"Ate ganda!"
Nilingon ni Katya ang bata na tumatakbo palapit sa kanila ng kaibigang si Juliet."Ako ba?" natutuwa na sabi ng kanyang kaibigan at hinarangan pa ito."Hindi po. Yung kasama niyo po," sabi naman ng bata at nilampasan si Juliet na nakasimangot na."Ate ganda, may nagpapabigay po sa iyo nito."Tiningnan niya ang hawak ng bata. Bukod sa bugkos ng mga Sampaguita ay may hawak din itong isang tangkay ng rosas. Kinuha niya ito."May nagpapabigay? Sino?"Inamoy ni Katya ang bulaklak habang inililibot ang paningin sa paligid. Katatapos lang ng lunch break nila at pabalik na sila ng paaralan."Secret po!" anang batang lalaki saka tumakbo palayo.Pabiro na siniko siya ni Juliet habang naglalakad sila papunta sa kanilang klase."May manliligaw ka na naman. Manganganib ang mga lahi ni Eba nito kapag nagtuloy-tuloy. Wala ng matitira sa amin."Para namang walang narinig si Katya at nanatiling nakatitig sa hawak na bulaklak. Halos araw-araw siyang nakakatanggap ng mga bulaklak pero parang kakaiba ang hawak niya ngayon. Hindi naman ito ang unang beses na makakita siya ng rosas, sadyang may kakaiba lang talaga dito."Uuwi ka na agad Katya? May group project pa tayo." Pagpipigil sa kanya ng kanyang mga kaklase.Tiningnan niya ang oras na puno ng pagkabahala."Sorry pero kailangan ko na talagang umuwi. Gagawin ko naman ang parte ko eh. Ise-send ko na lang mamaya pagkatapos ko.""Lagi ka na lang ganyan, Kat. Alam mo ba ang whole coverage ng group report natin? Paano kung ikaw ang tanungin bukas? May maisasagot ka ba?"Laglag ang mga balikat niya na sumunod sa mga ito sa Library. Nauna na si Juliet na umuwi. Papalubog na ang araw at kapag lumampas sa alas sais ng gabi na hindi pa siya makauwi ay paniguradong lagot siya.Halos takbuhin niya ang kanilang bahay ngunit pagbukas niya ng pintuan ay malakas na sampal agad ang bumungad sa kanya."Deputa kang bata ka! Anong oras na ha? Ganyan ba ang oras ng uwi ng isang matino na babae?!""Hindi po—""At sumasagot ka na? Lumalandi ka na siguro 'no? Subukan mong magboyfriend at tatamaan ka talaga sa akin!"Hinaplos niya ang pisnging tiyak na namamaga na. Pinigilan ni Katya ang kanyang mga luha. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon ng kanyang Papa na makapagpaliwanag. Kung magsasalita siya ay iniisip agad ng mga ito na sumasagot siya. Para bang wala siyang karapatan na ipagtanggol ang kanyang sarili.Pinuntahan niya ang kanyang ina na nasa kusina pero ismid lang ang ibinigay sa kanya nang magsumbong siya."Aba dapat lang! Kailangan mong matuto, Katya! Bawal kang gabihin sa labas. Bawal kang makipaglapit sa mga lalaki dahil ikakasal ka na sa susunod na taon!"Napayuko na lang ng ulo si Katya. Palugi na ang kanilang maliit na negosyo. Iyon ang dahilan kung bakit laging mainit ang ulo ng kanyang ama. Kasalanan din naman ito ng kanyang mga magulang. Masyadong maluho ang mga ito.Ang malala pa doon ay ipinagkasundo siya ng hindi man lang niya alam, sa taong hindi niya kilala at ang nakakadiri pa doon ay isang matandang hukluban upang isalba ang kanilang palugi na negosyo.Gusto ni Katya na tumakbo at magtago pero wala siyang mapupuntahan. Bukod kay Juliet ay wala na siyang ibang pang kaibigan. May mga kamag-anak naman sila pero malayo ang loob ng mga ito dahil na rin sa kagagawan ng kanyang mga magulang na pati siya ay nadadamay."Ate ganda! May nagpapabigay po sa iyo nito!"Muling nabungaran ni Katya ang batang lalaki. Papasok na siya ng paaralan pero hinarangan siya nito."Katya, dali. Hayaan mo na 'yan. Mala-late na tayo sa first subject natin!" sabi ni Juliet."Sandali lang," sagot niya at kinuha ang inaabot ng bata sa kanya. Halos araw-araw itong may dalang rosas para sa kanya na hindi naman niya alam kung kanino galing. Kapag nagtatanong siya ay agad itong tumatakbo palayo.Pero iba ngayon ang dala ng bata para sa kanya. Isang jewelry box. Binuksan iyon ni Katya at nagulat siya sa laman nito. Nanginginig na kinuha niya ang gold necklace na may pendant na diyamante na hugis puso.Sobrang mahal nito!"Wow! Patingin nga niyan, Kat!" Hinablot ni Juliet mula sa kanyang kamay ang kwintas pero wala na doon ang isip niya.Madaming mga sasakyan sa labas ng paaralan pero ang mga mata ni Katya ay nakatuon na sa makintab na itim na sasakyan sa kabilang parte ng kalsada. May lalaki sa drivers seat. Nakasuot ito ng shades pero nang makita na nakatingin si Katya dito ay dali-dali nitong itinaas ang bintana.Malakas na kumabog ang puso ni Katya dahil sa nakita."A-Akin na iyan, Juliet."Kinuha niya sa kamay ng kaibigan ang mamahaling kwintas, muling inilagay sa magandang kahon, isinuksok sa loob ng damit ng batang lalaki at hinila si Juliet palayo."Uy sandali lang! Bakit ba tayo tumatakbo? At bakit mo isinauli yung kwintas? Ang ganda nun! Sayang naman!"Hinarap niya si Juliet na bahagyang hinihingal. Lumingon siya sa labas ng gate at wala na ang bata doon."Hindi mo ba alam kung magkano ang presyo ng ganun na kwintas? Mga three hundred thousand!"Nanlaki ang mga mata ni Juliet dahil sa ibinunyag niyang presyo."Talaga?! Ganun kayaman ang secret admirer mo? Bakit mo ibinalik kung para sa iyo iyon? Kung ayaw mo sa kwintas eh pwede naman nating isangla at paghatian ang pera!"Binatukan niya si Juliet at tumuloy na sa kanilang klase."Hindi ka man lang ba nababahala, Jul? Mahigit isang buwan na pero hindi man lang magawang magpakita ang taong nagbibigay sa akin ng mga bulaklak. Tapos bibiglain niya ako ng ganon na regalo? Paano kung baliw iyon at—""Hala! Madami akong napapanuod na mga ganyan! Iyong mga baliw na admirer! At alam mo ba kung ano ang ginagawa nila? Kini-kidnap nila ang mga babaeng gusto nila!" bulalas nito sa nanlalaki na mga mata.Dahil sa sinabing iyon ng kanyang kaibigan ay hindi na nakapag-focus pa si Katya sa kanyang mga klase sa buong araw na iyon. Ang ending tuloy ay ilang beses siyang napagalitan ng kanyang mga professor."Mag-ingat ka pauwi, Kat! Huwag ka nang dumaan sa kung saan-saan," bilin ni Juliet na kanya lang tinanguan.Magkalapit lang ang bahay nilang dalawa at hindi naman gaanong kalayo sa paaralan kaya kung minsan ay nilalakad nila ito pauwi. Pero dahil may club activity si Juliet ngayon ay sasakay na lang siya sa tricycle pauwi."Saan ang bahay mo, Miss?"Kumunot ang noo ni Katya. Kilala na siya ng mga tricycle driver dito at alam na rin ng mga ito kung nasaan ang bahay nila kaya bakit ito nagtatanong? Bago siguro?Sinilip ni Katya ang driver at ganun na lang ang paglunok niya nang makita ang gwapong binata na nakatingin sa kanya.Para itong artista at mukhang yayamanin din ang balat nito sa sobrang kinis. Tricycle driver ito? Hindi siya naniniwala!"Saan dito ang bahay niyo, Miss? Ihahatid na kita," untag nito na siyang nakapagpagising sa kanya sa iniisip.Nakaramdam ng pag-aalinlangan si Katya dahil sa lalaki. Ito ang nasa pila kaya hindi pwedeng lumipat siya sa iba. Bumaba na lang kaya siya at maglakad pauwi? Mas lalong hindi pwede. Baka lalo lang siyang mapahamak lalo na at pakiramdam niya ay may nakamatyag sa kanya."D-Dito na lang." Sa huli ay sinabi rin niya ang direksyon kung nasaan ang bahay nila. Kapag nagtagal pa kasi siya ay sa kanyang Papa naman siya sasamain."Dito ang bahay niyo?" Tiningnan ng lalaki ang bahay na nasa kanyang likod.Tumango si Katya kahit ang totoo ay hindi naman talaga. Dalawang bahay pa bago ang sa kanila.Inabot niya ang kanyang pamasahe pero tinitigan lang nito iyon."Bakit hindi ka pa pumasok sa bahay niyo?" imbes ay tanong nito.Nahalata ni Katya ang pagdududa sa mga mata ng lalaki. Nakita pa niya kung paano nito inilibot ang paningin sa mga katabing bahay."I see," anito at tumango-tango. Tiningnan siya nito at bahagyang ngumiti. "The ride is free by the way."Pinanuod ni Katya ang papalayong sasakyan. Kung kanina ay pinaghihinalaan niya ito, lalo iyong tumindi nang magsalita ito ng English. At may accent pa!Simula ng araw na iyon ay lagi nang nararamdaman ni Katya na may mga matang nakamasid sa kanya na para bang binabantayan ang bawat kilos niya."Natatakot ako, Jul," aniya sa kaibigan matapos maikwento ang lahat pati na ang mga napapansin niya."Ano ka ba, ganda problems lang iyan. Huwag kang masyadong praning. Binibiro lang kita. Bakit ka nila kikidnapin eh wala namang pang-ransom ang mga parents mo," halakhak nito na siyang ikinainis niya.Ito ang ayaw niya kay Juliet, hindi alam magseryo na para bang laro lang ang lahat.Gabi na at nasa meeting pa siya. Nakapagpaalam naman siya nang mabuti sa kanyang mga magulang pero hindi iyon ang inaalala niya.Umuwi na si Juliet. At baka wala na ring naiwan na tricycle sa labas."That's it for today. Thanks for your hard work everyone," sabi ng President namin."Malas naman. Ngayon pa talaga umulan na wala akong dalang payong!"Hindi na pinansin pa ni Katya ang reklamo na naririnig niya sa kanyang mga kasamahan at sinuong na ang ulan. Wala ni isa sa mga ito ang kapareho niya ng ruta na tatahakin pauwi. At gaya ng inaasahan ni Katya ay wala na ngang tricycle sa labas. May mga dumadaan man pero punuan na."Nakakainis naman!" sigaw niya saka nagsimula nang tumakbo pauwi. Wala naman siyang ibang choice.Natigil si Katya sa pagtakbo nang may makita siyang nag-iisang sasakyan sa gilid ng daan.Hindi siya pwedeng magkamali, ito iyong nakita niya noon!Umatras siya pero tumama ang likod niya sa matigas na bagay. Lumingon siya sa likod at bago pa niya mamukhaan ang lalaki ay may itinakip itong panyo sa kanyang ilong na agad niyang ikinawala ng malay.Sunod-sunod na dumaing si Katya nang maramdaman ang matinding pananakit ng kanyang buong katawan.Ano ba ang nangyari at parang binugbog ang pakiramdam niya?Nasa kwarto siya pero rinig na rinig niya ang galit na galit na boses ng kanyang mga magulang mula sa labas. Akma sana siyang tatayo upang magtungo sa banyo nang sumidhi ang matinding kirot sa pagitan ng kanyang mga hita.Napabalik siya sa kama sa nanlalaking mga mata. Bakit masakit ang parte ng katawan niya doon? Nangingitim din ang ilang parte ng balat niya.Sinusubukan na alalahanin ni Katya kung ano ang nangyari nang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at pumasok ang Papa niya na madilim ang mukha."Pa—""Malandi kang babae ka!"Tumabingi ang ulo niya at halos mabingi siya sa sobrang lakas ng pagkakasampal nito sa kanya. Agad na tumulo ang mga luha niya. Hindi pa siya nakakabawi nang sinubunutan siya ng kanyang ama at kinaladkad palabas ng kanyang kwarto."Ang paalam mo kahapon ay may meeting ka! Pinayagan kita pero lumipas
Walang kasiguraduhan kung mabubuhay siya. Iyon ang kasalukuyan na tumatakbo sa isip ni Katya habang hila-hila ang kanyang maleta.Naunahan man siya ng emosyon sa paglayas pero buo pa rin ang desisyon niya. Hindi niya kayang ipalaglag ang anghel na nasa tiyan niya. Sabihin man na nagawa ito dahil sa isang trahedya pero anak niya pa rin ito. Dugo at laman niya ito. Hindi niya ito kayang ipalaglag."Bakit ka naman naglayas, Katya? May nangyari bang hindi maganda sa inyo at nag-alsa balutan ka?"Si Juliet lang ang tanging malalapitan niya sa mga oras na ito. Tinawagan niya ang kaibigan kanina at agad siya nitong pinuntahan kahit na may klase pa ito.Hinawakan niya ang mga kamay ni Juliet at nagmamakaawa na tumingin dito. "B-Buntis ako. Gustong ipalaglag nila Mama ang dinadala ko kaya tumakas ako. Wala akong pwedeng mapuntahan kundi ikaw.""B-Buntis ka?!" gulat nitong bulalas. "Paano nangyari iyon eh wala ka namang boyfriend?!"Walang nagawa si Katya kundi ang isalaysay ang lahat ng mga na
"Bilisan niyo ang mga galaw niyo! Madami tayong mga customers ngayon!""Donna! Kunin mo ang mga orders ng mga bagong dating!""Kung wala kayong ginagawa ay tumulong kayo doon sa kusina! Maghugas kayo ng mga pinggan!"Pinunasan ni Katya ang pawis sa kanyang noo at madaling nagtungo sa kusina. Ibinigay niya ang hawak na tray sa nakasalubong na si Eddie."Saan ka pupunta? Madaming mga bagong dating na customer ah," puna nito pero kinuha pa rin ang ibinigay niyang tray."Doon muna ako sa kusina. Mas kailangan ng tulong doon," sagot niya at iniwan ito.Aligaga sa pagkilos ang lahat ng mga trabahante na naabutan ni Katya sa kusina ngunit malamig na tubig agad ang hinanap niya."Ano yung amoy nasusunog? Tingnan niyo ang mga niluluto niyo! Sayang 'yang mga nasisirang pagkain na yan!""Katya! Bakit nakatayo ka lang diyan? Madaming mga hugasin doon sa lababo! Tulungan mo si Karen doon!"Tumango siya at agad na dinaluhan si Karen na busangot ang mukha."Kung bakit kasi ayaw magdagdag ng trabahad
Dahil sa labis na pagkagulantang at pagkalito ay hindi na namalayan pa ni Katya na sumakay na pala siya sa tricycle at umuwi. Ini-lock pa niya ang pintuan ng apartment nang makapasok siya. Sumandal siya doon habang pilit na kinakalma ang mabilis na tibok ng puso.Ilang minuto siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa nagpasya siyang umupo sa kanyang katre at kumpirmahin muli ang nakita kanina. Parang nababaliw na tiningnan ni Katya ang kanyang bag. Nanginginig pa ang kanyang kamay nang hinawakan ang zipper ng bag upang buksan ito.Ilang sandali nga ay bumulaga muli ang dalawang bungkos ng tig-iisang libo na pera. Napalunok si Katya habang hawak-hawak iyon. Two hundred thousand! Ang laking pera nito!Bakit ito napunta sa bag niya? Sino ang naglagay? Sinadya ba ito? Madaming katanungan ang bumabagabag sa isip ni Katya at hindi niya alam ang sagot sa mga iyon. Akala niya ay nanakawan siya pero siya pala itong nabiyayaan ng napakalaking halaga.Mahigpit niyang hinawakan ang pera.
"Mommy, will I meet new friends there? I don't want to leave our home," nakanguso na wika ng anak niya habang nakapangalumbaba ito na nanunuod sa ginagawa niya.Tumigil si Katya sa pag-eempake ng kanilang mga gamit at tiningnan ang anak. Bahagyang namumugto ang mga mata nito dahil sa pag-iyak kanina. Ayaw ng anak niya na umalis sila sa lugar na ito pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Palaki na ito. Hindi na sasapat pa ang maliit niyang sahod para sa kanilang dalawa. Kailangan na nilang bumalik sa siyudad.Nilapitan ni Katya ang limang taong gulang na anak. "Of course baby. Ang cute cute mo kaya. Siguradong madami ang gustong makipagkaibigan. sa iyo," aniya at marahan pa na pinisil ang tungki ng ilong nito.Sobrang gwapo ng anak niya. Abo ang kulay ng mga mata nito at sobrang tangos din ng ilong. Doon niya natanto na magandang lalaki ang ama nito. Bahagya pa siyang nagtatampo noon dahil wala man lang nakuhang pisikal na katangian ang anak sa kanya ni isa. Magaling din itong magsa
Malaki ang ngiti ni Katya matapos ang interview niya. Nasabihan na rin siya na nakuha na siya sa trabaho at magsisimula na rin agad siya kinabukasan. Pagkatapos nun ay nagkaroon ng kaunting briefing sa kanila na mga baguhan na empleyado. Pinagpili pa sila kung day o night shift ba ang gusto nila. Mas malaki man ang sahod sa night shift pero pinili pa rin ni Katya ang day shift para mabantayan ang kanyang anak."Yey! Ang sarap nitong cake, Mommy!" masaya na wika ni Connor habang nilalantakam ang cake na binili niya pauwi. Naisipan lang niya na bumili para ipagdiwang kahit papaano ang mga masasayang nangyari sa kanila nitong mga nakaraang araw."Tama na iyang nasa plato mo, Con. Hindi pwede sa iyo ang kumain ng madaming matatamis. Bukas na lang itong iba, okay? Babaunin mo na lang sa school.""Yes po."Nangalumbaba si Katya at pinagmasdan ang anak na kumakain. Hindi naging madali ang pagiging single parent niya pero nakatulong ng malaki ang pera na nakuha niya noon. Hindi na siya nak
Sa sunod na araw ay iba na nga ang head waitress nila na ayon sa bali-balita ay si Mr. Del Valle rin daw mismo ang pumili."Mabuti naman. Dapat ay noon pa talaga tinanggal ang bruha na iyon. Kung makapagsalita ay parang siya ang boss. Ni ang mga boss natin ay hindi ganun ang mga pananalita at ang babait pa," sansala ni Raffy. Medyo may katagalan na rin itong nagtatrabaho dito sa restaurant."Ewan ko ba kung bakit nakalusot iyon dito. Ayaw pa naman ng mga Del Valle ang mga ganung klaseng pag-uugali.""Ang sabihin mo ay swerte itong si Katya at napadaan si Sir Dallas dito. Kung hindi ay malamang na napatalsik na siya ni Mrs. Santos dito."Break nila kaya nasa quarters sila at nagmemeryenda. Pinag-uusapan din ng kanyang mga kasamahan ang nangyari noong nakaraang araw.Ayon sa mga ito ay mababait daw ang pamilya ng mga Del Valle sa mga mahihirap at naaapi pero mabagsik sa mga taong walang konsensya.Mabait si Mrs. Lopez, ang bagong head waitress nila. Nasa mid forty na ito pero mas bata
Sa isang coffee shop napadpad ang dalawa. Hindi man ito kalayuan sa restaurant pero sapat na ang distansya upang makapag-usap silang dalawa ng masinsinan."What do you want to drink?" tanong ng binata kay Katya pagkaupo nila."Wala.""Two cappuccino please," ngiti nito sa waiter.Pinanuod lang ni Katya ang lalaki. Nakakamangha talaga na wala man lang itong ipinapakita ni isang pagkabahala. Naguguluhan talaga siya sa mga pangyayari noon ngunit isa lang ang sigurado niya, hindi ito ang ama ng anak niya pero may koneksyon ang mga ito sa isa't-isa. Nang umalis na ang waiter ay hinarap siya ng lalaki at nagpakilala. "My name is Kaiser.""I'm Katy—""I already know years ago," pagpuputol nito sa sinasabi niya.Itinikom ni Katya ang kanyang bibig at seryoso itong tinitigan. "May alam ka ba sa nangyari sa akin noon? Sa... pagkakakidnap at pagkakagahasa ko?" tanong niya sa mababang boses.Matagal na iyon at nalimot na niya. Pero ngayon na nakita niya ulit ito ay hindi niya mapigilan ang saril
"Dada.. kuya Connor is making fun of me."Inalalayan ni Gio ang bunsong anak nang umamba itong maglalambitin sa leeg niya. Umupo ito sa hita niya na naluluha ang mga mata. Isinara na muna niya ang laptop at itinigil ang ginagawa upang bigyan ng atensyon si Conrad, ang apat na taong gulang na anak nila ni Katya."What did your kuya Connor do this time?" tanong niya habang pinupunasan ang mga mata nito."He said that I'm small and weak and ugly and crybaby," simangot nito.Bahagya siyang natawa. "Why? What did you do this time?""Nothing, dada! He's just jealous! His friend call me cute and handsome and kuya Connor got pissed.""Si Apple ba?""Yes, dada."Nasapo ni Gio ang kanyang noo. Mukhang lumalaking playboy ang anak nila. Nagulat silang lahat isang araw nang umuwi ito galing sa tournament nito na may kasamang babae. Ang sabi nito ay kaibigan lang daw nito ito. Lagi naman niyang kinakausap ang anak tungkol sa mga bagay na iyon. Nagbibinata na si Connor at ang napansin nilang mag-as
Two days before the wedding...."Bakit hindi ka pa nakapagpalit? Darating na si kuya Jay upang sunduin ka ah," ani Katya nang maabutan ang anak sa kusina na nakapambahay pa."Just a moment, mom. Ihahanda ko lang ang mga itong mga 'to para kay Tita Shannon," sagot naman ng anak niya.Tiningnan ni Katya ang ginagawa ni Connor. Inilalagay nito sa cute na box ang ilan sa mga cream puffs na ginawa nila kahapon. Si Connor ang nag-request na gumawa sila dahil nakita niya raw iyon na baon sa isa sa mga kaklase nito. Umupo siya sa katabi nitong silya at pinanuod ang ginagawa nito."Bibigyan mo si Tita Shannon mo?" "Yes, mommy. She's so nice. I like her so much. Even though daddy is not marrying you, I'm happy that he's marrying Tita Shannon instead. I'm a bit sad but I'm happy for them too," anito habang seryoso ito sa ginagawa.Lumamlam ang mga mata niya sa sinabi ng anak. Itong araw na na ito ang huling rehearsals para sa kasal. Ring bearer si Connor. Binigyan din siya ni Shannon ng invitat
Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang tangkang pagdukot kay Katya. Kasalukuyan ngayon na nasa kulungan ang kanyang mga magulang at noong gabing din iyon ay nahuli na si Mister Lim at ng mga alipores nito. Nang kinuha ng mga pulis ang mag-asawa ay ibinunyag na lahat ni Alan ang mga nalalaman sa grupong kinabibilangan, sa mga illegal na operasyon, mga importanteng impormasyon maging sa kung saan nagtatago ang matanda. Iniisip ni Alan na kung makukulong sila ay mas mabuting damay damay na ang lahat. Ito na rin ang magandang pagkakataon upang hulihin ang matandang iyon.Guminhawa ng lubusan ang pakiramdam ni Katya dahil may maganda pa lang kahihinatnan ang insidenteng iyon. Sa ngayon ay hindi pa niya kayang harapin ang mga magulang."Mommy, are sure that you'll be fine here alone? Pwede naman akong hindi pumasok ng school at bantayan ko na lang kayo."Nakabihis na si Connor at nakahanda nang pumasok pero ayaw nitong iwan ang ina na mag-isa sa bahay."Oo nga," natatawa n
"Stay here, Shan. Ako na ang bahala. Hindi natin alam kung sino ang mga kalaban na dumukot kay Katya," ani Gio habang mabibilis ang mga lakad nila papunta kung saan naka-park ang kanilang sasakyan."That's enough reason for me to come. Mas lalong hindi mapapanatag ang loob ko kapag pumunta kang mag-isa. Ayaw kong tutunganga na lang ako sa kwarto at maghintay kung alam kong meron naman akong maitutulong," sagot naman nito.Sabay silang pumasok sa sasakyan. At bago buhayin ni Gio ang makina ng sasakyan ay kinabig niya si Shannon at hinalikan ang tuktok ng ulo."Thank you. Just don't do careless things again," aniya at pinatakbo na ang sasakyan.Wala siyang duda sa kakayahan ni Shannon. Matagal na niyang kasama ang kasintahan sa trabaho kaya alam niya kung ano ang kaya nitong gawin. She's not the typical girl that you will just find easily, the reason why he fell in love so hard. She has an unwavering faith, strong willed and do things without an ounce of hesitation. It's just that... h
Dahan-dahan na isinara ni Katya ang pintuan ng kanilang kwarto upang hindi magising ang natutulog niyang anak. Hindi rin naman siya dalawin ng antok kaya nagpasya na muna siyang lumabas.Halos hating gabi na rin kaya iilan na lang ang mga nasa labas."Kumusta besh ang bakasyon? Madami bang mgahot fafa diyan?" ani Juliet. Nang nakitang online ito ay agad niya itong vinideo call. Hindi na siya nagtataka na gising pa ito. Mula pa kasi noon ay laging itong late kung matulog at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nito ang habit na iyon. At kung hindi siya nagkakamali ay nanunuod na naman ito ng K-drama. Ito kasi ang kina-aadikan ng kaibigan simula noong kolehiyo sila.Ngumisi si Katya. "Madami. Sayang nga at wala ka dito," aniya upang sabayan ang kaibigan.Tumili ito at nagpagulong-gulong sa kama. "Stop. Tumigil ka na, Katya. Huwag mo na akong inggitin pa."Tumawa siya at nagpatuloy sa paglalakad sa gilid ng dagat. Lumanghap siya ng preskong hangin. Masarap talaga sa balat ang malamig n
Mariin na nakatikom ang mga labi ni Katya habang hinahayaan niya na tangayin siya ni Gio sa kung saan man nito gustong pumunta. Pareho silang walang imik at mabibigat ang mga bawat yapak. At kahit na walang magsalita ni isa sa kanila ay ramdam ang mainit na tensyon sa pagitan nila. Hindi na nga dapat siya hinihila ni Gio eh dahil maski siya ay gusto niya itong makausap!Napadpad silang dalawa sa maliit na garden sa likod ng katabi ng hotel na tinutuluyan nila. Walang katao-tao doon bukod sa kanila ng binata. Nang binitawan siya ni Gio ay agad siya nitong hinarap. "Seriously, Katya? In broad daylight? Akala ko ba ay langoy lang ang pakay mo? Kung ganun ay bakit may kalandian kang lalaki?"Dahil sa sinabi nito ay sumabog na rin ang galit na kanina pa niya tinitimpi. Naningkit ang mga mata niya at dinuro pa ito."Ano ba ang pinagpuputok ng butsi mo ha, Gio? Kanina ka pa ah! Nakakapikon ka na! Tapos heto ka na naman at pinagbibintangan mo akong nakikipaglandian?"Nagtiim bagang ito pero
Makalipas ang ilang sisid ay nagpasya nang umahon sa dagat si Katya upang uminom sandali. Meron kasi siyang nakita kanina habang lumalangoy siya na nagtitinda ng fresh buko juice. Ang kasama naman niyang si ma'am Venus ay nasa lounging chair at may kausap sa cellphone.Nagpunas muna siya ng basang katawan at kumuha ng pera bago lumapit sa nagtitinda. Medyo may kahabaan ang pila kaya natagalan din siyang nakatayo. Habang naghihintay ay pasimple naman niyang inaayos ang suot niyang swimsuit. Naiilang talaga siya ng todo. At dahil basa siya, pakiramdam niya ay lalong nahubog ang bawat kurba ng kanyang katawan.Lingid sa kaalaman ni Katya ay may isang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya mula sa 'di kalayuan."Hold my beer. Bibili lang ako ng buko juice."Nalilito naman na tumingin dito ang kasama. "Buko juice? I thought you hate buko juice? Bakit ka iinom kung ganun?""Just shut up and hold my beer for me," wika ng lalaki at naglakad palapit sa maliit na kumpol ng nagtitinda ng buko
Dali-daling bumaba ng hotel si Katya nang makatanggap ng tawag na nahulog daw sa swimming pool ang anak niya. Hindi na niya isinama ang anak kanina dahil panatag ang loob niya na iwan ito dahil kasama naman nito ang ama nito. Mali siguro na ipagkatiwala niya dito si Connor. Ano ba ang ginagawa ni Gio at pinabayaan ang anak nila?Ngunit pagdating niya doon ay wala siyang makitang pamilyar na mga mukha kaya nagtanong na siya sa mga employee doon."Excuse me sir. Nakita niyo po ba yung batang nahulog dito sa swimming pool? Ako po yung nanay niya.""Ah. Dinala na po sa clinic," anito sabay turo sa banda kung nasaan ang clinic. "Huwag po kayong mag-alala ma'am dahil wala namang masamang nangyari sa anak niyo. Wala pa nga atang sampong segundo nang tumalon ang asawa niyo upang iligtas ito."Itinikom ni Katya ang bibig. Aba'y dapat lang na gawin ni Gio iyon dahil ito ang nagbabantay sa kanilang anak. "Hindi ko siya asawa," pagtatama niya dito. Mahirap na kapag may kumalat na hindi tamang ba
"Con, busy ang Tita Shannon mo. At tingnan mo naman ang suot ko, nakakahiya naman na magpa-picture na ganito ang ayos ko," sita niya sa anak dahil kitang-kita niya ang reaksyon ni Shannon kanina. Siya tuloy ang nahihiya na ginawa pa itong photographer ng anak niya."That's fine, mommy! You are still pretty!" maktol naman ng anak."Okay ka lang?"Binalingan ni Katya si Gio nang marinig itong magsalita. Nasa tabi na ito ni Shannon at tinitingnan kung may problema ba ang dalaga."I-I'm fine. Bigla lang na sumama ang pakiramdam ko.""Gusto mo bang bumalik na lang tayo sa hotel?" suhestiyon ni Gio."No. Kaya ko ito. Hindi naman gaanong kalala.""Sigurado ka? You shouldn't force yourself kung hindi mo kaya," ani Gio na puno ng pag-aalala. Sobrang lambing din ng boses nito.Nag-iwas naman ng tingin si Katya sa dalawa. Biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung para saan iyon."I'm sorry, Tita Shannon. Hindi ko alam na masama pala ang pakiramdam mo," nakokonsensya naman na singit n