Share

Chapter 8: Insults

MATAMANG pinagmamasdan ni Adeline ang batang lalaki. Panaka-naka itong sumusulyap sa kaniya ngunit magana namang kumakain. Magaan ang kaniyang pakiramdam habang pinagmamasdan ang bata. Tila may kung anong humaplos sa kaniyang puso habang pinagmamasdan ang magana nitong pag kain.

Akmang kukuha pa ng fried chicken ang bata nang pabirong hilahin ni Adeline ang bowl. Namilog ang mga mata nito at tiningala siya.

Mahinang natawa si Adeline, “Masarap diba?”

Unti-unting nalukot ang mukha ng paslit. Natatawang nilagyan ni Adeline ng panibagong ulam ang pinggan nito. Hindi sumagot ang bata. Tiningnan lamang siya nito nang matalim saka muling dumulog sa pag kain. Tamang-tama naman na pumasok sa kusina ang dalawang taong kinaiinisan ni Adeline.

Kunot ang noo ni Aries habang nakangisi naman si Diana. Agad na nawalan ng ganang kumain si Adeline.

“Anong ginagawa mo, Adeline?” Galit na tanong ni Aries.

Tumaas ang kilay ni Adeline, “Ano sa tingin mo?”

Suminghap naman si Diana saka niyuko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status