Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2023-04-16 14:59:27

"Bilisan niyo ang mga galaw niyo! Madami tayong mga customers ngayon!"

"Donna! Kunin mo ang mga orders ng mga bagong dating!"

"Kung wala kayong ginagawa ay tumulong kayo doon sa kusina! Maghugas kayo ng mga pinggan!"

Pinunasan ni Katya ang pawis sa kanyang noo at madaling nagtungo sa kusina. Ibinigay niya ang hawak na tray sa nakasalubong na si Eddie.

"Saan ka pupunta? Madaming mga bagong dating na customer ah," puna nito pero kinuha pa rin ang ibinigay niyang tray.

"Doon muna ako sa kusina. Mas kailangan ng tulong doon," sagot niya at iniwan ito.

Aligaga sa pagkilos ang lahat ng mga trabahante na naabutan ni Katya sa kusina ngunit malamig na tubig agad ang hinanap niya.

"Ano yung amoy nasusunog? Tingnan niyo ang mga niluluto niyo! Sayang 'yang mga nasisirang pagkain na yan!"

"Katya! Bakit nakatayo ka lang diyan? Madaming mga hugasin doon sa lababo! Tulungan mo si Karen doon!"

Tumango siya at agad na dinaluhan si Karen na busangot ang mukha.

"Kung bakit kasi ayaw magdagdag ng trabahador si boss! Kita na nga niyang kulang ang mga empleyado niya! Tayo ang nahihirapan! Doble ang trabaho natin pero hindi naman tumataas ang sweldo natin!" reklamo nito.

Sumang-ayon si Katya sa sinabi nito. Sikat na kainan ang pinagtatrabahuan niya. Patok ito sa mga biyahero at mga mamamayan dahil bukod sa masarap ang mga pagkain ay pang-masa pa ang mga presyo nito kaya dinudumog talaga ito ng mga tao.

Kaya halos araw-araw ay madami ang customer ngunit kaunti lang naman silang mga empleyado sa kainan na ito. Masyado kasing kuripot ang boss nila. Hindi naman niya magawang umalis sa trabaho dahil pahirapan ang paghahanap ng mapapasukan sa panahon ngayon.

"Kaya mo pa ba? Namumutla ka ah," puna ni Karen.

Tumango lang si Katya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Sa totoo lang ay masama ang pakiramdam niya. Bahagya rin siyang nahihilo kaya mas pinili na lang niyang mapirmi dito sa kusina. Mas lalo lang siyang mahihilo kapag lakad siya nang lakad.

"Agahan niyo ang pasok bukas, ha? Ayaw ko ng tatamad tamad sa trabaho."

"Opo boss," sabi na lang nila sa pagod na boses.

Pagod na pagod ang katawan ni Katya sa buong maghapon na paghahanap buhay. Natatakot siya na baka mapahamak ang dinadala niya dahil sa stress na hatid ng kanyang trabaho.

Hinaplos niya ang tiyan niyang nagsisimula nang lumaki. Dalawang buwan na ang nakakaraan simula nang maglayas siya. Sa malayong probinsya siya napadpad. Sobrang liit ng apartment na nakuha niya at wala pang masyadong mga gamit. Tanging katre lang na inaanay ang naabutan niya.

Kakaunti lang ang pera niya pero nagsakripisyo siya na bumili ng kahit mumurahin na electric fan man lang, banig at unan, isang plato at mangkok, isang baso, kutsara at tinidor.

Nabalitaan pa niya noon kay Juliet na pati si Mister Lim ay pinapahanap din siya. Kaya kahit na nasa malayo na siya ay nagtago pa rin siya ng halos isang linggo dahil natatakot siya na baka matunton siya ng mga ito.

Trabaho agad ang hinanap niya pagkatapos nun. Hindi man kalakihan ang sahod pero malapit naman sa kanyang tinutuluyan kaya ayos na. Gusto pa sana niyang maghanap ng ibang pagkakakitaan pero baka hindi kaya ng katawan niya dahil sa pagbubuntis niya.

"Napapansin ko na tumataba ka, Katya. Lalo kang gumaganda," puna ni Karen habang nasa break sila.

Alanganin siyang ngumiti. Napansin niya rin iyon. Medyo sumikip na rin ang mga damit niya. Panahon na lang ang magsasabi sa mga ito na buntis siya. Natatakot siya na kapag dumating ang araw na iyon ay matanggal siya sa trabaho.

Hindi pa siya nakakapagpa-checkup ni isa. Wala rin siyang gagamitin na pera sa panganganak niya. Balita niya ay may iilan pang mga komadrona sa bayan na ito kaya doon na lang siya kung sakali.

"Bigla-biglaan nga eh. Baka naman buntis ka, Katya?"

Naubo siya sa nerbyos. Mabuti na lang at natabunan iyon ng tawanan ng kanyang mga kasamahan.

"Baliw! Porke't tumataba na eh buntis na agad? Hindi ba pwedeng magana lang talaga siyang kumain? Kita niyo naman kung gaano katakaw kumain si Katya," sabi naman ni Eddie.

Namula ang mukha ni Katya sa pagkapahiya. Tiningnan niya ang plato niya na puno ng kanin. May extra rice pa sa tabi ng plato niya. Simula nang magbuntis siya ay napapasarap na lagi ang kain niya. Laging gutom ang pakiramdam niya. Kaya kahit na gustuhin man niyang magtipid ay napapabili siya ng mga pagkain ng wala sa oras.

Ang ipinagpapasalamat niya ng malaki sa boss nila ay libre ang lunch nila na mga empleyado nito. Nakakakain siya ng marami na hindi iniisip ang gastos. Kung minsan na kapag may mga natirang pagkain at mga rekados na malapit nang masira ay ipinapauwi rin sa kanila. Para pa silang mga patay gutom na nag-aagawan sa mga ito.

Kuripot man sa pera ang boss nila pero sagana naman sila sa pagkain. Katulad niya ay isa rin iyon sa mga rason kung bakit nananatili pa rin ang iba dito.

"Katya, pwede ba tayong mag-usap sandali?" tawag ng boss nila nang matapos na ang kanilang lunch break.

Nagkatinginan pa sila ng kanyang mga kasama bago siya sumunod sa maliit nitong opisina.

"Bakit po, boss?"

Seryoso siya nitong hinarap. "Tapatin mo nga ako, hija. Buntis ka ba?"

Napalunok si Katya at nagbaba ng tingin. Aamin ba siya? Matatanggal na ba siya sa trabaho?

"Nakita kasi kita noong mga unang araw mo dito ang mga palihim mong pagsusuka. Hindi ko na iyon pinansin dahil baka nagkataon lang o may nakain kang ikinasama ng tiyan mo. Pero hindi naman siguro nagkataon na bigla bigla ka na lang na tumaba at napansin ko rin na namumutla ka nitong mga nakaraang araw. Nahihilo ka, hindi ba?" malumanay ang boses na tanong ng boss ni Katya.

Nanubig ang kanyang mga mata. Makakatanggi pa ba siya kung huling huli na siya?

"H-Huwag niyo po sana akong tanggalin sa trabaho. Kaya ko pa naman—"

"Pero responsibilidad kita. Hindi ka dapat nagtatrabaho ng ganito kapag buntis ka. Paano kung may mangyaring masama sa iyo? Baka mapasama ang bata sa tiyan mo. Sa nakikita ko ay mukhang naglayas ka. Umuwi ka na sa inyo."

Tuluyan nang nalaglag ang luha sa mga mata ni Katya. Sino ba kasing nagdadalang tao ang gusto ng ganitong sitwasyon? Kung maari lang ay sa apartment lang siya at alagaan ang kanyang katawan pero saan siya kukuha ng pagkain kung gagawin niya iyon? Pambayad ng upa at mga bayarin kung hindi siya magtrabaho?

"Huwag sanang sasama ang loob mo sa sinabi ko. Iniisip ko lang kung ano ang makakabuti para sa iyo."

Nag-angat ng tingin si Katya at sinalubong ang mga mata ng kanyang boss.

"Ito po ang makakabuti sa akin. Kailangan ko ng pera dahil mamamatay kaming dalawa ng anak ko kapag hindi ako magtrabaho," puno ng paninindigan niyang sinabi.

Ilang segundo na nagkatitigan ang dalawa hanggang sa ang boss ni Katya ang sumuko nang makita ang matinding diterminasyon sa mga mata ng dalaga.

Humugot ng malalim na hininga ang boss niya. "Haayyy. Mga kabataaan talaga. Masyadong padalos dalos at hindi nag-iisip ng mabuti."

Walang kibo si Katya kahit na mali ang impresyon sa kanya ng amo. Mamamatay muna siya bago niya sabihin ang totoong dahilan ng pagbubuntis niya.

"Oh siya. Ikaw ang bahala, Katya. Bahala ka na rin na magpaliwanag sa mga kasamahan mo kapag lumaki iyang tiyan mo."

At bakit ba kasi kailangan niyang magpaliwanag sa lahat? Bakit kailangan niyang lagi na linisin ang kanyang pangalan kahit na hindi naman dapat?

Ano ang masama sa pagbubuntis? Dahil ba wala sa plano? Dapat nga ay hangaan nila ang katapangan ng isang nagdadalang tao. Na kahit na walang kasiguraduhan kung paano mo papalakihin mag-isa ang anak mo ay ni minsan, kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ng ina na ipatanggal ito.

Oo at mapusok ang mga kabataaan ngayon pero ang importante doon ay hindi na nila dadagdagan pa ang pagkakamali at kasalanan na kanilang ginawa.

"Tama kayo. Buntis nga ako," iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ni Katya pagbalik niya sa kanyang mga kasamahan. "At huwag niyo sana akong tanungin ng mga bagay-bagay tungkol sa pagbubuntis ko. Ayaw ko lang na... pag-usapan." Mahina ang boses ni Katya nang sinabi niya ang huling salita.

Dumaan ang mahabang katahimikan. Hindi kaya na tingnan ni Katya ang reaksyon ng mga kasamahan kaya nakatuon lang ang mga mata niya sa sahig.

"O-Oo naman." Tumawa si Karen pero mahahalata doon ang gulat at pagkalito.

"N-Nakakagulat nga. Pero gaya ng sinabi mo ay hindi na kami magtatanong," si Marco.

May umakbay sa kanya kaya napaangat siya ng tingin. Naabutan ni Katya ang nakangiting mukha ni Eddie.

"Ako ang Ninong ha?"

Umawang ang bibig niya lalo na noong pinalibutan siya ng mga kasamahan at masaya na binati siya sa kanyang pagbubuntis.

Napaluha si Katya sa labis na tuwa. Simula nang malaman niya na nagdadalang tao siya ay ito ang unang beses na may naging masaya para sa kanya. Dahil ba inunahan na niya ang mga ito? Pero kahit na ano pa man ang rason ay masaya siya. Na sa unang pagkakataon ay may tumanggap sa sitwasyon niya.

Dumaan sa palengke si Katya upang bumili ng rekados sa lulutuin niyang sopas mamaya. Napapalunok siya ng laway habang ini-imagine ang mangkok na puno ng mainit na sopas.

Ganito ba talaga ang buntis? Kung anu-ano ang gustong kainin?

At dahil hapon na ay siksikan na sa palengke at hindi maiiwasan ang pagkakadikit dikit ng mga tao.

Maya-maya ay may naramdaman si Katya na kamay sa loob ng bag niya. Namilog ang mga mata niya lalo na nang manuot sa ilong niya ang mamahaling pabango na panlalaki.

Mahigpit na hinawakan ni Katya ang bag niya at tumingin sa mga taong nakapaligid sa kanya. Nakuha agad ng pansin niya ang matangkad na lalaki na nakasuot ng baseball cap at hoodie.

Nagtagal ang titig niya sa papalayong lalaki nang maalalang baka natangay ang wallet niya!

Binuksan niya ang kanyang bag. Nandoon ang wallet niya pero...

Muntik na siyang matumba sa gulat nang makakita siya ng dalawang makapal na bungkos ng tig-iisang libo sa loob ng bag niya!

Related chapters

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 5

    Dahil sa labis na pagkagulantang at pagkalito ay hindi na namalayan pa ni Katya na sumakay na pala siya sa tricycle at umuwi. Ini-lock pa niya ang pintuan ng apartment nang makapasok siya. Sumandal siya doon habang pilit na kinakalma ang mabilis na tibok ng puso.Ilang minuto siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa nagpasya siyang umupo sa kanyang katre at kumpirmahin muli ang nakita kanina. Parang nababaliw na tiningnan ni Katya ang kanyang bag. Nanginginig pa ang kanyang kamay nang hinawakan ang zipper ng bag upang buksan ito.Ilang sandali nga ay bumulaga muli ang dalawang bungkos ng tig-iisang libo na pera. Napalunok si Katya habang hawak-hawak iyon. Two hundred thousand! Ang laking pera nito!Bakit ito napunta sa bag niya? Sino ang naglagay? Sinadya ba ito? Madaming katanungan ang bumabagabag sa isip ni Katya at hindi niya alam ang sagot sa mga iyon. Akala niya ay nanakawan siya pero siya pala itong nabiyayaan ng napakalaking halaga.Mahigpit niyang hinawakan ang pera.

    Last Updated : 2023-04-26
  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 6

    "Mommy, will I meet new friends there? I don't want to leave our home," nakanguso na wika ng anak niya habang nakapangalumbaba ito na nanunuod sa ginagawa niya.Tumigil si Katya sa pag-eempake ng kanilang mga gamit at tiningnan ang anak. Bahagyang namumugto ang mga mata nito dahil sa pag-iyak kanina. Ayaw ng anak niya na umalis sila sa lugar na ito pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Palaki na ito. Hindi na sasapat pa ang maliit niyang sahod para sa kanilang dalawa. Kailangan na nilang bumalik sa siyudad.Nilapitan ni Katya ang limang taong gulang na anak. "Of course baby. Ang cute cute mo kaya. Siguradong madami ang gustong makipagkaibigan. sa iyo," aniya at marahan pa na pinisil ang tungki ng ilong nito.Sobrang gwapo ng anak niya. Abo ang kulay ng mga mata nito at sobrang tangos din ng ilong. Doon niya natanto na magandang lalaki ang ama nito. Bahagya pa siyang nagtatampo noon dahil wala man lang nakuhang pisikal na katangian ang anak sa kanya ni isa. Magaling din itong magsa

    Last Updated : 2023-04-27
  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 7

    Malaki ang ngiti ni Katya matapos ang interview niya. Nasabihan na rin siya na nakuha na siya sa trabaho at magsisimula na rin agad siya kinabukasan. Pagkatapos nun ay nagkaroon ng kaunting briefing sa kanila na mga baguhan na empleyado. Pinagpili pa sila kung day o night shift ba ang gusto nila. Mas malaki man ang sahod sa night shift pero pinili pa rin ni Katya ang day shift para mabantayan ang kanyang anak."Yey! Ang sarap nitong cake, Mommy!" masaya na wika ni Connor habang nilalantakam ang cake na binili niya pauwi. Naisipan lang niya na bumili para ipagdiwang kahit papaano ang mga masasayang nangyari sa kanila nitong mga nakaraang araw."Tama na iyang nasa plato mo, Con. Hindi pwede sa iyo ang kumain ng madaming matatamis. Bukas na lang itong iba, okay? Babaunin mo na lang sa school.""Yes po."Nangalumbaba si Katya at pinagmasdan ang anak na kumakain. Hindi naging madali ang pagiging single parent niya pero nakatulong ng malaki ang pera na nakuha niya noon. Hindi na siya nak

    Last Updated : 2023-04-28
  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 8

    Sa sunod na araw ay iba na nga ang head waitress nila na ayon sa bali-balita ay si Mr. Del Valle rin daw mismo ang pumili."Mabuti naman. Dapat ay noon pa talaga tinanggal ang bruha na iyon. Kung makapagsalita ay parang siya ang boss. Ni ang mga boss natin ay hindi ganun ang mga pananalita at ang babait pa," sansala ni Raffy. Medyo may katagalan na rin itong nagtatrabaho dito sa restaurant."Ewan ko ba kung bakit nakalusot iyon dito. Ayaw pa naman ng mga Del Valle ang mga ganung klaseng pag-uugali.""Ang sabihin mo ay swerte itong si Katya at napadaan si Sir Dallas dito. Kung hindi ay malamang na napatalsik na siya ni Mrs. Santos dito."Break nila kaya nasa quarters sila at nagmemeryenda. Pinag-uusapan din ng kanyang mga kasamahan ang nangyari noong nakaraang araw.Ayon sa mga ito ay mababait daw ang pamilya ng mga Del Valle sa mga mahihirap at naaapi pero mabagsik sa mga taong walang konsensya.Mabait si Mrs. Lopez, ang bagong head waitress nila. Nasa mid forty na ito pero mas bata

    Last Updated : 2023-04-29
  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 9

    Sa isang coffee shop napadpad ang dalawa. Hindi man ito kalayuan sa restaurant pero sapat na ang distansya upang makapag-usap silang dalawa ng masinsinan."What do you want to drink?" tanong ng binata kay Katya pagkaupo nila."Wala.""Two cappuccino please," ngiti nito sa waiter.Pinanuod lang ni Katya ang lalaki. Nakakamangha talaga na wala man lang itong ipinapakita ni isang pagkabahala. Naguguluhan talaga siya sa mga pangyayari noon ngunit isa lang ang sigurado niya, hindi ito ang ama ng anak niya pero may koneksyon ang mga ito sa isa't-isa. Nang umalis na ang waiter ay hinarap siya ng lalaki at nagpakilala. "My name is Kaiser.""I'm Katy—""I already know years ago," pagpuputol nito sa sinasabi niya.Itinikom ni Katya ang kanyang bibig at seryoso itong tinitigan. "May alam ka ba sa nangyari sa akin noon? Sa... pagkakakidnap at pagkakagahasa ko?" tanong niya sa mababang boses.Matagal na iyon at nalimot na niya. Pero ngayon na nakita niya ulit ito ay hindi niya mapigilan ang saril

    Last Updated : 2023-05-02
  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 10

    "Tumawag kanina si Ross. Nag-aayaya na gumimik," imporma ni Gio kay Kaiser habang nasa gym ang mga ito."I'll pass for now. Alam mo naman na hindi pwede sa akin ang uminom ng madaming alak."Tumawa siya sa sinabi nito. "Hindi lang naman alak ang meron sa club ah."Sinamaan siya ng tingin ni pinsan. "Pwede ba? Huwag mo akong itulad sa inyo na mga babaero.""Hindi naman ako babaero ah.""Hindi nga ba? Sandali nga, tinigilan mo na ba sa kasusunod si Miss Chua?" naniningkit ang mga mata na tanong ni Kaiser.Hindi agad nakasagot si Gio lalo na nang muling naalala ang nakitang reaksyon ng dalaga sa regalo na gusto niyang ibigay dito. Wala naman siyang masamang intensyon pero mukhang natakot niya ito. Hindi naman ganun kamahal ang kwintas na iyon."Giovanni my brother!" Inakbayan siya ni Rossi at dinala sa VIP table nila ng barkada. May tama na ang mga ito at si Paxton lang ang tangi pa na matino. Kababalik lang ng mga ito galing sa Sicily nitong umaga."Nasaan si Kaiser? Bakit hindi mo siy

    Last Updated : 2023-05-03
  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 11

    Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan nila Katya at Kaiser matapos maikwento lahat ng binata ang mga pangyayari noon."Alam mo rin bang may anak ako sa kanya?" ani Katya sa mga nanginginig na mga labi."Yeah. I know. Naalala mo ba ang mga pangyayari noon doon sa palengke sa probinsya na pinuntahan mo? Naalala mo pa ba ang pera na nailagay noon sa bag mo?"At paano naman niya makakalimutan ang pangyayari na iyon? Kahit na ilang taon pa ang magdaan ay hindi niya iyon kailan man mawawala sa kanyang isipan. Tiningnan niya saglit si Kaiser at nanlaki ang kanyang mga mata nang may mapagtanto. "I-Ikaw ba ang naglagay ng pera sa bag ko?" bulalas niya.Kalmadong tumango ang binata. "Since that day, I felt responsible for what my cousin did. Kaya lagi kitang pinapabantayan lalo na nang malaman ko na buntis ka. I want to make sure that you are okay and the child that you are carrying that time. Gusto ko sanang magpakilala sa iyo noon pero nag-aalala ako na baka matakot kita at makasama

    Last Updated : 2023-05-04
  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 12

    Matapos nang pag-uusap nila Katya at Kaiser ay sinubukan niya na hindi na magtagpo muli ang landas nilang dalawa ni Gio. Mahigpit din niyang pinagbawalan ang anak na huwag na ulit na makikipagkita pa muli dito. Sapat na na nalaman niya ang lahat. Payapa na ang buhay nila at ayaw na magulo pa ito dahil sa binata.Ganun man ang plano ni Katya pero iba pa rin talaga maglaro ang tadhana."Katya, pwede bang ikaw na muna ang kumuha ng order doon sa table two?" ani Nora.Tumingin siya sa mga bagong dating na customer at napabuntong hininga na lumapit doon.Nitong mga nakaraang araw lang niya nalaman na regular customer pala ng restaurant si Gio. Ginawa na niya ang lahat upang hindi siya nito makita pero wala na siyang takas ngayon."May I take your order, Ma'am and Sir?" napipilitan niyang ngiti. Ayaw niya sanang ngumiti pero parte iyon ng trabaho niya.Matamis na ngumiti sa kanya ang girlfriend ni Gio. Oo, may nobya na ito at base na rin sa nakalap niyang impormasyon sa kanyang mga katrabah

    Last Updated : 2023-05-05

Latest chapter

  • My Son's Father Has Amnesia    Epilogue

    "Dada.. kuya Connor is making fun of me."Inalalayan ni Gio ang bunsong anak nang umamba itong maglalambitin sa leeg niya. Umupo ito sa hita niya na naluluha ang mga mata. Isinara na muna niya ang laptop at itinigil ang ginagawa upang bigyan ng atensyon si Conrad, ang apat na taong gulang na anak nila ni Katya."What did your kuya Connor do this time?" tanong niya habang pinupunasan ang mga mata nito."He said that I'm small and weak and ugly and crybaby," simangot nito.Bahagya siyang natawa. "Why? What did you do this time?""Nothing, dada! He's just jealous! His friend call me cute and handsome and kuya Connor got pissed.""Si Apple ba?""Yes, dada."Nasapo ni Gio ang kanyang noo. Mukhang lumalaking playboy ang anak nila. Nagulat silang lahat isang araw nang umuwi ito galing sa tournament nito na may kasamang babae. Ang sabi nito ay kaibigan lang daw nito ito. Lagi naman niyang kinakausap ang anak tungkol sa mga bagay na iyon. Nagbibinata na si Connor at ang napansin nilang mag-as

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 40

    Two days before the wedding...."Bakit hindi ka pa nakapagpalit? Darating na si kuya Jay upang sunduin ka ah," ani Katya nang maabutan ang anak sa kusina na nakapambahay pa."Just a moment, mom. Ihahanda ko lang ang mga itong mga 'to para kay Tita Shannon," sagot naman ng anak niya.Tiningnan ni Katya ang ginagawa ni Connor. Inilalagay nito sa cute na box ang ilan sa mga cream puffs na ginawa nila kahapon. Si Connor ang nag-request na gumawa sila dahil nakita niya raw iyon na baon sa isa sa mga kaklase nito. Umupo siya sa katabi nitong silya at pinanuod ang ginagawa nito."Bibigyan mo si Tita Shannon mo?" "Yes, mommy. She's so nice. I like her so much. Even though daddy is not marrying you, I'm happy that he's marrying Tita Shannon instead. I'm a bit sad but I'm happy for them too," anito habang seryoso ito sa ginagawa.Lumamlam ang mga mata niya sa sinabi ng anak. Itong araw na na ito ang huling rehearsals para sa kasal. Ring bearer si Connor. Binigyan din siya ni Shannon ng invitat

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 39

    Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang tangkang pagdukot kay Katya. Kasalukuyan ngayon na nasa kulungan ang kanyang mga magulang at noong gabing din iyon ay nahuli na si Mister Lim at ng mga alipores nito. Nang kinuha ng mga pulis ang mag-asawa ay ibinunyag na lahat ni Alan ang mga nalalaman sa grupong kinabibilangan, sa mga illegal na operasyon, mga importanteng impormasyon maging sa kung saan nagtatago ang matanda. Iniisip ni Alan na kung makukulong sila ay mas mabuting damay damay na ang lahat. Ito na rin ang magandang pagkakataon upang hulihin ang matandang iyon.Guminhawa ng lubusan ang pakiramdam ni Katya dahil may maganda pa lang kahihinatnan ang insidenteng iyon. Sa ngayon ay hindi pa niya kayang harapin ang mga magulang."Mommy, are sure that you'll be fine here alone? Pwede naman akong hindi pumasok ng school at bantayan ko na lang kayo."Nakabihis na si Connor at nakahanda nang pumasok pero ayaw nitong iwan ang ina na mag-isa sa bahay."Oo nga," natatawa n

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 38

    "Stay here, Shan. Ako na ang bahala. Hindi natin alam kung sino ang mga kalaban na dumukot kay Katya," ani Gio habang mabibilis ang mga lakad nila papunta kung saan naka-park ang kanilang sasakyan."That's enough reason for me to come. Mas lalong hindi mapapanatag ang loob ko kapag pumunta kang mag-isa. Ayaw kong tutunganga na lang ako sa kwarto at maghintay kung alam kong meron naman akong maitutulong," sagot naman nito.Sabay silang pumasok sa sasakyan. At bago buhayin ni Gio ang makina ng sasakyan ay kinabig niya si Shannon at hinalikan ang tuktok ng ulo."Thank you. Just don't do careless things again," aniya at pinatakbo na ang sasakyan.Wala siyang duda sa kakayahan ni Shannon. Matagal na niyang kasama ang kasintahan sa trabaho kaya alam niya kung ano ang kaya nitong gawin. She's not the typical girl that you will just find easily, the reason why he fell in love so hard. She has an unwavering faith, strong willed and do things without an ounce of hesitation. It's just that... h

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 37

    Dahan-dahan na isinara ni Katya ang pintuan ng kanilang kwarto upang hindi magising ang natutulog niyang anak. Hindi rin naman siya dalawin ng antok kaya nagpasya na muna siyang lumabas.Halos hating gabi na rin kaya iilan na lang ang mga nasa labas."Kumusta besh ang bakasyon? Madami bang mgahot fafa diyan?" ani Juliet. Nang nakitang online ito ay agad niya itong vinideo call. Hindi na siya nagtataka na gising pa ito. Mula pa kasi noon ay laging itong late kung matulog at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nito ang habit na iyon. At kung hindi siya nagkakamali ay nanunuod na naman ito ng K-drama. Ito kasi ang kina-aadikan ng kaibigan simula noong kolehiyo sila.Ngumisi si Katya. "Madami. Sayang nga at wala ka dito," aniya upang sabayan ang kaibigan.Tumili ito at nagpagulong-gulong sa kama. "Stop. Tumigil ka na, Katya. Huwag mo na akong inggitin pa."Tumawa siya at nagpatuloy sa paglalakad sa gilid ng dagat. Lumanghap siya ng preskong hangin. Masarap talaga sa balat ang malamig n

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 36

    Mariin na nakatikom ang mga labi ni Katya habang hinahayaan niya na tangayin siya ni Gio sa kung saan man nito gustong pumunta. Pareho silang walang imik at mabibigat ang mga bawat yapak. At kahit na walang magsalita ni isa sa kanila ay ramdam ang mainit na tensyon sa pagitan nila. Hindi na nga dapat siya hinihila ni Gio eh dahil maski siya ay gusto niya itong makausap!Napadpad silang dalawa sa maliit na garden sa likod ng katabi ng hotel na tinutuluyan nila. Walang katao-tao doon bukod sa kanila ng binata. Nang binitawan siya ni Gio ay agad siya nitong hinarap. "Seriously, Katya? In broad daylight? Akala ko ba ay langoy lang ang pakay mo? Kung ganun ay bakit may kalandian kang lalaki?"Dahil sa sinabi nito ay sumabog na rin ang galit na kanina pa niya tinitimpi. Naningkit ang mga mata niya at dinuro pa ito."Ano ba ang pinagpuputok ng butsi mo ha, Gio? Kanina ka pa ah! Nakakapikon ka na! Tapos heto ka na naman at pinagbibintangan mo akong nakikipaglandian?"Nagtiim bagang ito pero

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 35

    Makalipas ang ilang sisid ay nagpasya nang umahon sa dagat si Katya upang uminom sandali. Meron kasi siyang nakita kanina habang lumalangoy siya na nagtitinda ng fresh buko juice. Ang kasama naman niyang si ma'am Venus ay nasa lounging chair at may kausap sa cellphone.Nagpunas muna siya ng basang katawan at kumuha ng pera bago lumapit sa nagtitinda. Medyo may kahabaan ang pila kaya natagalan din siyang nakatayo. Habang naghihintay ay pasimple naman niyang inaayos ang suot niyang swimsuit. Naiilang talaga siya ng todo. At dahil basa siya, pakiramdam niya ay lalong nahubog ang bawat kurba ng kanyang katawan.Lingid sa kaalaman ni Katya ay may isang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya mula sa 'di kalayuan."Hold my beer. Bibili lang ako ng buko juice."Nalilito naman na tumingin dito ang kasama. "Buko juice? I thought you hate buko juice? Bakit ka iinom kung ganun?""Just shut up and hold my beer for me," wika ng lalaki at naglakad palapit sa maliit na kumpol ng nagtitinda ng buko

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 34

    Dali-daling bumaba ng hotel si Katya nang makatanggap ng tawag na nahulog daw sa swimming pool ang anak niya. Hindi na niya isinama ang anak kanina dahil panatag ang loob niya na iwan ito dahil kasama naman nito ang ama nito. Mali siguro na ipagkatiwala niya dito si Connor. Ano ba ang ginagawa ni Gio at pinabayaan ang anak nila?Ngunit pagdating niya doon ay wala siyang makitang pamilyar na mga mukha kaya nagtanong na siya sa mga employee doon."Excuse me sir. Nakita niyo po ba yung batang nahulog dito sa swimming pool? Ako po yung nanay niya.""Ah. Dinala na po sa clinic," anito sabay turo sa banda kung nasaan ang clinic. "Huwag po kayong mag-alala ma'am dahil wala namang masamang nangyari sa anak niyo. Wala pa nga atang sampong segundo nang tumalon ang asawa niyo upang iligtas ito."Itinikom ni Katya ang bibig. Aba'y dapat lang na gawin ni Gio iyon dahil ito ang nagbabantay sa kanilang anak. "Hindi ko siya asawa," pagtatama niya dito. Mahirap na kapag may kumalat na hindi tamang ba

  • My Son's Father Has Amnesia    Chapter 33

    "Con, busy ang Tita Shannon mo. At tingnan mo naman ang suot ko, nakakahiya naman na magpa-picture na ganito ang ayos ko," sita niya sa anak dahil kitang-kita niya ang reaksyon ni Shannon kanina. Siya tuloy ang nahihiya na ginawa pa itong photographer ng anak niya."That's fine, mommy! You are still pretty!" maktol naman ng anak."Okay ka lang?"Binalingan ni Katya si Gio nang marinig itong magsalita. Nasa tabi na ito ni Shannon at tinitingnan kung may problema ba ang dalaga."I-I'm fine. Bigla lang na sumama ang pakiramdam ko.""Gusto mo bang bumalik na lang tayo sa hotel?" suhestiyon ni Gio."No. Kaya ko ito. Hindi naman gaanong kalala.""Sigurado ka? You shouldn't force yourself kung hindi mo kaya," ani Gio na puno ng pag-aalala. Sobrang lambing din ng boses nito.Nag-iwas naman ng tingin si Katya sa dalawa. Biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung para saan iyon."I'm sorry, Tita Shannon. Hindi ko alam na masama pala ang pakiramdam mo," nakokonsensya naman na singit n

DMCA.com Protection Status