Sa kalakasan ng ulan at tahimik na gabi, sa halip na nahihimbing ay humahangos si Shaniya Desiderio. Hirap man ay pinipilit niyang ihakbang ang may pilay na paa habang yakap ang walong buwang tiyan, taimtim na ipinagdarasal ang kaligtasan ng kahit ng kaniyang anak nalang. Hilam sa luha ang kaniyang mga mata at halos hindi na maimulat sa labis na pag-iyak ngunit pinipilit niyang lumaban para sa batang nasa kaniyang sinapupunan.
Hindi akalain ni Shaniya na masasaksihan niya ang kasamaan ng kaniyang madrasta. Sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang nasaksihan niya sa hospital kanina. Kung paanong tinakpan ni Zandra ng unan ang mukha ng kaniyang ama na sanhi ng pagkamatay nito. Pinilit niyang iligtas ang mahal na ama ngunit hindi siya hinayaan ni Zandra at ng mga tauhan nito.
“NAPAKASAMA NIYO!” Galit na galit na bulyaw niya sa kaniyang ina-inahan nang kaldkarin siya ng mga tauhan ito palabas ng hospital. Natapilok ang kaniyang paa at sumigid ang sakit sa kaniyang kalamnan pero walang-wala ang sakit na iyon kumpara sa nadudurog niyang puso.
Sa loob ng mismong hospital na pag-aari ng kaniyang pamilya ay kinitilan ng buhay ang kaniyang ama. Galit at poot ang nararamdaman ni Shaniya habang nasa harapan niya si Zandra habang ang dating mga tauhan ng kaniyang ama ay nakapalibot sa kanila.
“Bingi ka ba, Shaniya? Ang sabi ko kanina wala nang kwenta kung mananatiling nakaratay ang ama mo! Dalawang taon na siyang comatose. Sa tingin mo ba gigising pa siya?”
Humikbi si Shaniya at umiling, “Hinding-hindi ko kayo mapapatawad!”
Humalakhak si Diana, “Hindi rin naman ako hihingi ng tawad. Mas mabuti pang lumayas ka nalang, Shaniya. Wala ka na rin namang mapapala dahil ipinamana na sa akin ng bobo mong ama ang mga ari-arian niya.”“Magnanakaw ka—” Malakas na sampal ang pumutol sa kaniyang bulyaw.Pinilit tumayo ni Shaniya at malakas na itinulak si Zandra. Nabuwal ito at ginamit niya ang pagkakataong iyon para tumakbo kahit na hirap na hirap siya at basang-basa ng malakas na ulan.
Mabilis siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay niya ng kanilang asawa. Nang makarating sa bahay ay agad niyang binuksan ang pinto ngunit ganoon nalang ang gulat at sakit na naranasan niya nang madatnan ang kaniyang asawa na komportableng nakaupo sa sofa—walang saplot ni isa at nasa ibabaw nito ang isang babaeng kilalang-kilala niya.
“MGA HAYOP!” Tumili ng napakalakas si Shaniya at mabilis na sinugod si Diana, ang kaniyang step-sister at ang kaniyang asawa.
Hinila niya ang buhok ni Diana at kinaladkad ito sa sahig ngunit ganoon na lamang ang gulat ni Shaniya nang malakas siyang itulak ni Aries. Mahigpit siyang napahawak sa malapit na sofa upang pigilan ang pagbagsak sa sahig. Nanakit ang kaniyang daliri nang bumaon ang kaniyang kuko sa sofa at naputol mapigilan lang ang kaniyang pagbagsak.
“A-Aries…” Halos bulong nalang ang naging pagsambit niya sa pangalan ng asawa na ngayon ay matalim ang tingin sa kaniya.
Nilingon niya si Diana na matalim rin ang tingin sa kaniya. Umiling-iling siya at hindi makapaniwala sa nasaksihan.
Tama ang hinala niya. May babae ang kaniyang asawa. Ang masakit ay stepsister niya pa.
Muling naglandas ang luha sa mga mata ni Shaniya at muling nilingon si Aries, “A-Ano ‘to?”
Ayaw tanggapin ng kaniyang isip ang reyalisasyon kahit pa nga malinaw na malinaw nito. Umaasa siyang magpapaliwanag si Aries at sasabihing hindi niya sinasadya pero iba ang lumabas sa bibig nito.
“Tulad ng nakita mo, Shaniya. Ano pa ba?”
Gumagap siya ng hangin at mabilis na sinugod si Aries. Malakas niya itong sinampal ngunit humalakhak lamang ang lalaki bago siya muling tiningnan na mas matalim na ang mga mata.“Sinabi ko na sa ‘yo, Shaniya. Hindi kita mahal at kahit kailan ay hindi kita minahal. Napaka tanga mo lang talaga para maniwala na kaya kita pinakasalan ay dahil mahal kita.”
“Paano ang anak natin?” Tanong niya sa halip na pansinin ang masasakit na salitang binitawan ng tanging lalaking minahal niya.Ngumisi ito, “Hindi ko iyan anak, Shaniya.”
“Walanghiya ka–”
“Umalis ka na!” Bulyaw ni Aries sa kaniya ngunit mariin siyang umiling.“Hindi ako aalis, Aries! Kasal tayo at hindi ako papayag na maghiwalay tayong dalawa! Anak mo ang dinadala ko at hindi ako papayag na maging masaya ka sa kabit mo! Mga taksil!”
“How dare you?” Tumili sa galit si Diana at hinarap siya. “Ang kapal ng mukha mong tawagin akong kabit gayong nagtaksil ka kay Aries at nabuntis ng kung sinong lalaki!”Namilog ang kaniyang mga mata sa tinuran ni Diana, “‘Wag kang gumawa ng kwento, Diana—”“Hindi mo matandaan?!” Bulyaw nito at humakbang palapit kay Shaniya. “Nakipagsex ka sa ibang lalaki noong birthday mo. Oo nga pala! Hindi mo matandaan kasi lasing na lasing ka. Kitang-kita ko, Shaniya. Nakita ko kung paano ka lumingkis sa lalaking iyon noong gabing iyon. Pasalamat ka pa nga at hindi ko kaagad sinabi kay Aries, kung hindi ay matagal ka na niyang hiniwalayan.”“SINUNGALING!”“TAMA NA, SHANIYA! UMALIS KA NA! IPAPADALA KO NALANG SAYO ANG DIVORCE AGREEMENT NA DAPAT MONG PIRMAHAN. UMALIS KA SA PAMAMAHAY KO AT WAG NA WAG MONG BABANGGITIN SA AKIN ANG BATANG IYAN!”Nanginig ang mga kamay ni Shaniya sa sakit at sobrang galit. Kumuyom ang kaniyang kamao nang lumapit pa sa kaniya si Aries habang blanko ang mga mata.
“Ako na ang mag eempake ng mga damit mo para sayo,” anito saka tumalikod at nagtungo sa hagdanan.
Napalingon si Shaniya kay Diana nang marinig niya ang mahina nitong tawa. Hindi alam ni Shaniya kung bakit bigla siyang nakaramdam ng takot para sa kaniyang anak. Walang sabi-sabi siyang tumakbo palabas ng bahay.
“SHAN!” Ang galit na galit na sigaw na iyon ay nagpaigtad kay Shaniya. Sinundan iyon ng malakas na busina at malademonyong halakhak.
Nanginginig ang kaniyang katawan sa lamig ngunit hindi siya tumigil sa pagtakbo. Blangko ang isip ni Shaniya at ang tanging dasal niya ay kaligtasan ng kaniyang anak ngunit nang tumama ang kaniyang katawan sa kotseng minamaneho ni Diana ay unti-unti siyang nawalan ng pag-asa.
Gumulong siya sa kalsada na nananakit ang buong katawan at halos mapugto ang kaniyang hininga ng tumigil siya sa mismong gilid ng bangin.
Nakita niya ang papalit na bulto ni Diana. Tumigil ito sa kaniyang gilid at tinapakan ang may pilay niyang paa. Lumuha at napasigaw sa sakit si Shaniya nang mas diinan pa nito ang pagkakatapak sa kaniya kasabay ng pagbuhos ng kung ano sa kaniyang mukha at paghapdi nito na tila ba nasusunog.
“Tutal ito na rin naman ang katapusan mo, sasabihin ko na sayo ang totoo, Shaniya. Ako ang naglagay ng droga sa inumin mo noong gabing iyon. Ako ang dahilan kung bakit buntis ka ngayon sa anak ng kung sinong poncio pilato. Magpasalamat ka sakin dahil hindi ka mag-isang mamamatay. ‘Wag ka ring mag-alala dahil aalagaan ko si Aries. Bye, Shaniya. Mag-enjoy ka sa langit.”
Pinilit niyang imulat ang mga mata at nakita ang isa pang tao sa likod ni Diana. Ang kaniyang asawa. Mariin na lamang na napapikit si Shaniya nang sipain siya ni Diana at tuluyan siyang nahulog sa bangin. Habang nahuhulog siya ay masaganang pumatak ang kaniyang mga luha habang yakap ang kaniyang tiyan. Kahit ang anak nalang niya ang mabuhay. Iyon nalang sana…
Kasabay ng pagbabago ng kaniyang mukha ang pagbabago ng takbo ng buhay niya. Maingat na bumaba sa private plane si Shaniya Desiderio na ngayon ay si Adeline Pascua na. Mamayang gabi ay nakatakda siyang ikasal sa isang mayamang lalaki na aisang taon nang nakaratay at nababalot ng bandage ang buong mukha at katawan. Tinanggap ni Adeline ang kaniyang kapalaran kapalit ng pangakong paghihiganti sa dati niyang asawa, stepsister at madrasta. Limang taon na ang nakalipas mula noong gabing iyon. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala niya ang sakit. Ang pagkamatay ng kaniyang ama. Ang katotohanan tungkol sa anak niya. Ang pagsagasa sa kaniya ni Diana at pagbuhos nito ng asido sa kaniyang mukha. Maging ang pagtulak nito sa kaniya sa bangin habang naroon rin si Aries, ang dati niyang asawa. Hindi niya makakalimutan ang gabing iyon. Nakaukit iyon sa kaniyang isipan at kailanman ay hindi na mabubura. “Miss Adeline, naghihintay na sa inyo si Don Alvaro Velasquez.” Marahang inalis ni Adeli
Tinitigan ni Adeline ang asawang nakaratay. Malinaw sa kaniyang paningin na hindi na muling gumalaw ang talukap ng mga mata ni Drake. Naguguluhan siya. Alam niya sa sarili niya na hindi siya namamalikmata. Talagang nakita niyang gumalaw ang mga mata nito.Unti-unti siyang lumapit muli sa kama at sinundot ang braso ng asawa. Nadismaya siya nang hindi na muling gumalaw ang lalaki. Napakurap-kurap si Adeline saka humugot ng malalim na buntong-hininga. Naupo siyang muli sa tabi ng asawa hanggang sa magvibrate ang kaniyang telepono.Nang makita kung sino ang tumatawag ay tumayo siya at agad itong sinagot, “Hello, Matias? Anong balita?”Si Matias ang kaniyang personal bodyguard na siya ring inuutusan niya upang manmanan si Aries. Hindi ito basta-bastang tumatawag kaya alam niya ngayon na may ginawang hakbang si Aries.[Ma’am, nasa Paralux Hotel si Sir Aries ngayon. Ayon sa source ko, imemeet niya ang Presidente ng nasabing hotel para makipagdeal dito.]Agad na nangunot ang noo ni Adeline. “
Ganoon na lamang ang gulat ni Adeline nang banggitin ng lalaki ang kaniyang pangalan. Walang nakakakilala sa kaniya sa lugar na ito dahil bago ang kaniyang identity. Imposible namang kumalat agad ang balita tungkol sa kasal niya kay Drake Velasquez. Itinulak ni Adeline ang lalaki. “Bakit mo ako kilala?” Muling gumuhit ang ngisi sa mapupula nitong mga labi. “ Let’s just say I’m someone interested in your vegetative husband’s life. So, can you bear the price of the favor you’re asking?” “A-Anong gusto mo?” “It’s very interesting to see a newly married woman in my hotel when her husband is somewhere else, unconscious. Simple lang ang gusto ko, Adeline…” Napakuyom ng kamao si Adeline sa kaba nang lumapit muli ang lalaki sa kaniya at marahang hinaplos ang kaniyang baywang bago bumulong, “Sleep with me. Spend your honeymoon night with me.” “Baliw ka na!” Mariing sagot ni Adeline. Humalakhak ang lalaki bago umatras at seryoso siyang tinitigan. “You can’t give me what I want.” Pakiramd
Halos tanghali na nang bumaba si Adeline. Sa sala ay naabutan niya ang mga maid na naglilinis at may isang batang lalaking nakaupo sa sofa habang nanunuod ng cartoons. Itim na itim ang medyo kulot nitong buhok. Mula sa pwesto niya ay kita niya ang mahaba at makapal nitong pilikmata, matangos na ilong at mapulang mga labi. Bilugan ang mukha nito at maputi ang kutis.“Ma’am Adeline, ipinatatawag kayo ni Don Alvaro sa study room.”Nilingon ni Adeline ang maid, “Sige, susunod ako.”Hindi lingid sa kaalaman ni Adeline na may anak ang lalaking pinakasalan niya. Ayon kay Don Alvaro ay anak ito ni Drake sa dati nitong kasintahan na umalis at hindi na bumalik matapos ipanganak ang bata.Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Adeline habang nakatitig sa batang lalaki. Naalala niya ang kaniyang anak. Sanggol pa lamang ito nang kunin sa kaniya. Ni hindi niya nagawang makita ang mukha nito dahil nag-aagaw buhay siya nang bawian ito ng buhay. Tanging si Don Alvaro ang nakakita sa mukha ng kaniyang ana
HALOS panawan ng ulirat si Adeline habang nakatingin sa mulat nang mga mata ng asawa. Sa takot ay dali-dali siyang tumakbo palabas upang tawagin ang family doctor ng mg Velasquez. Humahangos na kumatok si Adeline sa kwarto ng binatang doktor na agad naman siyang pinagbuksan. “Mrs. Velasquez…” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Adeline at itinuro ang pinto ng master bedroom, hindi kalayuan, “S-Si…Si Drake.” “Anong nangyari sa kaniya?” Agad na lumabas ng silid ang doktor matapos hablutin ang stethoscope at ilan pang mga gamit upang gamitin sa pagchecheck ng pasyente. “N-Nagmulat siya ng mata,” utal-utal na sagot ni Adeline sa doktor habang sumusunod dito papunta sa master bedroom. Sukat ay natigilan sa paghakbang ang doktor at dahan-dahan siyang nilingon, “Ano iyon, Mrs. Velasquez?” “Nagmulat siya ng mata, dok. Kitang-kita ko,” siguradong sagot ni Adeline. Hindi siya maaaring magkamali. Nakita niyang mulat ang asawa at nakatingin ito sa kaniya kanina. Wala nang imi
NANG muling pumasok sa master bedroom si Adeline ay saktong nagliligpit na ng gamit ang family doctor. “Pinalitan mo siya ng bandage?” Puna niya nang mapansin ang itinapon nitong bandage. Tumango ng marahan ang doktor, “Oo. Mrs. Velasquez…” “Hm?” Ani Adeline bago nilingon ang doktor mula sa pagtitig sa nakaratay na asawa. “Iyong pagmulat niya ng mata…” “Oo, dok. Hindi ko sinasadya iyon. Nasaktan ko ba siya? Ayos lang ba siya?” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Gabriel, “Ang totoo niyan pang-apat na beses na niyang ginawa ito.” Napaawang ang labi ni Adeline, “Totoo ba?” “Ang mga unang beses na nagmulat siya ng mata ay dahil sa mga bagay na nagugustuhan niya. Katulad ng kapag nakarinig siya ng music na pamilyar sa kaniya. O kaya nakarinig siya ng boses na siguro ay namimiss niya…” Napalunok si Adeline, “Ano sa tingin mo ang dahilan niya ngayon?” Sinulyapan ni Gabriel ang kaibigan saka muling hinarap si Adeline, “Mukhang gusto niyang inaalagaan mo siya, Mrs. Velasquez.”
MATAMANG pinagmamasdan ni Adeline ang batang lalaki. Panaka-naka itong sumusulyap sa kaniya ngunit magana namang kumakain. Magaan ang kaniyang pakiramdam habang pinagmamasdan ang bata. Tila may kung anong humaplos sa kaniyang puso habang pinagmamasdan ang magana nitong pag kain. Akmang kukuha pa ng fried chicken ang bata nang pabirong hilahin ni Adeline ang bowl. Namilog ang mga mata nito at tiningala siya. Mahinang natawa si Adeline, “Masarap diba?” Unti-unting nalukot ang mukha ng paslit. Natatawang nilagyan ni Adeline ng panibagong ulam ang pinggan nito. Hindi sumagot ang bata. Tiningnan lamang siya nito nang matalim saka muling dumulog sa pag kain. Tamang-tama naman na pumasok sa kusina ang dalawang taong kinaiinisan ni Adeline. Kunot ang noo ni Aries habang nakangisi naman si Diana. Agad na nawalan ng ganang kumain si Adeline. “Anong ginagawa mo, Adeline?” Galit na tanong ni Aries. Tumaas ang kilay ni Adeline, “Ano sa tingin mo?” Suminghap naman si Diana saka niyuko
HINDI napigilan ni Adeline na pagkiskisin ang mga ngipin sa labis na galit. Nagpupuyos ang kaniyang damdamin sa gigil at gusto niyang sabunutan ang babaeng kaharap. Naalala niya ang walang katuturang chismis na kumalat noon involved ang mga magulang niya. Pinagbintangan noon ang kaniyang ina na pinakasalan lamang ang kaniyang ama dahil sa yaman nito. Hanggang ngayon ay dala-dala niya pa ang sakit na dulot ng chismis na iyon. Hindi niya makalimutan dahil halos masira ang kaniyang pamilya dahil sa paninira ng ibang tao sa relasyon ng mga magulang niya. “Ano? Nasapol ko ba?” Ngingisi-ngising tanong sa kaniya ni Diana. Tinitigan ni Adeline ang babae gamit ang madilim na emosyon sa mga mata. Malaki ang kasalanan nito sa kaniya. Napakalaki at kahit kailan ay hindi na niya ito mapapatad. Lumuhod man ito sa pako at lumuha man ng dugo, hindi siya makakaramdam ng kahit na konting awa para sa babae. Gustong-gusto na niyang hilahin ang