Two days before the wedding...."Bakit hindi ka pa nakapagpalit? Darating na si kuya Jay upang sunduin ka ah," ani Katya nang maabutan ang anak sa kusina na nakapambahay pa."Just a moment, mom. Ihahanda ko lang ang mga itong mga 'to para kay Tita Shannon," sagot naman ng anak niya.Tiningnan ni Katya ang ginagawa ni Connor. Inilalagay nito sa cute na box ang ilan sa mga cream puffs na ginawa nila kahapon. Si Connor ang nag-request na gumawa sila dahil nakita niya raw iyon na baon sa isa sa mga kaklase nito. Umupo siya sa katabi nitong silya at pinanuod ang ginagawa nito."Bibigyan mo si Tita Shannon mo?" "Yes, mommy. She's so nice. I like her so much. Even though daddy is not marrying you, I'm happy that he's marrying Tita Shannon instead. I'm a bit sad but I'm happy for them too," anito habang seryoso ito sa ginagawa.Lumamlam ang mga mata niya sa sinabi ng anak. Itong araw na na ito ang huling rehearsals para sa kasal. Ring bearer si Connor. Binigyan din siya ni Shannon ng invitat
"Dada.. kuya Connor is making fun of me."Inalalayan ni Gio ang bunsong anak nang umamba itong maglalambitin sa leeg niya. Umupo ito sa hita niya na naluluha ang mga mata. Isinara na muna niya ang laptop at itinigil ang ginagawa upang bigyan ng atensyon si Conrad, ang apat na taong gulang na anak nila ni Katya."What did your kuya Connor do this time?" tanong niya habang pinupunasan ang mga mata nito."He said that I'm small and weak and ugly and crybaby," simangot nito.Bahagya siyang natawa. "Why? What did you do this time?""Nothing, dada! He's just jealous! His friend call me cute and handsome and kuya Connor got pissed.""Si Apple ba?""Yes, dada."Nasapo ni Gio ang kanyang noo. Mukhang lumalaking playboy ang anak nila. Nagulat silang lahat isang araw nang umuwi ito galing sa tournament nito na may kasamang babae. Ang sabi nito ay kaibigan lang daw nito ito. Lagi naman niyang kinakausap ang anak tungkol sa mga bagay na iyon. Nagbibinata na si Connor at ang napansin nilang mag-as
"Ate ganda!"Nilingon ni Katya ang bata na tumatakbo palapit sa kanila ng kaibigang si Juliet."Ako ba?" natutuwa na sabi ng kanyang kaibigan at hinarangan pa ito."Hindi po. Yung kasama niyo po," sabi naman ng bata at nilampasan si Juliet na nakasimangot na."Ate ganda, may nagpapabigay po sa iyo nito."Tiningnan niya ang hawak ng bata. Bukod sa bugkos ng mga Sampaguita ay may hawak din itong isang tangkay ng rosas. Kinuha niya ito."May nagpapabigay? Sino?" Inamoy ni Katya ang bulaklak habang inililibot ang paningin sa paligid. Katatapos lang ng lunch break nila at pabalik na sila ng paaralan."Secret po!" anang batang lalaki saka tumakbo palayo.Pabiro na siniko siya ni Juliet habang naglalakad sila papunta sa kanilang klase."May manliligaw ka na naman. Manganganib ang mga lahi ni Eba nito kapag nagtuloy-tuloy. Wala ng matitira sa amin."Para namang walang narinig si Katya at nanatiling nakatitig sa hawak na bulaklak. Halos araw-araw siyang nakakatanggap ng mga bulaklak pero para
Sunod-sunod na dumaing si Katya nang maramdaman ang matinding pananakit ng kanyang buong katawan.Ano ba ang nangyari at parang binugbog ang pakiramdam niya?Nasa kwarto siya pero rinig na rinig niya ang galit na galit na boses ng kanyang mga magulang mula sa labas. Akma sana siyang tatayo upang magtungo sa banyo nang sumidhi ang matinding kirot sa pagitan ng kanyang mga hita.Napabalik siya sa kama sa nanlalaking mga mata. Bakit masakit ang parte ng katawan niya doon? Nangingitim din ang ilang parte ng balat niya.Sinusubukan na alalahanin ni Katya kung ano ang nangyari nang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at pumasok ang Papa niya na madilim ang mukha."Pa—""Malandi kang babae ka!"Tumabingi ang ulo niya at halos mabingi siya sa sobrang lakas ng pagkakasampal nito sa kanya. Agad na tumulo ang mga luha niya. Hindi pa siya nakakabawi nang sinubunutan siya ng kanyang ama at kinaladkad palabas ng kanyang kwarto."Ang paalam mo kahapon ay may meeting ka! Pinayagan kita pero lumipas
Walang kasiguraduhan kung mabubuhay siya. Iyon ang kasalukuyan na tumatakbo sa isip ni Katya habang hila-hila ang kanyang maleta.Naunahan man siya ng emosyon sa paglayas pero buo pa rin ang desisyon niya. Hindi niya kayang ipalaglag ang anghel na nasa tiyan niya. Sabihin man na nagawa ito dahil sa isang trahedya pero anak niya pa rin ito. Dugo at laman niya ito. Hindi niya ito kayang ipalaglag."Bakit ka naman naglayas, Katya? May nangyari bang hindi maganda sa inyo at nag-alsa balutan ka?"Si Juliet lang ang tanging malalapitan niya sa mga oras na ito. Tinawagan niya ang kaibigan kanina at agad siya nitong pinuntahan kahit na may klase pa ito.Hinawakan niya ang mga kamay ni Juliet at nagmamakaawa na tumingin dito. "B-Buntis ako. Gustong ipalaglag nila Mama ang dinadala ko kaya tumakas ako. Wala akong pwedeng mapuntahan kundi ikaw.""B-Buntis ka?!" gulat nitong bulalas. "Paano nangyari iyon eh wala ka namang boyfriend?!"Walang nagawa si Katya kundi ang isalaysay ang lahat ng mga na
"Bilisan niyo ang mga galaw niyo! Madami tayong mga customers ngayon!""Donna! Kunin mo ang mga orders ng mga bagong dating!""Kung wala kayong ginagawa ay tumulong kayo doon sa kusina! Maghugas kayo ng mga pinggan!"Pinunasan ni Katya ang pawis sa kanyang noo at madaling nagtungo sa kusina. Ibinigay niya ang hawak na tray sa nakasalubong na si Eddie."Saan ka pupunta? Madaming mga bagong dating na customer ah," puna nito pero kinuha pa rin ang ibinigay niyang tray."Doon muna ako sa kusina. Mas kailangan ng tulong doon," sagot niya at iniwan ito.Aligaga sa pagkilos ang lahat ng mga trabahante na naabutan ni Katya sa kusina ngunit malamig na tubig agad ang hinanap niya."Ano yung amoy nasusunog? Tingnan niyo ang mga niluluto niyo! Sayang 'yang mga nasisirang pagkain na yan!""Katya! Bakit nakatayo ka lang diyan? Madaming mga hugasin doon sa lababo! Tulungan mo si Karen doon!"Tumango siya at agad na dinaluhan si Karen na busangot ang mukha."Kung bakit kasi ayaw magdagdag ng trabahad
Dahil sa labis na pagkagulantang at pagkalito ay hindi na namalayan pa ni Katya na sumakay na pala siya sa tricycle at umuwi. Ini-lock pa niya ang pintuan ng apartment nang makapasok siya. Sumandal siya doon habang pilit na kinakalma ang mabilis na tibok ng puso.Ilang minuto siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa nagpasya siyang umupo sa kanyang katre at kumpirmahin muli ang nakita kanina. Parang nababaliw na tiningnan ni Katya ang kanyang bag. Nanginginig pa ang kanyang kamay nang hinawakan ang zipper ng bag upang buksan ito.Ilang sandali nga ay bumulaga muli ang dalawang bungkos ng tig-iisang libo na pera. Napalunok si Katya habang hawak-hawak iyon. Two hundred thousand! Ang laking pera nito!Bakit ito napunta sa bag niya? Sino ang naglagay? Sinadya ba ito? Madaming katanungan ang bumabagabag sa isip ni Katya at hindi niya alam ang sagot sa mga iyon. Akala niya ay nanakawan siya pero siya pala itong nabiyayaan ng napakalaking halaga.Mahigpit niyang hinawakan ang pera.
"Mommy, will I meet new friends there? I don't want to leave our home," nakanguso na wika ng anak niya habang nakapangalumbaba ito na nanunuod sa ginagawa niya.Tumigil si Katya sa pag-eempake ng kanilang mga gamit at tiningnan ang anak. Bahagyang namumugto ang mga mata nito dahil sa pag-iyak kanina. Ayaw ng anak niya na umalis sila sa lugar na ito pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Palaki na ito. Hindi na sasapat pa ang maliit niyang sahod para sa kanilang dalawa. Kailangan na nilang bumalik sa siyudad.Nilapitan ni Katya ang limang taong gulang na anak. "Of course baby. Ang cute cute mo kaya. Siguradong madami ang gustong makipagkaibigan. sa iyo," aniya at marahan pa na pinisil ang tungki ng ilong nito.Sobrang gwapo ng anak niya. Abo ang kulay ng mga mata nito at sobrang tangos din ng ilong. Doon niya natanto na magandang lalaki ang ama nito. Bahagya pa siyang nagtatampo noon dahil wala man lang nakuhang pisikal na katangian ang anak sa kanya ni isa. Magaling din itong magsa
"Dada.. kuya Connor is making fun of me."Inalalayan ni Gio ang bunsong anak nang umamba itong maglalambitin sa leeg niya. Umupo ito sa hita niya na naluluha ang mga mata. Isinara na muna niya ang laptop at itinigil ang ginagawa upang bigyan ng atensyon si Conrad, ang apat na taong gulang na anak nila ni Katya."What did your kuya Connor do this time?" tanong niya habang pinupunasan ang mga mata nito."He said that I'm small and weak and ugly and crybaby," simangot nito.Bahagya siyang natawa. "Why? What did you do this time?""Nothing, dada! He's just jealous! His friend call me cute and handsome and kuya Connor got pissed.""Si Apple ba?""Yes, dada."Nasapo ni Gio ang kanyang noo. Mukhang lumalaking playboy ang anak nila. Nagulat silang lahat isang araw nang umuwi ito galing sa tournament nito na may kasamang babae. Ang sabi nito ay kaibigan lang daw nito ito. Lagi naman niyang kinakausap ang anak tungkol sa mga bagay na iyon. Nagbibinata na si Connor at ang napansin nilang mag-as
Two days before the wedding...."Bakit hindi ka pa nakapagpalit? Darating na si kuya Jay upang sunduin ka ah," ani Katya nang maabutan ang anak sa kusina na nakapambahay pa."Just a moment, mom. Ihahanda ko lang ang mga itong mga 'to para kay Tita Shannon," sagot naman ng anak niya.Tiningnan ni Katya ang ginagawa ni Connor. Inilalagay nito sa cute na box ang ilan sa mga cream puffs na ginawa nila kahapon. Si Connor ang nag-request na gumawa sila dahil nakita niya raw iyon na baon sa isa sa mga kaklase nito. Umupo siya sa katabi nitong silya at pinanuod ang ginagawa nito."Bibigyan mo si Tita Shannon mo?" "Yes, mommy. She's so nice. I like her so much. Even though daddy is not marrying you, I'm happy that he's marrying Tita Shannon instead. I'm a bit sad but I'm happy for them too," anito habang seryoso ito sa ginagawa.Lumamlam ang mga mata niya sa sinabi ng anak. Itong araw na na ito ang huling rehearsals para sa kasal. Ring bearer si Connor. Binigyan din siya ni Shannon ng invitat
Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang tangkang pagdukot kay Katya. Kasalukuyan ngayon na nasa kulungan ang kanyang mga magulang at noong gabing din iyon ay nahuli na si Mister Lim at ng mga alipores nito. Nang kinuha ng mga pulis ang mag-asawa ay ibinunyag na lahat ni Alan ang mga nalalaman sa grupong kinabibilangan, sa mga illegal na operasyon, mga importanteng impormasyon maging sa kung saan nagtatago ang matanda. Iniisip ni Alan na kung makukulong sila ay mas mabuting damay damay na ang lahat. Ito na rin ang magandang pagkakataon upang hulihin ang matandang iyon.Guminhawa ng lubusan ang pakiramdam ni Katya dahil may maganda pa lang kahihinatnan ang insidenteng iyon. Sa ngayon ay hindi pa niya kayang harapin ang mga magulang."Mommy, are sure that you'll be fine here alone? Pwede naman akong hindi pumasok ng school at bantayan ko na lang kayo."Nakabihis na si Connor at nakahanda nang pumasok pero ayaw nitong iwan ang ina na mag-isa sa bahay."Oo nga," natatawa n
"Stay here, Shan. Ako na ang bahala. Hindi natin alam kung sino ang mga kalaban na dumukot kay Katya," ani Gio habang mabibilis ang mga lakad nila papunta kung saan naka-park ang kanilang sasakyan."That's enough reason for me to come. Mas lalong hindi mapapanatag ang loob ko kapag pumunta kang mag-isa. Ayaw kong tutunganga na lang ako sa kwarto at maghintay kung alam kong meron naman akong maitutulong," sagot naman nito.Sabay silang pumasok sa sasakyan. At bago buhayin ni Gio ang makina ng sasakyan ay kinabig niya si Shannon at hinalikan ang tuktok ng ulo."Thank you. Just don't do careless things again," aniya at pinatakbo na ang sasakyan.Wala siyang duda sa kakayahan ni Shannon. Matagal na niyang kasama ang kasintahan sa trabaho kaya alam niya kung ano ang kaya nitong gawin. She's not the typical girl that you will just find easily, the reason why he fell in love so hard. She has an unwavering faith, strong willed and do things without an ounce of hesitation. It's just that... h
Dahan-dahan na isinara ni Katya ang pintuan ng kanilang kwarto upang hindi magising ang natutulog niyang anak. Hindi rin naman siya dalawin ng antok kaya nagpasya na muna siyang lumabas.Halos hating gabi na rin kaya iilan na lang ang mga nasa labas."Kumusta besh ang bakasyon? Madami bang mgahot fafa diyan?" ani Juliet. Nang nakitang online ito ay agad niya itong vinideo call. Hindi na siya nagtataka na gising pa ito. Mula pa kasi noon ay laging itong late kung matulog at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nito ang habit na iyon. At kung hindi siya nagkakamali ay nanunuod na naman ito ng K-drama. Ito kasi ang kina-aadikan ng kaibigan simula noong kolehiyo sila.Ngumisi si Katya. "Madami. Sayang nga at wala ka dito," aniya upang sabayan ang kaibigan.Tumili ito at nagpagulong-gulong sa kama. "Stop. Tumigil ka na, Katya. Huwag mo na akong inggitin pa."Tumawa siya at nagpatuloy sa paglalakad sa gilid ng dagat. Lumanghap siya ng preskong hangin. Masarap talaga sa balat ang malamig n
Mariin na nakatikom ang mga labi ni Katya habang hinahayaan niya na tangayin siya ni Gio sa kung saan man nito gustong pumunta. Pareho silang walang imik at mabibigat ang mga bawat yapak. At kahit na walang magsalita ni isa sa kanila ay ramdam ang mainit na tensyon sa pagitan nila. Hindi na nga dapat siya hinihila ni Gio eh dahil maski siya ay gusto niya itong makausap!Napadpad silang dalawa sa maliit na garden sa likod ng katabi ng hotel na tinutuluyan nila. Walang katao-tao doon bukod sa kanila ng binata. Nang binitawan siya ni Gio ay agad siya nitong hinarap. "Seriously, Katya? In broad daylight? Akala ko ba ay langoy lang ang pakay mo? Kung ganun ay bakit may kalandian kang lalaki?"Dahil sa sinabi nito ay sumabog na rin ang galit na kanina pa niya tinitimpi. Naningkit ang mga mata niya at dinuro pa ito."Ano ba ang pinagpuputok ng butsi mo ha, Gio? Kanina ka pa ah! Nakakapikon ka na! Tapos heto ka na naman at pinagbibintangan mo akong nakikipaglandian?"Nagtiim bagang ito pero
Makalipas ang ilang sisid ay nagpasya nang umahon sa dagat si Katya upang uminom sandali. Meron kasi siyang nakita kanina habang lumalangoy siya na nagtitinda ng fresh buko juice. Ang kasama naman niyang si ma'am Venus ay nasa lounging chair at may kausap sa cellphone.Nagpunas muna siya ng basang katawan at kumuha ng pera bago lumapit sa nagtitinda. Medyo may kahabaan ang pila kaya natagalan din siyang nakatayo. Habang naghihintay ay pasimple naman niyang inaayos ang suot niyang swimsuit. Naiilang talaga siya ng todo. At dahil basa siya, pakiramdam niya ay lalong nahubog ang bawat kurba ng kanyang katawan.Lingid sa kaalaman ni Katya ay may isang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya mula sa 'di kalayuan."Hold my beer. Bibili lang ako ng buko juice."Nalilito naman na tumingin dito ang kasama. "Buko juice? I thought you hate buko juice? Bakit ka iinom kung ganun?""Just shut up and hold my beer for me," wika ng lalaki at naglakad palapit sa maliit na kumpol ng nagtitinda ng buko
Dali-daling bumaba ng hotel si Katya nang makatanggap ng tawag na nahulog daw sa swimming pool ang anak niya. Hindi na niya isinama ang anak kanina dahil panatag ang loob niya na iwan ito dahil kasama naman nito ang ama nito. Mali siguro na ipagkatiwala niya dito si Connor. Ano ba ang ginagawa ni Gio at pinabayaan ang anak nila?Ngunit pagdating niya doon ay wala siyang makitang pamilyar na mga mukha kaya nagtanong na siya sa mga employee doon."Excuse me sir. Nakita niyo po ba yung batang nahulog dito sa swimming pool? Ako po yung nanay niya.""Ah. Dinala na po sa clinic," anito sabay turo sa banda kung nasaan ang clinic. "Huwag po kayong mag-alala ma'am dahil wala namang masamang nangyari sa anak niyo. Wala pa nga atang sampong segundo nang tumalon ang asawa niyo upang iligtas ito."Itinikom ni Katya ang bibig. Aba'y dapat lang na gawin ni Gio iyon dahil ito ang nagbabantay sa kanilang anak. "Hindi ko siya asawa," pagtatama niya dito. Mahirap na kapag may kumalat na hindi tamang ba
"Con, busy ang Tita Shannon mo. At tingnan mo naman ang suot ko, nakakahiya naman na magpa-picture na ganito ang ayos ko," sita niya sa anak dahil kitang-kita niya ang reaksyon ni Shannon kanina. Siya tuloy ang nahihiya na ginawa pa itong photographer ng anak niya."That's fine, mommy! You are still pretty!" maktol naman ng anak."Okay ka lang?"Binalingan ni Katya si Gio nang marinig itong magsalita. Nasa tabi na ito ni Shannon at tinitingnan kung may problema ba ang dalaga."I-I'm fine. Bigla lang na sumama ang pakiramdam ko.""Gusto mo bang bumalik na lang tayo sa hotel?" suhestiyon ni Gio."No. Kaya ko ito. Hindi naman gaanong kalala.""Sigurado ka? You shouldn't force yourself kung hindi mo kaya," ani Gio na puno ng pag-aalala. Sobrang lambing din ng boses nito.Nag-iwas naman ng tingin si Katya sa dalawa. Biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung para saan iyon."I'm sorry, Tita Shannon. Hindi ko alam na masama pala ang pakiramdam mo," nakokonsensya naman na singit n