang noo niya nang mapansin ang sandamakmak na tao sa mansyon at naglalagay ng mga dekorasyon. “At para saan ‘to? ‘Wag mong sabihing welcome party ko ‘to? Isang buwan lang akong nawala, grandpa.” Natawa si Don Alvaro. “Hindi mo ito welcome party, Drake. Kaarawan ng nobya ng pinsan mo. Ngayon rin siya magpopropose kaya naghahanda tayo.” Umismid si Drake. “Sa nobya niya pala e bakit ako ang bumili ng bulaklak? ‘Wag mong sabihing pati singsing ay iniasa niya sa iba.” Tinapik ni Don Alvaro ang balikat ni Drake at bago pa ito makasagot ay dumating ang assistant nitong si Barron. Sarkastikong natawa si Drake nang iabot ni Barron kay Don Alvaro ang isang velvet box na tiyak na singsing ang laman. Si Aries, kung hindi tamad ay palpak. Kaawaran ng nobya pero hindi manlang mag- effort. Kung girlfriend niya ang may birthday, tiyak na aburido na siya ngayon dahil sa bagal ku

  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Final Chapter

    TUMAYO si Shaniya matapos abutan ng sobreng puno ng perang papel ang babaeng inmate. Pasimple itong ngumisi at sumaludo pa sa kaniya. “Titiyakin kong mahimbing ang tulog nila ngayong gabi at sa susunod pang mga gabi, madam.” Nagtaas ng noo si Shaniya at marahang tumango. Agad siyang umalis at kalmado ang mukha na naglakad paalis ng visitation room. Gagawin niya ang sinabi niya na paghihirapan habang buhay sina Cherry, Sherry, Diana at Zandra. Mali ang ginagawa niyang pagbabayad ng tao para pahirapan ang mga ito pero kulang pa iyon sa mga kasalanang ginawa nila. Tulad ng kung paano siya nagbayad kanina ng tao para pahirapan si Aries at Andres ay ginawa niya rin ito ngayon. Shaniya won't stop torturing them as long as they're alive. Walang nakakaalam ng ginagawa niya at titiyakin niyang mananatili itong sikreto. Nang makauwi ay sumalubong kay Shaniya ang madilim na mansyon. Sa pag-aalala ay kaagad siyang pumasok pero nang makapasok siya ay agad na may tumakip ng kaniyang mga mata

  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 144: Light Amidst the Darkness

    LIFE is always full of surprises in spite of the fact that it's too short. We don't get everything we want, the Heavens give everything that we need. Gabriel's death taught Shaniya a lot of things. That life, no matter how sad and painful it is—should be appreciated. Shaniya has doubted the Heavens for putting her on a very rough path and letting her suffer in the hands of the devil in human flesh. Nakakapangilabot ang lahat ng pinagdaanan niya pero nagpapasalamat siya na sa huli ay mayroon siyang naging karamay na kailanman ay hindi siya pinabayaan. Drake became her light amidst the darkness. He became her home amidst the storm. Kung wala ito, tiyak na mauubusan siya ng lakas. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang huling trahedya. Gabriel's death has bruised so many hearts. Halos lugmok sina Hunter, Theo, Luke, Kai, at Drake ngayon. Araw-araw nakikita ni Shaniya ang tahimik na pagtangis ng kaniyang asawa. He comes home every night, almost crawling because he's drunk. Sh

  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 143: Last Bullet

    “HE was a brother, a friend, a son, a hero…” Yumuko si Shaniya kasabay ng paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Nagsasalita si Drake at ramdam niya ang paghihirap nito. Hindi niya kayang makitang ganoon ang kaniyang asawa. It breaks her heart. Drake gasped. “H-He was…my best friend. S-Sabi ko sa kaniya best man ko siya sa kasal ko…at ninong siya ng anak ko…pero…hindi na niya…nahintay…” Shaniya squeezed her eyes. Pagkatapos ng burol na mapagparusa sa mga pusong lumuluha sa pagkawala ng isang kaibigan, anak, at kapatid—heto sila. Handa nang ihatid sa huling hantungan ang nag-iisang mabait na taong kilala ni Shaniya. All of them are hiding a devil inside them, but Gabriel is like an angel. He doesn't have evilness within him. He was pure. Maybe that's why he was named Gabriel. “I-I told him I’ll find him a girlfriend para hindi naman siya naiinggit sa amin ni Luke pero…p-paano ko siya ihahanap ng kapareha kung bumitaw na siya?” “Ang daya…” Drake sniffed and wiped his tears u

  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 142: Sorrow

    LAKAD-TAKBO si Shaniya sa kahabaan ng hallway papunta sa emergency room para makita ang kalagayan ni Gabriel ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nakita na niya ang paglabas ng doktor sa emergency room at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya kung paano tinakpan ng nurse ng kumot ang buong katawan ni Gabriel. Suminghap si Shaniya at napailing. No! No! Hindi! Hindi pwede! Nanghina ang mga tuhod ni Shaniya sa nasaksihan. Her hands trembled and her brain couldn't accept the realization. Nang tingnan niya ang doktor ay umiiling ito kina Drake na agad tumakbo papasok sa loob at hinablot ang kumot na nakatakip sa kaibigan. “GABRIEL! BUMANGON KA RIYAN, T-NGINA KA! ‘WAG MO AKONG PAGLARUAN!” Umiwas ng tingin si Shaniya sa kaniyang asawa. Seeing him like that tortures her. Namilibis ang luha sa mga pisngi ni Shaniya nang makita niya kung paano napaupo sa sahig si Hunter habang nakayuko at unti-unting yumuyugyog ang balikat. Pinagsusuntok naman ni Luke ang pader at humagulgol si The

  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 141: Blood

    PUMASOK si Shun Parker sa isang private property. Malawak ang bakuran at mataas ang pader na nakapaligid sa mansion na nasa gitna ng malawak na lupa. Hindi na siya nag-abalang isara ang gate at diretso nalang na pumasok hanggang sa makapasok siya sa mansyon. ‘Basement. Siguraduhin mong patay.’ Napailing si Shun nang maalala ang sinabi ni Caesar, ang half brother niya. Dumiretso siya sa basement at binuksan ang kandado gamit ang hawak sa susi at tumambad sa kaniya ang nagkalat na dugo habang sa gitna ay nakagapos ang isang lalaking walang malay at duguan. Nagtagis ang bagang ni Shun at nilapitan ang lalaki. Akma niya itong gigisingin nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag ni Caesar. “What?!” [Postpone the plan. Picturan mo si Gabriel at isend mo sa akin. Darating riyan ang isa pang taong ililigpit mo.] Nang patayin ang tawag ay agad na ginawa niya ang sinabi nito at isinilid ang cellphone sa bulsa. Dahan-dahan namang nag-angat ng mukha si Gabriel at halos

  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 140: Lured

    “ANO iyan? Suhol?” Salubong ng ina ni Cherry kay Shaniya nang makapasok ng sasakyan. Pumayag na itong tumira sa mansyon kaya agad niyang sinundo gamit ang kotse ni Drake. Ngumiti si Shaniya. “Nabanggit sa akin ni dad na ito ang paborito mong pagkain.” Tinitigan ni Sherry ang box ng buko pie na ipinatong ni Shaniya sa hita nito. Nasa driver seat siya katabi si Cherry at si Sherry ay nasa backseat. Umirap si Sherry at hindi na nagsalita. Umayos naman ng upo si Shaniya at nagsimulang magmaneho papunta sa mansyon. Mali. Her mother hates buko pie at nakumpirma niyang hindi impostor ang babae sa likod nang makita niyang binuksan nito ang box at maganang kumain. Shaniya clenched her jaws and looked at Cherry who's been constantly putting make-up on her face. Binubura nito iyon pagkatapos na tila hindi kuntento saka maglalagay ulit. “Tigilan mo nga iyan, Cherry. Nagsasayang ka ng make-up. Mauubos na ang ipon ko sayo!” Sinulyapan ni Shaniya ang ginang sa likod. “It’s okay. Bibigya

  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 139: Halfbrother

    SINAMAHAN ni Shaniya si Drake na magpunta sa opisina ni Luke. His family owns a security agency at magaling rin sa paghahanap ng mga taong nawawala ngunit sa pagkakataong ito pakiramdam ni Luke ay wala siyang silbi. Ganito ang trabaho niya pero hindi niya mahanap ang dalawang taong importante sa kaniya—si Georgianne at si Gabriel. Sht! Wala pang 24 hours nawawala si Gabriel pero hindi nito ugali na maglaho ng walang pasabi kaya agad siyang kumilos nang puntahan sila ng pamilya ni Gabriel upang manghingi ng tulong. Nakaupo sa pahabang meeting table sina Luke, Hunter, Theo, Kai, Drake, at Shaniya. “Huling nakita sa CCTV si Gabriel sa hospital. Nakita niya ang isang Doktor na si Caesar Palacios kasama ang isang babae. Sinundan niya hanggang sa basement parking…” pagpapaliwanag ni Luke habang nagpiplay ang CCTV footage sa isang TV. Nakakuyom ang mga kamao ni Shaniya. Naipaliwanag na ni Hunter Stunt sa kaniya ang posibilidad pero hindi pa rin matanggap ng puso niya na maaaring nilok

  • My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town   Chapter 138: Missing

    UMAYOS ng tayo si Shaniya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. “Sasama ako, Drake.” Tumango si Drake at tiningnan ang tauhan. “Ihanda mo ang kotse. Susunod kami.” Nang makaalis ang tauhan ay hinarap ni Drake ang asawa habang hawak sa magkabilang pisngi. “Baby, I need to tell you something.” Lumunok si Shaniya at hindi niya inaasahan na bigla siyang kakabahan. “Ano iyon?” “Pinaimbestigahan ko ang mommy mo.” Nangunot ang noo ni Shaniya. “What? Why?” Bumuntong-hininga si Drake. “I feel like something's wrong but just this morning, nakakuha ako ng impormasyon kung saan dinala ang mommy mo matapos maaksidente. It was said na suicide ang nangyari. Nawalan siya ng alaala at hindi na nakabalik pa inyo matapos iyon.” Umiling si Shaniya. “Suicide? Imposible! Bakit?” “Nagkasakit siya. Nagkataning ang buhay kaya ginustong wakasan.” Nakaramdam ng paninikip sa dibdib si Shaniya. Mas lalo niyang gustong makita ngayon ang ina kaya naman hindi na sila nagsayang ng panahon. Agad silang p

DMCA.com Protection Status