Walang kasiguraduhan kung mabubuhay siya. Iyon ang kasalukuyan na tumatakbo sa isip ni Katya habang hila-hila ang kanyang maleta.
Naunahan man siya ng emosyon sa paglayas pero buo pa rin ang desisyon niya. Hindi niya kayang ipalaglag ang anghel na nasa tiyan niya. Sabihin man na nagawa ito dahil sa isang trahedya pero anak niya pa rin ito. Dugo at laman niya ito. Hindi niya ito kayang ipalaglag."Bakit ka naman naglayas, Katya? May nangyari bang hindi maganda sa inyo at nag-alsa balutan ka?"Si Juliet lang ang tanging malalapitan niya sa mga oras na ito. Tinawagan niya ang kaibigan kanina at agad siya nitong pinuntahan kahit na may klase pa ito.Hinawakan niya ang mga kamay ni Juliet at nagmamakaawa na tumingin dito. "B-Buntis ako. Gustong ipalaglag nila Mama ang dinadala ko kaya tumakas ako. Wala akong pwedeng mapuntahan kundi ikaw.""B-Buntis ka?!" gulat nitong bulalas. "Paano nangyari iyon eh wala ka namang boyfriend?!"Walang nagawa si Katya kundi ang isalaysay ang lahat ng mga nangyari. Wala naman ng dahilan pa para magsinungaling dahil nandito na ang problema."Kinidnap ka ng secret admirer mo... at pinagsamantalahan?" Kulang ang salitang gulat upang ilarawan ngayon ang mukha ni Juliet. Bumukas sara ang bibig nito at kulang na lang ay mahimatay ito sa inilahad niyang istorya."Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin? Nasaan ang walang hiyang iyon at bubugbugin ko!"Umiling si Katya at muling nanubig ang kanyang mga mata. "Hindi ko alam. At please, huwag mo nang babanggitin ang lalaking iyon."Bumaha ang matinding pagkaawa sa mga mata ni Juliet habang nakatingin sa nakakaawang itsura ng kaibigan."Dali. Pasok ka. Pasensya na at magulo dito sa bahay."Dalawa lang si Juliet si Tita Sonya na nakatira dito sa bahay na ito. Hiwalay na ang mga magulang ni Juliet at may may iba ng pamilya ang ama nito."Naku, Kat. Paniguradong hahanapin ka ng mga magulang mo!"Alam niya iyon. Nakatakas lang siya kanina dahil umalis ang mga ito upang maghanap ng pribadong doctor na titingin sa kanya.Hindi nga nagtagal ay nakarinig ang dalawa ng sunod-sunod na mga pagkatok sa pintuan."Sonya? Sonya! Nandiyan ba si Katya?!" boses iyon ng kanyang Mama.Nagkatinginan ang dalawa at agad na naalarma."Bilis. Magtago ka! Pumunta ka sa taas!" mariin na bulong ni Juliet."Sonya ano ba?! Ilabas mo ang anak ko kung nandiyan siya!"Nang masigurong nakatago na si Katya ay binuksan na ni Juliet ang pintuan. Baka lalo lang na magduda ang ina nito kapag iignorahin.Hindi pa gaanong nabubuksan ni Juliet ang pintuan pero agad na siyang sinunggaban ni Brenda."Nasaan ang anak ko? Ilabas mo siya!"Sinubukan nitong pumasok pero mabilis iyon na naagapan ni Juliet. Ipinagpapasalamat niya na mag-isa lang ito dahil kung kasama pa nito ang asawa ay lalo lang siyang mahihirapan. Baka naghahanap din ito sa mga kabilang bahay.Hindi siya papayag na saktan ulit ng mga ito ang kanyang kaibigan!"Nandito si Katya 'no kaya ayaw mo akong papasukin? Ipapakulong kita kapag napatunayan kong itinatago mo siya!"Ngumisi si Juliet at hindi nagpasindak sa nanay ni Katya. Ewan ba niya kung bakit ganito ang mga magulang ng kaibigan niya. Masyadong gahaman. Makasarili na pati ang anak ay handang saktan.Inilihis ni Juliet ang manggas ng kanyang damit at maangas na lumapit dito."Ipapakulong? Baka ikaw ang ipakulong ko. Alam mo bang trespassing itong ginagawa mo? May pang-piyansa ako kung makukulong ako. Ikaw, meron ba? Balita ko ay wala na kayong pera. Kaya nga pinipilit niyong ipakasal si Katya sa isang nuno diba?"Namula ang mukha ng ina ni Katya sa pinaghalong pagkapahiya at galit."Ikaw... Bastos ka talagang bata ka kahit kailan! Kaya ayaw ko na nababarkada sa iyo ang anak ko dahil sa balasubas mong ugali! Tingnan mo ang nangyari sa kanya, sinasagot-sagot na niya kaming mga magulang niya!"Lalong lumawak ang pagkakangisi ni Juliet."Mabuti naman kung ganun dahil hindi naman kayo karespe-respeto." Ibinalibag ni Juliet pasara ang pintuan."Hoy buksan mo ito! Ipapa-barangay talaga kita!""Wala dito si Katya! Mag-isip ka nga Anti Brenda. May maglalayas bang sa kapitbahay pupunta?" ganti naman niyang sigaw.Natahimik ito ng ilang saglit. "Babalik ako mamaya."Agad na pinuntahan ni Juliet si Katya sa kanyang kwarto. Naabutan niya ito sa tabi ng bintana kaya tiyak niyang narinig nito ang lahat ng mga palitan nila kanina ng salita ng ina nito."Ano na ang gagawin ko, Jul? Wala akong ibang mapuntahan," iyak ni Katya. Dala niya ang kanyang ipon pero hindi iyon sasapat kapag itutuloy niya ang paglalayas."Bakit ba sunod-sunod na lang na problema ang dumadating sa akin?" dagdag pa niya.Napabuntong hininga si Juliet at nilapitan ang kaibigan. Hinaplos nito ang balikat ni Katya at inalo."Malalagpasan mo rin ang lahat ng mga ito. Ikaw pa kaya. Malakas ka, Katya. Ako ang higit na nakakaalam nun. At hindi ba dapat ay matuwa ka? Dahil sa pagbubuntis mo ay hindi na matutuloy ang pagpapakasal mo sa unanong intsik na iyon. Kung hindi ito nangyari, sa tingin mo ba ay magkakaroon ka ng lakas ng loob na umalis sa bahay ninyo? Hindi diba? This is a blessing in disguise, Kat. Huwag mong isipin na malas lahat ang mga nangyayari sa iyo. Look at the other side, the bright side of those events. Hindi ba ay ikaw din ang nagsabi sa akin na lahat ng mga bagay ay konektado? Na ang mga nararanasan natin ngayon ay parte ng pagkabuo natin bilang tao? Nakalimutan mo na ba?"Natahimik si Katya at tumigil sa pag-iyak. Tama si Juliet. Bakit nga ba niya nakalimutan ang mga bagay na iyon?Hinaplos niya ang manipis niyang tiyan. Kung hindi dahil sa nasa tiyan niya ay hindi siya magkakalakas ng loob na lumayas. Kung hindi dahil dito ay baka nga makasal siya kahit na hindi niya gusto. Ayaw niyang makasal pero wala siyang lakas ng loob na tumanggi kaya heto, binigyan siya ng langit ng rason upang tumakas at makawala sa kadena na gumagapos sa kanya."Magulo lang ang utak mo ngayon at naiintindihan kita. Kalmahin mo muna ang sarili mo saka ka mag-isip ng hakbang na gagawin mo. Hindi ka makakapag-isip ng tama kapag emosyonal ka. Kumain ka na ba? Baka nagugutom ka."Saktong kumalam din ang sikmura niya kaya nagkatinginan silang dalawa at sabay na tumawa."Ikukuha lang kita ng makakain," paalam ni Juliet.Pinanuod ni Katya ang papalayong pigura ng kaibigan. Ang marinig ang mga malalalim na salitang iyon galing kay Juliet ay nakakamangha. Hindi ito nagseseryoso sa buhay kaya labis ang gulat niya sa mga salita na binitawan nito kanina.Kailangan na niyang itigil ang pag-iyak. Walang mangyayari kung iiyak lang siya at magmumukmok. Nandito na siya kaya paninindigan niya ang desisyon niyang ito.Mabuti na lang at nasa trabaho ang ina ni Juliet. Baka lalong nagkagulo dito kanina dahil mortal na magkaaway ang mga magulang nila.Dito sa kwarto ni Juliet siya nagpahinga at natulog. Gabi na nang magising siya kaya nagpasya siyang bumaba upang kumuha ng maiinom.Paliko na si Katya sa kusina nang marinig niya ang boses ng Mama ni Juliet."Nandito si Katya? At buntis pa? Bakit hindi na lang kasi siya umuwi sa kanilang bahay? Kapag nalaman ng Brenda na iyon na nandito ang anak niya ay ako na naman ang sisisihin! Pauwiin mo na!"Nakagat ni Katya ang kanyang labi. Alam niyang bawal ang makinig sa mga usapan pero hindi niya mapigilan lalo na at siya mismo ang pinag-uusapan ng mga ito."Ipapalaglag nga nila ang bata kaya hindi siya pwedeng umuwi sa kanila. Pwede bang dito muna siya pansamantala?" pakiusap ni Juliet."Ay hindi pwede! Kung hindi siya pwedeng umuwi ay humanap siya ng ibang matutuluyan! Hindi pwede dito sa bahay. Magdadagdag ka lang ng palamunin!""Ma!"Hindi na tinapos ni Katya ang pakikinig at madaling bumalik ulit sa itaas. Napangiti siya ng mapait. Nakalimutan nga pala niyang ayaw din sa kanya ng ina ni Juliet dahil sa away ng kanilang mga magulang. Nagulat nga siya kung paanong silang dalawa pa ang naging magkaibigan."Kat, kumain na tayo," yaya sa kanya ni Juliet maya-maya.Umiling siya. "Mauna na lang kayo."Tinitigan ni Juliet si Katya. "Narinig mo ba ang usapan namin kanina ni Mama?"Tumango siya kaya napabuntong hininga ito."Alam mo naman na ganun si Mama magsalita. Hayaan mo na lang siya. Hindi ka naman niya isusumbong," pagpapagaan ng loob ni Juliet."Pero tama naman si Tita Sonya. Dadagdag lang ako dito sa bahay niyo. At masyado ring risky kapag magtagal ako dito. Magkalapit lang tayo ng bahay at paniguradong matutunton ako nila Mama.""Ano nga ang plano mo kung ganun? Saan ka pupunta?"Tinitigan ni Katya ang kaibigan ng matagal bago sinabi ang nabuo niyang desisyon kanina.Maaga na umalis ang dalawa. Hindi pa sumisikat ang araw nang gumayak ang mga ito papunta sa terminal ng bus."Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito, Kat? Mapapalayo ka dito sa lugar natin," sabi ni Juliet sa malungkot na boses."Oo, Jul. Ito lang ang tanging paraan na naiisip ko upang tuluyan nang makalaya."Gustong umalma ni Juliet ngunit tama ang kaibigan. Kung maaari lang sana niya itong samahan ay gagawin niya."Heto, pandagdag mo sa pera mo. Huwag kang tumanggi dahil sasapakin talaga kita," ani Juliet na naiiyak.Tiningnan ni Katya ang mga lilibuhin na hawak ni Juliet at kinuha iyon. Hindi niya ito tatanggihan dahil kailangan talaga niya ng pera. Babayaran niya rin ito kapag nakaluwag luwag na siya."Salamat, Jul." Nanubig ang mga mata niya at niyakap ito ng mahigpit."M-Mag iingat ka sa pupuntahan mo, okay? Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka."Ilang sandali rin na nag-iyakan ang magkaibigan bago magtawag ang conductor ng bus na sasakyan niya.Aalis siya at pupunta sa ibang bayan. Magsisimula siya doon ng panibagong buhay kasama ng magiging anak niya."Bilisan niyo ang mga galaw niyo! Madami tayong mga customers ngayon!""Donna! Kunin mo ang mga orders ng mga bagong dating!""Kung wala kayong ginagawa ay tumulong kayo doon sa kusina! Maghugas kayo ng mga pinggan!"Pinunasan ni Katya ang pawis sa kanyang noo at madaling nagtungo sa kusina. Ibinigay niya ang hawak na tray sa nakasalubong na si Eddie."Saan ka pupunta? Madaming mga bagong dating na customer ah," puna nito pero kinuha pa rin ang ibinigay niyang tray."Doon muna ako sa kusina. Mas kailangan ng tulong doon," sagot niya at iniwan ito.Aligaga sa pagkilos ang lahat ng mga trabahante na naabutan ni Katya sa kusina ngunit malamig na tubig agad ang hinanap niya."Ano yung amoy nasusunog? Tingnan niyo ang mga niluluto niyo! Sayang 'yang mga nasisirang pagkain na yan!""Katya! Bakit nakatayo ka lang diyan? Madaming mga hugasin doon sa lababo! Tulungan mo si Karen doon!"Tumango siya at agad na dinaluhan si Karen na busangot ang mukha."Kung bakit kasi ayaw magdagdag ng trabahad
Dahil sa labis na pagkagulantang at pagkalito ay hindi na namalayan pa ni Katya na sumakay na pala siya sa tricycle at umuwi. Ini-lock pa niya ang pintuan ng apartment nang makapasok siya. Sumandal siya doon habang pilit na kinakalma ang mabilis na tibok ng puso.Ilang minuto siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa nagpasya siyang umupo sa kanyang katre at kumpirmahin muli ang nakita kanina. Parang nababaliw na tiningnan ni Katya ang kanyang bag. Nanginginig pa ang kanyang kamay nang hinawakan ang zipper ng bag upang buksan ito.Ilang sandali nga ay bumulaga muli ang dalawang bungkos ng tig-iisang libo na pera. Napalunok si Katya habang hawak-hawak iyon. Two hundred thousand! Ang laking pera nito!Bakit ito napunta sa bag niya? Sino ang naglagay? Sinadya ba ito? Madaming katanungan ang bumabagabag sa isip ni Katya at hindi niya alam ang sagot sa mga iyon. Akala niya ay nanakawan siya pero siya pala itong nabiyayaan ng napakalaking halaga.Mahigpit niyang hinawakan ang pera.
"Mommy, will I meet new friends there? I don't want to leave our home," nakanguso na wika ng anak niya habang nakapangalumbaba ito na nanunuod sa ginagawa niya.Tumigil si Katya sa pag-eempake ng kanilang mga gamit at tiningnan ang anak. Bahagyang namumugto ang mga mata nito dahil sa pag-iyak kanina. Ayaw ng anak niya na umalis sila sa lugar na ito pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Palaki na ito. Hindi na sasapat pa ang maliit niyang sahod para sa kanilang dalawa. Kailangan na nilang bumalik sa siyudad.Nilapitan ni Katya ang limang taong gulang na anak. "Of course baby. Ang cute cute mo kaya. Siguradong madami ang gustong makipagkaibigan. sa iyo," aniya at marahan pa na pinisil ang tungki ng ilong nito.Sobrang gwapo ng anak niya. Abo ang kulay ng mga mata nito at sobrang tangos din ng ilong. Doon niya natanto na magandang lalaki ang ama nito. Bahagya pa siyang nagtatampo noon dahil wala man lang nakuhang pisikal na katangian ang anak sa kanya ni isa. Magaling din itong magsa
Malaki ang ngiti ni Katya matapos ang interview niya. Nasabihan na rin siya na nakuha na siya sa trabaho at magsisimula na rin agad siya kinabukasan. Pagkatapos nun ay nagkaroon ng kaunting briefing sa kanila na mga baguhan na empleyado. Pinagpili pa sila kung day o night shift ba ang gusto nila. Mas malaki man ang sahod sa night shift pero pinili pa rin ni Katya ang day shift para mabantayan ang kanyang anak."Yey! Ang sarap nitong cake, Mommy!" masaya na wika ni Connor habang nilalantakam ang cake na binili niya pauwi. Naisipan lang niya na bumili para ipagdiwang kahit papaano ang mga masasayang nangyari sa kanila nitong mga nakaraang araw."Tama na iyang nasa plato mo, Con. Hindi pwede sa iyo ang kumain ng madaming matatamis. Bukas na lang itong iba, okay? Babaunin mo na lang sa school.""Yes po."Nangalumbaba si Katya at pinagmasdan ang anak na kumakain. Hindi naging madali ang pagiging single parent niya pero nakatulong ng malaki ang pera na nakuha niya noon. Hindi na siya nak
Sa sunod na araw ay iba na nga ang head waitress nila na ayon sa bali-balita ay si Mr. Del Valle rin daw mismo ang pumili."Mabuti naman. Dapat ay noon pa talaga tinanggal ang bruha na iyon. Kung makapagsalita ay parang siya ang boss. Ni ang mga boss natin ay hindi ganun ang mga pananalita at ang babait pa," sansala ni Raffy. Medyo may katagalan na rin itong nagtatrabaho dito sa restaurant."Ewan ko ba kung bakit nakalusot iyon dito. Ayaw pa naman ng mga Del Valle ang mga ganung klaseng pag-uugali.""Ang sabihin mo ay swerte itong si Katya at napadaan si Sir Dallas dito. Kung hindi ay malamang na napatalsik na siya ni Mrs. Santos dito."Break nila kaya nasa quarters sila at nagmemeryenda. Pinag-uusapan din ng kanyang mga kasamahan ang nangyari noong nakaraang araw.Ayon sa mga ito ay mababait daw ang pamilya ng mga Del Valle sa mga mahihirap at naaapi pero mabagsik sa mga taong walang konsensya.Mabait si Mrs. Lopez, ang bagong head waitress nila. Nasa mid forty na ito pero mas bata
Sa isang coffee shop napadpad ang dalawa. Hindi man ito kalayuan sa restaurant pero sapat na ang distansya upang makapag-usap silang dalawa ng masinsinan."What do you want to drink?" tanong ng binata kay Katya pagkaupo nila."Wala.""Two cappuccino please," ngiti nito sa waiter.Pinanuod lang ni Katya ang lalaki. Nakakamangha talaga na wala man lang itong ipinapakita ni isang pagkabahala. Naguguluhan talaga siya sa mga pangyayari noon ngunit isa lang ang sigurado niya, hindi ito ang ama ng anak niya pero may koneksyon ang mga ito sa isa't-isa. Nang umalis na ang waiter ay hinarap siya ng lalaki at nagpakilala. "My name is Kaiser.""I'm Katy—""I already know years ago," pagpuputol nito sa sinasabi niya.Itinikom ni Katya ang kanyang bibig at seryoso itong tinitigan. "May alam ka ba sa nangyari sa akin noon? Sa... pagkakakidnap at pagkakagahasa ko?" tanong niya sa mababang boses.Matagal na iyon at nalimot na niya. Pero ngayon na nakita niya ulit ito ay hindi niya mapigilan ang saril
"Tumawag kanina si Ross. Nag-aayaya na gumimik," imporma ni Gio kay Kaiser habang nasa gym ang mga ito."I'll pass for now. Alam mo naman na hindi pwede sa akin ang uminom ng madaming alak."Tumawa siya sa sinabi nito. "Hindi lang naman alak ang meron sa club ah."Sinamaan siya ng tingin ni pinsan. "Pwede ba? Huwag mo akong itulad sa inyo na mga babaero.""Hindi naman ako babaero ah.""Hindi nga ba? Sandali nga, tinigilan mo na ba sa kasusunod si Miss Chua?" naniningkit ang mga mata na tanong ni Kaiser.Hindi agad nakasagot si Gio lalo na nang muling naalala ang nakitang reaksyon ng dalaga sa regalo na gusto niyang ibigay dito. Wala naman siyang masamang intensyon pero mukhang natakot niya ito. Hindi naman ganun kamahal ang kwintas na iyon."Giovanni my brother!" Inakbayan siya ni Rossi at dinala sa VIP table nila ng barkada. May tama na ang mga ito at si Paxton lang ang tangi pa na matino. Kababalik lang ng mga ito galing sa Sicily nitong umaga."Nasaan si Kaiser? Bakit hindi mo siy
Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan nila Katya at Kaiser matapos maikwento lahat ng binata ang mga pangyayari noon."Alam mo rin bang may anak ako sa kanya?" ani Katya sa mga nanginginig na mga labi."Yeah. I know. Naalala mo ba ang mga pangyayari noon doon sa palengke sa probinsya na pinuntahan mo? Naalala mo pa ba ang pera na nailagay noon sa bag mo?"At paano naman niya makakalimutan ang pangyayari na iyon? Kahit na ilang taon pa ang magdaan ay hindi niya iyon kailan man mawawala sa kanyang isipan. Tiningnan niya saglit si Kaiser at nanlaki ang kanyang mga mata nang may mapagtanto. "I-Ikaw ba ang naglagay ng pera sa bag ko?" bulalas niya.Kalmadong tumango ang binata. "Since that day, I felt responsible for what my cousin did. Kaya lagi kitang pinapabantayan lalo na nang malaman ko na buntis ka. I want to make sure that you are okay and the child that you are carrying that time. Gusto ko sanang magpakilala sa iyo noon pero nag-aalala ako na baka matakot kita at makasama
"Dada.. kuya Connor is making fun of me."Inalalayan ni Gio ang bunsong anak nang umamba itong maglalambitin sa leeg niya. Umupo ito sa hita niya na naluluha ang mga mata. Isinara na muna niya ang laptop at itinigil ang ginagawa upang bigyan ng atensyon si Conrad, ang apat na taong gulang na anak nila ni Katya."What did your kuya Connor do this time?" tanong niya habang pinupunasan ang mga mata nito."He said that I'm small and weak and ugly and crybaby," simangot nito.Bahagya siyang natawa. "Why? What did you do this time?""Nothing, dada! He's just jealous! His friend call me cute and handsome and kuya Connor got pissed.""Si Apple ba?""Yes, dada."Nasapo ni Gio ang kanyang noo. Mukhang lumalaking playboy ang anak nila. Nagulat silang lahat isang araw nang umuwi ito galing sa tournament nito na may kasamang babae. Ang sabi nito ay kaibigan lang daw nito ito. Lagi naman niyang kinakausap ang anak tungkol sa mga bagay na iyon. Nagbibinata na si Connor at ang napansin nilang mag-as
Two days before the wedding...."Bakit hindi ka pa nakapagpalit? Darating na si kuya Jay upang sunduin ka ah," ani Katya nang maabutan ang anak sa kusina na nakapambahay pa."Just a moment, mom. Ihahanda ko lang ang mga itong mga 'to para kay Tita Shannon," sagot naman ng anak niya.Tiningnan ni Katya ang ginagawa ni Connor. Inilalagay nito sa cute na box ang ilan sa mga cream puffs na ginawa nila kahapon. Si Connor ang nag-request na gumawa sila dahil nakita niya raw iyon na baon sa isa sa mga kaklase nito. Umupo siya sa katabi nitong silya at pinanuod ang ginagawa nito."Bibigyan mo si Tita Shannon mo?" "Yes, mommy. She's so nice. I like her so much. Even though daddy is not marrying you, I'm happy that he's marrying Tita Shannon instead. I'm a bit sad but I'm happy for them too," anito habang seryoso ito sa ginagawa.Lumamlam ang mga mata niya sa sinabi ng anak. Itong araw na na ito ang huling rehearsals para sa kasal. Ring bearer si Connor. Binigyan din siya ni Shannon ng invitat
Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang tangkang pagdukot kay Katya. Kasalukuyan ngayon na nasa kulungan ang kanyang mga magulang at noong gabing din iyon ay nahuli na si Mister Lim at ng mga alipores nito. Nang kinuha ng mga pulis ang mag-asawa ay ibinunyag na lahat ni Alan ang mga nalalaman sa grupong kinabibilangan, sa mga illegal na operasyon, mga importanteng impormasyon maging sa kung saan nagtatago ang matanda. Iniisip ni Alan na kung makukulong sila ay mas mabuting damay damay na ang lahat. Ito na rin ang magandang pagkakataon upang hulihin ang matandang iyon.Guminhawa ng lubusan ang pakiramdam ni Katya dahil may maganda pa lang kahihinatnan ang insidenteng iyon. Sa ngayon ay hindi pa niya kayang harapin ang mga magulang."Mommy, are sure that you'll be fine here alone? Pwede naman akong hindi pumasok ng school at bantayan ko na lang kayo."Nakabihis na si Connor at nakahanda nang pumasok pero ayaw nitong iwan ang ina na mag-isa sa bahay."Oo nga," natatawa n
"Stay here, Shan. Ako na ang bahala. Hindi natin alam kung sino ang mga kalaban na dumukot kay Katya," ani Gio habang mabibilis ang mga lakad nila papunta kung saan naka-park ang kanilang sasakyan."That's enough reason for me to come. Mas lalong hindi mapapanatag ang loob ko kapag pumunta kang mag-isa. Ayaw kong tutunganga na lang ako sa kwarto at maghintay kung alam kong meron naman akong maitutulong," sagot naman nito.Sabay silang pumasok sa sasakyan. At bago buhayin ni Gio ang makina ng sasakyan ay kinabig niya si Shannon at hinalikan ang tuktok ng ulo."Thank you. Just don't do careless things again," aniya at pinatakbo na ang sasakyan.Wala siyang duda sa kakayahan ni Shannon. Matagal na niyang kasama ang kasintahan sa trabaho kaya alam niya kung ano ang kaya nitong gawin. She's not the typical girl that you will just find easily, the reason why he fell in love so hard. She has an unwavering faith, strong willed and do things without an ounce of hesitation. It's just that... h
Dahan-dahan na isinara ni Katya ang pintuan ng kanilang kwarto upang hindi magising ang natutulog niyang anak. Hindi rin naman siya dalawin ng antok kaya nagpasya na muna siyang lumabas.Halos hating gabi na rin kaya iilan na lang ang mga nasa labas."Kumusta besh ang bakasyon? Madami bang mgahot fafa diyan?" ani Juliet. Nang nakitang online ito ay agad niya itong vinideo call. Hindi na siya nagtataka na gising pa ito. Mula pa kasi noon ay laging itong late kung matulog at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nito ang habit na iyon. At kung hindi siya nagkakamali ay nanunuod na naman ito ng K-drama. Ito kasi ang kina-aadikan ng kaibigan simula noong kolehiyo sila.Ngumisi si Katya. "Madami. Sayang nga at wala ka dito," aniya upang sabayan ang kaibigan.Tumili ito at nagpagulong-gulong sa kama. "Stop. Tumigil ka na, Katya. Huwag mo na akong inggitin pa."Tumawa siya at nagpatuloy sa paglalakad sa gilid ng dagat. Lumanghap siya ng preskong hangin. Masarap talaga sa balat ang malamig n
Mariin na nakatikom ang mga labi ni Katya habang hinahayaan niya na tangayin siya ni Gio sa kung saan man nito gustong pumunta. Pareho silang walang imik at mabibigat ang mga bawat yapak. At kahit na walang magsalita ni isa sa kanila ay ramdam ang mainit na tensyon sa pagitan nila. Hindi na nga dapat siya hinihila ni Gio eh dahil maski siya ay gusto niya itong makausap!Napadpad silang dalawa sa maliit na garden sa likod ng katabi ng hotel na tinutuluyan nila. Walang katao-tao doon bukod sa kanila ng binata. Nang binitawan siya ni Gio ay agad siya nitong hinarap. "Seriously, Katya? In broad daylight? Akala ko ba ay langoy lang ang pakay mo? Kung ganun ay bakit may kalandian kang lalaki?"Dahil sa sinabi nito ay sumabog na rin ang galit na kanina pa niya tinitimpi. Naningkit ang mga mata niya at dinuro pa ito."Ano ba ang pinagpuputok ng butsi mo ha, Gio? Kanina ka pa ah! Nakakapikon ka na! Tapos heto ka na naman at pinagbibintangan mo akong nakikipaglandian?"Nagtiim bagang ito pero
Makalipas ang ilang sisid ay nagpasya nang umahon sa dagat si Katya upang uminom sandali. Meron kasi siyang nakita kanina habang lumalangoy siya na nagtitinda ng fresh buko juice. Ang kasama naman niyang si ma'am Venus ay nasa lounging chair at may kausap sa cellphone.Nagpunas muna siya ng basang katawan at kumuha ng pera bago lumapit sa nagtitinda. Medyo may kahabaan ang pila kaya natagalan din siyang nakatayo. Habang naghihintay ay pasimple naman niyang inaayos ang suot niyang swimsuit. Naiilang talaga siya ng todo. At dahil basa siya, pakiramdam niya ay lalong nahubog ang bawat kurba ng kanyang katawan.Lingid sa kaalaman ni Katya ay may isang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya mula sa 'di kalayuan."Hold my beer. Bibili lang ako ng buko juice."Nalilito naman na tumingin dito ang kasama. "Buko juice? I thought you hate buko juice? Bakit ka iinom kung ganun?""Just shut up and hold my beer for me," wika ng lalaki at naglakad palapit sa maliit na kumpol ng nagtitinda ng buko
Dali-daling bumaba ng hotel si Katya nang makatanggap ng tawag na nahulog daw sa swimming pool ang anak niya. Hindi na niya isinama ang anak kanina dahil panatag ang loob niya na iwan ito dahil kasama naman nito ang ama nito. Mali siguro na ipagkatiwala niya dito si Connor. Ano ba ang ginagawa ni Gio at pinabayaan ang anak nila?Ngunit pagdating niya doon ay wala siyang makitang pamilyar na mga mukha kaya nagtanong na siya sa mga employee doon."Excuse me sir. Nakita niyo po ba yung batang nahulog dito sa swimming pool? Ako po yung nanay niya.""Ah. Dinala na po sa clinic," anito sabay turo sa banda kung nasaan ang clinic. "Huwag po kayong mag-alala ma'am dahil wala namang masamang nangyari sa anak niyo. Wala pa nga atang sampong segundo nang tumalon ang asawa niyo upang iligtas ito."Itinikom ni Katya ang bibig. Aba'y dapat lang na gawin ni Gio iyon dahil ito ang nagbabantay sa kanilang anak. "Hindi ko siya asawa," pagtatama niya dito. Mahirap na kapag may kumalat na hindi tamang ba
"Con, busy ang Tita Shannon mo. At tingnan mo naman ang suot ko, nakakahiya naman na magpa-picture na ganito ang ayos ko," sita niya sa anak dahil kitang-kita niya ang reaksyon ni Shannon kanina. Siya tuloy ang nahihiya na ginawa pa itong photographer ng anak niya."That's fine, mommy! You are still pretty!" maktol naman ng anak."Okay ka lang?"Binalingan ni Katya si Gio nang marinig itong magsalita. Nasa tabi na ito ni Shannon at tinitingnan kung may problema ba ang dalaga."I-I'm fine. Bigla lang na sumama ang pakiramdam ko.""Gusto mo bang bumalik na lang tayo sa hotel?" suhestiyon ni Gio."No. Kaya ko ito. Hindi naman gaanong kalala.""Sigurado ka? You shouldn't force yourself kung hindi mo kaya," ani Gio na puno ng pag-aalala. Sobrang lambing din ng boses nito.Nag-iwas naman ng tingin si Katya sa dalawa. Biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung para saan iyon."I'm sorry, Tita Shannon. Hindi ko alam na masama pala ang pakiramdam mo," nakokonsensya naman na singit n